Araw-araw na mga Salita ng Diyos: Pagpasok sa Buhay | Sipi 486

Agosto 28, 2021

Ang gawaing ginagawa ng Diyos ay nag-iiba sa bawat panahon. Kung may malaki kang pagsunod sa isang yugto ng gawain ng Diyos, ngunit sa susunod na yugto ang pagsunod mo sa gawain Niya ay salat, o wala kang kakayahan na sumunod, kung gayon ay lilisanin ka ng Diyos. Kung nakikisabay ka sa Diyos habang ginagawa Niya ang hakbang na ito, kung gayon ay dapat kang magpatuloy na sumabay kapag umakyat Siya sa susunod; doon ka lamang magiging isang taong masunurin sa Banal na Espiritu. Yamang naniniwala ka sa Diyos, dapat na manatili kang hindi nagbabago sa pagsunod mo. Hindi maaaring susunod ka lamang kapag gusto mo at susuway kapag ayaw mo. Ang ganitong uri ng pagkamasunurin ay hindi pinupuri ng Diyos. Kung hindi ka makasasabay sa bagong gawaing ibinabahagi Ko, at patuloy na nakahawak sa mga dating kasabihan, paano magkakaroon ng pag-unlad sa buhay mo? Ang gawain ng Diyos ay ang tustusan ka sa pamamagitan ng Kanyang mga salita. Kapag sinusunod at tinatanggap mo ang mga salita Niya, tiyak na gagawa sa iyo ang Banal na Espiritu. Gumagawa ang Banal na Espiritu nang eksakto sa sinasabi Ko; gawin ang sinabi Ko, at ang Banal na Espiritu ay kaagad na gagawa sa iyo. Naglalabas Ako ng bagong ilaw upang mapagmasdan ninyo, na dadalhin kayo sa liwanag ng kasalukuyan, at kapag lumakad ka sa loob ng ilaw na ito, ang Banal na Espiritu ay kaagad na gagawa sa iyo. Mayroong ilang maaaring matigas ang ulo, sinasabing, “Basta hindi ko isasakatuparan ang sinasabi Mo.” Kung gayon, sinasabi Ko sa iyo na nakarating ka na ngayon sa katapusan; ikaw ay natuyo at wala nang buhay. Samakatuwid, sa pagdanas ng pagbabago ng disposisyon mo, wala nang mas mahalaga pa kaysa sa ang pagsabay sa kasalukuyang ilaw. Ang Banal na Espiritu ay hindi lamang gumagawa sa ilang taong ginagamit ng Diyos, kundi, higit pa rito, sa iglesia. Maaaring gumagawa Siya sa sinuman. Maaaring gumawa Siya sa iyo sa kasalukuyang oras, at mararanasan mo ang gawaing ito. Sa susunod na yugto, maaari Siyang gumawa sa ibang tao, kung gayon dapat kang magmadaling makasunod; kapag mas malapit mong sinusundan ang kasalukuyang ilaw, higit na lalago ang buhay mo. Kahit na ano pang uri ang isang tao, kung gumagawa sa kanya ang Banal na Espiritu, dapat kang sumunod. Gamitin mo ang mga karanasan niya sa sarili mo, at tatanggap ka ng mas higit pang mga bagay. Sa paggawa nito mas mabilis kang uunlad. Ito ang landas ng pagkaperpekto para sa tao at ang paraan kung saan lalago ang buhay. Ang landas ng pagiging perpekto ay naaabot sa pamamagitan ng pagsunod mo sa gawain ng Banal na Espiritu. Hindi mo alam kung sa pamamagitan ng anong uri ng tao gagawa ang Diyos upang gawin kang perpekto, o sa pamamagitan ng anong tao, pangyayari, o bagay ka Niya hahayaang makamit o makita ang mga bagay. Kung makatatapak ka sa tamang landas na ito, ipinakikita nito na mayroong malaking pag-asang magawa kang perpekto ng Diyos. Kung hindi mo magagawa, ipinakikita nitong malungkot at walang liwanag ang kinabukasan mo. Kapag nagsimula ka sa tamang landas, makakamit mo ang pahayag sa lahat ng bagay. Kahit na ano pa man ang ibinubunyag ng Banal na Espiritu sa iba, kung magpapatuloy ka batay sa kaalaman nila para maranasan ang mga bagay sa sarili mo, kung gayon ay magiging bahagi ng buhay mo ang karanasang ito, at magagawa mong tustusan ang iba mula sa karanasang ito. Ang mga nagtutustos sa iba sa pamamagitan ng paggaya sa mga salita ay mga taong hindi pa nagkakaroon ng anumang mga karanasan; dapat mong matutunang humanap, sa pamamagitan ng kaliwanagan at pagtanglaw ng iba, isang paraan ng pagsasagawa bago ka magsimulang magsalita tungkol sa sarili mong aktwal na karanasan at kaalaman. Ito ay may higit na pakinabang sa sarili mong buhay. Dapat mong maranasan ang ganito, na sumusunod sa lahat ng nagmumula sa Diyos. Dapat mong hangarin ang kalooban ng Diyos sa lahat ng mga bagay at matutunan ang mga aral sa lahat ng bagay, nang lumago ang buhay mo. Ang ganitong pagsasagawa ay nagbibigay ng pinakamabilis na pag-unlad.

Nililiwanagan ka ng Banal na Espiritu sa pamamagitan ng praktikal mong mga karanasan, at ginagawa kang perpekto sa pamamagitan ng pananampalataya mo. Tunay bang handa kang gawing perpekto? Kung talagang handa kang gawing perpekto ng Diyos, magkakaroon ka ng tapang na isantabi ang laman mo, at magagawa mong isakatuparan ang mga salita ng Diyos, at hindi ka magiging balintiyak o mahina. Magagawa mong sundin ang lahat ng nagmumula sa Diyos, at ang lahat ng mga kilos mo, ginagawa man ang mga ito sa publiko o nang pribado, ay maihaharap sa Diyos. Kung isa kang tapat na tao, at isinasagawa ang katotohanan sa lahat ng bagay, kung gayon ay magiging perpekto ka. Ang mga mapanlinlang na mga taong kumikilos sa isang paraan sa harap ng iba at sa ibang paraan sa likuran nila ay hindi handang gawing perpekto. Lahat sila ay mga anak ng kapahamakan at pagkawasak; hindi sila pag-aari ng Diyos kundi ni Satanas. Hindi sila ang uri ng mga taong pinili ng Diyos! Kung ang mga kilos at pag-uugali mo ay hindi maihaharap sa Diyos o matitingnan ng Espiritu ng Diyos, patunay itong mayroong mali sa iyo. Magagawa mo lamang na tumapak sa landas ng pagiging perpekto kung tinatanggap mo ang paghatol at pagkastigo ng Diyos, at pinapahalagahan ang pagbabago ng disposisyon mo. Kung tunay na handa kang maperpekto ng Diyos at gawin ang kalooban ng Diyos, kung gayon ay dapat mong sundin ang lahat ng gawain ng Diyos, nang walang kahit isang salita ng pagdaing, nang hindi nangangahas na suriin o hatulan ang gawain ng Diyos. Ito ang pinakamabababang hinihingi para maperpekto ng Diyos. Ang mahalagang hinihingi sa mga naghahangad na maperpekto ng Diyos ay ito: Kumilos nang may pusong nagmamahal sa Diyos sa lahat ng mga bagay. Ano ang kahulugan ng kumilos nang may pusong nagmamahal sa Diyos? Ibig sabihin nito ay ang lahat ng mga kilos at pag-uugali mo ay maihaharap sa Diyos. At sapagkat mayroon kang mga tamang layunin, tama man o mali ang mga kilos mo, hindi ka natatakot na ipakita ang mga ito sa Diyos o sa mga lalaki at mga babaeng kapatid mo, at nangangahas kang sumumpa sa harap ng Diyos. Dapat mong ilahad ang bawat layunin, iniisip, at ideya mo sa harap ng Diyos para sa masusing pagsisiyasat Niya; kung nagsasagawa at pumapasok ka sa ganitong paraan, magiging mabilis ang pag-unlad sa buhay mo.

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang mga Sumusunod sa Diyos Nang may Tapat na Puso ay Tiyak na Makakamit ng Diyos

Tingnan ang iba pa

Ngayon nagsimula na ang malalaking sakuna. Paano natin masasalubong ang pagbabalik ng Panginoon at magkaroon ng pagkakataong matamo ang proteksyon ng Diyos? Makipag-ugnayan sa amin ngayon upang mahanap ang paraan.

I-share

Kanselahin

Kontakin Kami Gamit ang Messenger