Araw-araw na mga Salita ng Diyos: Paglalantad ng Katiwalian ng Sangkatauhan | Sipi 314
Oktubre 29, 2020
Sa kasalukuyan, ang inyong naunawaan na ay mas mataas kaysa sa naunawaan ng sinumang tao sa buong kasaysayan na hindi nagawang perpekto. Maging ang iyong kaalaman sa mga pagsubok o ang pananalig sa Diyos, lahat ng ito ay mas mataas kaysa sa mayroon ang sinumang nananalig sa Diyos. Ang mga bagay na inyong nauunawaan ang siyang inyong nalalaman bago kayo sumailalim sa mga pagsubok ng mga kapaligiran, nguni’t ang inyong tunay na tayog ay ganap na hindi naaayon sa kanila. Ang inyong nalalaman ay mas mataas kaysa sa inyong isinasagawa. Bagaman sinasabi ninyo na ang mga taong naniniwala sa Diyos ay dapat ibigin ang Diyos, at dapat magsikap hindi para sa mga pagpapala kundi para lamang mapalugod ang kalooban ng Diyos, ang ipinapakita sa inyong mga buhay ay masyadong malayo mula rito, at nadungisan na nang husto. Ang karamihan sa mga tao ay naniniwala sa Diyos alang-alang sa kapayapaan at iba pang mga kapakinabangan. Kapag hindi ito sa iyong kapakinabangan, hindi ka naniniwala sa Diyos, at kung hindi ka makatatanggap ng mga biyaya ng Diyos, ikaw ay nagtatampo. Paanong ang iyong nasabi ay ang iyong tunay na tayog? Pagdating sa di-maiiwasang mga pangyayari sa pamilya gaya ng pagkakasakit ng mga anak, mga mahal sa buhay na naoospital, salat na ani, at pag-uusig ng mga miyembro ng pamilya, maging ang mga madalas mangyaring ito, pang-araw-araw na mga bagay ay sobra-sobra para sa iyo. Kapag nangyayari ang gayong mga bagay, ikaw ay natataranta, hindi mo alam kung ano ang gagawin—at kadalasan, nagrereklamo ka tungkol sa Diyos. Inirereklamo mo na nilinlang ka ng mga salita ng Diyos, na kinukutya ka ng gawain ng Diyos. Wala ba kayong ganoong mga saloobin? Iniisip mo ba na ang ganoong mga bagay ay nangyayari sa inyo nang madalang lamang? Ginugugol ninyo ang bawa’t araw sa gitna ng gayong mga pangyayari. Ni katiting ay hindi ninyo iniisip ang tagumpay ng inyong pananampalataya sa Diyos, at kung paano mapalulugod ang kalooban ng Diyos. Ang inyong tunay na tayog ay napakababa, mas mababa pa kaysa doon sa maliit na sisiw. Kapag ang negosyo ng inyong pamilya ay nalulugi kayo ay nagrereklamo tungkol sa Diyos, kapag natatagpuan ninyo ang inyong sarili sa isang kapaligiran na walang pag-iingat ng Diyos nagrereklamo pa rin kayo tungkol sa Diyos, at nagrereklamo rin kayo kahit ang isa sa inyong mga sisiw ay namatay o ang isang matandang baka sa kulungan ay nagkasakit. Nagrereklamo kayo kapag panahon na upang ang inyong anak na lalaki ay magpakasal nguni’t ang inyong pamilya ay walang sapat na salapi; nais ninyong gampanan ang tungkulin ng pagpapatuloy, nguni’t hindi ninyo kayang gastusan ito, at sa gayo’y nagrereklamo ka rin. Ikaw ay nag-uumapaw sa mga reklamo, at may mga pagkakataon na hindi ka dumadalo sa mga pagtitipon o kumakain at umiinom ng mga salita ng Diyos dahil dito, minsan ay nagiging negatibo sa napakahabang panahon. Walang anuman na nangyayari sa iyo sa kasalukuyan ang may kinalaman sa iyong mga inaasahan o kapalaran; ang mga bagay na ito ay mangyayari rin kahit hindi ka naniwala sa Diyos, nguni’t sa kasalukuyan ipinapasa mo ang iyong pananagutan para sa kanila sa Diyos, at pilit na sinasabing inalis ka na ng Diyos. Alin sa paniniwala mo sa Diyos? Talaga bang inihandog mo na ang iyong buhay? Kung dinanas ninyo ang mga pagsubok na kagaya ng kay Job, wala ni isa man sa inyong sumusunod sa Diyos sa kasalukuyan ang makapaninindigan, lahat kayo ay babagsak. At mayroon, sa simpleng pananalita, na isang gamundong pagkakaiba sa pagitan ninyo at ni Job. Sa kasalukuyan, kung kalahati sa inyong mga ari-arian ang sinamsam mangangahas kayong ikaila ang pag-iral ng Diyos; kung ang inyong anak na lalaki o babae ay kinuha mula sa inyo, magtatatakbo kayo sa mga lansangan na sumisigaw nang napakasama; kung ang iyong tanging paraan para kumita ay wala nang patutunguhan, makikipagtalo ka sa Diyos; itatanong mo kung bakit Ako nagsabi ng napakaraming salita sa simula upang takutin ka. Walang bagay na hindi ninyo pangangahasang gawin sa gayong mga pagkakataon. Ipinakikita nito na hindi kayo nakatamo ng anumang tunay na pagkaunawa, at walang totoong tayog. Kaya, ang mga pagsubok sa inyo ay napakalaki, sapagka’t napakarami ninyong nalalaman, nguni’t ang inyong tunay na naiintindihan ay ni hindi isa sa isanlibo ng kung ano ang inyong nababatid. Huwag tumigil sa pagkaunawa at kaalaman lamang; pinakamainam ninyong tingnan kung gaano karami ang totoo ninyong maisasagawa, kung gaano sa kaliwanagan at pagpapalinaw ng Banal na Espiritu ang natamo sa pamamagitan ng katas ng inyong sariling pagsisikap, at ilan sa inyong mga pagsasagawa ang napagtanto ninyo ang inyong sariling kapasyahan. Dapat mong seryosohin ang iyong tayog at pagsasagawa. Sa iyong paniniwala sa Diyos, hindi ka dapat nagtatangkang magpatianod na lamang para kaninuman—kung makapagkakamit ka o hindi sa huli ng katotohanan at buhay ay nakasalalay sa iyong sariling paghahangad.
—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Pagsasagawa 3
Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.
Iba pang mga Uri ng Video