Araw-araw na mga Salita ng Diyos: Pagpasok sa Buhay | Sipi 574

Nobyembre 12, 2020

Nang may ginawa kang isang bagay, hindi talaga nasiyahan ang Diyos. Nang gagawin mo na ang bagay na iyon, nanalangin ka ba sa Kanya? Pinagnilayan mo na ba, “Paano titingnan ng Diyos ang bagay na ito kung iniharap ito sa Kanya? Masisiyahan ba Siya o maiinis kung malaman Niya ang tungkol dito? Kasusuklaman ba Niya iyon?” Hindi mo hinangad iyon, hindi ba? Kahit pinaalalahanan ka ng iba, iisipin mo pa rin na ang usapin ay hindi malaking bagay, at na hindi iyon labag sa anumang mga prinsipyo at hindi iyon kasalanan. Dahil dito, nagkasala ka sa disposisyon ng Diyos sa bagay na ito at ginalit mo Siya nang husto, hanggang sa kamuhian ka Niya. Kung naghanap ka at nagsiyasat, at nalinawan mo ang bagay na iyon bago ka kumilos, hindi mo kaya iyon napangasiwaan? Kahit kung minsan ay hindi maganda ang kalagayan ng mga tao, kung taimtim nilang dadalhin sa harap ng Diyos ang lahat ng plano nilang gawin para sa pagsisiyasat at paghahanap, hindi sila makakagawa ng anumang malalaking pagkakamali. Sa pagsasagawa ng katotohanan, nahihirapang umiwas ang mga tao na magkamali, ngunit kung alam mo kung paano gawin ang mga bagay alinsunod sa katotohanan kapag ginagawa mo ang mga ito, subalit hindi mo isinakatuparan ang mga ito alinsunod sa katotohanan, kung gayon ang problema ay wala kang pagmamahal sa katotohanan. Hindi mababago ang disposisyon ng isang taong walang pagmamahal sa katotohanan. Kung hindi mo maunawaan nang tumpak ang kalooban ng Diyos, at hindi mo alam kung paano magsagawa, dapat kang makipagbahaginan sa iba. Kung walang sinumang nakakaramdam na malinaw sa kanila ang bagay na ito, kung gayon dapat mong isagawa ang pinakamakatwirang solusyon. Gayunman, kung matuklasan mo sa bandang huli na nagkamali ka nang kaunti sa pagsasagawa nito sa ganitong paraan, dapat mong itama ito kaagad, at hindi ituturing ng Diyos na kasalanan ang pagkakamaling ito. Dahil tama ang mga layunin mo sa pagsasagawa ng bagay na ito, at nagsagawa ka alinsunod sa katotohanan at hindi mo lamang ito nalinawan, at nagbunga ng ilang kamalian sa iyong mga pagkilos, kung gayon makatwirang kadahilanan ito. Gayunman, maraming tao sa panahong ito ang umaasa na lamang sa dalawang kamay nila mismo sa pagtatrabaho at sa sarili nilang utak sa paggawa ng ganito at ganoon, at bihira nilang isaalang-alang ang mga tanong na ito: Naaayon ba sa kalooban ng Diyos ang pagsasagawa sa ganitong paraan? Masisiyahan ba ang Diyos kung ginawa ko ito sa ganitong paraan? Pagtitiwalaan ba ako ng Diyos kung ginawa ko ito sa ganitong paraan? Isasagawa ko ba ang katotohanan kung ginawa ko ito sa ganitong paraan? Kung mabalitaan ng Diyos ang bagay na ito, masasabi ba Niyang, “Nagawa mo ang bagay na ito nang tama at angkop! Ipagpatuloy mo iyan”? Nagagawa mo bang suriing mabuti ang lahat ng bagay na nakakaharap mo? Maaari ka bang maging seryoso at metikuloso tungkol sa bawat isa sa mga ito? O nagagawa mo bang pagnilayan kung kinamumuhian ng Diyos ang paraan ng pagsagawa mo rito, kung ano ang pakiramdam ng lahat ng iba pa tungkol sa iyong mga pamamaraan, at kung ginagawa mo ito batay sa sarili mong kalooban o para bigyang-kasiyahan ang sarili mong mga kagustuhan…? Kailangang higit mo pang pag-isipan ito at hanapin, at ang iyong mga kamalian ay magiging paunti nang paunti. Ang paggawa ng mga bagay sa ganitong paraan ay magpapatunay na isa kang taong tunay na naghahanap sa katotohanan at na isa kang taong nagpipitagan sa Diyos, dahil ginagawa mo ang mga bagay-bagay alinsunod sa direksyong hinihingi ng katotohanan.

Kung malayo sa katotohanan ang mga pagkilos ng isang mananampalataya, kung gayon kapareho siya ng isang walang pananampalataya. Ito ang uri ng taong wala ang Diyos sa kanyang puso, at tumatalikod sa Diyos, at ang gayong tao ay katulad ng isang bayarang manggagawa sa pamilya ng Diyos na gumagawa ng maliliit na trabaho para sa kanyang amo, tumatanggap ng maliit na sahod, at pagkatapos ay umaalis. Hindi talaga ganito ang taong naniniwala sa Diyos. Dati-rati, nabanggit kung ano ang magagawa mo upang makamit ang pagsang-ayon ng Diyos. Ang pagsang-ayon ng Diyos ang unang dapat mong pag-isipan at pagsumikapan; ito dapat ang prinsipyo at saklaw ng iyong pagsasagawa. Dapat mong tukuyin kung ang iyong ginagawa ay naaayon sa katotohanan dahil kung naaayon ito sa katotohanan, tiyak na naaayon ito sa kalooban ng Diyos. Hindi naman sa dapat mong masukat kung tama o mali ang bagay na ito, o kung naaayon ito sa mga panlasa ng lahat ng iba pa, o kung naaayon ito sa sarili mong mga kagustuhan; sa halip, dapat mong tukuyin kung alinsunod ito sa katotohanan, at kung may pakinabang man ito sa gawain at mga interes ng iglesia o wala. Kung isasaalang-alang mo ang mga bagay na ito, mas lalo kang makakaayon sa kalooban ng Diyos kapag gumagawa ka ng mga bagay-bagay. Kung hindi mo isasaalang-alang ang mga aspetong ito, at aasa ka lamang sa sarili mong kalooban kapag ginagawa mo ang mga bagay-bagay, kung gayon garantisadong gagawin mo ang mga ito nang mali, dahil ang kalooban ng tao ay hindi ang katotohanan at, mangyari pa, hindi kaayon ng Diyos. Kung nais mong masang-ayunan ng Diyos, kailangan mong magsagawa ayon sa katotohanan sa halip na ayon sa sarili mong kalooban. Ang ilang tao ay abala sa ilang lihim na mga bagay alang-alang sa pagganap sa kanilang mga tungkulin. Ang tingin ng kanilang mga kapatid kung gayon ay hindi ito angkop, at sinusumbatan sila dahil dito, ngunit hindi tinatanggap ng mga taong ito ang paninisi. Ipinapalagay nila na dahil ito ay isang personal na bagay na walang kinalaman sa gawain, pananalapi, o mga tao ng iglesia, hindi ito maituturing na paglabag sa saklaw ng katotohanan, at hindi dapat makialam ang Diyos sa bagay na ito. Ang ilang bagay ay tila mga pribadong bagay para sa iyo na walang kinalaman sa anumang prinsipyo o katotohanan. Gayunman, dahil sa ginawa mo, naging napakamakasarili mo dahil hindi mo isinaalang-alang ang gawain ng pamilya ng Diyos o kung paano makakaapekto ito rito; isinaalang-alang mo lamang ang sarili mong kapakinabangan. May kinalaman na ito sa kagandahang-asal ng mga banal, gayundin ang mga isyung may kinalaman sa pagkatao ng isang tao. Kahit walang kinalaman ang ginagawa mo sa mga interes ng iglesia, ni wala itong kinalaman sa katotohanan, ang pagiging abala sa isang pribadong bagay habang sinasabi na isinasagawa mo ang iyong tungkulin ay hindi naaayon sa katotohanan. Ano man ang iyong ginagawa, gaano man kalaki o kaliit ang isang bagay, at ginagawa mo man iyon upang gampanan ang iyong tungkulin sa pamilya ng Diyos o para sa sarili mong mga lihim na dahilan, kailangan mong isipin kung naaayon ang ginagawa mo sa kalooban ng Diyos, at kung ito ba ay isang bagay na dapat gawin ng isang taong makatao. Kung ganito ang paghahanap mo ng katotohanan sa lahat ng ginagawa mo, isa kang taong tunay na nananalig sa Diyos. Kung taimtim mong tinatrato ang bawat bagay at bawat katotohanan sa ganitong paraan, magkakamit ka ng mga pagbabago sa iyong disposisyon. Iniisip ng ilang tao na kapag gumagawa sila ng isang personal na bagay, maaari nilang basta balewalain ang katotohanan, gawin ito ayon sa gusto nila, gawin ito sa anumang paraang nagpapasaya sa kanila at sa anumang paraang makakabuti sa kanila. Wala sila ni katiting na konsiderasyon kung paano nito maaapektuhan ang pamilya ng Diyos, ni wala silang konsiderasyon kung ang ginagawa nila ay naaangkop sa banal na kawastuhan. Sa huli, kapag tapos na sila sa bagay na ito, nagdidilim ang kanilang kalooban at hindi sila mapakali, bagama’t hindi nila alam kung bakit. Paghihiganti ba ito na hindi nararapat? Kung gumagawa ka ng mga bagay na hindi sinasang-ayunan ng Diyos, nagkasala ka sa Diyos. Kung hindi mahal ng isang tao ang katotohanan, at madalas nilang ginagawa ang mga bagay ayon sa sarili nilang kalooban, madalas silang magkakasala sa Diyos. Ang gayong mga tao ay karaniwang hindi sinasang-ayunan ng Diyos sa kanilang ginagawa, at kung hindi sila magsisisi, hindi malayong parusahan sila.

—Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ikatlong Bahagi

Tingnan ang iba pa

Ngayon nagsimula na ang malalaking sakuna. Paano natin masasalubong ang pagbabalik ng Panginoon at magkaroon ng pagkakataong matamo ang proteksyon ng Diyos? Makipag-ugnayan sa amin ngayon upang mahanap ang paraan.

I-share

Kanselahin

Kontakin Kami Gamit ang Messenger