Ang mga Katunayan ng Mapaniil na Pag-uusig ng CCP sa mga Kristiyano, Ep. 27: Pagkatapos ng Malupit na Pagpapahirap, ang Isang Kristiyano ay Tinutugis Pa Rin ng CCP Matapos Siyang Mapalaya

Setyembre 19, 2026

Walang-habas na sinusupil ng CCP ang relihiyosong pananampalataya, at ang mga pag-aresto at pag-uusig nito sa mga Kristiyano ay hindi makatao at labag sa batas. Ito ay isang katotohanang kinikilala sa pangkalahatan. Sa Tsina, napakaraming Kristiyano ang inaresto at inusig ng CCP. Ang episode na ito ay pangunahing mag-uulat tungkol sa isang ganoong kaso. Noong Hunyo 29, 2018, pinasok ng mga pulis ang tirahan ni Zhang Xu, at sapilitan siyang inaresto at ang dalawa pang Kristiyano. Noong 2020, si Zhang Xu ay nasentensiyahan ng tatlo at kalahating taon sa kulungan dahil sa paninindigan sa kanyang pananalig sa Diyos. Sa detention house at sa kulungan, inutusan ng mga guwardiya ang mga bilanggo na pahirapan siya gamit ang lahat ng uri ng kasuklam-suklam na pamamaraan sa pagtatangkang pilitin siyang ibunyag ang impormasyon tungkol sa iglesia at ipagkanulo ang Diyos. Isang guwardiya ng kulungan ang sumaboy sa mukha niya mismo ng pepper spray at pinasailalim siya sa di-makataong pagpapahirap na pagbaon ng kanyang mga daliri sa kanyang mga bayag, sapilitang pagpisil at paghila sa kanyang ari, na nagdulot sa kanya ng nakakapilipit at matinding na pagdurusa … Ang tatlo at kalahating taon ng pagpapahirap ay nagdulot ng malalang pinsala sa isipan at katawan ni Zhang Xu, na nag-iwan sa kanya ng maraming kondisyong medikal. Madalas siyang nakakaranas ng brain fog at pananakit ng sikmura, at ang kanyang memorya ay lubhang humina. Noong Disyembre 2021, matapos siyang palayain mula sa kulungan, si Zhang Xu ay nagsimulang makaranas ng mga naiwang komplikasyon tulad ng brain hemorrhage, malalang pag-ihi nang madalas, at luslos. Bagama't natapos na niya ang kanyang sentensiya at napalaya na siya, patuloy pa rin siyang minamanmanan, nililigalig, at sinusundan ng mga pulis. Napilitan siyang tumakas mula sa kanyang tahanan, at hanggang sa araw na ito ay nananatiling nagtatago at nagpapalipat-lipat ng lugar. Pakinggan naman natin ang salaysay ni Zhang Xu tungkol sa pang-uusig na dinanas niya mula 2018 hanggang sa kasalukuyan.

00:23 Mga Tampok na Bahagi

04:02 Si Zhang Xu ay Inaresto ng mga Pulis, Nagdusa ng Lahat ng Uri ng Pagpapahirap sa Detention House

22:40 Si Zhang Xu ay Nasentensiyahan ng 3.5 Taon sa Kulungan sa Isang Hayagang Paglilitis

24:57 Patuloy na Nakakaranas si Zhang Xu ng Pang-uusig sa Kulungan

31:41 Patuloy na Nililigalig at Pinagtutugis si Zhang Xu ng CCP Matapos Tapusin ang Kanyang Sentensiya

39:42 Pangwakas na Pananalita

43:09 Impormasyon tungkol sa mga Salarin

Tingnan ang iba pa

Leave a Reply

I-share

Kanselahin