Araw-araw na mga Salita ng Diyos: Pagkilala sa Gawain ng Diyos | Sipi 144

Hulyo 15, 2020

Sa kasalukuyan, dapat maging malinaw sa inyong lahat na, sa mga huling araw, ito ang pangunahing katotohanan ng “ang Salita ay nagiging katawang-tao” na isinasakatuparan ng Diyos. Sa pamamagitan ng Kanyang aktwal na gawain sa daigdig, pinahihintulutan Niya ang tao upang makilala Siya, at upang makiisa sa Kanya, at upang makita ang Kanya mismong mga gawa. Pinahihintulutan Niya ang tao na makita nang malinaw na kaya Niyang magpakita ng mga tanda at kababalaghan at may mga panahon din na hindi Niya kayang gumawa ng mga ito, at ito ay nababatay sa kapanahunan. Mula rito, maaari mong makita na ang Diyos ay hindi hindi-kayang magpakita ng mga tanda at kababalaghan, bagkus ay binabago ang Kanyang paggawa ayon sa Kanyang gawain, at ayon sa kapanahunan. Sa kasalukuyang yugto ng gawain, hindi Siya nagpapakita ng mga tanda at kababalaghan; na kaya Siya ay nagpakita ng ilang mga tanda at kababalaghan sa kapanahunan ni Jesus ay dahil sa kakaiba ang gawain Niya nang panahong iyon. Hindi na ginagawa ng Diyos ang gawaing iyon ngayon, at ang ilang tao ay naniniwala na wala Siyang kakayahang magpakita ng mga tanda at kababalaghan, o di kaya naman ay iniisip nila na kung hindi Siya nagpapakita ng mga tanda at kababalaghan, ay hindi Siya Diyos. Hindi ba iyon isang kamalian? Ang Diyos ay kayang magpakita ng mga tanda at kababalaghan, nguni’t Siya ay kumikilos sa ibang kapanahunan, kaya naman hindi Siya gumagawa ng nasabing gawain. Dahil ito ay sa ibang kapanahunan, at dahil ito ay ibang yugto ng gawain ng Diyos, maging ang mga gawang ginawang payak ng Diyos ay kakaiba rin. Ang paniniwala ng tao sa Diyos ay hindi ang paniniwala sa mga tanda at kababalaghan, ni hindi ang paniniwala sa mga milagro, bagkus ang paniniwala sa Kanyang tunay na gawain sa bagong kapanahunan. Nakikilala ng tao ang Diyos sa pamamagitan ng pamamaraan nang paggawa ng Diyos, at ang pagkakilalang ito ang nagbubunga sa tao ng paniniwala sa Diyos, na ang ibig sabihin, ang pananampalataya sa gawain at mga gawa ng Diyos. Sa yugtong ito ng gawain, ang Diyos ang pangunahing nagsasalita. Huwag kang maghintay na makakita ng mga tanda at kababalaghan; hindi mo makikita ang mga ito! Dahil hindi ka ipinanganak noong Kapanahunan ng Biyaya. Kung ikaw nga ay ipinanganak noon, nakakita ka sana ng mga tanda at kababalaghan, nguni’t ikaw ay ipinanganak nitong mga huling araw, at dahil dito ay maaari mo lamang makita ang pagiging-tunay at pagiging-karaniwan ng Diyos. Huwag umasa na makita ang higit-sa-karaniwang Jesus nitong mga huling araw. Ang makikita mo lamang ay ang praktikal na Diyos na nagkatawang-tao, na hindi kaiba mula sa sinumang ordinaryong tao. Sa bawa’t kapanahunan, ginagawang malinaw ng Diyos ang mga iba’t-ibang gawa. Sa bawa’t kapanahunan, ginagawa Niyang payak ang ilang bahagi ng mga gawa ng Diyos, at ang gawain ng bawa’t kapanahunan ay kumakatawan sa isang bahagi ng disposisyon ng Diyos, at kumakatawan sa isang bahagi ng mga gawa ng Diyos. Ang mga gawang Kanyang ginagawang payak ay magkakaiba ayon sa kapanahunan kung kailan Siya ay kumikilos, nguni’t lahat ng mga iyon ay nagsasanhi sa tao ng pagkakilala sa Diyos na mas malalim, isang paniniwala sa Diyos na mas mapagkumbaba, at mas totoo. Naniniwala ang tao sa Diyos dahil sa lahat ng gawa ng Diyos, at dahil ang Diyos ay labis na kamangha-mangha, labis na dakila, dahil Siya ay Makapangyarihan-sa-lahat, at hindi maarok. Kung naniniwala ka sa Diyos dahil kaya Niyang magpakita ng mga tanda at kababalaghan at kayang magpagaling at magpalayas ng mga demonyo, kung gayon ang iyong pananaw ay mali, at ang ilang tao ay magsasabi sa iyo, “Hindi ba ang mga masasamang espiritu ay kaya ring gawin ang mga bagay na iyon?” Hindi ba ito upang mapagkamalan ang imahe ng Diyos sa imahe ni Satanas? Sa kasalukuyan, ang paniniwala ng tao sa Diyos ay dahil sa Kanyang maraming mga gawa at dahil sa maraming kaparaanan kung saan Siya ay gumagawa at nagwiwika. Ginagamit ng Diyos ang Kanyang mga pagbigkas upang lupigin ang tao at gawin siyang perpekto. Naniniwala ang tao sa Diyos dahil sa Kanyang maraming mga gawa, hindi dahil kaya Niyang magpakita ng mga tanda at mga kababalaghan, at nauunawan lamang Siya ng tao dahil nakikita nila ang Kanyang mga gawa. Sa pamamagitan lamang ng pagkakaalam ng mga aktwal na gawa ng Diyos, kung paano Siya gumagawa, ang matalinong mga pamamaraan na Kanyang ginagamit, paano Siya nagwiwika, at kung paano Niya ginagawang perpekto ang tao—sa pamamagitan lamang ng pagkakaalam ng mga aspetong ito—saka mo maaabot ang pagiging-tunay ng Diyos at maiintindihan ang Kanyang disposisyon. Kung ano ang Kanyang nais, kung ano ang Kanyang kinasusuklaman, kung paano Siya gumagawa sa tao—sa pamamagitan ng pagkaunawa sa mga nais at hindi-nais ng Diyos, maaari mong pag-ibahin kung alin ang positibo at negatibo, at sa pamamagitan ng iyong pagkakilala sa Diyos ay mayroong pag-unlad sa iyong buhay. Sa madaling salita, kailangan mong magkaroon ng pagkakilala sa gawa ng Diyos, at dapat mong ituwid ang iyong mga pananaw tungkol sa paniniwala sa Diyos.

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Pag-alam sa Gawain ng Diyos Ngayon

Tingnan ang iba pa

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Leave a Reply

I-share

Kanselahin