Christian Dance | "Napakagalak na Maging Taong Tapat" | Praise Song
Pebrero 8, 2025
I
Ang pag-unawa sa katotohana'y nagpapalaya sa aking espiritu't nagbibigay saya sa akin.
Ako'y puno ng pananampalataya sa salita ng Diyos
at walang kinikimkim na mga alinlangan.
Wala akong pagiging negatibo,
hindi ako umuurong, at hindi nawawalan ng pag-asa kailanman.
Matapat kong ginagampanan ang aking tungkulin
at hindi ako napipigilan ng laman.
Bagama't mababa ang aking kakayahan, ako'y may pusong tapat.
Kumikilos ako ayon sa prinsipyo sa lahat ng bagay
at tinutugunan ko ang mga layunin ng Diyos.
Isinasagawa ko ang katotohanan, nagpapasakop sa Diyos,
at nagsisikap na maging taong tapat.
Ako'y bukas at matuwid, walang panlilinlang, namumuhay sa liwanag.
Matatapat na tao, halikayo madali, mag-usap tayo, puso sa puso.
Lahat ng mga taong umiibig sa Diyos,
halikayo't magsama-sama bilang mabubuting magkaibigan.
Lahat ng mga taong umiibig sa katotohana'y magkakapatid.
O maliligayang tao, halikayo umawit at umindak sa papuri sa Diyos.
Napakagalak na maging taong tapat.
II
Ang pagkain at pag-inom ng mga salita ng Diyos
at pagbabahagi sa katotohanan ay nagpapasaya sa akin.
Ang madalas na pagdarasal at pakikipagniig sa Diyos ay nagdadala sa akin
ng walang katulad na kasiyahan.
Ang pag-unawa sa katotohanan
ay nagkaloob sa akin ng isang landas ng pagsasagawa,
at hindi na ako napipigilan.
Ang pagtanggal sa lahat ng pagkakasangkot ng laman ay dulot ng biyaya ng Diyos.
Tunay akong pinagpala na mamuhay sa loob ng mga salita ng Diyos
at makasama Siya sa aking tabi.
Ang pagmamahal sa isa't isa at magkasundong pakikipag-ugnayan
ay ang tunay na kaligayahan.
Sa pagsasagawa at pagdanas sa mga salita ng Diyos,
natatamasa ko ang gawain ng Banal na Espiritu.
Unti-unti akong pumapasok sa katotohanang realidad,
at ang buhay ko ay lumalago.
Matatapat na tao, halikayo madali, mag-usap tayo, puso sa puso.
Lahat ng mga taong umiibig sa Diyos,
halikayo't magsama-sama bilang mabubuting magkaibigan.
Lahat ng mga taong umiibig sa katotohana'y magkakapatid.
O maliligayang tao, halikayo umawit at umindak sa papuri sa Diyos.
mula sa Sundan ang Kordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin
Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.
Iba pang mga Uri ng Video