Christian Dance | "Mapalad Tayong Makasalubong sa Pagdating ng Diyos" | Praise Song

Marso 19, 2025

I

Naririnig ko ang tinig ng Diyos,

at napakapalad ko na masalubong ang Kanyang pagdating.

Sa pagkain at pag-inom ng mga salita ng Diyos,

dumadalo ako sa piging ng kasalan ng Kordero.

Sa paghatol at pagpipino, nalilinis ang aking katiwalian,

nalalaman ko ang disposisyon ng Diyos, at nakikita ko ang Kanyang pagiging kaibig-ibig.

Sa paghatol, nauunawaan ko ang katotohanan

at nakikita ko kung gaano talaga katunay ang pagmamahal ng Diyos.

Hindi madaling gampanin ang kilalanin ang sarili,

at ang mga salita ng Diyos ang lumupig sa akin.

Ang mga pagsubok at pagpipino ang nagbunyag sa akin,

at ang mga layunin at pagnanais ko para sa mga pagpapala ay masyadong malakas.

Na naninindigan ako sa mga pagsubok at kapighatian

ay ganap na dahil sa paggabay ng mga salita ng Diyos.

II

Sa pagsunod sa Makapangyarihang Diyos, ang buhay kong ito ay tunay na pinagpala.

Na nagagawa kong magpatotoo sa Diyos ay ang Kanyang pagtataas.

Masyadong marami ang pagkakautang ko sa Diyos

at nais kong masuklian ang Kanyang pagmamahal.

Tinatalikuran ko ang lahat at nagpapakita ako ng katapatan sa Diyos.

Tinutupad ko nang maayos ang aking tungkulin at sinusuklian ang pagmamahal ng Diyos,

at sa gayon ay nalulugod ang puso ng Diyos at natutuwa ako.

Sino pa ba ang mas mapalad kaysa sa atin?

Ang paghahangad na mahalin ang Diyos ay pinakapinagpala.

Dahil nakamit natin ang katotohanan at buhay mula sa Diyos,

dapat tayong mamuhay para sa Kanya.

Ang isang buhay ng paghahangad na mahalin ang Diyos ay walang panghihinayang,

at mamahalin ko Siya at magpapatotoo ako sa Kanya magpakailanpaman.

mula sa Sundan ang Kordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin

Tingnan ang iba pa

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

I-share

Kanselahin