Araw-araw na mga Salita ng Diyos: Pagpasok sa Buhay | Sipi 571

Nobyembre 4, 2020

Kung mula sa mga salita ng Diyos ay hindi mo nauunawaan ang kalooban ng Diyos at ang mga hangarin sa likod ng Kanyang mga pagbigkas, kung hindi mo nauunawaan ang mga mithiin at resultang hinahangad na makamit ng Kanyang mga salita, kung hindi mo nauunawaan ang hinahanap na maisakatuparan at maperpekto ng Kanyang mga salita sa tao, kung hindi mo nauunawaan ang mga bagay na ito, kung gayon pinatutunayan nito na hindi mo pa naaabot ang katotohanan. Bakit sinasabi ng Diyos ang Kanyang sinasabi? Bakit Siya nagsasalita sa ganoong tono? Bakit Siya’y napakamasigasig at taos sa bawa’t salitang Kanyang sinasambit? Bakit Niya pinipiling gamitin ang ilang salita? Alam mo ba? Kung hindi mo masabi nang may katiyakan, ibig sabihin nito ay hindi mo nauunawaan ang kalooban ng Diyos o ang Kanyang mga hangarin, hindi mo nauunawaan ang konteksto sa likod ng Kanyang mga salita. Kung hindi mo ito naaabot, kung gayon paano mo matatamo ang katotohanan? Ang ibig sabihin ng pagtatamo ng katotohanan ay pag-unawa sa Kanyang kalooban sa pamamagitan ng bawa’t salitang Kanyang sinasabi; ang ibig sabihin nito ay pagsasagawa ng mga salita ng Diyos sa sandaling naunawaan mo na ang mga ito, at pagtutulot na maisabuhay mo ang mga salita ng Diyos at maging iyong realidad. Kapag mayroon ka nang lubos na pagkaunawa sa salita ng Diyos, saka mo lamang tunay na matatanganan ang katotohanan. Matapos maunawaan lamang ang ilang letra at doktrina, iniisip mo na nauunawaan mo ang katotohanan at taglay mo ang realidad. Sinasabi mo pang, “Nais ng Diyos na maging matapat tayo at naisasagawa natin ito.” Gayunpaman, hindi mo nauunawaan ang dahilan kung bakit nais ng Diyos na maging matapat ang mga tao, gayundin kung bakit nais Niyang mahalin Siya ng mga tao. Ang totoo, ang layunin ng Diyos sa pagkakaroon ng gayong mga kinakailangan sa mga tao ay para mailigtas sila at magawang perpekto.

Ipinapahayag ng Diyos ang katotohanan para sa mga taong nauuhaw sa katotohanan, naghahanap sa katotohanan, at nagmamahal sa katotohanan. Para naman sa mga yaon na ang pagpapahalaga ay nasa mga letra at doktrina at gustong magbigay ng mahahaba at matatayog na mga pananalita, hindi nila matatamo ang katotohanan kailanman; niloloko nila ang kanilang mga sarili. Mali ang pananaw ng mga taong iyon sa pagbabasa ng mga salita ng Diyos; binabaligtad nila ang pagbasa roon sa tama—maling-mali ang kanilang pananaw. Ang alam lamang ng ilang tao ay saliksikin ang mga salita ng Diyos, na pinag-aaralan ang Kanyang sinasabi tungkol sa pagiging pinagpala at tungkol sa hantungan ng tao. Kung hindi akma ang mga salita ng Diyos sa kanilang mga pagkaintindi, nagiging negatibo sila at tumitigil sa kanilang paghahabol. Ipinapakita nito na hindi sila interesado sa katotohanan. Dahil dito, hindi nila sineseryoso ang katotohanan; kaya lang nilang tanggapin ang katotohanan ng kanilang mga pagkaintindi at imahinasyon. Bagama’t marubdob ang gayong mga tao sa kanilang paniniwala sa Diyos at sinusubukan ang lahat ng paraang kaya nila upang gumawa ng ilang mabubuting gawa at ipakita sa iba na mabuting tao sila, ginagawa lamang nila ito para magkaroon ng magandang hantungan sa hinaharap. Sa kabila ng katotohanan na sumasangkap din sila sa buhay-iglesia, kumakain at umiinom ng mga salita ng Diyos na kasama ng lahat ng iba pa, nahihirapan silang pumasok sa realidad ng katotohanan at magtamo ng katotohanan. Mayroon pang iba na kumakain at umiinom ng mga salita ng Diyos, nguni’t sumasama lamang sa agos; iniisip nila na natamo na nila ang katotohanan sa pamamagitan lamang ng pagkaunawa sa ilang letra at doktrina. Mga hangal sila! Ang salita ng Diyos ang katotohanan. Gayunpaman, hindi nangangahulugan na mauunawaan at matatamo ang katotohanan matapos mong mabasa ang mga salita ng Diyos. Kung nabibigo kang matamo ang katotohanan sa pamamagitan ng pagkain at pag-inom ng mga salita ng Diyos, kung gayon ang natatamo mo ay mga letra at doktrina. Hindi mo alam kung ano ang kahulugan ng matamo ang katotohanan. Maaaring hawak mo ang mga salita ng Diyos sa iyong palad, nguni’t matapos basahin ang mga ito ay bigo ka pa ring maunawaan ang kalooban ng Diyos, nakukuha mo lamang ang ilang letra at doktrina. Una sa lahat, dapat mong matanto na ang salita ng Diyos ay hindi madaling maunawaan; ang salita ng Diyos ay napakalalim. Kung wala kang maraming taon ng karanasan, paano mo posibleng mauunawaan ang salita ng Diyos? Kahit isang pangungungap ng mga salita ng Diyos ay mangangailangan ng iyong buong buhay para lubusang maranasan. Binabasa mo ang mga salita ng Diyos, nguni’t hindi mo nauunawaan ang kalooban ng Diyos; hindi mo nauunawaan ang mga hangarin ng Kanyang mga salita, ang pinagmulan ng mga ito, ang epektong hinahanap na makamit ng mga ito, o kung ano ang hinahanap na maisakatuparan ng mga ito. Kung wala kang nauunawaan sa mga bagay na ito, kung gayon paano mo mauunawaan ang katotohanan? Maaaring maraming beses mo nang nabasa ang mga salita ng Diyos at marahil ay kabisado mo na ang maraming sipi, nguni’t hindi ka pa rin nababago, ni nagkakaroon ka ng anumang pag-unlad. Ang iyong kaugnayan sa Diyos ay malayo at hiwalay pa rin tulad ng dati. Mayroon pa ring mga hadlang sa pagitan mo at ng Diyos, tulad ng dati, at nagdududa ka pa rin sa Kanya. Hindi lamang hindi mo nauunawaan ang Diyos, kundi nagdadahilan ka pa sa Kanya at nagkakandili ng mga pagkaintindi tungkol sa Kanya. Nilalabanan mo Siya at nilalapastangan mo pa Siya. Paano ito mangangahulugan na natamo mo na ang katotohanan?

—Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ikatlong Bahagi

Tingnan ang iba pa

Ngayon nagsimula na ang malalaking sakuna. Paano natin masasalubong ang pagbabalik ng Panginoon at magkaroon ng pagkakataong matamo ang proteksyon ng Diyos? Makipag-ugnayan sa amin ngayon upang mahanap ang paraan.

I-share

Kanselahin

Kontakin Kami Gamit ang Messenger