Tagalog Christian Music Video | "Bawat Araw na Nabubuhay Kayo Ngayon ay Lubhang Mahalaga"

Setyembre 10, 2023

Bawat araw na nabubuhay

kayo ngayo'y mahalaga

sa kapalaran at hantungan niyo.

Ipakatangi lahat ng mayro'n kayo ngayon,

pahalagahan ang bawat minutong lumilipas,

gamitin ang oras para sa

pinakamalaking pakinabang,

upang 'di mawalan ng saysay ang buhay niyo.

I

Maa'ring nalilito kayo kung bakit

binibigkas ng Diyos ang gan'tong mga salita.

Sa totoo lang, 'di Siya nalulugod sa

mga 'kinikilos ng sinuman sa inyo.

Dahil 'di kayo ngayon katulad

ng mga inaasahan Niya sa inyo.

Bawat isa sa inyo'y nasa bingit ng kapahamakan.

Ang paghingi niyo ng tulong,

ang dating hangaring

mahanap ang katotohana't liwanag

ay malapit nang magwakas.

'Di kailanman naghintay ang Diyos

ng gayong kabayaran.

'Di Siya kailanman nagsasalita

nang salungat sa katotohanan,

dahil labis niyo Siyang nabigo.

Marahil ayaw niyong tanggapin

o harapin ang realidad,

ngunit seryosong tinatanong kayo ng Diyos:

Ano ba'ng nakapuno sa puso niyo

sa mga taong ito?

Kanino ito matapat?

Bawat araw na nabubuhay

kayo ngayo'y mahalaga

sa kapalaran at hantungan niyo.

Ipakatangi lahat ng mayro'n kayo ngayon,

pahalagahan ang bawat minutong lumilipas,

gamitin ang oras para sa

pinakamalaking pakinabang,

upang 'di mawalan ng saysay ang buhay niyo.

II

Kilalang-kilala kayo ng Diyos;

Siya'y sobrang nagmamalasakit sa inyo,

pinuhunan nang labis ang puso Niya

sa inyong mga kilos at gawa.

Kaya patuloy Niya kayong pinananagot,

tinitiis ang mapait na hirap.

Ngunit ang tanging isinusukli niyo sa Kanya'y

pagwawalang-bahala at pagsuko.

Tinatrato niyo nang basta-basta ang Diyos.

Sa tingin niyo ba'y

wala Siyang alam tungkol dito?

Ito'y nagpapatunay na 'di mabuti'ng

pagtrato niyo sa Kanya.

Niloloko niyo ang sarili niyo.

Masyadong tuso kaya 'di niyo alam

ang ginagawa niyo,

kaya ano'ng gagamitin niyo

upang managot sa Kanya?

Bawat araw na nabubuhay

kayo ngayo'y mahalaga

sa kapalaran at hantungan niyo.

Ipakatangi lahat ng mayro'n kayo ngayon,

pahalagahan ang bawat minutong lumilipas,

gamitin ang oras para sa

pinakamalaking pakinabang,

upang 'di mawalan ng saysay ang buhay niyo.

mula sa Sumunod sa Cordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin

Tingnan ang iba pa

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Leave a Reply

I-share

Kanselahin