Araw-araw na mga Salita ng Diyos: Paglalantad ng Katiwalian ng Sangkatauhan | Sipi 332

Agosto 15, 2020

Bawat araw na pinagdaraanan ninyo ngayon ay lubhang maselan at mahalaga sa inyong hantungan at inyong kapalaran, kaya’t dapat ninyong pakamahalin ang lahat ng inyong mga pag-aari at bawat minutong lumilipas. Maging matalino sa paggamit ng inyong panahon upang bigyan ang inyong mga sarili ng pinaka-malalaking matatamo, nang sa gayon ay hindi mawalan ng saysay ang inyong buhay. Marahil nalilito kayo kung bakit sinasabi Ko ang mga ito. Sa totoo lang, hindi Ako nalulugod sa mga ikinikilos ng sinuman sa inyo. Sapagkat ang mga inaasahan Ko para sa inyo ay hindi lamang kung ano kayo ngayon. Kaya’t maipapahayag Ko ito sa ganitong paraan: Kayong lahat ay nasa bingit ng kapahamakan. Ang inyong dating mga panaghoy para sa kaligtasan maging ang mga dating hangaring makamit ang katotohanan at hanapin ang liwanag ay nalalapit na sa katapusan. Ito ang kung paano ninyo Ako bayaran sa katapusan na hindi Ko inasam kailanman. Hindi Ko nais magsalita ng salungat sa katotohanan, sapagka’t labis ninyo Akong nabigo. Marahil hindi ninyo nais na iwanan ang bagay na ito nang ganoon na lamang o hindi ninyo nais harapin ang realidad, ngunit mataimtim Kong itatanong ito sa inyo: Sa buong panahong ito, napuno ng ano ang inyong mga puso? Kanino tapat ang inyong mga puso? Huwag ninyong sabihin na biglaan ang Aking katanungan at huwag ninyo Akong tanungin kung bakit nagtatanong Ako ng ganito. Kailangan ninyong malaman ito: Ito ay dahil labis Ko kayong kilala, pinagmalasakitan nang labis, at labis na inilaan ang Aking puso sa inyong mga ginagawa; kaya kayo’y tinatanong Ko nang paulit-ulit at tinitiis ang matinding hirap. Gayunman, Ako’y ginantihan ng pagwawalang-bahala at di-makayanang pagpayag. Sobrang mapagpabaya kayo sa Akin; paanong wala Akong nalaman tungkol dito? Kung naniniwala kayo na ito ay posible, higit itong nagpapatunay nang hindi mabuting pakikitungo ninyo sa Akin. Kung gayon, sasabihin Kong nililinlang ninyo ang inyong mga sarili. Masyado kayong tuso na hindi ninyo alam ang inyong mga ginagawa; ano kung gayon ang inyong gagamitin upang magsulit sa Akin?

Ang katanungang lubos na nakababahala sa Akin ay kung kanino tapat ang inyong mga puso. Gusto Ko ring isaayos ng bawat isa sa inyo ang inyong mga pag-iisip at tanungin mo ang iyong sarili kung kanino ka tapat at para kanino ang iyong buhay. Marahil ay hindi ninyo kailanman maingat na isinaalang-alang ang katanungang ito, hayaan ninyong ibunyag Ko ang kasagutan sa inyo.

Aaminin ng lahat ng may memorya ang mga bagay na ito: Ang tao ay nabubuhay at tapat sa kanyang sarili lamang. Hindi Ako naniniwalang lubos na tama ang inyong kasagutan, sapagka’t ang bawat isa ay umiiral sa kani-kanyang buhay at nagpupunyagi sa kani-kanyang kabagabagan. Samakatuwid, kayo ay matapat sa mga taong mahal ninyo at mga bagay na nagpapasaya sa inyo at kayo ay hindi lubos na tapat sa inyong mga sarili. Dahil kayo ay naiimpluwensiyahan ng mga tao, bagay at mga pangyayari sa inyong paligid, hindi kayo totoong tapat sa inyong mga sarili. Sinasabi Ko ang mga ito hindi para purihin ang inyong katapatan sa inyong mga sarili, sa halip ay ilantad ang inyong katapatan sa kahit anumang bagay. Dahil sa loob ng napakaraming taon, wala kailanman Akong natanggap na katapatan mula sa inyo. Sumusunod kayo sa Akin sa mahabang panahon, nguni’t wala ni katiting na katapatan kayong naigawad para sa Akin. Sa halip, kayo’y uminog sa mga taong mahal ninyo at mga bagay na nagpapasaya sa inyo kaya sila ay pinanatiling malapit sa inyong mga puso at hindi kailanman tinalikdan, anumang oras, kahit saan man. Tuwing kayo ay masigasig at maalab sa alinmang mahal sa inyo, ito ay laging sa panahon na kayo ay sumusunod sa Akin o kahit kapag kayo ay nakikinig sa Aking mga salita. Kaya’t sinasabi Ko, ginagamit ninyo ang katapatan na hinihingi Ko sa inyo, upang sa halip ay maging tapat at itangi ang mga bagay na inyong maibigan. Kahit isakripisyo man ang isa o dalawang bagay para sa Akin, ito ay hindi maaaring kumatawan sa lahat na nasa inyo at hindi nagpapakita sa Akin kung kanino kayo totoong tapat. Nakikibahagi kayo sa mga gawaing maalab kayo: Ang iba’y tapat sa mga anak, ang iba naman sa asawa, kayamanan, trabaho, mga pinuno, katayuan, o kababaihan. Walang nadaramang pagkainip o pagkayamot sa mga bagay na tapat kayo, sa halip, pinag-iibayo ang inyong kagustuhang maangkin ang mas marami at kalidad na mga bagay na may taglay ng inyong katapatan, at hindi kayo kailanman nawalan ng pag-asa. Ako at ang Aking mga salita ay ipinagtutulakan sa hulihan pagdating sa mga bagay na kayo ay maalab. At wala kayong magagawa kundi ang ihanay sila sa hulihan; ang ilan ay kailangang umalis upang maging tapat sa bagay na hindi pa nila natutuklasan. Wala silang pinananatiling anumang bahagi Ko kailanman sa kanilang mga puso. Marahil iisipin ninyo na napakarami Kong hinihingi sa inyo o maling inaakusahan Ko kayo, ngunit naisaisip ninyo ba na sa mga panahong masaya kayo kasama ng inyong pamilya, kayo ba ay naging tapat sa Akin kahit minsan? Sa mga pagkakataong gaya nito, hindi ba kayo nasasaktan? Kapag puno ng kagalakan ang inyong mga puso sa pagtanggap ng kabayaran mula sa mga pinaghirapan, nakaramdam din ba kayo ng kawalan ng pag-asa sa pagkukulang ninyong alamin ang katotohanan? Kailan kayo huling naiyak sa hindi ninyo pagkamit ng Aking pagsang-ayon? Pinahihirapan ang inyong mga utak at tumatanggap ng matinding pasakit sa inyong mga anak, ngunit hindi pa rin kayo nasiyahan, bagkus ay naniniwalang hindi kayo lubos na nagsipag at nagsikap para sa kanila. Ngunit sa Akin, kayo ay laging pabaya at walang ingat, Ako’y pinananatili lang sa inyong mga alaala ngunit hindi nagtatagal sa inyong mga puso. Hindi ninyo kailanman maramdaman at maunawaan ang Aking debosyon at pagsisikap, at hindi kayo kailanman nagsikap na makaunawa. Gumagawa lang kayo ng sandaling pagninilay-nilay at naniniwalang ito ay sapat na. Ang ganitong uri ng “katapatan” ay hindi ang matagal Ko nang pinananabikan, kundi yaong matagal nang kasuklam-suklam para sa Akin. Gayon pa man, kahit ano pa ang Aking sabihin, kayo ay patuloy na aamin sa isa o dalawang bagay lamang at hindi ito ganap na tatanggapin sapagkat kayong lahat ay nakatitiyak at nakapili na ng inyong sasang-ayunan sa Aking mga nasabi. Kung ganito pa rin kayo, may mga paraan Akong inihanda upang labanan ang pagka-bilib sa inyong mga sarili at igagawad Ko ang mga iyon upang ang salita Ko ay inyong kilalanin bilang totoo at hindi baluktot na katotohanan.

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Kanino Ka Matapat?

Tingnan ang iba pa

Ngayon nagsimula na ang malalaking sakuna. Paano natin masasalubong ang pagbabalik ng Panginoon at magkaroon ng pagkakataong matamo ang proteksyon ng Diyos? Makipag-ugnayan sa amin ngayon upang mahanap ang paraan.

I-share

Kanselahin

Kontakin Kami Gamit ang Messenger