Christian Dance | "Ang Pagsunod sa Makapangyarihang Diyos ang Pinakamalaking Pagpapala sa Lahat" | Praise Song

Oktubre 8, 2024

I

Ang Makapangyarihang Diyos ay ang Anak ng tao na nagpakita.

Ipinapahayag Niya ang katotohanan at inililigtas ang sangkatauhan.

Naririnig natin ang tinig ng Diyos at bumabalik tayo sa harap Niya,

at nagsisimulang dumalo sa piging ng kaharian sa langit.

Tayo ay dinidiligan at pinapakain ng tubig na buhay ng trono,

at ang ating mga espiritu ay natutustusan at nagagalak.

Hindi natin kailanman inakala na makakaharap natin nang personal ang Diyos.

Kinakain at iniinom natin ang mga salita ng Diyos, nauunawaan ang katotohanan,

at malinaw nating nakikita ang kadiliman at kasamaan ng mundong ito.

Ang pagsunod sa Makapangyarihang Diyos ang pinakamalaking pagpapala sa lahat.

Isinantabi natin ang lahat para igugol ang ating sarili para sa Diyos.

II

Sa pagdanas ng paghatol at pagkastigo ng Diyos,

nalilinis ang ating mga tiwaling disposisyon.

Nalalaman natin ang katuwiran at kabanalan ng Diyos,

at napupuno tayo ng takot at paggalang sa Diyos.

Nilupig at iniligtas tayo ng salita ng Diyos,

at sa pagkamit sa katotohanan, napupuno tayo ng pasasalamat sa Diyos.

Ginagawa natin ang ating mga tungkulin nang may katapatan

para matugunan ang mga layunin ng Diyos,

makumpleto ang atas ng Diyos, at makamit ang pagsang-ayon ng Diyos.

Napakapalad nating makamit ang pagliligtas ng Diyos sa mga huling araw,

at lahat ito ay biyaya at pagpapala ng Diyos.

Ang magawang mahalin ang Diyos ngayon, ang ating kasiyahan ay walang hangganan.

Tayo ay naghahandog ng pasasalamat at papuri sa Diyos.

III

Galit na galit na sinusupil at inuusig tayo ni Satanas;

sinasamahan tayo ng Diyos sa mga kapighatian.

Ang salita ng Diyos ay gumagabay sa atin at nagbibigay sa atin ng pananampalataya,

at hindi na tayo natatakot sa harap ni Satanas.

Ang salita ng Diyos ay puno ng awtoridad at kapangyarihan

at inaakay tayo na magtagumpay laban sa pagkakagapos ng kamatayan at ni Hades.

Ang ating pananampalataya ay napeperpekto sa pamamagitan ng mga kapighatian,

at napagtatagumpayan natin si Satanas at nagbibigay tayo ng matunog na patotoo.

Labis nating natamasa ang pag-ibig ng Diyos

at inihahandog natin ang ating buong pagkatao

para suklian ang napakalalim na pagmamahal Niya.

Tayo ay magiging tapat hanggang kamatayan at susunod sa Diyos hanggang sa huli,

at mamahalin at magpapatotoo tayo sa Diyos magpasawalang-hanggan.

mula sa Sundan ang Kordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin

Tingnan ang iba pa

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

I-share

Kanselahin