Araw-araw na mga Salita ng Diyos: Pagpasok sa Buhay | Sipi 438

Setyembre 9, 2020

Dati-rati, sinasabi na ang pagkakaroon ng presensya ng Banal na Espiritu at pagkakaroon ng gawain ng Banal na Espiritu ay magkaiba. Ang normal na kalagayan ng pagkakaroon ng presensya ng Banal na Espiritu ay namamalas sa pagkakaroon ng normal na mga kaisipan, normal na katwiran, at normal na pagkatao. Ang ugali ng isang tao ay mananatiling tulad ng dati, ngunit magkakaroon ng kapayapaan sa kanilang kalooban, at sa panlabas ay magkakaroon sila ng kagandahang-asal ng isang banal. Magiging ganito sila kapag sumasakanila ang Banal na Espiritu. Kapag taglay ng isang tao ang presensya ng Banal na Espiritu, normal ang kanilang pag-iisip. Kapag nagugutom sila gusto nilang kumain, kapag nauuhaw sila gusto nilang uminom ng tubig. … Ang gayong mga pagpapamalas ng normal na pagkatao ay hindi kaliwanagan ng Banal na Espiritu; ang mga ito ay normal na pag-iisip ng mga tao at normal na kalagayan ng pagkakaroon ng presensya ng Banal na Espiritu. Mali ang paniniwala ng ilang tao na yaong mga may presensya ng Banal na Espiritu ay hindi nagugutom, na hindi sila nakakadama ng kapaguran, at tila hindi inaalala ang pamilya, na halos inihiwalay na nang lubusan ang kanilang sarili mula sa katawan. Sa katunayan, habang lalong sumasa mga tao ang Banal na Espiritu, lalo silang normal. Alam nila kung paano magdusa at isuko ang mga bagay para sa Diyos, gugulin ang kanilang sarili para sa Diyos, at maging tapat sa Diyos; bukod pa rito, iniisip nilang kumain at magbihis. Sa madaling salita, walang nawalang anuman sa kanilang normal na pagkatao na dapat magkaroon ang tao at, sa halip, lalo silang nagtataglay ng katwiran. Kung minsan, nagbabasa sila ng mga salita ng Diyos at pinagninilayan ang gawain ng Diyos; may pananampalataya sa kanilang puso at handa silang hanapin ang katotohanan. Natural, ang gawain ng Banal na Espiritu ay nakabatay sa pundasyong ito. Kung ang mga tao ay walang normal na pag-iisip, wala silang katwiran—hindi ito isang normal na kalagayan. Kapag ang mga tao ay may normal na pag-iisip at sumasakanila ang Banal na Espiritu, siguradong taglay nila ang katwiran ng isang normal na tao at, sa gayon, mayroon silang isang normal na kalagayan. Sa pagdanas sa gawain ng Diyos, nangyayari paminsan-minsan ang pagkakaroon ng gawain ng Banal na Espiritu, samantalang halos palaging mayroong presensya ng Banal na Espiritu. Hangga’t normal ang katwiran at pag-iisip ng mga tao, at hangga’t normal ang kanilang kalagayan, siguradong sumasakanila ang Banal na Espiritu. Kapag hindi normal ang katwiran at pag-iisip ng mga tao, hindi normal ang kanilang pagkatao. Kung, sa sandaling ito, sumasaiyo ang gawain ng Banal na Espiritu, siguradong sumasaiyo rin ang Banal na Espiritu. Ngunit kung sumasaiyo ang Banal na Espiritu, hindi ibig sabihin ay talagang gumagawa ang Banal na Espiritu sa iyong kalooban, sapagkat gumagawa ang Banal na Espiritu sa mga espesyal na pagkakataon. Mapapanatili lamang ng pagkakaroon ng presensya ng Banal na Espiritu ang normal na pag-iral ng mga tao, ngunit gumagawa lamang ang Banal na Espiritu paminsan-minsan. Halimbawa, kung isa kang lider o manggagawa, kapag nagdidilig at nagtutustos ka para sa iglesia, liliwanagan ka ng Banal na Espiritu sa ilang salita na nagpapatatag sa iba at makakalutas sa ilan sa mga praktikal na problema ng iyong mga kapatid—sa ganitong mga pagkakataon, gumagawa ang Banal na Espiritu. Kung minsan, kapag kumakain at umiinom ka ng mga salita ng Diyos, at nililiwanagan ka ng Banal na Espiritu sa pamamagitan ng ilang salitang may partikular na kaugnayan sa sarili mong mga karanasan, na nagtutulot sa iyo na magtamo ng higit na kaalaman tungkol sa sarili mong mga kalagayan; gawain din ito ng Banal na Espiritu. Kung minsan, habang Ako ay nagsasalita, nakikinig kayo at nagagawa ninyong ihambing ang sarili ninyong mga kalagayan sa Aking mga salita, at kung minsan ay naaantig o nabibigyang-inspirasyon kayo; lahat ng ito ay gawain ng Banal na Espiritu. Sinasabi ng ilang tao na gumagawa sa kanila ang Banal na Espiritu sa lahat ng oras. Imposible ito. Kung sasabihin nila na palaging sumasakanila aang Banal na Espiritu, makatotohanan iyon. Kung sasabihin nila na ang kanilang pag-iisip at katinuan ay normal sa lahat ng oras, makatotohanan din iyon, at ipakikita na sumasakanila ang Banal na Espiritu. Kung sinasabi nila na palaging gumagawa ang Banal na Espiritu sa kalooban nila, na nililiwanagan sila ng Diyos at inaantig ng Banal na Espiritu sa bawat sandali, at nagtatamo ng bagong kaalaman sa lahat ng oras, talagang hindi ito normal! Lubos itong higit sa karaniwan! Walang kaduda-duda, masasamang espiritu ang gayong mga tao! Kahit kapag pumapasok ang Espiritu ng Diyos sa katawang-tao, may mga pagkakataon na kailangan Niyang kumain at kailangang magpahinga—bukod pa riyan ang mga tao. Yaong mga nasaniban ng masasamang espiritu ay parang walang kahinaan ng katawan. Nagagawa nilang talikdan at isuko ang lahat, wala silang damdamin, kaya nilang tiisin ang pagdurusa at hindi nakadarama ni katiting na pagod, na parang napangibabawan na nila ang katawan. Hindi ba ito lubos na higit sa karaniwan? Ang gawain ng masasamang espiritu ay hindi karaniwan—walang taong makakagawa ng gayong mga bagay! Yaong mga walang paghiwatig ay naiinggit kapag nakikita nila ang gayong mga tao: Sinasabi nila na napakalakas ng kanilang pananalig sa Diyos, may malaking pananampalataya, at hindi nagpapakita ni katiting na tanda ng kahinaan! Sa katunayan, lahat ng ito ay pagpapamalas ng gawain ng isang masamang espiritu. Sapagkat, ang mga normal na tao ay walang pagsalang may mga kahinaan ng tao; ito ang normal na kalagayan ng yaong mga may presensya ng Banal na Espiritu.

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Pagsasagawa 4

Tingnan ang iba pa

Ngayon nagsimula na ang malalaking sakuna. Paano natin masasalubong ang pagbabalik ng Panginoon at magkaroon ng pagkakataong matamo ang proteksyon ng Diyos? Makipag-ugnayan sa amin ngayon upang mahanap ang paraan.

I-share

Kanselahin

Kontakin Kami Gamit ang Messenger