Christian Dance | "Sinusundan ang Totoong Diyos" | Praise Song

Setyembre 5, 2024

I

Sinusundan ko ang totoong Diyos at ginagabayan ako ng Kanyang mga salita.

Mas lalong sumasagana ang mga katotohanang sinasabi ng Diyos;

sa pagkain, pag-inom at pagtatamasa sa Kanyang mga salita, puso ko'y nagliliwanag.

Pinasasalamatan ko ang Makapangyarihang Diyos sa Kanyang pagpili at pagliligtas!

Sinusundan ko ang totoong Diyos at ginagabayan ako ng Kanyang mga salita.

Unti-unting bumibilis ang gawain ng Banal na Espiritu

nagsasaayos ang Diyos ng mga sitwasyon para sanayin tayo.

Nagbubunga ng mga pakinabang

ang pagpapatahimik sa ating mga sarili sa harap ng Diyos

at ang paghahanap sa katotohanan.

Sinusundan natin ang Diyos at nagiging mas maliwanag ang ating landas.

Paano makakamit ng isang tao ang kaligtasan

kung lumilingon siya habang nakahawak ang kamay sa araro?

Sinusundan natin ang Diyos para makamit ang katotohanan,

ang pagpoproklama at pagpapatotoo sa Kanya ang tungkuling dapat nating gampanan.

II

Sinusundan ko ang totoong Diyos at ginagabayan ako ng Kanyang mga salita.

Ngayon na ang panahon kung kailan sinusubok tayo ng Diyos,

nag-aagaw-buhay pa rin ang mga pwersa ni Satanas.

Umaasa tayo sa Diyos at hindi kailanman matatakot o susuko.

Sinusundan ko ang totoong Diyos at ginagabayan ako ng Kanyang mga salita.

Nasa huling sandali na ang gawain ng Diyos,

kailangang maisakatuparan ang mga tungkulin at kailangang sundin ang mga layunin ng Diyos.

Kailangan nating ialay ang ating buong katauhan sa Diyos

at gugulin ang ating mga sarili, para makapagpatotoo tungkol sa Kanya.

Sinusundan natin ang Diyos at nagiging mas maliwanag ang ating landas.

Nagdadala ng tunay na pananampalataya ang pag-unawa sa katotohanan.

Namumuhay tayo sa harap ng Diyos at nagpupuri sa Kanya magpakailanman.

mula sa Sundan ang Kordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin

Tingnan ang iba pa

Ngayon nagsimula na ang malalaking sakuna. Paano natin masasalubong ang pagbabalik ng Panginoon at magkaroon ng pagkakataong matamo ang proteksyon ng Diyos? Makipag-ugnayan sa amin ngayon upang mahanap ang paraan.

I-share

Kanselahin

Kontakin Kami Gamit ang Messenger