Tagalog Christian Skit | "Ang Bagong Pangalan ng Diyos"
Disyembre 27, 2024
Si Xu Xin ay isang manggagawa sa bahay iglesia, na palaging masigasig maghanap at nananabik sa pagbabalik ng Panginoon. Isang araw, nagpatotoo sa kanya ang kanyang pamangkin na pagbalik ng Panginoon ay gagamit ng bagong pangalan ang Panginoon at ang mga tumatanggap lang sa bagong pangalan ng Diyos ang madadala sa harap ng trono ng Diyos. Ibinatay ng pamangkin niya ang patotoong ito sa sumusunod na propesiya mula sa Pahayag: "Ang magtagumpay, ay gagawin Kong haligi sa templo ng Aking Diyos, at hindi na siya lalabas pa roon: at isusulat Ko sa kanya ang pangalan ng Aking Diyos, at ang pangalan ng bayan ng Aking Diyos, … at isusulat Ko sa kanya ang Aking sariling bagong pangalan" (Pahayag 3:12). Pero, naniniwala si Xu Xin na hindi kailanman magbabago ang pangalan ni Jesus at na pagbalik ng Panginoon ay tatawagin pa rin Siyang Jesus. Nauwi ito sa pagdedebate nilang dalawa. Ano ang kinalabasan ng kanilang debate? Talaga bang gagamit ng bagong pangalan ang Panginoon sa Kanyang pagbabalik? Panoorin ang maikling dula na Ang Bagong Pangalan ng Diyos para malaman.
Habang patuloy na dumarami ang mga sakuna, nagsisimulang matanto ng parami nang paraming tao na ang mga propesiya sa Bibliya ay hindi mga gawa-gawang kuwento lamang, kundi isang realidad na nangyayari sa mismong harapan natin. Walang nakakaalam kung ano ang mauuna: ang bukas ba, o isang hindi inaasahang sakuna. Kung gusto mong salubungin ang pagbabalik ng Panginoon kasama ng pamilya mo at maging ligtas sa ilalim ng proteksyon ng Diyos, i-click ang WhatsApp para sumali sa aming study group. Huwag mo na itong ipagpabukas.
Iba pang mga Uri ng Video