Araw-araw na mga Salita ng Diyos: Pagkilala sa Gawain ng Diyos | Sipi 153

Agosto 8, 2020

Kung ihahambing sa mga nakalipas na kapanahunan, ang gawain ng Diyos sa Kapanahunan ng Kaharian ay mas praktikal, mas nakatuon sa diwa ng tao at sa mga pagbabago sa kanyang disposisyon, at mas nakapagpapatotoo sa Diyos Mismo para sa lahat ng mga sumusunod sa Kanya. Sa madaling salita, sa Kapanahunan ng Kaharian, habang Siya ay gumagawa, mas ipinamamalas ng Diyos ang Sarili Niya sa tao kaysa sa ibang panahon sa nakalipas, nangangahulugan na ang mga pangitain na nararapat malaman ng tao ay mas mataas kaysa sa anumang nakalipas na kapanahunan. Dahil ang gawain ng Diyos sa gitna ng tao ay nakapasok sa panibagong larangan sa kauna-unahang pagkakataon, ang mga pangitain na nalalaman ng tao sa Kapanahunan ng Kaharian ay ang pinakamataas sa lahat ng mga gawaing pamamahala. Ang gawain ng Diyos ay nakapasok sa panibagong larangan sa kauna-unahang pagkakataon, kaya’t ang mga pangitain na malalaman ng tao ay nagiging ang pinakamataas sa lahat ng mga pangitain, at ang naibubungang pagsasagawa ng tao ay mas mataas din kaysa sa anumang nakalipas na kapanahunan, dahil ang pagsasagawa ng tao ay nagbabago kasabay ng pagbabago sa mga pangitain, at ang kasakdalan ng mga pangitain ay nagiging tanda rin ng kasakdalan ng mga kinakailangan sa tao. Sa sandaling ang lahat ng pamamahala ng Diyos ay huminto, gayundin, hihinto ang pagsasagawa ng tao, at kung wala ang gawain ng Diyos, walang magagawa ang tao kundi ang manatili sa mga katuruang nakalipas, kung hindi ay wala na silang mababalingan. Kung walang mga bagong pangitain, walang magiging bagong pagsasagawa ang tao; kung walang ganap na mga pangitain, walang magiging perpektong pagsasagawa ang tao; kung walang mas mataas na mga pangitain, walang magiging mas mataas na pagsasagawa ang tao. Ang pagsasagawa ng tao ay nagbabago ayon sa mga hakbang ng Diyos, at, gayundin, ang kaalaman at karanasan ng tao ay nagbabago rin ayon sa gawain ng Diyos. Kahit gaano kahusay ang tao, hindi pa rin siya maihihiwalay mula sa Diyos, at kung hihinto sa paggawa ang Diyos kahit sa isang saglit, mabilis na mamamatay ang tao mula sa Kanyang galit. Walang maipagyayabang ang tao, dahil gaano man kataas ang kaalaman ng tao ngayon, kahit gaano kalalim ang kanyang mga karanasan, hindi siya maihihiwalay mula sa gawain ng Diyos—dahil ang pagsasagawa ng tao, at yaong dapat niyang hanapin sa kanyang paniniwala sa Diyos, ay hindi maihihiwalay mula sa mga pangitain. Sa bawa’t pagkakataon ng gawain ng Diyos ay naroon ang mga pangitain na kailangang malaman ng tao, mga pangitain na sinusundan ng mga angkop na kinakailangan ng Diyos sa tao. Kung wala ang mga pangitaing ito bilang saligan, hindi kayang magsagawa ng tao, o makakayang lubos na sumunod sa Diyos. Kung hindi kilala ng tao ang Diyos at hindi nauunawaan ang Kanyang kalooban, lahat ng ginagawa ng tao ay walang kabuluhan, at walang kakayahang sang-ayunan ng Diyos. Kahit gaano kasagana ang mga kaloob sa tao, hindi pa rin siya maihihiwalay mula sa gawain at sa patnubay ng Diyos. Kahit gaano kabuti o karami ang mga pagkilos ng tao, hindi pa rin mapapalitan ng mga ito ang gawain ng Diyos. Kaya, hindi maihihiwalay ang pagsasagawa ng tao mula sa mga pangitain kahit ano pa man ang mga kalagayan. Ang mga hindi tumatanggap sa mga bagong pangitain ay walang bagong pagsasagawa. Ang kanilang pagsasagawa ay walang kaugnayan sa katotohanan dahil sila ay sumusunod sa mga doktrina at nananatili sa walang-buhay na batas; wala silang mga bagong pangitain kahit kailan, at bilang kinalabasan, wala silang isinasagawa sa bagong kapanahunan. Naiwala nila ang mga pangitain, at dahil dito, naiwala rin nila ang gawain ng Banal na Espiritu, at naiwala ang katotohanan. Yaong mga walang katotohanan ay ang mga anak ng kahangalan, at sila ang pagsasakatawan ni Satanas. Kahit na anong uri ang isang tao, hindi maaaring wala silang pangitain sa gawain ng Diyos, at hindi sila maaaring mawalan ng presensiya ng Banal na Espiritu; sa sandaling maiwala ng isa ang mga pangitain, sila ay kaagad bubulusok sa Hades at mamumuhay sa gitna ng kadiliman. Ang mga taong walang pangitain ay yaong mga sumusunod sa Diyos nang may kahangalan, sila yaong mga salat sa gawain ng Banal na Espiritu, at sila ay namumuhay sa impiyerno. Ang ganoong mga tao ay hindi naghahabol ng katotohanan, at ibinibitin ang pangalan ng Diyos na tila isang karatula. Yaong mga hindi nakakaalam ng gawain ng Banal na Espiritu, na hindi nakakakilala sa Diyos na nagkatawang-tao, na hindi nakakaalam sa tatlong yugto ng gawain sa kabuuan ng pamamahala ng Diyos—hindi nila alam ang mga pangitain, kaya’t sila ay walang katotohanan. Hindi ba’t yaong mga walang angking katotohanan ay mga tagagawa lahat ng kasamaan? Yaong mga handang magsagawa ng katotohanan, na handang hanapin ang pagkakilala sa Diyos, at mga tunay na nakikipagtulungan sa Diyos ay mga taong ginagamit ang mga pangitain bilang saligan. Sila ay sinang-ayunan ng Diyos dahil sila ay nakikipagtulungan sa Diyos, at ang pakikipagtulungang ito ang dapat isagawa ng tao.

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Gawain ng Diyos at ang Pagsasagawa ng Tao

Tingnan ang iba pa

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Leave a Reply

I-share

Kanselahin