Christian Dance | "Mapalad Tayong Makasalubong sa Pagdating ng Diyos" | Praise Song

Mayo 20, 2024

I

Mapalad tayong makasalubong sa pagdating ng Diyos,

naririnig natin ang Kanyang tinig.

Mapalad tayong makasalubong sa pagdating ng Diyos,

dumadalo tayo sa piging ng Cordero.

Kilala natin ang Makapangyarihang Diyos na nagkatawang-tao;

nakikita natin mga gawa Niyang kahanga-hanga.

Nauunawaan natin ang hiwaga ng buhay ng tao,

mga salita ng Makapangyarihang Diyos ang pinakamamahal.

Nauunawaan natin ang hiwaga ng buhay ng tao,

mga salita ng Makapangyarihang Diyos ang pinakamamahal.

Kinakain at iniinom natin ang mga salita ng Diyos, at nabubuhay tayo sa Kanyang harapan,

ang maunawaan ang katotohanan ay tunay na kagalakan.

Sa paghatol ng Diyos, bagamat ito ay mapait, dumarating ang pagdadalisay.

Nakakamit natin ang katotohanan at ang daan ng buhay na walang hanggan.

Ang buhay na naghahangad mahalin ang Diyos ay walang pagsisisi.

Nakakamit natin ang katotohanan at ang daan ng buhay na walang hanggan.

Ang buhay na naghahangad mahalin ang Diyos ay walang pagsisisi.

II

Sobrang pinagpala ang buhay na ito, tayo’y nagiging mga taong nagmamahal sa Diyos.

Sobrang pinagpala ang buhay na ito, tayo’y sinasang-ayunan ng Diyos.

Ang pagtupad sa ating tungkulin, pagpapatotoo sa Diyos,

at paghahangad sa katotohanan ang pinakamakabuluhan.

Sino kaya ang mas mapalad? Sino kaya ang mas pinagpala?

Sino kaya ang mas mapalad? Sino kaya ang mas pinagpala?

Ipinagkakaloob ng Diyos sa atin ang buhay at katotohanan,

dapat tayong mabuhay para sa Diyos.

Nagkakamit tayo ng katotohanan at nagpapatotoo sa Diyos

upang suklian ang Kanyang pagmamahal.

mula sa Sundan ang Kordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin

Tingnan ang iba pa

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

I-share

Kanselahin