Ang mga Katunayan ng Mapaniil na Pag-uusig ng CCP sa mga Kristiyano, Ep. 30: Mag-asawang Kristiyano na Malupit na Inusig ng CCP
Oktubre 15, 2026
Sa episode na ito, itatampok namin ang kuwento ng mag-asawang Kristiyano mula sa Lungsod ng Daqing, Lalawigan ng Heilongjiang—sina Lu Shi at Wen Ying—at ang karanasan nila sa patuloy na pag-uusig ng CCP. Noong 2002, inaresto si Wen Ying sa isang pagtitipon. Malupit siyang pinahirapan ng mga pulis sa pagtatangkang pilitin siyang magbunyag ng impormasyon ng iglesia. Marahas nilang pinagpupukpok ng mga batuta ang ibabang bahagi ng likod niya, puwit, at ibabaw ng kanyang kanang paa, at hinablot ang buhok niya para ihampas ang ulo niya sa pader. Ilang beses na marahas na binugbog si Wen Ying ng isang pangalawang direktor ng Kawanihan ng Pampublikong Seguridad, at minolestiya pa siya nang seksuwal, dinakot ang mga suso niya at ikiniskis ang ari nito sa puwit niya. Bukod pa rito, ibinitin ng mga pulis si Wen Ying sa isang bakal na kulungan, ipinulupot ang tansong alambre sa pareho niyang hinliliit at mga tainga, at paulit-ulit siyang kinuryente nang matagal. Pinahirapan si Wen Ying hanggang sa bingit ng kamatayan. Pagkatapos, ikinulong siya ng mga pulis sa isang administrative detention center nang isang buwan bago palayain. Dahil sa pagpapahirap, nagtamo ng malubhang lumbar disc herniation at iba pang mga kondisyon si Wen Ying. Nag-iwan din ng mga pangmatagalang epekto ang pagkakuryente sa ulo niya; madalas na lumalabo ang isip niya, at malaki ang inihina ng kanyang memorya. Madalas ay hindi niya maiunat ang mga daliri niya dahil sa pagkakuryente. Pagkalaya niya, dahil hindi na matiis ang panliligalig ng mga pulis, napilitang magtago si Wen Ying. Nagpatuloy siyang mangaral ng ebanghelyo, pero muli lang siyang pinuntirya at tinugis ng mga pulis. Ang asawa niyang si Lu Shi ay isinumbong din ng isang masamang tao dahil sa pananampalataya niya sa Diyos at matagal na sinubaybayan ng mga pulis. Para makaiwas sa pag-aresto, palipat-lipat ang mag-asawa, nagtatago kung saan-saan. Noong Agosto 21, 2023, puwersahang pumasok ang mga pulis sa tinitirhan nina Wen Ying at Lu Shi at inaresto silang pareho. Noong Setyembre 2024, parehong nasentensiyahan sina Lu Shi at Wen Ying ng 15 buwan ng pagkakakulong, at pinagmulta ng tig-6,000 yuan. … Mangyaring panoorin ang episode na ito.
00:22 Mga Tampok na Bahagi
05:15 Ang Unang Pag-aresto at Interogasyon kay Wen Ying sa Ilalim ng Pagpapahirap
30:35 Ang Karanasan nina Lu Shi at Wen Ying sa Pagtatago
35:18 Sabay na Inaresto at Sinentensiyahan sina Lu Shi at Wen Ying
47:41 Pangwakas na Pananalita at Impormasyon tungkol sa mga Salarin
Iba pang mga Uri ng Video