Christian Dance | "Bumababa ang Anak ng Tao sa Lupa" | Praise Song

Oktubre 20, 2024

I

Lumalabas mula sa Silangan ang kidlat, nagniningning kahit sa Kanluran.

Bumaba na sa lupa ang Anak ng tao.

Siya ang Diyos na nagkatawang-tao na nagpapakita at gumagawa sa Tsina.

Siya ang Makapangyarihang Diyos, Cristo ng mga huling araw.

Nagpapahayag ng mga katotohanan ang Makapangyarihang Diyos,

niyayanig ang bawat bansa sa lupa.

Nagsimula na sa sambahayan ng Diyos ang gawain ng paghatol sa mga huling araw.

Ang mga salita ng Diyos ay puno ng awtoridad,

nilupig ng mga ito ang puso ng lahat ng tao.

Ang lahat ay ganap na napaniwala,

sila'y nagpapatirapa sa harap ng Diyos sa pagsamba.

Nakaupo ang Makapangyarihang Diyos sa Kanyang luklukan ng kaluwalhatian.

II

Ang Anak ng tao ay bumibigkas ng mga salita at lumalakad sa gitna ng mga iglesia,

Siya ay nagsasalita at gumagawa sa piling natin.

Personal tayong pinapastol at dinidiligan ng Diyos.

Tayo ay nagbabasa ng Kanyang mga salita, harap-harapan sa Kanya.

Ang mga salita ng paghatol ng Diyos ay tulad ng espadang may dalawang talim,

inilalantad at hinihimay ang katotohanan ng katiwalian ng sangkatauhan.

Nilinis ng paghatol at pagkastigo ang ating paghihimagsik at katiwalian,

lubos tayong inililigtas mula sa kapangyarihan ni Satanas.

Nakamit natin ang katotohanan at buhay,

naghahandog tayo ng mga papuri sa Diyos.

III

Ang Makapangyarihang Diyos ay nagpapahayag ng mga katotohanan

upang hatulan at dalisayin ang sangkatauhan.

Nakagawa Siya ng isang grupo ng mga mananagumpay sa Tsina.

Ganap Niyang tinalo si Satanas at nakamit Niya ang kaluwalhatian.

Isa-isang natutupad ang Kanyang mga salita.

Ang pagpapakita at gawain ng Anak ng tao ay niyayanig ang lahat ng mga bansa at rehiyon.

Ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos ay ipinapahayag sa buong mundo.

Ang paghatol ng dakilang puting trono ay naisakatuparan sa kabuuan nito,

lumalaganap ang ebanghelyo ng kaharian sa mga bansa sa buong mundo.

Ang Makapangyarihang Diyos ay maghahari sa lupa

hanggang sa kawalang-hanggan.

mula sa Sundan ang Kordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin

Tingnan ang iba pa

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Leave a Reply

I-share

Kanselahin