Christian Dance | "Tunay na Nakagagalak ang Manampalataya sa Diyos" | Praise Song
Pebrero 14, 2025
Dati tayong imoral at dekadenteng henerasyon,
isang henerasyong nagpasakit sa ulo ng mga magulang
at ikinadismaya ng mga guro.
Ngayon ay nananampalataya tayo sa Diyos at sumusunod sa Diyos
at tumahak sa tamang landas sa buhay.
Nauunawaan natin ang katotohanan at tinutupad ang ating mga tungkulin,
maliwanag na nagniningning;
naging isang henerasyon tayo ng mga bagong tao na minamahal at pinagpapala ng Diyos.
I
Nagpaalam na tayo sa kahibangan ng paghahabol sa mga uso,
at lumayo sa ingay ng mga nightclub.
Hindi na tayo nag-aalala tungkol sa banidad,
o nakikipagkompetensiya sa mga kasiyahan ng laman.
Hindi na tayo gahaman sa pera, kasikatan, at pakinabang,
o hibang sa mga online na laro.
Hindi na tayo naghahabol sa mga kakatwang romansa,
at hindi na tayo sutil at walang pagpipigil.
Narinig na natin ang tinig ng Diyos
at bumalik na tayo sa harap ng Makapangyarihang Diyos.
Nilinaw ng mga salita ng Diyos ang ating isip at paningin,
at natuto na tayong matukoy ang mabuti sa masama, ang tama sa mali.
Ang mga salita ng Diyos ang naglinis sa atin;
nakalaya na tayo mula sa katiwalian ng masasamang kalakaran.
Tinanggap na natin ang mga katotohanang ipinahayag ng Diyos,
at humakbang na sa tamang landas sa buhay.
II
Bawat araw, binabasa ko ang mga salita ng Diyos
at nakikipagbahaginan ako tungkol sa katotohanan,
namumuhay sa loob ng buhay-iglesia.
Ang paghatol, pagkastigo, at pagpupungos ng mga salita ng Diyos
ay kasama ko sa aking paglago.
Bagaman ako ay lumuha, nakaramdam ng pighati, nabigo at nadapa,
ang mga salita ng Diyos ay maagap na nagbigay-liwananag at nagtanglaw sa akin,
at naunawaan ko na ang katotohanan at napalaya na.
Ang mga kapatid ay nagtitipon nang magkakasama at umaawit
at sumasayaw ng papuri sa Diyos.
Sa pamumuhay sa harap ng Diyos at puso sa pusong pakikipag-usap sa Kanya,
napupuno ng kaligayahan at tamis ang aking puso.
Sa pagiging isang matapat na taong nakalulugod sa Diyos,
ako ay inosente, masigla, at walang mga alalahanin.
Sa pagpoproklama at pagpapatotoo sa Diyos nang may iisang isipan,
ang ating puso ay natutuwa at malaya.
Nakita na natin ang Diyos nang harapan,
at naranasan ang Kanyang tunay na pagmamahal.
Naunawaan na natin kung gaano kahalaga ang katotohanan ng mga salita ng Diyos;
ang buhay natin ay may bagong layunin.
Salamat sa Makapangyarihang Diyos,
na nagkaloob sa atin ng katotohanan, daan, at buhay.
Iniligtas tayo ng Makapangyarihang Diyos;
tayo, ang batang henerasyon, ay magpupuri sa Diyos magpakailanman!
mula sa Sundan ang Kordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin
Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.
Iba pang mga Uri ng Video