Chat Room ng Ebanghelyo ng Kaharian, Ep. 16: Isang Tampok na Panayam kay Dr. Linda Callaghan, isang Amerikanang Psychiatrist
Oktubre 28, 2026
Isang beteranang psychiatrist si Dr. Linda Callaghan na may mahigit 50 taon ng klinikal na karanasan. Sa paglipas ng mga dekada, inasikaso at ginamot niya ang napakaraming pasyenteng nakaranas ng seksuwal na pang-aabuso bilang bata, seksuwal na pag-atake, at matinding sikolohikal na trauma, at ginugol niya ang maraming taon sa pagtutok sa malalim at pangmatagalang epekto ng ganitong pinsala sa mga biktima. Nakapag-publish siya ng isang aklat tungkol sa seksuwal na pang-aabuso sa bata at trauma, at umani ng malaking atensyon ang kanyang pananaliksik at mga pananaw. Naimbitahan din siyang lumabas sa malalaking network sa US tulad ng CNN at NBC para ibahagi ang kanyang propesyonal na pananaw tungkol sa mga sex crime, seksuwal na pang-aabuso sa bata, at mental health. Sa maraming taon niya sa klinikal na praktis, nakita niya ang malalim at panghabambuhay na sugat na dala-dala ng mga biktima, na nagtulak sa kanya para mas tumuon pa sa pagtulong sa kanila na gumaling at makabangon. Pero bukod sa medikal na karera niya, nakaranas si Dr. Linda ng matinding kalituhan sa sarili niyang pananalig. Sa loob ng maraming taon, taimtim siyang nakibahagi sa lahat ng uri ng mga ritwal ng Katoliko, pero hindi siya kailanman nakawala sa gapos ng makasalanan niyang kalikasan, na nag-iwan sa kanya ng malalalim na tanong tungkol sa mga paniniwala niya. Kaya, paano siya nakaahon sa wakas mula sa kalituhang iyon para makahanap ng panloob na kapayapaan at pag-asa? Paano siya nagkaroon ng bagong pagkaunawa sa pananalig at nakahanap ng bagong direksyon sa buhay? Sa episode na ito ng Chat Room ng Ebanghelyo ng Kaharian, pakikinggan natin ang pagbabahagi ni Dr. Linda Callaghan ng mga totoong kuwento mula sa pagiging psychiatrist niya, ang malawak niyang karanasan sa paggamot ng mga biktima ng seksuwal na pang-aabuso at trauma, at kung paano siya nakaahon mula sa espirituwal na kalituhan para makahanap ng tunay na kapayapaan at pag-asa sa huling kabanata ng buhay niya.
00:28 50 Taon sa Psychiatry: Ang Paglalakbay ni Linda Callaghan
09:42 Ang Panghabambuhay na mga Sugat ng Seksuwal na Pang-aabuso sa Bata
14:39 Kung Paano Minamanipula at Inaabuso ng Klero ang mga Mananampalataya
20:57 Panghabambuhay Ba ang Trauma ng Seksuwal na Pang-aabuso?
29:27 Paano Nabubunyag sa Wakas ang mga Kaso ng Seksuwal na Pang-aabuso ng Klero?
31:53 Ang Muling Pagtayo Matapos Maparalisa: Ang Mahimala Kong Karanasan
39:44 Araw-araw Akong Nagrorosaryo at Dumadalo sa Misa—Pero Bakit Lalo Akong Nakakaramdam ng Kahungkagan?
49:22 Hinawi ng Liwanag ng Katotohanan ang Hamog sa Puso Ko
01:01:15 Pagkatapos ng Isang Buwan ng Pagsisiyasat, Nakilala Ko ang Tinig ng Panginoon
01:09:59 Hindi Na Ako Humihingi sa Diyos at Sinsero Na Lang Akong Sumusunod sa Kanya
01:18:02 Habang Nilalabanan ng Asawa Ko ang Late-Stage Cancer, Paano Namin Hinarap ang Kamatayan?
01:27:17 Isang Pangako Bago Pumanaw: Ang Taos-pusong Pananampalataya sa Diyos sa Kabilang Buhay
01:32:07 Ano ang Pinagkaiba ng Pananampalataya sa Relihiyon at Pananampalataya sa Diyos?
01:50:57 Bakit Pakiramdam Ko ay Napakalayo ng Diyos sa Akin sa Katolisismo?
01:57:16 Ibinabahagi ang Pagmamahal ng Diyos sa Huling Kabanata ng Buhay Ko
Iba pang mga Uri ng Video