Ang Natutunan Ko Mula sa Isang Dagok

Oktubre 24, 2022

Ni Shi Fang, South Korea

Noong 2014, nagsanay ako bilang isang video producer para sa iglesia. Nung panahong ‘yon, nagsimula ang produksyon ng isang bagong video. Sa panahon ng paghahanda, may ilang gampanin at pamamaraan na hindi pa ako masyadong pamilyar. Kapag may mga paghihirap, nakikipagbahaginan ako sa iba tungkol sa mga prinsipyo, at naghahanap ng mga solusyon. Makalipas ang ilang panahon, unti-unti akong mas naging pamilyar at nasanay sa mga pamamaraang ito. Kapag nagkakaroon ng mga paghihirap ang iba, lumalapit silang lahat sa akin para talakayin ang mga ito. Kalaunan, nahalal ako bilang lider ng grupo, at nalutas ko ang ilang problema ng grupo. Naisip ko na talagang magaling ako sa trabaho ko; kung hindi, bakit ako mahahalal bilang lider ng grupo? Kapag tinatalakay ng grupo ang gawain, lagi kong inaako ang pinakamahalagang papel. Kapag may pagkakaiba ng opinyon sa talakayan, ibinabahagi ko sa grupo ang dati kong karanasan sa gawain, para malaman ng lahat na may basehan ang pananaw ko, at sa huli, palagi naming ginagawa ang mga bagay ayon sa gusto ko.

Kalaunan, naghalal ng dalawang bagong superbisor ang iglesia. Nalaman ko na dati kong katuwang ang mga ito, sina Claire at Lily. Nagulat ako, “Parehong katamtaman ang kanilang mga kasanayan, at wala silang gaanong karanasan. Kaya ba nila ang gawain ng isang superbisor? Mas mahusay ang mga kasanayan ko kaysa sa kanila. Sino ba talagang dapat mamahala sa kaninong gawain?” Kalaunan, nang kumustahinng mga superbisor anggawain namin, tiningnan ko ito nang may paghamak. Minsan, lumapit sa akin si Claire para kausapin ako, sinasabing ang isang video na mula sa grupong responsibilidad ko ay may ilang isyu, at nagmungkahi siya ng ilang dapat baguhin. Medyo nainsulto akong marinig ito, at nayayamot na sinabing, “Hindi gagana ang mga pagbabago na iminungkahi mo. Kung susundin natin ang iyong mungkahi, hindi magtutugma ang simula at dulo. Tingnan mo muna dapat ang kabuuang daloy ng mga ideya kapag nagbabanggit ka ng mga isyu, hindi lang ang isang bahagi na ito. Kailangan mong mas matutuhan ang gawaing ito, at mag-aral nang mas madalas.” Pagkatapos nun, namula ang mukha ng sister, at hiyang-hiya na hindi na ito makapagsalita. Sinabing muli ng dalawang ibang brother ang pananaw ko. Nang makitang sumang-ayon ang lahat sa akin, medyo nakaramdam ako ng pagmamalaki, “Kita mo na, ang paraan namin ng pag-iisip noon ay mas mahusay kaysa sa’yo. Pagdating sa paggawa ng video, ‘di hamak na mas mahusay ang mga kasanayan ko kaysa alinman ng sa’yo!” Kalaunan, kapag nagmumungkahi sila tungkol sa mga video na ginagawa ko, mas nagiging malabo kong tanggapin ang mga ito, at minamaliit ko sila, iniisip na, “Ang mga kasanayan n’yo ay mas mababa kaysa sa akin. Siguraduhin n’yo lang na hindi ako mapapahamak ng mga mungkahi n’yo.” Sa huli, napigilan ang dalawang superbisor dahil sa akin. Minsan, pinuntahan ako ng isang superbisor para magbahagi sa akin at sinabing, “Medyo napipigilan kami kapag nakikipagtulungan kami sa’yo. Alam naming kulang kami sa mga kasanayan sa gawain, kaya kapag nakakakita ka ng pagkukulang sa parte namin, pakiusap, tulungan mo kami sa pamamagitan ng pagtukoy dito. Tapos, makakapagtulungan tayo nang maayos. ‘Tsaka, sana hindi mo palaging pinanghahawakan ang mga sarili mong pananaw. Kung kaya mong mas maghanap pa kapag nahaharap sa iba’t ibang opinyon, makakapagbahaginan tayo sa mga prinsipyo nang magkakasama, mapupunan ang mga kahinaan ng isa’t isa, at magagawa nang maayos ang mga video.” Nang marinig ito, sa panlabas, inamin kong nagpakita ako ng mapagmataas na disposisyon, pero sa loob-loob ko, hindi ko ito tinanggap. Naisip ko, “Mas marami akong nauunawaan na prinsipyo kaysa sa inyo, kaya kapag mali kayo, dapat ko kayong itama. Oo, nagpakita ako ng medyo mayabang na disposisyon, pero para ito sa kapakanan ng gawain. Napipigilan ang pakiramdam ninyo kasi masyado kayong banidoso.” Sa usaping ito, hindi ko pinagnilayan ang sarili ko, sa halip ay mas lalo pa akong lumala.

Isang gabi, tinatalakay ng grupo ang mga ideya para sa paggawa ng isang video. Dahil ang mga ideya para sa video ay medyo kumplikado at mahirap, walang napagdesisyunan kahit ilang oras na talakayan na ang lumipas. Nagsimula akong mainip, iniisip na, “Ano bang problema n’yong mga superbisor? Kung hindi n’yo kayang pamahalaan ang propesyunal na gawain, sige, pero hindi man lang kayomakapagdesisyon ng isang plano ayon sa mga prinsipyo?” Kaya sinabi ko sa mga superbisor, “Anong nangyayari sa inyo? Ilang oras na kayong nagtatalakayan, bakit wala pa rin kayong mapagdesisyunan na ideya? Walang silbi kayong mga superbisor!” Nang marinig ang reklamo ko, sumunod naman ang ilang iba pa sa pagsasabing, “Oo nga, naghihintay kaming lahat. ‘Wag kayong basta umupo rito’t mag-aksaya ng oras.” Sabi ng iba, “Bilisan n’yo at magdesisyon na kayo. Anong oras na.” Ang aming mga reklamo ay mas lalong nagpabalisa sa mga superbisor, at nagpaikli sa kanilang pagsasalita.

Kalaunan, nalaman ng lider ng iglesia ang pag-uugali ko, at iwinasto ako, sinasabing, “Masyadong mapagmataas ang disposisyon mo, at gusto mong pinipigilan ang iba. Hindi mo nagagawang makipagtulungan nang normal sa iba. Isa kang lider ng grupo, pero hindi mo pinoprotektahan ang gawain ng iglesia. Sa halip, nangunguna ka pa sa pagrereklamo at pamumuna ng iba, naghahasik ng hindi pagkakasundo sa grupo, at pinipigilan ang mga superbisor sa paggawa ng kanilang trabaho, na humahantong sa mga pagkaantala sa paggawa ng video. Nakakagulo at nakakagambala ang mga kilos mo sa gawain ng iglesia.” Matapos akong iwasto ng lider, sobra akong naligalig, “Ano?” sa isip-isip ko. “Ginugulo at ginagambala ko ang gawain? Malinaw naman na ang mga superbisor ang may mga hindi sapat na kasanayan at walang kakayahan sa totoong gawain. Mas magaling ang mga abilidad ko sa gawain kaysa sa kanila, at mas marami akong nauunawaan na prinsipyo. Napansin ko na mali ang ginagawa nila, kaya itinama ko sila. Nakakagulo at nakakagambala pala ito?” Nakita ng lider na nagmamatigas ako at lumalaban, kaya binasahan niya ako ng ilang sipi ng mga salita ng Diyos. Sabi ng Diyos, “Kung tunay mong nauunawaan ang katotohanan sa iyong puso, malalaman mo kung paano isagawa ang katotohanan at sundin ang Diyos, at natural na matatahak ang landas ng paghahanap ng katotohanan. Kung tama ang landas na tinatahak mo, at nakaayon ito sa kalooban ng Diyos, hindi ka iiwanan ng gawain ng Banal na Espiritu—kung magkagayon ay mababawasan nang mababawasan ang pagkakataon mong pagtaksilan ang Diyos. Kung wala ang katotohanan, madaling gumawa ng masama, at gagawin mo iyon kahit ayaw mo. Halimbawa, kung mayroon kang mapagmataas at palalo na disposisyon, walang kaibahan kung sabihan kang huwag kalabanin ang Diyos, hindi mo mapigilan ang sarili mo, hindi ito sakop ng kontrol mo. Hindi mo gagawin ito nang sadya; gagawin mo ito dahil nangingibabaw ang iyong likas na pagmamataas at kapalaluan. Dahil sa iyong pagmamataas at kapalaluan, hahamakin mo ang Diyos at hindi mo Siya bibigyan ng halaga; magiging dahilan ang mga ito para dakilain mo ang iyong sarili, palaging ibandera ang iyong sarili; magiging dahilan ang mga ito para hamakin mo ang iba, para wala nang matira sa puso mo kundi ang sarili mo; nanakawan ka ng mga ito ng puwang ng Diyos sa puso mo, at sa huli ay magiging sanhi ang mga ito para ilagay mo ang iyong sarili sa puwesto ng Diyos at hingin sa mga tao na magpasakop sila sa iyo, at magiging dahilan para igalang mo ang sarili mong mga kaisipan, ideya at kuru-kuro bilang katotohanan. Napakaraming kasamaan ang ginagawa ng mga tao dahil nangingibabaw ang kanilang mapagmataas at palalong kalikasan!(Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Sa Pamamagitan Lamang ng Paghahanap sa Katotohanan Makakagawa ng Pagbabago sa Disposisyon ang Isang Tao).

Maraming uri ng mga tiwaling disposisyon na kabilang sa disposisyon ni Satanas, pero ang isa na pinakahalatang-halata at pinakanamumukod-tangi ay ang mapagmataas na disposisyon. Pagmamataas ang ugat ng tiwaling disposisyon ng tao. Kapag mas mapagmataas ang mga tao, mas hindi sila makatwiran, at kapag mas hindi sila makatwiran, mas malamang na lumaban sila sa Diyos. Gaano kaseryoso ang problemang ito? Hindi lang isinasaalang-alang ng mga taong may mapagmataas na disposisyon ang lahat ng iba pa na mas mababa kaysa kanila, kundi, ang pinakamasama, hinahamak pa nila ang Diyos, at wala silang takot sa Diyos sa kanilang mga puso. Bagama’t maaaring mukhang naniniwala sa Diyos ang ilang tao at sinusunod Siya, ni hindi nila Siya itinuturing na Diyos. Pakiramdam nila palagi ay taglay nila ang katotohanan at napakataas ng tingin nila sa kanilang sarili. Ito ang diwa at ugat ng mapagmataas na disposisyon, at nagmumula ito kay Satanas. Kaya, kailangang malutas ang problema ng kayabangan(Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ikatlong Bahagi). Naantig ang puso ko nang marinig ko ang mga salita ng Diyos. Napagtanto ko na ang isang tao na may satanikong kalikasan ay ‘di sinasadyang gagawa ng mga bagay ayon sa isang tiwaling disposisyon, at pwede pa ngang makagulo at makagambala sa gawain ng iglesia. Masyadong matindi ang mapagmataas kong disposisyon. Akala ko, bihasa ako sa paggawa ng video at nauunawaan ko ang mga prinsipyo, kaya ang laki ng tiwala ko sa sarili ko. Pakiramdam ko, ako dapat ang may huling pasya sa lahat ng bagay, at dapat makinig sa akin ang iba. Noong nakatuwang ko ang mga superbisor, ni hindi ko sila kailanman binigyan ng atensyon, iniisip na mas magaling ako sa kanila sa lahat ng aspeto. Sa tuwing may pagkakaiba sa opinyon, ang una kong reaksyon ay mag-isip ng mga bagay tulad ng, “Hindi ninyo nauunawaan. Ako, nauunawaan ko,” o “Hindi kayo kwalipikado,” at kinukutya ang kanilang mga mungkahi. Minsan nga sumasagot pa ako nang hindi muna nag-iisip, nang wala ni katiting na saloobin ng paghahanap at pagtanggap, na nagiging dahilan para mapigilan ang mga superbisor at matakot na magbigay sa akin ng mga mungkahi. Sinundan ako ng iba sa pagkakaroon ng negatibong pananaw sa mga superbisor, kaya nahirapan silang subaybayan ang gawain ng grupo. Paanong hindi ito panggugulo sa gawain ng iglesia? Noong naging magkatuwang kami ng mga superbisor, anuman ang mungkahing ibigay nila, hindi ako kailanman naghanap ng paraan ng paggawa nito na aayon sa mga prinsipyo. Kumapit lang ako sa sarili kong pananaw. Paanong naging palaging tama ang mga pananaw ko? Pwede ba namang ang mga bagay na naiisip kong tama ay naaayon lahat sa mga prinsipyo ng katotohanan? Sa katunayan, tinitingnan ko lang ang mga bagay ayon sa mga kaloob at karanasan ko. Karamihan sa mga pananaw ko ay hindi naaayon sa mga prinsipyo. At kapag mas lalo akong namumuhay ayon sa mga bagay na ito, mas lalo kong naiisip na may halaga ako at tama ako. Kapag nakikipagpareha ako sa mga tao, palagi ko silang minamaliit at palagi akong nagpapasikat. Naging mayabang ako hanggang sa puntong nawalan na ako ng katwiran! Palagi kong ginagawa ang mga bagay ayon sa gusto ko kapag ginagampanan ang aking tungkulin. Kumapit ako sa mga sarili kong pananaw at pagkaunawa na para bang ito ang katotohanan, hindi tinanggap ang mga mungkahi ng iba, o hinayaang malagpasan ng mga ideya nila ‘yong sa akin, na para bang ako ang panginoon ng katotohanan. Sa anong paraan naging pananalig ‘yon sa Diyos? Malinaw na naniniwala ako sa sarili ko. Nang mapagtanto ko ito, natakot ako at napuno ng pagsisisi. Dahil masyadong mapagmataas ang kalikasan ko, hindi sinasadyang ginawa ko ang masasamang bagay na ito na lumalaban sa Diyos. Nakita ko na lubhang mapanganib sa akin na gawin ang tungkulin ko nang may mapagmataas na disposiyon.

Pagkaraan ng maikling panahon, natapos ang paggawa ng video, pero dahil hindi ko kayang makipagtulungan sa iba, pinigilan ko ang ibang tao, at ginulo ang paggawa ng video, natanggal ako. Pagkatapos, isa pang batch ng mga video ang kailangang gawin, pero hindi na ako kasali rito. Nagsimula na naman akong makaramdam ng paglaban, at naisip ko, “May kaunti akong pagkaunawa sa mapagmataas na kalikasan ko simula nung huling karanasan ko. Bakit ayaw nila akong pasalihin?” Ang higit pang di-inaasahan ay ‘yong hindi rin ako isa sa mga producer ng isa pang video. Talagang mahirap itong tanggapin para sa akin. Kung patuloy na magiging ganito ang mga bagay-bagay, hindi ba’t mawawalan na lang ako ng silbi sa iglesia? Isang sipi ng salita ng Diyos ang biglang sumagi sa isip ko. “Kung mahusay ang iyong kakayahan ngunit lagi kang mayabang at may labis na pagtingin sa sarili, na palagi mong iniisip na anuman ang sabihin mo ay tama at anumang sabihin ng iba ay mali, tinatanggihan ang anumang mga mungkahing ipinapanukala ng iba, at hindi pa nga tinatanggap ang katotohanan, paano man ito ibinabahagi, kundi lagi mo itong nilalabanan, makakamit ba ng taong katulad mo ang pagsang-ayon ng Diyos? Gagawa ba ang Banal na Espiritu sa taong katulad mo? Hindi. Sasabihin ng Diyos na mayroon kang masamang disposisyon at hindi karapat-dapat na tumanggap ng Kanyang kaliwanagan, at kung hindi ka magsisisi, babawiin pa Niya ang dating mayroon ka. Ganito ang malantad(Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ikatlong Bahagi). Bumilis ang tibok ng puso ko. Direktang pinatutungkulan ng mga salita ng Diyos ang kalagayan ko. Sa lahat ng taon na nananalig ako sa Diyos, palagi kong ginagawa ang tungkulin ko nang may mapagmataas na disposiyon. Nung panahong ‘yon, maraming beses na akong napungusan at naiwasto. Pero hindi ko kailanman hinanap ang katotohanan, at hindi nagbago ang disposisyon ko. Ngayon, nagulo ko ang gawain ng iglesia at nakagawa ng isang matinding paglabag. Ilalantad at palalayasin ba ako ng Diyos? Nang gunitain ko ang pag-uugali ko, kahit saan man ako pumunta, gusto ko palaging mamukod-tangi. Kapag mas may kakayahan ako kaysa sa iba, nasisiyahan ako sa sarili ko, at minamaliit ang aking mga kapatid. Kapag mas may kakayahan ang iba kaysa sa akin, palagi kong iniisip kung paano ko sila mahihigitan. Kapag hindi nagagamit ang mga mungkahi ko, hindi ko ito matanggap, at nag-iisip ako nang husto ng mga kontra-argumento, para gamitin ng lahat ang mga mungkahi ko. Kapag tinutukoy ng iba ang mga pagkukulang ko, wala akong sinasabi, pero sa loob-loob ko, lumalaban ako. Iniisip ko na wala silang kwenta at wala silang kwalipikasyon, na para bang espesyal akong tao. Habang mas lalo ko itong iniisip, mas lalo akong natatakot. Nagampanan ko ang tungkulin ko nang may mapagmataas na disposisyon sa lahat ng taong ‘yon. Hindi ko tinanggap ang katotohanan, at hindi ko pinagnilayan o kinilala ang sarili ko, na naging dahilan para lumala nang lumala ang tiwali kong disposisyon. Ang pagkakatanggal ko ay ang paghahayag ng pagiging matuwid ng Diyos! Sa aking pasakit, nagdasal ako sa Diyos, “O, Diyos! Alam kong hindi ko hinanap ang katotohanan sa lahat ng taong ito na nananalig ako sa Iyo. Noong pinungusan at iwinasto ako, hindi ko pinagnilayan o inunawa ang sarili ko. Bilang resulta, gumawa ako ng kasamaan na nakagulo sa gawain ng iglesia. Diyos ko, pakiusap, akayin mo akong maunawaan ang katiwalian ko, matahak ang landas ng paghahanap ng katotohanan, at mapagsisihan ang aking mga paglabag at pagkakautang.”

Sa isa sa mga debosyonal ko, nakita ko ang isang sipi ng mga salita ng Diyos. “Kung napakababaw ng kaalaman ng mga tao tungkol sa kanilang sarili, makikita nila na imposibleng lutasin ang mga problema, at talagang hindi magbabago ang kanilang disposisyon sa buhay. Kailangang makilala nang malalim ng isang tao ang kanyang sarili, na ibig sabihi’y malaman ng isang tao ang kanyang sariling likas na pagkatao: anong mga elemento ang kasama sa pagkataong iyon, paano nagsimula ang mga bagay na ito, at saan nanggaling ang mga ito. Bukod pa riyan, talaga bang nagagawa mong kamuhian ang mga bagay na ito? Nakita mo na ba ang sarili mong pangit na kaluluwa at likas na kasamaan? Kung talagang nagagawa mong makita ang katotohanan tungkol sa iyong sarili, kasusuklaman mo ang iyong sarili. Kapag kinasusuklaman mo ang iyong sarili at pagkatapos ay isinasagawa mo ang salita ng Diyos, magagawa mong talikuran ang laman at magkakaroon ka ng lakas na isagawa ang katotohanan nang hindi naniniwala na mahirap ito. Bakit maraming taong sumusunod sa kagustuhan ng kanilang laman? Dahil itinuturing nila ang kanilang sarili na mahusay, na nadarama na tama at makatwiran ang kanilang ikinikilos, na wala silang kamalian, at na talaga ngang tama sila, samakatuwid ay maaari silang kumilos na ipinapalagay na nasa panig nila ang katarungan. Kapag kinikilala ng isa kung ano ang tunay niyang kalikasan—gaano kapangit, gaano kasuklam-suklam, at gaano kaawa-awa—hindi na niya ipinagmamalaki nang labis ang kaniyang sarili, hindi na masyadong mapagmataas, at hindi na gaanong nasisiyahan sa kaniyang sarili tulad ng dati. Nararamdaman ng gayong tao, ‘Kailangan kong maging masigasig at praktikal sa pagsasagawa ng ilan sa mga salita ng Diyos. Kung hindi, ako ay hindi aabot sa pamantayan ng pagiging tao, at mahihiyang mamuhay sa harapan ng Diyos.’ Nakikita niyang tunay ang sarili bilang napakahamak, bilang totoong walang halaga. Sa pagkakataong ito ay nagiging madali para sa isa na isakatuparan ang katotohanan, at ang isa ay mas magmumukhang katulad ng kung ano dapat ang isang tao. Kapag tunay na kinasuklaman ng mga tao ang kanilang sarili, saka lang nila nagagawang talikuran ang laman. Kung hindi nila kinasusuklaman ang kanilang sarili, hindi nila magagawang talikuran ang laman. Ang tunay na pagkasuklam sa sarili ay hindi isang simpleng bagay. Mayroong ilang bagay na dapat matagpuan sa kanila: Una, pagkaalam sa sariling likas na pagkatao; at pangalawa, pagkakita sa sarili na nangangailangan at kaawa-awa, pagkakita sa sarili na napakahamak at walang kabuluhan, at pagkakita sa sariling kaawa-awa at maruming kaluluwa. Kapag lubos na nakikita ng isang tao kung ano siya talaga, at ito ang kinahinatnan, talagang nagtatamo siya ng kaalaman tungkol sa sarili, at masasabi na lubos na niyang nakilala ang kanyang sarili. Saka lamang niya talaga maaaring kamuhian ang kanyang sarili, hanggang sa isumpa niya ang kanyang sarili, at talagang madama niya na labis siyang nagawang tiwali ni Satanas kaya ni hindi siya mukhang tao(Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ikatlong Bahagi). Matapos basahin ang mga salita ng Diyos, napahiya ako. Sinabi ng Diyos na tanging sa pagkilala ng iyong sariling kalikasan, malinaw na pagkakita sa iyong kakayahan, kahirapan at pagkakahabag-habag, magagawa mong masuklam at mamuhi sa sarili mo, at magsisi sa Diyos. Kaya nagsimula akong magnilay-nilay kung bakit napakamapagmataas ko. Naisip ko kung paanong matapos kong sumali sa video group, gumawa ng ilang mahahalagang video, at tumanggap ng respeto at papuri mula sa lahat, inakala kong may karanasan na ako at nakakaunawa ng maraming prinsipyo. Inakala ko rin na may mahusay akong kakayahan, na madali akong matuto, at isa akong bihirang talento sa iglesia. Naging dahilan ito para lumala nang lumala ang mapagmataas kong disposisyon. Naisip ko kung gaano kakaunti ang nalalaman ko nung una akong nagsimulang gumawa ng mga video, at kung paanong inakay ako ng mga kapatid at ipinakita ito sa akin. Minsan, hindi ko pa rin ito magawa nang tama sa kabila ng malinaw nilang pagpapaliwanag sa mga detalye at kinailangan ko ng paulit-ulit na pagpapaturo bago ko magawa nang tama ang mga bagay-bagay. Sa pamamagitan nito, nakita ko na hindi sa matalino ako o may mataas na kakayahan, kundi nagkaroon lang ako ng maraming oportunidad na magsagawa at nakakuha ng ilang karanasan. Pero itinuring ko ito bilang kapital, at hindi ko ginawa ang tungkulin ko nang praktikal. Lalo na nung medyo naging epektibo ako sa tungkulin ko, inisip ko na alam na alam ko ang ginagawa ko, kaya mayabang kong minamaliit ang iba at hindi handang makipagtulungan sa kanila. Nasaan ang pagkatao at katwiran ko? Nang maisip ko ang dalawang superbisor na nakatuwang ko, palagi ko silang minamaliit. Sa totoo lang, sa pamamagitan ng mga pakikipag-ugnayan ko sa kanila, natuklasan ko na marami silang kalakasan. Bagamat medyo kulang sila sa mga kasanayan at karanasan sa paggawa ng video, mabubuti ang layunin nila, at maagap sila sa mga nagkakapatong-patong na paghihirap. Matatalas din ang isipan nila at hindi kumakapit sa mga patakaran. Naglalakas-loob silang gumawa ng pagbabago at handang matuto ng mga bagong bagay. Kapag nahaharap sa mga paghihirap o problema, kaya nilang isantabi ang kanilang mga sarili at hingin ang payo ng iba. Pero masyadong mapagmataas ang disposisyon ko at walang nakakapantay sa akin. Bulag ako sa mga kalakasan ng iba. Naisip ko kung paanong napakayabang ni Pablo. Inakala niyang may kakayahan siya, mga kaloob, at wala siyang sinusunod na kahit sino. Palagi siyang nagpapatotoo na mas mataas siya kaysa sa ibang mga disipulo, nagsasabi pa nga ng mga karumal-dumal na salita na para sa kanya, ang mabuhay ay si Cristo. Napakayabang niya hanggang sa puntong wala siyang katwiran. Napagnilayan ko na ang kalikasan ko ay katulad ng kay Pablo. Palagi kong minamaliit ang mga superbisor, at palaging pinapagawa sa iba ang lahat ng bagay sa paraang sinabi ko. Sinusundan ko ang landas ni Pablo. Nang mapagtanto ko ito, nakaramdam ako ng matinding pagsisisi. Nagdasal ako sa Diyos, “Diyos ko! Ngayon lang ako nagkaroon ng kaunting pagkaunawa sa kalikasan at diwa ko. Sa mga taon na ito ng pananalig sa Diyos, palagi akong dinidiligan ng sambahayan ng Diyos at tinutustusan ng katotohanan. Pero hindi ko hinanap ang katotohanan at sa halip ay tinahak ang landas ng isang anticristo, binabalewala ang Iyong labis na pag-aalala. Pinangasiwaan Mo ang napakaraming tao, pangyayari, at bagay para paalalahanan ako, pero naging matigas ang ulo ko at hindi alam kung paano magsisi. Sinunod ko ang mapagmataas kong kalikasan pababa sa maling landas, at gumawa ng dahilan para kamuhiann Mo ako. Diyos ko, handa akong magsisi. Anumang mga pagsasaayos ang gawin ng iglesia pagkatapos nito ay susundin ko.”

Nang mapagtanto ko ito, sa gulat ko kinabukasan, isang sister ang naghatid sa akin ng balita, sinasabing ang gawain ng ilang miyembro ng bagong grupo ay hindi gaanong maayos, at na umaasa siyang sasanayin ko sila. Tinanong niya ako kung payag ba ako. Ang puso ko ay lubos na nagpapasalamat sa Diyos. Kung kailan gusto ko nang magsisi, binigyan ako ng iglesia ng pagkakataon na gawin ang tungkulin ko. Kailangan kong pahalagahan ito sa pagkakataong ito, kaya naman masaya ko itong tinanggap. Ang mas hindi ko inaasahan, makalipas ang ilang araw, isinaayos ng lider na makibahagi ako sa paggawa ng isang bagong video. Talagang nagpapasalamat ako sa Diyos!

Habang iniisip kung paanong makikipagpareha ako sa iba sa madaling panahon, naghanap ako ng isang landas para makipagtulungan sa iba. Nakita ko na sinasabi ng salita ng Diyos, “Kapag nakikipagtulungan kayo sa iba upang tuparin ang inyong mga tungkulin, nagagawa ba ninyong maging bukas sa magkakaibang opinyon? Nahahayaan ba ninyong magsalita ang ibang mga tao? (Oo, medyo. Dati-rati, sa maraming pagkakataon ay hindi ako nakikinig sa mga mungkahi ng mga kapatid at iginigiit kong gawin ang mga bagay-bagay sa sarili kong paraan. Kalaunan, nang napatunayan ng mga totoong pangyayari na mali ako, saka ko lamang nakita na karamihan sa kanilang mga mungkahi ay tama, na ang kinalabasan ng pagtatalakayan ng lahat ang talagang angkop, na ang sarili kong mga pananaw ay mali at kulang. Matapos itong maranasan, natanto ko kung gaano kahalaga ang pagtutulungan nang maayos.) At ano ang maaari nating makita mula rito? Matapos itong maranasan, nakinabang ba kayo nang kaunti, at naunawaan ba ninyo ang katotohanan? Palagay niyo ba may taong perpekto? Gaano man kalakas ang mga tao, o gaano man sila kahusay at katalino, hindi pa rin sila perpekto. Dapat itong tanggapin ng mga tao, totoo ito. Iyon din ang saloobin na dapat mayroon ang mga tao sa kanilang sariling mga kagalingan at kalakasan o mga kamalian; ito ang pangangatwirang dapat taglayin ng mga tao. Sa gayong pangangatwiran, maaari mong harapin nang wasto ang iyong sariling mga kalakasan at kahinaan pati na ang sa iba, at ito ang magbibigay sa iyo ng kakayahang makipagtulungan nang maayos sa kanila. Kung naunawaan mo ang aspetong ito ng katotohanan at makakapasok ka sa aspetong ito ng realidad ng katotohanan, makakaya mong makisama nang maayos sa iyong mga kapatid, na humuhugot ng lakas sa magagandang katangian ng isa’t isa upang mapunan ang anumang mga kahinaang mayroon ka. Sa ganitong paraan, anumang tungkulin ang iyong ginagampanan o anuman ang iyong ginagawa, lagi kang magiging mas mahusay roon at pagpapalain ka ng Diyos(Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ikatlong Bahagi). Ipinaunawa sa akin ng mga salita ng Diyos na walang perpekto. Lahat ay may mga kamalian at kakulangan. Anuman ang mga kaloob at karanasan ng isang tao, ang mga bagay na ito ay hindi nangangahulugang nasa kanya ang katotohanan, o na ang kanyang mga kilos ay palaging naaayon sa katotohanan. Kailangang magtulungan nang maayos ang bawat isa at punan ang mga kahinaan ng isa’t isa. Lalo na kapag may mga pagkakaiba sa opinyon, dapat mong isaisantabi ang iyong ego at magbahagi at siyasatin ang problema nang magkakasama nang may saloobin ng paghahanap. Ito ang tanging paraan para magkaroon ng pagkatao at katwiran, matanggap ang gawain ng Banal na Espiritu, mabawasan ang mga pagkalingat sa iyong tungkulin, at sa huli ay magampanan nang maayos ang iyong tungkulin. Hindi natin nauunawaan ang katotohanan. Kaya kailangan nating magtulungan at punan ang mga kahinaan ng isa’t isa. Ito lang ang paraan para umasal nang nasa katwiran. Dahil naunawaan ko na ito, magpapatuloy ako sa pamamagitan ng pagsasagawa ng landas na ito. Kapag may mga pagkakaiba na naman sa opinyon ‘pag nagsisiyasat kasama ang iba, sadya kong itinatatwa ang pananaw ko para makinig sa mga opinyon ng iba. Kapag may mga di-pagkakasundo, nagbabahagi ako tungkol sa mga naaangkop na prinsipyo sa lahat, at sa huli ay nagsasagawa sa paraang sumusunod sa mga prinsipyo. Pagkaraan ng ilang panahon, lubos na bumuti ang ugnayan ko sa iba, at naunawaan ko na tanging sa pagsasantabi ng aking ego at pakikipagtulungan nang maayos ko madaling makakamit ang gawain at patnubay ng Banal na Espiritu, at magiging epektibo sa pagganap sa aking tungkulin.

Sa pamamagitan ng pagdanas ng mga sitwasyong ito, nagkamit ako ng kaunting pagkaunawa sa aking mapagmataas na disposisyon at nakagawa ng ilang pagbabago. Ang resultang ito ay dahil lahat sa pagkain at pag-inom ng salita ng Diyos! Lubos akong nagpapasalamat sa Diyos!

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Isang Napakasakit na Pagpili

Ni Alina, EspanyaNoong 1999, tinanggap ko ang gawain ng Makapangyarihang Diyos ng mga huling araw, at hindi nagtagal ay nahalal akong...

Leave a Reply