Christian Dance | "Sa Ating Karanasan, Nagawa Kong Makita ang Kahalagahan ng Salita ng Diyos" | Praise Song

Oktubre 26, 2024

I

Ipinahahayag ng Anak ng tao ang katotohanan at pumarito Siya sa piling ng mga tao.

Naririnig ng mga tupa ng Diyos ang Kanyang tinig at nagbabalik sa harap Niya.

Kumakain, umiinom, at nagsasaya tayo sa salita ng Diyos

at dumadalo tayo sa piging ng Tupa.

Ni sa panaginip ay hindi ko inakalang makikita ko ang mukha ng tunay na Diyos.

Araw-araw, kumakain at umiinom tayo ng salita ng Diyos,

kaya nauunawaan natin ang katotohanan at nagkakamit tayo ng pagkilatis.

Sa pamamagitan ng mga kapighatian at pag-uusig,

nagagawa nating malinaw na makita ang mukha ng malaking pulang dragon.

Isinasantabi natin ang lahat para sundan ang Diyos

at ginagabayan tayo ng salita ng Diyos.

Araw-araw, nakahaharap natin ang Diyos,

at ang puso natin ay napupuno ng kagalakang mas matamis pa kaysa sa pulut-pukyutan.

Nasisiyahan ang espiritu ng mga nagugutom at nauuhaw para sa pagiging matuwid.

Ang buhay ng mga nagsasagawa ng katotohanan

sa lahat ng bagay ay tuloy-tuloy na lumalago.

Isinasakatuparan natin ang ating mga tungkulin nang may pagkamatapat

at nang sinasang-ayunan ng Diyos.

Mamahalin natin ang Diyos

at magpapatotoo tayo sa Kanya magpakailanpaman.

II

Sa pagdanas ng paghatol ng Diyos, nalilinis tayo

at natitikman natin ang pagmamahal ng Diyos.

Ang mahihigpit na salita ng Diyos na tumuturok sa aking puso

ay lahat para sa layunin ng pagliligtas sa akin.

Tanging pagkatapos maranasan ang mga ito,

saka ko nauunawaan ang maingat na mga layunin ng Diyos.

Ang magawang sundan ang Diyos ay pagpapala ng Diyos.

Dumaranas tayo ng iba't ibang uri ng kapighatian at pasakit,

at ito ay inorden ng Diyos.

Alam natin na ang Diyos ang may kataas-taasang kapangyarihan sa lahat,

at nagtatamo tayo ng pananalig at lakas.

Nabibisto natin ang mga pakana ni Satanas,

at hindi na tayo naduduwag o natatakot.

Masaya tayong hayaan ang Diyos na mamatnugot sa atin ayon sa Kanyang kagustuhan

at manindigan sa ating pagpapatotoo sa Kanya.

Tinamasa ko ang labis na pagmamahal ng Diyos,

at kung hindi ko ito susuklian, hindi ako karapat-dapat na matawag na isang tao.

Magiging matapat ako hanggang kamatayan, mamahalin ko ang Diyos,

at susundan ang Diyos hanggang wakas.

Mamahalin ko ang Diyos

at magpapatotoo ako sa Kanya magpakailanpaman.

mula sa Sundan ang Kordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin

Tingnan ang iba pa

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Leave a Reply

I-share

Kanselahin