Araw-araw na mga Salita ng Diyos: Pagpasok sa Buhay | Sipi 389

Agosto 26, 2020

Si Pedro ay tapat sa Akin nang maraming taon, ngunit hindi siya nagreklamo ni nagkaroon ng pagtutol sa kanyang puso, at kahit si Job ay hindi maitatapat sa kanya. Maging sa buong mga kapanahunan ang mga banal ay lahat hindi nakaabot sa kanya. Hindi lang niya pinagpursigihan ang kaalaman tungkol sa Akin, ngunit kinilala din Ako sa panahon na isinasakatuparan ni Satanas ang kanyang mapanlinlang na pamamaraan. Ito ang nagdala sa maraming taong serbisyo na sunod sa sarili Kong puso, at bunga nito, hindi siya napagsamantalahan ni Satanas kailanman. Si Pedro ay humugot ng pananampalataya kay Job, ngunit malinaw niyang napagtanto ang kanyang mga pagkukulang. Kahit na si Job ay may matinding pananampalataya, kulang ang kanyang nalalaman sa mga bagay tungkol sa kahariang espirituwal, at marami siyang sinabing mga salita na hindi tugma sa katotohanan; ito ay nagpapakita na ang kanyang kaalaman ay mababaw pa at hindi pa maaaring maging perpekto. At si Pedro naman ay laging naghahanap para sa paglago ng pakiramdam sa espiritu at laging nakatuon ang pagmasid sa kalakaran ng kaharian ng espiritu. Bunga nito, hindi lamang niya natiyak ang bagay na Aking kahilingan, kundi naintindihan din kahit kaunti ang mga mapanlinlang na pamamaraan ni Satanas, kaya’t ang kanyang kaalaman ay higit sa kahit kanino sa paglipas ng panahon.

Mula sa mga karanasan ni Pedro, hindi mahirap makita na kung gugustuhin ng tao na makilala Ako, siya ay dapat magtuon nang maingat na pagsasaalang-alang sa espiritu. Hindi Ko hinihingi na magtalaga ka ng malaking bahagi para sa Akin sa paraang panlabas; pumapangalawa lamang ito. Kung hindi mo Ako kilala, kung gayon ang lahat ng pananampalataya, pag-ibig at katapatan na iyong sinabi ay isa lamang ilusyon, ito ay mga bula lang, at tiyak na ikaw ay maghahambog nang labis sa harap Ko, ngunit hindi kilala ang sarili niya, at kaya mabibitag ka na naman ni Satanas at hindi ka makakawala sa ganang sarili; ikaw ay magiging anak ng kapahamakan, at magiging kasangkapan sa pagkawasak. Ngunit kung ikaw ay nanlalamig at walang pakialam tungo sa Aking mga salita, ay walang dudang tutol ka sa Akin. Ito ay totoo, at mabuting tumingin sa pamamagitan ng pasukan patungo sa kahariang espirituwal sa marami at iba’t-ibang espiritu na kinastigo Ko. Sino sa kanila ang walang kibo, at walang pakialam, at walang pagtanggap sa Aking mga salita? Sino sa kanila ang hindi mapangutya sa Aking mga salita? Sino sa kanila ang hindi sumubok na unawain ang Aking mga salita? Sino sa kanila ang hindi gumamit ng Aking mga salita bilang pananggalang na sandata na ginamit para ingatan ang kanilang sarili? Hindi nila pinagpursigihan ang kaalaman tungkol sa Akin, sa pamamagitan ng Aking mga salita, ngunit ginawa lamang nila itong bagay para paglaruan. At dahil dito, hindi ba sila direktang sumalungat sa Akin? Sino-sino ang Aking mga salita? Sino ang Aking Espiritu? Napakaraming beses Ko nang iminungkahi ang ganitong mga salita sa inyo, ngunit ang mga nakikita ba ninyo kahit minsan ay naging mas matayog at malinaw? Totoo ba kahit minsan ang inyong mga karanasan? Pinapaalalahanan Ko kayong muli: Kung hindi ninyo alam ang Aking mga salita, huwag ninyo silang tanggapin, at huwag ninyo silang isagawa, at siguradong kayo ay makakatanggap ng Aking pagkastigo! Kayo ay siguradong magiging biktima ni Satanas!

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mga Salita ng Diyos sa Buong Sansinukob, Kabanata 8

Tingnan ang iba pa

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

I-share

Kanselahin