Araw-araw na mga Salita ng Diyos: Pagpasok sa Buhay | Sipi 379

Abril 25, 2021

Maraming tao ang nagsabi nito noon: “Nauunawaan ko ang lahat ng katotohanan, hindi ko nga lamang maisagawa ito.” Isinisiwalat ng pahayag na ito ang ugat ng problema, na isa ring problemang nakapaloob sa kalikasan ng mga tao. Kung kinasusuklaman ng kalikasan ng isang tao ang katotohanan, hindi nila ito isasagawa kailanman. Tiyak na magkikimkim ng labis-labis na pagnanasa sa kanilang paniniwala sa Diyos yaong mga nasusuklam sa katotohanan; anuman ang gawin nila, laging naroon ang sarili nilang mga layon. Halimbawa, ang ilang dumanas ng pag-uusig at hindi makauwi ay nangungulila nang ganito: “Hindi ako makakauwi ngayon. Ngunit balang araw, bibigyan ako ng Diyos ng mas magandang tahanan. Hindi Niya ako pagdurusahin nang walang kabuluhan.” O iniisip nila, “Bibigyan ako ng Diyos ng pagkaing kakainin saanman ako nakatira. Hindi ako aakayin ng Diyos sa putol na landas. Kapag ginawa Niya iyon, nagkamali na Siya.” Hindi ba’t taglay ng mga tao sa kanilang kalooban ang ganitong mga pag-iisip? May ilang nag-iisip na, “Labis kong ginugugol ang sarili ko para sa Diyos, kaya hindi Niya ako dapat ipasa sa mga kamay ng mga namamahalang awtoridad. Marami na akong tinalikuran at masigasig kong hinahangad ang katotohanan, kaya tama lamang na pagpalain ako ng Diyos; inaasam-asam namin ang araw ng pagdating ng Diyos, kaya dapat ay sumapit na ang araw ng Diyos, at dapat Niyang isakatuparan ang aming mga inaasam.” Laging gumagawa ang mga tao sa kanilang kalooban ng labis-labis na hiling sa Diyos, at iniisip nila: Nagawa na namin ito, kaya tama lamang na gawin ng Diyos ang ganito’t ganyan; may ilan na kaming natamo, kaya dapat kaming pagkalooban ng pabuya ng Diyos at bigyan kami ng kaunting pagpapala o anuman. May ilan ding tao, kapag nakikita nila ang iba na tinatalikuran ang kanilang pamilya at ginugugol ang kanilang sarili para sa Diyos sa maginhawang paraan, na nakararamdam ng pagkaaba at nag-iisip: “Napakatagal nang nilisan ng ilan ang kanilang tahanan. Paano nila iyon nagawang mapagtagumpayan? Bakit hindi ko ito mapagtagumpayan kailanman? Bakit hindi ko makaya kailanman na bitiwan ang aking pamilya at mga anak? Bakit mabait ang Diyos sa kanila ngunit hindi sa akin? Bakit hindi ako pinagkakalooban ng biyaya ng Banal na Espiritu? Bakit hindi ko kasama ang Diyos?” Anong estado ito? Walang-wala sa katwiran ang mga tao. Hindi nila isinasagawa ang katotohanan; sa halip, nagrereklamo sila tungkol sa Diyos. Wala silang anumang pansariling mga pagsisikap o anumang dapat nilang pansariling makamtan. Sumuko na sila sa mga pagpiling dapat nilang pansariling gawin at sa landas na dapat nilang tahakin. Lagi nilang hinihiling na gawin ng Diyos ang ganito’t ganoon, at ibig nilang pikit-matang maging mabait ang Diyos sa kanila, pikit-matang biyayaan sila, gabayan sila, at bigyan sila ng kasiyahan. Iniisip nila, “Iniwan ko na ang aking tahanan, napakarami ko nang tinalikdan, ginagampanan ko ang aking tungkulin at labis na akong nagdusa. Samakatuwid ay dapat akong biyayaan ng Diyos, papangyarihin na hindi ko hanap-hanapin ang aking tahanan, bigyan ako ng matibay na kapasyahang talikuran ang aking mga pamilya, at higit akong palakasin. Bakit napakahina ko? Bakit napakalakas ng iba? Dapat akong palakasin ng Diyos.” “Nakakauwi ang ibang mga tao; bakit ako inuusig at hindi ako makauwi? Walang ipinakikitang biyaya sa akin ang Diyos.” Ganap na walang katwiran ang sinasabi ng mga taong ito, at lalo nang wala itong katotohanan. Paano nabubuo ang mga reklamo ng mga tao? Inihayag mula sa kalooban ng tao ang mga bagay na ito at ganap na kumakatawan sa kalikasan ng tao. Kung hindi iwinawaksi ng tao ang mga bagay na ito sa kanyang kalooban, gaano ka man katayog, gaano mang katotohanan ang nauunawaan mo, hindi ka magkakaroon ng katiyakan kailanman na magagawa mong manindigan. Magiging posibleng para sa iyo na lapastanganin ang Diyos at ipagkanulo Siya at talikdan ang tunay na daan kahit kailan at kahit saan. Ito ay isang bagay na napakadaling mangyari. Malinaw ka na bang nakakakita ngayon? Dapat maunawaan at maisaulo ng mga tao kung ano ang maihahayag ng kanilang likas na pagkatao anumang oras; dapat nilang unawain nang matapat ang problemang ito. Yaong mga may kainaman ang pagkaunawa sa katotohanan, kung minsan, ay may kaunting kamalayan dito. Kapag may matuklasan silang isang problema, maaari silang makilahok sa malalim na repleksyon at pagsisiyasat. Gayunman, kung minsan ay hindi nila batid ang problema, kaya wala silang magagawa. Maaari lamang nilang hintaying magsiwalat sa kanila ang Diyos o ihayag sa kanila ang mga katunayan. Kung minsan ay batid ng mga di-nag-iisip na tao ang mga bagay na ito, ngunit nagluluwag lamang sila sa mga sarili, sinasabing, “Ganito ang lahat ng tao, kaya wala itong anumang kahulugan. Patatawarin ako ng Diyos; hindi Niya maaalala. Ito ay normal.” Ang dapat piliin at dapat gawin ng mga tao ay hindi nila ginagawa o nakakamtan. Naguguluhan silang lahat, lubhang makukupad, at lubhang nakasandig sa iba, at nagpaparaya pa sa mga ligaw na pag-iisip. “Kung lubos tayong babaguhin ng Diyos balang araw, hindi na tayo magiging makukupad. Maaari na tayong makalakad nang wasto. Hindi na kakailanganin ng Diyos na labis pang mag-abala tungkol sa atin.” Kailangan mong makakita nang malinaw ngayon. Dapat ka nang pumili sa sarili mong landas na iyong tatahakin; napakahalaga ng magiging pagpili ng bawat tao. Matutukoy mo ito, kaya gaano ka katatag pagdating sa pagpigil sa sarili? Gaano ka katatag pagdating sa pagtalikod sa iyong sarili? Ito ang paunang kinakailangan sa pagsasagawa ng katotohanan at ang pinakamahalagang sangkap. Tuwing may kinakaharap kang isang bagay, kung ito ay isang kalagayan na alam mo kung paano ito gawin nang nakaayon sa katotohanan, malalaman mo lamang kung paano magpatuloy kapag malinaw na sa iyo ang dapat mong piliin at kung ano ang dapat mong isagawa. Kung kaya mong matukoy kung ano ang tama at mali sa sarili mong katayuan ngunit hindi pa iyon lubos na malinaw sa iyo, at patuloy ka lamang sa magulong paraan ng iyong isipan, hindi ka kailanman susulong o daranas ng makabuluhang tagumpay. Kung hindi ka seryoso tungkol sa pagpasok sa buhay, pinipigilan mo lamang ang iyong sarili, at mapapatunayan lamang nito na hindi mo mahal ang katotohanan.

—Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Tanging sa Pagkakaroon ng Takot sa Diyos Makatatahak ang Isang Tao sa Landas ng Kaligtasan

Tingnan ang iba pa

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

I-share

Kanselahin