Araw-araw na mga Salita ng Diyos: Pagpasok sa Buhay | Sipi 488

Agosto 28, 2021

Habang umuusad ang buhay mo, dapat ay palagi kang may bagong pagpasok, at bago at mas mataas na kabatiran, na lumalalim sa bawat hakbang. Ito ang dapat na pasukin ng lahat ng sangkatauhan. Sa pamamagitan ng pakikipagniig, pakikinig sa mga sermon, pagbabasa ng salita ng Diyos, o paglutas sa ilang usapin, magkakamit ka ng bagong kabatiran at bagong kaliwanagan, at hindi namumuhay sa loob ng mga lumang patakaraan at lumang panahon; palagi kang mamumuhay sa bagong liwanag, at hindi lalayo mula sa salita ng Diyos. Ito ang ibig sabihin ng pagsisimula sa tamang landas. Ang paimbabaw lamang na pagbabayad ng halaga ay hindi maaari; bawat araw, pumapasok ang salita ng Diyos sa mas mataas na dako, at lumilitaw ang mga bagong bagay araw-araw, at dapat ding gumawa ang tao ng bagong pagpasok araw-araw. Habang nagsasalita ang Diyos, isinasakatuparan Niya ang lahat ng sinasabi Niya, at kung hindi ka makasasabay, mahuhuli ka. Dapat mong laliman ang mga panalangin mo; hindi maaaring pahintu-hinto ang pagkain at pag-inom ng salita ng Diyos. Laliman ang kaliwanagan at pagtanglaw na tinatanggap mo, at dapat na unti-unting mawala ang mga kuru-kuro at mga guni-guni mo. Dapat mo ring palakasin ang paghatol mo, at anumang makatatagpo mo, dapat kang magkaroon ng sarili mong mga saloobin tungkol dito at magkaroon ng sarili mong mga pananaw. Sa pamamagitan ng pag-unawa ng ilang mga bagay sa espiritu, dapat mong makamit ang kabatiran sa panlabas na mga bagay at maunawaan ang kaibuturan ng anumang usapin. Kung wala ka ng mga bagay na ito, paano mo maaakay ang iglesia? Kung nagsasalita ka lamang tungkol sa mga titik at mga doktrina nang walang anumang realidad at nang walang paraan ng pagsasagawa, makararaos ka lamang sa loob ng maikling panahon. Maaaring bahagya itong katanggap-tanggap kapag nakikipag-usap sa mga bagong mananampalataya, ngunit sa paglipas ng panahon, kapag nagkaroon na ng ilang aktwal na karanasan ang mga bagong mananampalataya, hindi mo na sila matustusan. Kung gayon ay paano ka nagiging marapat na gamitin ng Diyos? Kung walang bagong kaliwanagan, hindi ka makagagawa. Ang mga walang bagong kaliwanagan ay ang mga hindi nakaaalam kung paano makaranas, at hindi kailanman magkakamit ng bagong kaalaman o bagong karanasan ang ganitong mga tao. At sa usapin ng pagtutustos ng buhay, hindi nila kailanman magagampanan ang tungkulin nila, ni hindi sila magiging angkop na gamitin ng Diyos. Walang silbi ang ganitong uri ng tao, isang palaboy lamang. Sa katotohanan, ang ganitong mga tao ay lubos na walang kakayahang gampanan ang tungkulin nila sa gawain, walang silbi silang lahat. Hindi lamang sila nabibigong gampanan ang tungkulin nila, kundi talagang naglalagay pa sila ng higit na di-kinakailangang pahirap sa iglesia. Hinihimok Ko itong “kagalang-galang na matatandang lalaki” na magmadali at iwanan ang iglesia, upang hindi ka na kailangang tingnan ng iba. Ang ganitong mga tao ay walang pagkaunawa sa bagong gawain at puno ng walang-katapusang mga kuru-kuro. Wala silang ginagampanang kahit na ano pa mang tungkulin sa iglesia; sa halip, gumagawa sila ng kalokohan at nagkakalat ng pag-aalinlangan kahit saan, kahit hanggang sa punto ng paglahok sa lahat ng uri ng masamang asal at panggugulo sa iglesia, dahil dito ay itinatapon nila ang mga walang kakayahang humatol tungo sa kalituhan at kaguluhan. Ang mga buhay na diyablong ito, ang masasamang espiritung ito ay dapat umalis sa iglesia sa lalong madaling panahon, at baka mapinsala pa ang iglesia nang dahil sa iyo. Maaaring hindi mo kinatatakutan ang gawain sa ngayon, ngunit hindi mo ba kinatatakutan ang matuwid na kaparusahan sa hinaharap? Mayroong malalaking bilang ng mga tao sa iglesia na mga sampid, at may malaking bilang ng mga lobong naghahangad gambalain ang normal na gawain ng Diyos. Ang lahat ng mga bagay na ito ay mga demonyong ipinadala ng hari ng mga demonyo, masasamang lobong naghahangad na lamunin ang walang muwang na mga cordero. Kung hindi patatalsikin ang tinaguriang mga taong ito, magiging mga parasitiko sila sa iglesia, mga gamugamong lumalamon ng mga handog. Sa malao’t madali, darating ang araw na itong mga kasuklam-suklam, mangmang, hamak, at karima-rimarim na mga uod na ito ay parurusahan!

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang mga Sumusunod sa Diyos Nang may Tapat na Puso ay Tiyak na Makakamit ng Diyos

Tingnan ang iba pa

Ngayon nagsimula na ang malalaking sakuna. Paano natin masasalubong ang pagbabalik ng Panginoon at magkaroon ng pagkakataong matamo ang proteksyon ng Diyos? Makipag-ugnayan sa amin ngayon upang mahanap ang paraan.

Leave a Reply

I-share

Kanselahin

Kontakin Kami Gamit ang Messenger