Araw-araw na mga Salita ng Diyos: Pagpasok sa Buhay | Sipi 568

Nobyembre 14, 2020

Hangga’t hindi nararanasan ng mga tao ang gawain ng Diyos at natatamo ang katotohanan, ang likas na pagkatao ni Satanas ang namamahala at nagdodomina sa kanilang kalooban. Ano ba ang partikular na nakapaloob sa likas na pagkataong iyon? Halimbawa, bakit ka makasarili? Bakit mo pinoprotektahan ang sarili mong katungkulan? Bakit napakatindi ng damdamin mo? Bakit gusto mo ang di-matutuwid na bagay? Bakit gusto mo ang mga kasamaang iyon? Ano ang batayan ng pagkagusto mo sa mga bagay na ito? Saan nagmumula ang mga bagay na ito? Bakit masayang-masaya kang tanggapin ang mga ito? Sa ngayon, naunawaan na ninyong lahat na ang pangunahing dahilan sa likod ng lahat ng bagay na ito ay dahil mayroon itong lason ni Satanas. Tungkol naman sa kung ano ang lason ni Satanas, lubos itong maipapahayag sa mga salita. Halimbawa, kung tatanungin mo ang ilang masamang tao kung bakit gayon ang kilos nila, sasagot sila: “Ang bawat tao para sa kanyang sarili at bahala na ang iba.” Ipinahahayag ng nag-iisang pariralang ito ang pinakaugat ng problema. Ang lohika ni Satanas ay naging buhay na ng mga tao. Maaari silang gumawa ng mga bagay-bagay para sa ganito at ganoong layunin, ngunit ginagawa lamang nila iyon para sa kanilang sarili. Iniisip ng lahat ng tao na dahil bawat tao para sa kanyang sarili at bahala na ang iba, dapat silang mabuhay para sa sarili nilang kapakanan, na ginagawa ang lahat sa abot-kaya nila na siguraduhin ang magandang posisyon nila at ang pagkain at pananamit na kailangan nila. “Bawat tao para sa kanyang sarili at bahala na ang iba”—ito ang buhay at ang pilosopiya ng tao, at kinakatawan din nito ang likas na pagkatao. Ang pahayag na ito mismo ang lason ni Satanas, at kapag isinabuhay ito ng mga tao, nagiging likas na iyon sa kanila. Ang likas na pagkatao ni Satanas ay inilalantad sa pamamagitan ng mga salitang ito; lubos itong kumakatawan dito. Ang lasong ito ay nagiging buhay ng mga tao at nagiging pundasyon din nila sa buhay, at ang sangkatauhang ginawang tiwali ay patuloy nang pinangingibabawan ng lasong ito sa loob ng libu-libong taon. Lahat ng ginagawa ni Satanas ay para sa sarili nito. Nais nitong higitan ang Diyos, makalaya sa Kanya, at maging makapangyarihan, at angkinin ang lahat ng bagay na nalikha ng Diyos. Samakatuwid, ang likas na katangian ng tao ay likas na katangian ni Satanas. Sa katunayan, marami sa mga kasabihan ng mga tao ay maaaring kumatawan at sumalamin sa kanilang kalikasan. Paano man tangkain ng mga tao na ipagbalatkayo ang kanilang sarili, sa lahat ng ginagawa at sinasabi nila, hindi nila maikukubli ang kanilang kalikasan. May ilang hindi kailanman nagsasabi ng katotohanan at magaling magkunwari, ngunit kapag matagal-tagal na silang nakasalamuha ng ibang tao, matutuklasan ang kanilang mapanlinlang na kalikasan at lubos na kawalan ng katapatan. Sa huli, darating ang ibang tao sa isang konklusyon: Hindi kailanman nagsasabi ng totoo ang mga taong ito, at mga mapanlinlang na tao sila. Tumutukoy ang pahayag na ito sa kanilang kalikasan; ito ang pinakamagandang paglalarawan at patunay ng kanilang kalikasan at diwa. Ang pilosopiya nila sa pamumuhay ay na huwag magsabi ng katotohanan kaninuman, at huwag ding maniwala kaninuman. Nagtataglay ang satanikong kalikasan ng tao ng napakaraming pilosopiya. Kung minsan ikaw mismo ay hindi ito namamalayan at hindi ito nauunawaan, subalit bawat sandali ng iyong buhay ay batay rito. Bukod pa riyan, iniisip mo na ang pilosopiyang ito ay lubhang tama, makatwiran, at hindi mali. Sapat na ito para ipakita na naging kalikasan na ng mga tao ang pilosopiya ni Satanas, at lubos na naaayon ang pamumuhay nila sa pilosopiya ni Satanas, at hindi naghihimagsik laban dito ni katiting. Samakatuwid, palagi silang naghahayag ng isang satanikong kalikasan, at sa lahat ng aspeto, palagi silang nabubuhay ayon sa satanikong pilosopiya. Ang kalikasan ni Satanas ay buhay ng tao.

—Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Paano Tahakin Ang Landas ni Pedro

Tingnan ang iba pa

Ngayon nagsimula na ang malalaking sakuna. Paano natin masasalubong ang pagbabalik ng Panginoon at magkaroon ng pagkakataong matamo ang proteksyon ng Diyos? Makipag-ugnayan sa amin ngayon upang mahanap ang paraan.

Leave a Reply

I-share

Kanselahin

Kontakin Kami Gamit ang Messenger