Araw-araw na mga Salita ng Diyos: Paglalantad ng Katiwalian ng Sangkatauhan | Sipi 319

Disyembre 7, 2021

Ninanais ninyong lahat na magantimpalaan sa harap ng Diyos at paboran ng Diyos; umaasa ang bawat isa sa mga ganoong bagay kapag nagsimula na silang maniwala sa Diyos, sapagkat abala ang bawat isa sa pagkakamit ng mas mataas na mga bagay, at walang sinumang ibig mahuli sa iba. Ganito lamang talaga ang mga tao. Dahil mismo sa katwirang ito, marami sa inyo ang patuloy na sumusubok maglangis sa Diyos na nasa langit, subalit sa katotohanan, ang katapatan at kaprangkahan ninyo sa Diyos ay higit na maliit kaysa katapatan at kaprangkuhan ninyo sa inyong mga sarili. Bakit Ko sinasabi ito? Sapagkat hindi Ko kinikilala ang katapatan ninyo sa Diyos at, higit pa rito, itinatatwa Ko ang pag-iral ng Diyos na nasa mga puso ninyo. Na ang ibig sabihin, ang Diyos na sinasamba ninyo, ang malabong Diyos na hinahangaan ninyo, ay hindi umiiral. Ang dahilan kung bakit nasasabi Ko ito nang may katiyakan ay dahil napakalayo ninyo sa tunay na Diyos. Ang diyos-diyosan sa mga puso ninyo ang dahilan sa katapatan ninyo; para sa Akin, samantala, ang Diyos na tinitingnan ninyo hindi bilang malaki o maliit ay kinikilala lamang ninyo sa mga salita. Kapag sinabi Kong malayo kayo sa Diyos, ang ibig Kong sabihin ay malayo kayo sa tunay na Diyos, habang tila malapit lamang ang malabong Diyos. Kapag sinabi Kong, “hindi dakila,” tumutukoy ito sa kung paanong ang Diyos na pinaniniwalaan ninyo ngayon ay lumalabas na tao lamang na walang mga kahanga-hangang kakayahan, isang taong hindi gaanong dakila. At kapag sinabi Kong, “hindi maliit,” ibig sabihin nito na, bagama’t hindi kayang tawagin ng taong ito ang hangin at utusan ang ulan, nagagawa pa rin Niyang tawagin ang Espiritu ng Diyos para gumawa ng gawaing yayanig sa mga kalangitan at lupa, iiwang ganap na nalilito ang mga tao. Sa panlabas, nagpapakita kayong mga napakamasunurin sa Cristong ito na nasa lupa, subalit sa diwa, wala kayong pananampalataya sa Kanya, o hindi ninyo Siya minamahal. Na ang ibig sabihin, yaong malabong Diyos ng inyong mga damdamin ang tunay ninyong pinaniniwalaan, at ang tunay ninyong minamahal ay ang Diyos na inyong ninanasa sa gabi at sa araw, subalit hindi pa kailanman nakikita nang harapan. Patungkol sa Cristong ito, hati-hati ang inyong pananampalataya, at wala ang pagmamahal ninyo. Paniniwala at pagtitiwala ang kahulugan ng pananampalataya; pagsamba at paghanga sa puso ng isang tao ang ibig sabihin ng pagmamahal, na hindi kailanman mawawalay. Subalit kulang na kulang nito ang pananampalataya at pagmamahal ninyo sa Cristo ng ngayon. Pagdating sa pananampalataya, paano kayo may pananampalataya sa Kanya? Pagdating sa pagmamahal, sa paanong paraan ninyo Siya minamahal? Wala talaga kayong pagkaunawa sa disposisyon Niya, at mas lalong kaunti ang pagkaalam ninyo sa Kanyang diwa, kaya paano kayo may pananampalataya sa Kanya? Nasaan ang realidad ng inyong pananampalataya sa Kanya? Paano ninyo Siya minamahal? Nasaan ang realidad ng inyong pagmahahal sa Kanya?

Marami ang sumusunod sa Akin nang walang pag-aatubili hanggang ngayon. Gayundin, dumanas kayo ng labis na pagkapagod sa nakaraang ilang taon. Buong kalinawan Kong nauunawaan ang likas na katangian at mga gawi ng bawat isa sa inyo; napakahirap ng naging pakikipag-ugnayan sa bawat isa sa inyo. Ang nakapanghihinayang, bagama’t nauunawaan Ko ang maraming bagay tungkol sa inyo, wala kayong nauunawaan sa Akin. Hindi nakapagtataka na sinasabi ng mga tao na napaniwala kayo sa panlilinlang ng kung sino habang nasa isang sandali ng kalituhan. Tunay nga, wala kayong naiintindihan sa Aking disposisyon, at mas lalong hindi ninyo maaarok kung ano ang nasa Aking isipan. Ngayon, tumitindi ang mga maling pagkaunawa ninyo tungkol sa Akin, at nananatiling litong pananampalataya ang pananampalataya ninyo sa Akin. Sa halip na sabihin na may pananampalataya kayo sa Akin, mas nababagay sabihing sinusubukan ninyong lahat na maglangis at maghibo sa Akin. Napakapayak ng mga motibo ninyo: Susundin ko ang sinumang kayang maggantimpala sa akin, at maniniwala ako sa sinumang tutulutan akong makatakas sa malalaking sakuna, Diyos man siya o kung sinong Diyos. Wala sa mga ito ang alalahanin Ko. Maraming ganitong tao ang kabilang sa inyo, at napakalubha ng kalagayang ito. Kung, isang araw, may isang pagsubok upang malaman kung ilan sa inyo ang may pananampalataya kay Cristo dahil sa kabatiran sa Kanyang diwa, mangangamba Akong wala ni isa man sa inyo ang magiging kasiya-siya sa Akin. Kaya’t hindi makasasakit para sa bawat isa sa inyo na isaalang-alang ang tanong na ito: Napakalaki ng pagkakaiba sa Akin ng Diyos na pinaniniwalaan ninyo, at yamang ganito, ano kung gayon ang pinakadiwa ng pananampalataya ninyo sa Diyos? Mas higit na pinaniniwalaan ninyo ang inyong tinaguriang Diyos, mas lalo kayong lumalayo sa Akin. Ano, kung gayon, ang pinakadiwa ng usaping ito? Tiyak na wala ni isa man sa inyo ang nagsaalang-alang kailanman sa gayong katanungan, ngunit naisip ba ninyo ang bigat nito? Sumasagi ba sa isipan ninyo ang kahihinatnan ng patuloy na paniniwala sa ganitong gawi?

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Paano Mababatid ang Diyos na Nasa Lupa

Tingnan ang iba pa

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

I-share

Kanselahin