Christian Dance | "Ang Pagmamahal ng Diyos ay Nasa mga Tao" | Praise Song

Setyembre 27, 2024

I

Dalawang libong taon na ang nakalipas,

nilisan ng Diyos ang Judea nang may kaluwalhatian.

Sa mga huling araw, nagkatawang tao ang Diyos

at dumating sa Tsina nang mapagkumbaba at natatago.

Nagpapakita at gumagawa Siya sa pamamagitan ng pagpapahayag ng katotohanan

para hatulan at dalisayin ang sangkatauhan.

Ipinapakita ng mga salita ng Diyos ang Kanyang pagkamakapangyarihan-sa-lahat;

nilupig at iniligtas ng mga ito ang isang grupo ng mga tao.

Yumuyukod at sumasamba ang mga tao ng Diyos

sa nag-iisang totoong Diyos, ang Makapangyarihang Diyos.

Yumuyukod at sumasamba ang mga tao ng Diyos

sa nag-iisang totoong Diyos, ang Makapangyarihang Diyos.

II

Ang Diyos, kataas-taasan at marangal, ay nagpapakumbaba sa Kanyang Sarili bilang tao,

nagpapakita at gumagawa ng Kanyang gawain.

Ang paghatol at pagkastigo ng Kanyang mga salita

ay ibinubunyag ang Kanyang pagiging matuwid at banal.

Ang tao, na labis na tiwali, ay nalulupig at nagpapasakop sa Diyos.

Sa pamamagitan ng malaking pagdurusa at pagpipino,

natatanggap nila ang pagdadalisay at pagpeperpekto ng Diyos.

Ang pagkastigo at paghatol ng Diyos ang pagmamahal at mga pagpapala Niya sa tao.

Ang pagkastigo at paghatol ng Diyos ang pagmamahal at mga pagpapala Niya sa tao.

III

Sa pagiging tao para gumawa, tinitiis ng Diyos ang labis na pamamahiya.

Nagdurusa Siya sa pagkondena at paninirang puri ng tao,

at tinanggihan ng kapanahunang ito.

Sa maraming taon ng paghihirap, nagpursige Siya sa pagliligtas sa tao.

Nagsasalita at gumagawa Siya sa pamamagitan ng Kanyang dugo, pawis, at luha,

naghihintay sa pagsisisi ng tao.

Nilupig ng pagiging matuwid at matapat ng Diyos ang puso ng milyun-milyon.

Nilupig ng pagiging matuwid at matapat ng Diyos ang puso ng milyun-milyon.

IV

Punung-puno tayo ng paghanga

nang makita natin ang kababaang-loob at pagiging tago ng Diyos.

Punung-puno tayo ng takot at pagpapasakop

nang malaman natin ang pagiging matuwid at banal ng Diyos.

Walang salita ang lubos na makapagpapahayag ng ating pagmamahal para sa Diyos.

Malalim na nakaukit sa kaibuturan ng ating puso ang pasasalamat at pagmamahal.

Iaalay natin ang ating buong pagkatao at gagawin nang tapat ang ating mga tungkulin

para suklian ang pagmamahal ng Diyos.

Iaalay natin ang ating buong pagkatao at gagawin nang tapat ang ating mga tungkulin

para suklian ang pagmamahal ng Diyos.

mula sa Sundan ang Kordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin

Tingnan ang iba pa

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

I-share

Kanselahin