Christian Dance | "Umawit ng Papuri sa Diyos" | Praise Song

Pebrero 6, 2025

I

Mga kapatid, sama-sama tayong umawit.

Umawit tayo ng papuri sa Diyos!

Purihin ang Diyos, sapagkat nagkamit Siya ng kaluwalhatian.

Bumuo ang Makapangyarihang Diyos ng isang grupo ng mga mananagumpay!

Ganap nang nagapi ng Diyos si Satanas!

Tapat na ginagawa ng mga tao ng Diyos ang tungkulin nila.

Hinahangad nila ang katotohanan at nagpapasakop sila sa Diyos,

at nagbibigay sila ng magandang patotoo para luwalhatiin ang Diyos.

Ginagabayan tayo ng Diyos

para magkakasama nating mapagtagumpayan si Satanas.

Pinupuri natin ang Diyos nang buong puso natin!

Umawit at sumayaw tayo nang may galak para magdiwang!

Dumating na ang araw ng kaluwalhatian ng Diyos,

lumitaw na sa lupa ang kaharian ni Cristo,

at lahat ng nasyon at tao ay nagbibigay ng kaluwalhatian sa Diyos!

II

Mga kapatid, sama-sama tayong umawit.

Maghandog tayo ng mga bagong awitin at sayaw para sa Diyos!

Pinapasalamatan at pinupuri natin ang pagmamahal ng Diyos.

Sinundan natin ang Diyos hanggang sa araw na ito;

lahat ng ito'y dahil sa proteksiyon at biyaya ng Diyos!

Sa lahat ng pag-uusig sa atin at paghihirap natin,

kasama natin ang Diyos sa lahat ng ito!

Inakay at ginabayan tayo ng salita ng Diyos,

pinatitibay ang ating pananalig para madaig natin ang mga tukso ni Satanas.

Naninindigan tayo sa ating patotoo para luwalhatiin ang Diyos!

Umawit at sumayaw tayo nang may galak para magdiwang!

Dumating na ang araw ng kaluwalhatian ng Diyos,

lumitaw na sa lupa ang kaharian ni Cristo,

at lahat ng nasyon at tao ay nagbibigay ng kaluwalhatian sa Diyos!

III

Mga kapatid, sama-sama tayong umawit.

Patugtugin ang mga tambol at magpatugtog nang may galak!

Nakompleto na ang dakilang gawain ng Diyos.

Lumaganap na sa lahat ng nasyon sa mundo ang ebanghelyo ng kaharian,

at kilala na sa lahat ng lugar ang pangalan ng Diyos!

Malalim nang tumagos sa puso ng mga tao ang salita ng Diyos.

Lumago na sa buhay ang lahat

ng hinirang na mga tao ng Diyos sa lahat ng nasyon!

Ginugugol natin ang sarili natin para sa Diyos nang may katapatan para mapalugod Siya;

isinasagawa natin ang katotohanan

at isinasabuhay natin ang realidad para magpatotoo sa Diyos.

Salamat at papuri sa Makapangyarihang Diyos!

Umawit at sumayaw tayo nang may galak para magdiwang!

Dumating na ang araw ng kaluwalhatian ng Diyos,

lumitaw na sa lupa ang kaharian ni Cristo,

at lahat ng nasyon at tao ay nagbibigay ng kaluwalhatian sa Diyos!

mula sa Sundan ang Kordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin

Tingnan ang iba pa

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

I-share

Kanselahin