Christian Dance | "O Makapangyarihang Diyos, Hindi Ko Kayang Mabuhay Nang Wala Ka" | Praise Song
Nobyembre 8, 2024
I
Ang Diyos ay naging laman at pumarito sa piling ng tao.
Ipinahahayag Niya ang katotohanan
at dinadala Niya sa atin ang daan ng buhay na walang hanggan.
Kinakain at iniinom natin ang salita ng Diyos araw-araw
at nagsisimula tayo ng mga bagong buhay sa Kapanahunan ng Kaharian.
Habang binabasa natin ang salita ng Diyos, nagagawa nating maunawaan ang katotohanan;
iniiwan natin ang lahat para sundan ang Makapangyarihang Diyos.
Namumuhay tayo sa harap Diyos at malaya at pinalaya tayo.
Nagagalak at nalulugod ang ating puso nang walang kapantay.
Binibigkas ng Diyos ang Kanyang salita para diligan at tustusan tayo.
Nauunawaan natin ang katotohanan at ang buhay natin ay unti-unting lumalago.
Ginagawa natin ang ating mga tungkulin nang may pagkamatapat
at pinalulugod natin ang puso ng Diyos.
Mamahalin natin ang Diyos
at magpapatotoo tayo sa Kanya sa lahat ng panahon.
Hindi kayang mabuhay ng tao nang wala ang salita ng Diyos,
ni hindi kayang mabuhay ng tao nang wala ang katotohanan.
Ipinagkaloob na ng Makapangyarihang Diyos ang katotohanan sa tao,
at ang nilikhang sangkatauhan ay pumupuri sa Diyos magpasawalang-hanggan.
II
Inilalantad ng salita ng Diyos ang ating katiwalian,
at nalilinis tayo habang tinatanggap natin ang paghatol at pagkastigo ng Diyos.
Sa wakas, isinasabuhay natin ang wangis ng matatapat na tao.
Napakalaking pagpapala na mailigtas ng Diyos.
Sa pamamagitan ng pag-uusig at mga kapighatian, naninindigan tayo sa ating pagpapatotoo;
hindi tayo lumuluhod o sumusuko kay Satanas, ang hari ng mga diyablo.
Itinataya natin ang ating buhay
at nangangako tayong susundan ang Diyos hanggang kamatayan,
at tayo ay nagbibigay ng matibay at matunog na patotoo
para luwalhatian ang Diyos.
Binibigkas ng Diyos ang Kanyang salita para diligan at tustusan tayo.
Nauunawaan natin ang katotohanan at ang buhay natin ay unti-unting lumalago.
Ginagawa natin ang ating mga tungkulin nang may pagkamatapat
at pinalulugod natin ang puso ng Diyos.
Mamahalin natin ang Diyos
at magpapatotoo tayo sa Kanya sa lahat ng panahon.
Hindi kayang mabuhay ng tao nang wala ang salita ng Diyos,
ni hindi kayang mabuhay ng tao nang wala ang katotohanan.
Ipinagkaloob na ng Makapangyarihang Diyos ang katotohanan sa tao,
at ang nilikhang sangkatauhan ay pumupuri sa Diyos magpasawalang-hanggan.
mula sa Sundan ang Kordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin
Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.
Iba pang mga Uri ng Video