Ang Kahulugan ng Paghahangad sa Katotohanan 5 (Ikalawang Bahagi)
Marami na Akong nasabi tungkol sa paksa ng kung ano ang pinaniniwalaan ng mga tao na tama at mabuti ayon sa kanilang mga haka-haka—nagpaulit-ulit na Ako upang ipaunawa sa inyo na bagama’t ang mga paksang ito, kahit paano, ay malayo sa katotohanan, at hindi umaabot na kasintaas ng katotohanan, nauugnay ang mga ito sa mga pananaw ng tao tungkol sa mga tao at bagay-bagay, at sa asal at mga kilos ng tao. Samakatwid, huwag ninyong ituring na walang katotohanan ang mga paksang ito, o isang uri ng kaalaman o teorya. Hindi hungkag ang mga ito. Ang mga bagay na itinuturing na tama at mabuti ng mga tao sa kanilang mga haka-haka ay palaging nasa kaibuturan ng kanilang puso, kumokontrol sa kanilang isipan, kumokontrol sa kanilang pananaw at paninindigan sa mga tao at bagay-bagay, at sa kung paano sila nakikisama at kumikilos. Samakatwid, ang mga bagay na ito ay kailangang ipaliwanag nang malinaw, upang maunawaan at magkaroon ng pagkilatis ang mga tao sa mga ito, at sa gayon ay matalikuran ang mga haka-haka ng tao tungkol sa mabuting pag-uugali at ganitong uri ng mga bagay, at hindi na muling tratuhing positibo ang mga bagay na ito, o bilang mga pamantayan ng pag-uugali para sa kanilang mga pananaw tungkol sa mga tao at bagay-bagay, at para sa kanilang pakikisama at mga kilos. Ang mga bagay na iyon ay hindi talaga mga salita ng Diyos, lalo nang hindi ang katotohanan. Ang kailangan ninyong gawin ay palaging itama ang pananaw at paninindigan ninyo sa mga tao at bagay-bagay, at ayusin ang asal at kumilos, habang palaging sinusuri kung ang bawat haka-haka at pananaw bang lumilitaw sa inyong isipan ay naaayon sa katotohanan. Kailangan ninyong baligtarin kaagad ang inyong mga huwad na haka-haka at pananaw, at pagkatapos ay panghawakan ang tamang paninindigan, at tingnan ang mga tao at bagay-bagay, at ayusin ang asal ninyo at kumilos kayo ayon sa mga salita ng Diyos, gamit ang mga pamantayan sa pag-uugali na hinihingi ng Diyos. Ito ang pinakapangunahing pagsasagawa ng paghahangad sa katotohanan. Isang uri din ito ng direksiyon at mithiin ng paghahangad na dapat ninyong taglayin kapag nagsisikap kayong magtamo ng kaligtasan at magsabuhay ng normal na pagkatao. Dahil katatapos lamang ninyong makinig sa mga salitang ito, ang inyong pagkaunawa sa mga ito ay maaaring hindi pa gayon kalalim o kakongkreto, ngunit huwag kayong mag-alala. Matapos patuloy na lumalim ang inyong karanasan sa mga salita ng Diyos, at matapos ninyong patuloy na siyasatin at intindihin ang mga bagay na pinaniniwalaang tama sa loob ng mga haka-haka ng tradisyonal na kultura, sa huli ay magagawa ninyong talikuran ang iba’t ibang pahayag ng tradisyonal na kultura. Hindi na ninyo muling susuriin ang pag-uugali ng mga tao ayon sa tradisyonal na kultura; sa halip, susuriin ninyo ang mga tao ayon sa mga salita ng Diyos at sa katotohanan. Sa ganitong paraan, ganap ninyong maiwawaksi at matatalikuran ang mga haka-haka ng tradisyonal na kultura. Kung hindi mo nauunawaan ang katotohanan, at nauunawaan mo lang ang mga simpleng doktrina, at alam mong ang mga pag-uugaling hinihingi ng tradisyonal na kultura ay hindi tama, maaaring maisip mo, “Moderno akong tao, naiiba sa makamundong masa. Hindi ako gaanong tradisyonal at talagang sawa na ako sa tradisyonal na kultura, hindi ako mahilig sumunod sa nakakapagod na mga kaugalian at ritwal.” Ngunit kapag tinitingnan mo ang mga tao at bagay-bagay, natural na natural na gagamitin mo pa rin ang dati mong mga haka-haka para tingnan at suriin ang mga ito. Sa pagkakataong iyon, matatanto mo na lahat ng ipinapahayag mo tungkol sa pagiging isang modernong tao, na hindi makaluma o masyadong tradisyonal, at nakatatanggap sa katotohanan, ay talagang huwad at mali, at na nalansi ka ng sarili mong mga damdamin. Saka mo lamang matatanto na ang mga lumang ideya, pananaw, at haka-haka ay matagal nang umugat nang malalim sa puso mo, at na hindi agad nawawala ang mga ito kapag binabago mo ang iyong mga haka-haka o tinatalikuran ang ilang partikular na ideya. Ang pagsasabi na isa kang tao sa bagong kapanahunan, isang modernong tao, ay isang paimbabaw na katawagan lamang; ito ay dahil lamang sa isinilang ka sa ibang henerasyon at kapanahunan, ngunit lahat ng bagay na iyon na makaluma at antagonistiko sa Diyos, na karaniwan sa buong sangkatauhan ay taglay mo rin, nang walang eksepsiyon. Basta’t ikaw ay tao, sasaiyo ang mga bagay na ito. Kung hindi ka naniniwala rito, magkamit ka pa ng mas maraming karanasan. Darating ang araw na tutugon ka ng “Amen” sa mga salita Kong ito. Iniisip ng mga taong hindi nakakaunawa sa mga espirituwal na bagay, at iyong mayayabang at hambog na, “Mayroon akong master’s at doctorate degree. Maraming taon na akong namumuhay sa lipunang ito, at nalantad na ako sa kultura at edukasyon ng bagong kapanahunan, lalo na sa kanluraning edukasyon. Paano ko pa makikimkim ang mga makalumang bagay na iyon? Pinakamalala ang mga tradisyon. Kinasusuklaman ko ang mga panuntunang iyon na walang katuturan. Kapag nagsasama-sama ang aking pamilya at nag-uusap-usap tungkol sa mga tradisyonal na bagay at panuntunan, ayaw ko talagang makinig.” Huwag kang magmadaling itanggi ito. Darating ang araw kalaunan na tatalikuran mo ang mga ideya mong ito. Aaminin mo na wala nang iba pang mas ordinaryong miyembro ng lahi ng tao na nagawang tiwali ni Satanas kaysa sa iyo. Bagama’t hindi mo kusang tinanggap o ipinakita ang makalumang mga haka-haka na nasa iyong kalooban, matagal ka nang hinawahan at kinondisyon ng tradisyonal na kultura at ng mga ninuno ng lahi ng tao. Umiiral ang mga bagay na ito, nang walang eksepsiyon, sa iyong kalooban, at sa iyong mga iniisip at haka-haka. Bakit ganito? Dahil ang mga aspetong ito ng tradisyonal na kultura ay hindi mga simpleng pahayag, ni hindi mga simpleng kasabihan o pamamaraan ang mga ito. Sa halip, ang mga ito ay isang uri ng pag-iisip at teorya. May epekto ang mga itong nagliligaw at nagtitiwali sa tao. Ang mga kasabihan at pamamaraang ito ay hindi nagmumula sa tiwaling sangkatauhan, nagmumula ang mga ito kay Satanas. Hangga’t nabubuhay ka sa ilalim ng kapangyarihan ni Satanas, hindi mo maiiwasang makondisyon, mailigaw, at matiwali ng mga bagay na ito. Ngayong narinig mo na ang Aking mga salita, madarama mo na totoo at katotohanan ang lahat ng ito. Kapag naranasan mo na ang mga salita Kong ito, matutuklasan mong bagama’t ayaw mo ng tradisyonal na kultura, o ng nakakapagod na mga kaugalian at ritwal, o ng walang-katuturang mga panuntunan, ang mga batayan ng iyong mga pananaw sa mga tao at bagay-bagay, at sa iyong asal at kilos ay hindi maiiwasang nagmumula sa tao. Kabilang ang mga ito sa ubod ng tradisyonal na kultura, mga bagay ito na nakapaloob sa tradisyonal na kultura. Ang iyong mga pananaw sa mga tao at bagay-bagay, at ang iyong asal at kilos ay hindi batay sa mga salita ng Diyos, gamit ang katotohanan bilang iyong pamantayan. Sa oras na iyon, malalaman mo, malinaw mong makikita na bago natamo ng mga tao ang katotohanan, kung hindi nila hinahangad o nauunawaan ang katotohanan, dala nila ang lason ni Satanas, ang piraso ni Satanas, at ang mga pakana ni Satanas habang isinasabuhay nila ang pinakapangunahing normal na pagkatao. Lahat ng isinasabuhay nila ay negatibo, at kinamumuhian at tinatanggihan ng Diyos. Makamundo ang lahat ng ito, at walang kinalaman sa mga positibong bagay na inilalatag at gusto ng Diyos, at umaayon sa kalooban Niya. Wala talagang pagkakasalubong, wala ni anumang pagkakatulad ang mga ito. Napakahalagang makita nang malinaw ang mga problemang ito, kung hindi, hindi malalaman ng mga tao kung ano ang kahulugan ng isagawa ang katotohanan. Kakapit sila magpakailanman sa mabubuting pag-uugaling pinaniniwalaan ng tao na mga positibong bagay, kaya ang kanilang pag-uugali at pagpapamalas ay hindi tutugon kailanman sa pagsang-ayon ng Diyos. Kung mahal ng isang tao ang katotohanan, magagawa niyang tanggapin at hangarin ito. Titingnan nila ang mga tao at bagay, at aasal at kikilos sila, nang ganap na ayon sa mga salita ng Diyos, na ang kanilang pamantayan ay ang katotohanan. Sa ganitong paraan, magagawa nilang magsimula sa landas ng buhay na inilahad ng Diyos sa tao. Ang tingnan ang mga tao at bagay, at umasal at kumilos, nang ganap na ayon sa mga salita ng Diyos, na ang pamantayan ay ang katotohanan—ang prinsipyong ito ay lubhang mahalaga at kinakailangang sundin ng tao. Ito ay isang prinsipyo ng katotohanan na kailangang taglayin ng isang tao kapag naghahangad ng kaligtasan at nagsisikap na magsabuhay ng isang makabuluhang buhay. Kailangan mong tanggapin ito. Walang puwang sa pagpili sa bagay na ito, at walang mga eksepsiyon para sa sinuman. Kung hindi mo hinahangad ang katotohanan, at hindi mo tinatanggap ang prinsipyong ito ng katotohanan, matanda ka man o bata, maalam o hindi, may pananampalataya ka man o maliit man ang iyong pananampalataya, at anumang uri sa lipunan ang kinabibilangan mo, o anuman ang iyong lahi, walang eksepsiyon, wala kang kinalaman sa mga pamantayang hinihingi ng Diyos. Ang dapat mong gawin ay ang magsumikap na tingnan ang mga tao at bagay, at umasal at kumilos, nang ganap na ayon sa mga salita ng Diyos, na ang pamantayan ay ang katotohanan. Ito ang kaisa-isang landas na dapat mong tahakin. Hindi ka dapat pumili at magpasya, na sasabihin mong, “Tatanggapin ko ang isang bagay bilang katotohanan kung angkop ito sa aking mga haka-haka, ngunit kung hindi ito angkop, hindi ko ito tatanggapin. Gagawin ko ang mga bagay-bagay sa sarili kong paraan, hindi ko na kailangang hangarin ang katotohanan. Hindi ko kailangang tingnan ang mga tao, usapin, at bagay-bagay mula sa pananaw ng mga salita ng Diyos; May sarili akong mga opinyon, at ang mga iyon ay marangal, walang kinikilingan, at positibo. Hindi masyadong naiiba ang mga iyon sa mga salita ng Diyos, kaya, siyempre, maaaring palitan ng mga iyon ang mga salita ng Diyos at ang katotohanan. Hindi ko kailangang isagawa ang mga salita ng Diyos patungkol dito, o kumilos ayon sa mga ito.” Ang ganitong uri ng opinyon at pamamaraan ng paghahangad ay mali. Gaano man kabuti o katama ang mga opinyon ng tao, mali pa rin ang mga iyon. Hindi mapapalitan ng mga iyon ang katotohanan sa anumang paraan. Kung hindi mo matanggap ang katotohanan, anumang hahangarin mo ay mali. Kaya nga sinasabi Ko na wala kang mapagpipilian sa usapin ng “tingnan ang mga tao at bagay, at umasal at kumilos, nang ganap na ayon sa mga salita ng Diyos, na ang pamantayan ay ang katotohanan.” Ang tanging magagawa mo ay masunuring kumilos ayon sa kasabihang ito, at isagawa at personal na danasin ito, unti-unting magtamo ng kaalaman tungkol dito, kilalanin ang sarili mong tiwaling disposisyon, at pumasok sa realidad ng pariralang ito. Saka mo lamang makakamtan sa huli ang mithiing dapat makamtan ng isang tao sa pamamagitan ng paghahangad sa katotohanan. Kung hindi, ang iyong pagsusumikap, lahat ng tinalikuran mo na, at lahat ng pinaghirapan mo ay maglalaho, lahat ng iyon ay mawawalan ng saysay. Nauunawaan mo ba?
Ano ang ibig sabihin ng hangarin ang katotohanan? (Ang tingnan ang mga tao at bagay, at umasal at kumilos, nang ganap na ayon sa mga salita ng Diyos, na ang pamantayan ay ang katotohanan.) Tama iyan. Isagawa ang mga salitang ito nang tapat, ganap, at lubusan. Ang kasabihang ito ang gawin mong mithiin ng iyong hangarin, at ang realidad ng iyong buhay, sa gayon ay magiging isang tao ka na naghahangad sa katotohanan. Huwag kang pahawa sa anumang paraan, huwag kang pahawa sa anumang kagustuhan ng tao, at huwag panghawakan ang anumang mentalidad ng suwerte. Iyan ang tamang paraan ng pagkilos, at pagkatapos ay magkakaroon ka ng pag-asang matamo ang katotohanan. Kaya, kailangan bang magbahaginan at suriin ang mga haka-haka ng tao tungkol sa mabuting pag-uugali? (Oo.) Anong positibong patnubay at tulong ang maibibigay nito sa inyo? Maaari bang maging batayan at pamantayan ang mga salitang ito para sa opinyon ninyo sa mga tao at bagay-bagay, at sa asal at kilos ninyo? (Oo, maaari.) Kung maaari, basahin ninyo ang dalawang pagbabahaginang ito bilang panalangin sa inyong mga pagtitipon at debosyonal. Kapag lubusan mo nang naunawaan ang mga salitang ito, magagawa mo nang tingnan nang tumpak ang mga tao at bagay-bagay, at umasal at kumilos ayon sa mga salita ng Diyos. Sa gayong paraan, magkakaroon ka ng batayan at pamantayan para sa iyong sinasabi at ginagawa. Makikita mo nang tumpak ang mga tao, at ang pananaw at paninindigan mo sa mga bagay-bagay ay magiging tama rin. Hindi mo na titingnan ang mga tao at bagay-bagay batay sa iyong mga emosyon o damdamin, ni hindi batay sa tradisyonal na kultura o mga satanikong pilosopiya. Kapag mayroon kang tamang batayan, ang mga resulta ng iyong mga opinyon tungkol sa mga tao at bagay-bagay ay medyo magiging tumpak. Hindi ba ganito iyon? (Oo.) Samakatwid, hindi ninyo maaaring basta tanggapin o talikuran ang mga salitang ito. Hindi Ako nakikipagtipon sa inyo at nakikipagbahaginan tungkol sa mga paksang ito para lamang palipasin ang oras o libangin ang sarili Ko dahil naiinip Ako. Ginagawa Ko ito dahil ang mga problemang ito ay karaniwan sa lahat ng tao, at mga problema ito na kailangang maunawaan ng mga tao sa kanilang landas ng paghahangad sa katotohanan at pagkakamit ng kaligtasan. Subalit, hindi pa rin malinaw sa mga tao ang mga isyung ito. Madalas silang magapos at matali sa mga isyung ito. Ang mga problemang ito ay nakakahadlang at nakakaabala sa kanila. Siyempre pa, hindi rin nauunawaan ng mga tao ang landas tungo sa pagkakamit ng kaligtasan. Mula man ito sa isang pasibo o aktibong pananaw, o mula sa isang positibo o negatibong pananaw, dapat tiyakin ng mga tao na malinaw at nauunawaan nila ang mga problemang ito. Sa ganitong paraan, kapag naharap ka sa mga problemang katulad nito sa tunay na buhay at naharap ka sa isang pagpapasya, magagawa mong hanapin ang katotohanan; ang pananaw at paninindigan mo sa problema ay magiging tama, at magagawa mong sumunod sa mga prinsipyo. Sa gayong paraan, magkakaroon ng batayan ang iyong mga desisyon at pagpapasya, at aayon sa mga salita ng Diyos. Hindi ka na muling maililigaw ng mga satanikong pilosopiya at kamalian; hindi ka na muling gagambalain ng mga lason at kakatwang mga pahayag ni Satanas. Sa gayon, pagdating sa pagtingin sa mga tao at bagay-bagay, na siyang pinakapangunahin sa mga antas, magagawa mong maging obhetibo at makatarungan sa kung paano mo tinitingnan ang isang bagay o tao; hindi ka maiimpluwensiyahan o makokontrol ng iyong damdamin o ng mga satanikong pilosopiya. Samakatwid, bagama’t ang pagkilala at pag-intindi sa mga pag-uugaling pinaniniwalaan ng mga tao na mabuti ayon sa kanilang mga haka-haka ay hindi isang malaking bagay sa proseso ng paghahangad sa katotohanan, mahigpit itong nakaugnay sa pang-araw-araw na buhay ng mga tao. Sa madaling salita, madalas maranasan ng mga tao ang mga bagay na ito sa kanilang pang-araw-araw na buhay. Halimbawa, kunwari ay may nangyari, at gusto mong kumilos sa isang paraan, ngunit iba ang inilahad na pananaw ng isa pang tao, at hindi ka komportable sa karaniwang asal ng taong iyon—paano mo dapat tratuhin ang kanyang opinyon? Paano mo dapat harapin ang bagay na ito? Magiging mali kung basta mo na lang babalewalain ang mga iyon. Dahil nagkikimkim ka ng isang partikular na opinyon o pagtatasa tungkol sa mga iyon, o ng isang konklusyon na nabuo mo tungkol sa mga iyon, maiimpluwensiyahan ng mga bagay na ito ang iyong pag-iisip at pagpapasya, at malamang na maimpluwensiyahan ng mga iyon ang iyong pasiya tungkol sa bagay na ito. Kaya nga kailangan mong harapin ang magkakaibang opinyon nila nang mahinahon, kilatisin at tingnan ito nang malinaw ayon sa katotohanan. Kung ang sinabi nila ay naaayon sa mga prinsipyo ng katotohanan, dapat mong tanggapin ito. Kung hindi mo makita nang malinaw ang usapin, kapag naharap kang muli sa isang sitwasyon o isang taong katulad nito, lagi kang malilito, hindi magiging handa, balisa, at naguguluhan. Maaari pa ngang gumamit ng sukdulang mga hakbangin ang ilang tao para harapin at ayusin ang sitwasyon, tiyak na hindi magugustuhang makita ng sinuman ang huling resulta nito. Kung gagamitin mo ang mga pamantayan ng pagsukat na hinihiling ng Diyos para tingnan ang isang tao, ang huling resulta ay malamang na maging mabuti at positibo—hindi magkakaroon ng alitan sa pagitan ninyong dalawa, at magkakasundo kayo. Gayunman, kung gagamitin mo ang lohika ni Satanas at ang mga pamantayan ng mga haka-haka ng tao tungkol sa mabuting pag-uugali para tingnan ang tao, malamang na mauwi kayong dalawa sa pag-aaway at pagtatalo. Ang resulta ay hindi ninyo magagawang magkasundo, at maraming bagay na susunod doon: Maaaring siraan ninyo ang isa’t isa, hamakin ang isa’t isa, at husgahan ang isa’t isa, sa mga seryosong sitwasyon ay maaari ka pa ngang masubo sa pisikal na away, at sa huli, masasaktan at matatalo ang magkabilang panig. Walang gustong makita iyan. Samakatwid, ang mga bagay na ikinikintal ni Satanas sa mga tao ay hinding-hindi sila matutulungang tingnan ang isang tao o bagay nang walang kinikilingan, makatarungan, o makatwiran. Samantala, kapag tinitingnan at sinusuri ng mga tao ang isang bagay o tao ayon sa mga pamantayan sa pag-uugali na hinihingi ng Diyos at naipaalam na sa tao, at ayon sa mga salita ng Diyos at sa katotohanan, ang huling resulta ay tiyak na walang kinikilingan, dahil wala itong halong kapusukan, o mga emosyon at damdamin ng tao. Magagandang bagay lamang ang maaaring magmula rito. Dahil dito, ano ang kailangang tanggapin ng mga tao: ang mga haka-haka ng tao tungkol sa mabubuting bagay, o ang mga pamantayan sa pag-uugali na hinihingi ng Diyos? (Ang mga pamantayan sa pag-uugali na hinihingi ng Diyos.) Alam ninyong lahat ang sagot sa tanong na iyan, at masasagot ito nang tama. Sige, tatapusin natin dito ang ating pagbabahaginan tungkol sa paksang ito. Ang kailangan ninyong gawin sa susunod ay patuloy na pagnilayan at pagbahaginan ang mga bagay na ito, isaayos ang mga isyung ito sa sistematikong paraan, bumuo ng ilang prinsipyo ng pagsasagawa at mga landas ng pagsasagawa, at pagkatapos ay patuloy na sumailalim at danasin ang mga ito sa inyong pang-araw-araw na buhay, at pumasok sa realidad ng mga salitang ito. Natural, ang pagpasok sa realidad ng mga salitang ito ay ang unang realidad ng katotohanan na hinahangad at pinapasok ng mga tao. Sa ganitong paraan, sa pamamagitan ng karanasan, unti-unting magkakaroon ng iba’t ibang antas ng pag-unawa at kaalaman ang mga tao sa bawat aspeto ng nilalaman ng pagbabahaginang ito, at unti-unti silang makikinabang mula sa iba’t ibang pananaw. Habang lalo kang nakikinabang, lalong lalalim ang iyong kaalaman batay sa karanasan at pagpasok sa mga salitang ito. Kapag mas malalim ang pagpasok at pagdanas mo sa mga ito, mas malalim ang pagpasok at kaalaman mo batay sa karanasan tungkol sa iyong mga pagtingin sa mga tao at bagay-bagay, at mas malalim ang iyong asal at mga kilos. Sa kabaligtaran, kung hindi ka talaga papasok sa mga salitang ito, at titingnan at uunawain mo lamang ang literal na kahulugan ng mga salitang ito, at titigil ka na roon, mamumuhay nang tulad ng dati, hindi naghahanap sa katotohanan kapag nagkakaroon ng mga problema, at hindi ikinukumpara ang mga problemang ito sa mga salita ng Diyos, o nilulutas ang mga ito ayon sa mga salita ng Diyos, hindi ka kailanman makapapasok sa realidad ng mga salita ng Diyos. Ano ang ibig sabihin ng hindi ka kailanman makapapasok sa realidad ng katotohanan? Ang ibig sabihin nito ay na hindi ka isang taong nagmamahal sa katotohanan, at hindi mo kailanman isasagawa ang katotohanan, dahil hindi mo kailanman titingnan ang mga tao at bagay-bagay, o hindi mo kailanman aayusin ang asal at kilos mo ayon sa mga salita ng Diyos, gamit ang katotohanan bilang iyong pamantayan. Sabi mo, “Nabubuhay pa rin ako nang maayos kahit hindi ko ginagawang batayan ang mga salita ng Diyos, o ang katotohanan bilang pamantayan ko.” Ano ang ibig mong sabihing “nabubuhay nang maayos”? Maayos ba ang mga bagay-bagay basta’t hindi ka pa patay? Ang mithiin ng iyong hangarin ay hindi para magkamit ng kaligtasan, at hindi mo tinatanggap o nauunawaan ang katotohanan, subalit sinasabi mo na nabubuhay ka nang maayos. Kung ganyan ang sitwasyon, napakababa ng kalidad ng iyong buhay, at ang kalidad ng pagkataong iyong isinasabuhay ay napakababa. Kung hihiramin natin ang kolokyal na kasabihan, mas mukha kang halimaw kaysa tao, dahil hindi ka kumakain at umiinom ng mga salita ng Diyos at hindi mo nauunawaan ang katotohanan, nabubuhay ka pa rin ayon sa satanikong disposisyon at mga satanikong pilosopiya—hindi ka tao na nadadamitan lamang ng balat ng tao. Ano ang kalidad o halaga ng buhay ng isang taong ganyan? Wala itong pakinabang sa iyo o sa iba. Ang kalidad ng ganitong uri ng buhay ay napakaaba—wala itong halaga.
Alam ba ninyo kung bakit Ko ibinabahagi at sinusuri itong mga tradisyonal na haka-haka at tradisyonal na kultura ngayon? Dahil lamang ba ayaw Ko ang mga iyon? (Hindi, hindi iyan ang dahilan.) Kung gayon ay ano ang kabuluhan ng pagbabahagi tungkol sa mga paksang ito? Ano ang mithiin nito sa huli? (Tinutulungan kami nitong suriin kung aling mga pag-uugali at pagpapamalas ang kinikimkim pa rin namin na idinidikta ng tradisyonal na kultura, at ipinamumuhay ayon sa mga satanikong pilosopiya. Pagkatapos naming maunawaan ang katotohanan at matamo ang pagkilatis, magagawa naming isabuhay ang normal na pagkatao ayon sa mga hinihingi at pamantayang naibigay sa amin ng Diyos, at tumahak sa landas ng paghahangad sa katotohanan.) Tama ito, ngunit medyo maligoy. Ano ang pinakasimple at pinakaderetsahang sagot? Iisa lamang ang mithiin sa huli ng mga paksang ito, at iyon ay ang ipaunawa sa mga tao kung ano ang katotohanan, at kung ano ang pagsasagawa ng katotohanan. Kapag malinaw na sa mga tao ang dalawang bagay na ito, magkakaroon na sila ng pagkakilala sa mabubuting pag-uugaling itinataguyod ng tradisyonal na kultura. Hindi na nila ituturing ang mabubuting pag-uugaling iyon bilang mga pamantayan para sa pagsasagawa ng katotohanan o pagsasabuhay ng wangis ng tao. Sa pag-unawa lamang sa katotohanan maaaring iwaksi ng mga tao ang mga gapos ng tradisyonal na kultura, at iwaksi ang kanilang mga maling pagkaunawa at opinyon tungkol sa pagsasagawa ng katotohanan at sa mabubuting pag-uugaling dapat taglayin ng mga tao. Sa ganitong paraan lamang maaaring isagawa at hangarin ng mga tao ang katotohanan nang tama. Kung hindi alam ng mga tao ang katotohanan at itinuturing nila ang tradisyonal na kultura bilang ang katotohanan, ang direksiyon, mga mithiin, at landas ng kanilang hangarin ay lahat magiging mali. Napalayo na sila sa mga salita ng Diyos, nasalungat ang katotohanan, at napalayo mula sa tunay na daan. Sa gayon, tumatahak sila sa sarili nilang landas at naliligaw. Kung hindi kaya ng mga taong hindi nakakaunawa sa katotohanan na hanapin at isagawa ito, ano ang magiging resulta sa huli? Hindi nila matatamo ang katotohanan. At kung hindi nila matamo ang katotohanan, gaano man naniniwala ang mga taong iyon, mawawalan ito ng silbi. Samakatwid, ang pagbabahagi at pagsusuri ngayon tungkol sa mga tradisyonal na haka-haka at mga pahayag ng tradisyonal na kulturang ito ay isang napakahalaga at napakamakabuluhang paksa para sa lahat ng mananampalataya. Naniniwala kayo sa Diyos, ngunit talaga bang nauunawaan ninyo kung ano ang katotohanan? Alam ba ninyo talaga kung paano hangarin ang katotohanan? Sigurado ba kayo sa inyong mga mithiin? Sigurado ba kayo sa inyong landas? Kung hindi kayo sigurado sa anumang bagay, paano mo hahangarin ang katotohanan? Mali kaya ang hinahangad mong matamo? Naliligaw ka kaya ng landas? Malamang nga. Kaya, bagama’t ang mga salitang ibinabahagi Ko ngayon ay tila napakasimple sa tingin, mga salitang agad na nauunawaan ng mga tao pagkarinig nila sa mga ito, at mula sa inyong pananaw, tila ni hindi nararapat banggitin ang mga ito, ang paksang ito at ang nilalamang ito ay direktang nauugnay sa katotohanan, at may kinalaman sa mga hinihingi ng Diyos. Ito ang hindi alam ng karamihan sa inyo. Bagama’t, pagdating sa doktrina, nauunawaan ninyo na ang tradisyonal na kultura at ang mga agham panlipunan ng sangkatauhan ay hindi ang katotohanan, at na ang mga kaugalian at gawi ng lahi ay tiyak na hindi ang katotohanan, talaga bang malinaw ninyong nakikita ang diwa ng mga bagay na ito? Talaga bang naiwaksi na ninyo ang mga gapos ng mga bagay na ito? Hindi tiyak ito. Ang sambahayan ng Diyos ay hindi hiningi kailanman sa mga tao na sikaping pag-aralan ang kultura, kaugalian, at gawi ng lahi, at tiyak na hindi inutusan ng sambahayan ng Diyos ang mga tao na tanggapin ang anumang nagmumula sa tradisyonal na kultura. Hindi nabanggit ng sambahayan ng Diyos kahit kailan ang mga bagay na ito. Gayunman, napakahalaga ng paksang ibinabahagi Ko ngayon. Kailangan Kong sabihin ito nang malinaw upang maunawaan ninyo. Ang mithiin ng pagsasabi Ko ng mga bagay na ito ay walang iba kundi ang ipaunawa sa mga tao ang katotohanan at kalooban ng Diyos, ngunit mauunawaan ba ninyong lahat ang sinasabi Ko? Kung magsisikap kayo, magbabayad ng kaunting halaga, at magiging masigla kayo sa paggawa nito, sa huli ay makikinabang kayo sa aspetong ito at magtatagumpay sa pag-unawa sa mga katotohanang ito. At kapag naunawaan na ninyo ang mga katotohanang ito, at pagkatapos ay hinangad ninyong makapasok sa realidad ng mga katotohanang ito, magiging madali na para sa inyo na makakuha ng mga resulta.
Ang isang aspeto ng mga bagay na pinaniniwalaan ng mga tao na tama at mabuti ayon sa kanilang mga haka-haka na pinagbahaginan natin dati ay ang mabuting pag-uugali ng tao. Ano ang isa pang aspeto? (Moralidad at ang kalidad ng pagkatao ng tao.) Sa simpleng pananalita, ito ang moral na pag-uugali ng tao. Bagama’t lahat ng tiwaling tao ay nabubuhay ayon sa kanilang mga satanikong disposisyon, napakahusay nila sa pagbabalatkayo. Bukod pa sa mga kasabihang partikular na nauugnay sa paimbabaw na mga pamamaraan at pag-uugali, nakagawa rin sila ng maraming kasabihan at kinakailangan tungkol sa moral na pag-uugali ng tao. Anong mga kasabihan tungkol sa moral na pag-uugali ang ipinalaganap sa mga tao? Ilista ang mga alam ninyo at pamilyar sa inyo, pagkatapos ay pipili tayo ng ilang karaniwang kasabihan para suriin at pagbahaginan. (Huwag mong ibulsa ang pera na iyong pinulot. Maging masaya sa pagtulong sa iba.) (Ang kabutihang natanggap ay dapat na buong-pasasalamat na suklian.) (Isakripisyo ang sarili mong mga interes alang-alang sa iba.) (Gantihan ng kabutihan ang kasamaan.) (Ang isang babae ay kailangang maging malinis, mabait, malumanay, at mabuti ang asal.) (Maging mahigpit sa iyong sarili at mapagparaya sa iba.) Oo, lahat ng iyon ay magagandang halimbawa. Dagdag pa riyan, mayroong, “Kapag umiinom ng tubig ng balon, huwag dapat kalilimutan kung sino ang naghukay niyon,” “Kung hahampasin mo ang iba, huwag mo silang hampasin sa mukha; kung pupunahin mo ang iba, huwag mong punahin ang mga pagkukulang nila,” at “Wala ng silbi ang pagpugot sa ulo ng binitay na tao; maging mabait hangga’t maaari” Lahat ng ito ay mga kinakailangang inilahad hinggil sa moral na pag-uugali ng tao. Mayroon pa bang iba? (Ang isang patak ng kabutihan ay dapat suklian ng umaagos na bukal.) Isang kinakailangan din ito na nailahad ng tradisyonal na kultura ng sangkatauhan tungkol sa moral na pag-uugali ng tao, at isang pamantayan sa pagsusuri sa moral na pag-uugali ng mga tao. Ano pa ang mayroon? (Ang ayaw mong gawin sa iyo, huwag mong gawin sa kapwa mo.) Ang isang ito ay medyo mas simple, mahalaga rin ito. Nariyan din ang, “Haharapin ko ang panganib para sa isang kaibigan,” “Ang isang tapat na mamamayan ay hindi maaaring maglingkod sa dalawang hari, ang isang mabuting babae ay hindi maaaring magpakasal sa dalawang lalaki,” “Ang isang tao ay hindi dapat masira ng kayamanan, mabago ng kahirapan, o mapasunod sa pamamagitan ng puwersa,” at “Sumunod sa ipinapagawa at sikaping gawin ang makakaya mo hanggang sa araw ng iyong kamatayan.” Hindi ba’t mga halimbawa rin ang mga ito? (Oo.) Tulad ng isang ito, “Ang mga silkworm ng tagsibol ay naghahabi hanggang sa mamatay ang mga ito, at ang mga kandila ay nauubos hanggang matuyo ang mga luha ng mga ito.” Tingnan ninyo kung gaano kataas ang kanilang mga inaasahan sa pag-uugali at asal ng tao! Gusto nilang gugulin ng mga tao ang buong buhay ng mga ito na parang kandila at maging abo. Itinuturing lamang na may mataas na moralidad ang isang tao kapag ganito ang asal nila. Hindi ba mataas ang inaasahang ito? (Mataas nga ito.) Ang mga tao ay naimpluwensyahan at naitali ng mga aspetong ito ng tradisyonal na kultura sa loob ng libu-libong taon, at ano ang resulta? Nagsasabuhay ba sila ng wangis ng tao? Makabuluhan ba ang kanilang buhay? Nabubuhay ang mga tao para sa mga bagay na ito na hinihingi ng tradisyonal na kultura, isinasakripisyo ang kanilang kabataan, o maging ang kanilang buong buhay para sa mga ito, habang naniniwala na ang kanilang buhay ay lubos na maipagmamalaki at kasiya-siya. Sa huli, pagkamatay nila, hindi nila alam kung para saan sila namatay, o kung mayroon bang anumang halaga o kabuluhan ang pagkamatay nila, o kung nakatugon ba sila sa mga hinihingi ng Lumikha sa kanila. Walang kaalam-alam ang mga tao sa mga bagay na ito. Ano pa ang ibang kasabihan at kinakailangan ang mayroon sa tradisyonal na kultura hinggil sa moral na pag-uugali ng mga tao? “Ibinabahagi ng bawat tao ang responsabilidad para sa kapalaran ng kanilang bansa,” at “Gawin mo ang lahat ng makakaya mo para matapat na pangasiwaan ang anumang ipinagkatiwala sa iyo ng ibang tao,” akmang-akma ang mga ito. Nariyan din ang, “Ang salita ng isang ginoo ay kanyang garantiya,” ito ay isang kinakailangan na tungkol sa pagiging mapagkakatiwalaan ng tao. May iba pa ba? (Maaaring magmula ang magagandang bagay sa hindi magagandang bagay.) May kaugnayan ang pariralang ito sa paksang ito. Palagay Ko ay sapat na ang nailista nating mga halimbawa. Kasama sa mga kasabihang kakatapos lang nating pag-usapan ang mga kinakailangan na nailahad hinggil sa pagiging dedikado, makabayan, mapagkakatiwalaan, malinis ang puri, gayon din ang mga prinsipyo sa pakikipag-ugnayan sa iba, at kung paano dapat tratuhin ng mga tao ang isang taong nakatulong sa kanila, o kung paano suklian ang kabutihan, at iba pa. Ang ilan sa mga kasabihang ito ay mas simple, samantalang ang iba ay mas malalim. Ang mga pinakasimple ay: “Maging masaya sa pagtulong sa iba,” “Huwag mong ibulsa ang pera na iyong pinulot,” at, “Ang isang tao ay hindi dapat masira ng kayamanan, mabago ng kahirapan, o mapasunod sa pamamagitan ng puwersa.” Ang mga hinihinging ito ay hinggil sa asal ng tao. “Ang isang tapat na mamamayan ay hindi maaaring maglingkod sa dalawang hari, ang isang mabuting babae ay hindi maaaring magpakasal sa dalawang lalaki,” ay isang kahingiang nauugnay sa moral na integridad at kalinisang-puri ng mga tao. Higit-kumulang, ang mga ito ay saklaw ng mga konsepto ng kabutihang loob, pagiging matuwid, kagandahang-asal, karunungan, at pagiging mapagkakatiwalaan ng tradisyonal na kulturang Tsino. Ilang kasabihan ang inilista natin ngayon lang? (Dalawampu’t isa.) Basahin mo ang mga iyon para sa Akin. (“Huwag mong ibulsa ang pera na iyong pinulot,” “Maging masaya sa pagtulong sa iba,” “Maging mahigpit sa iyong sarili at mapagparaya sa iba,” “Gantihan ng kabutihan ang kasamaan,” “Ang kabutihang natanggap ay dapat na buong-pasasalamat na suklian,” “Isakripisyo ang sarili mong mga interes alang-alang sa iba,” “Ang isang babae ay kailangang maging malinis, mabait, malumanay, at mabuti ang asal,” “Kapag umiinom ng tubig ng balon, huwag dapat kalilimutan kung sino ang naghukay niyon,” “Kung hahampasin mo ang iba, huwag mo silang hampasin sa mukha; kung pupunahin mo ang iba, huwag mong punahin ang mga pagkukulang nila,” “Wala ng silbi ang pagpugot sa ulo ng binitay na tao; maging mabait hangga’t maaari,” “Ang isang patak ng kabutihan ay dapat suklian ng umaagos na bukal,” “Ang ayaw mong gawin sa iyo, huwag mong gawin sa kapwa mo,” “Haharapin ko ang panganib para sa isang kaibigan,” “Ang isang tapat na mamamayan ay hindi maaaring maglingkod sa dalawang hari, ang isang mabuting babae ay hindi maaaring magpakasal sa dalawang lalaki,” “Ang isang tao ay hindi dapat masira ng kayamanan, mabago ng kahirapan, o mapasunod sa pamamagitan ng puwersa,” “Sumunod sa ipinapagawa at sikaping gawin ang makakaya mo hanggang sa araw ng iyong kamatayan,” “Ang mga silkworm ng tagsibol ay naghahabi hanggang sa mamatay ang mga ito, at ang mga kandila ay nauubos hanggang matuyo ang mga luha ng mga ito,” “Ibinabahagi ng bawat tao ang responsabilidad para sa kapalaran ng kanilang bansa,” “Gawin mo ang lahat ng makakaya mo para matapat na pangasiwaan ang anumang ipinagkatiwala sa iyo ng ibang tao,” “Ang salita ng isang ginoo ay kanyang garantiya,” at “Maaaring magmula ang magagandang bagay sa hindi magagandang bagay.”) Ngayon, pag-aaralan natin nang maaga ang lahat ng uri ng “mabuting” katangiang naibuod ng sangkatauhan hinggil sa moral na pag-uugali. Ang iba’t ibang pahayag ng tradisyonal na kultura tungkol sa moral na pag-uugali ay naglahad ng iba’t ibang kinakailangan para sa pagkatao at moral na pag-uugali ng tao. Ang ilan ay pinasusuklian sa mga tao ang mga kabutihang natanggap nila, ang ilan ay hinihingi na magalak ang mga tao sa pagtulong sa iba, ang ilan ay mga pamamaraan ng pagharap sa mga taong inaayawan ng isang tao, samantalang ang iba naman ay mga pamamaraan ng pagharap sa mga kapintasan at pagkukulang ng ibang mga tao, o sa mga taong may mga problema. Sa mga aspetong ito, binibigyan nila ng mga limitasyon ang mga tao, at naglalahad sila ng ilang kahingian at pamantayan. Lahat ng ito ay mga kahingian at pamantayang taglay ng tradisyonal na kultura hinggil sa moral na pag-uugali ng tao, at lahat ng ito ay mga bagay na ipinalalaganap sa mga tao. Sinumang lumaki sa Tsina ay maririnig nang madalas ang mga kasabihang ito, at maisasaulo ang mga ito. Humigit-kumulang, ang mga pahayag na ito tungkol sa moral na pag-uugali mula sa tradisyonal na kultura ay saklaw ng kabutihang loob, pagiging matuwid, kagandahang-asal, karunungan, at pagiging mapagkakatiwalaan. Siyempre, may ilang kasabihan na hindi saklaw nito, ngunit humigit-kumulang, lahat ng pinakamahalaga ay saklaw nito. Dapat maging malinaw sa inyo ito.
Ngayong araw, hindi tayo magbabahaginan nang kongkreto tungkol sa isang partikular na pahayag hinggil sa moral na pag-uugali, ni hindi tayo magsusuri nang kongkreto sa diwa ng anumang partikular na kasabihan. Pagagawin Ko muna kayo ng kaunting paghahanda na pag-aaral. Tingnan ninyo kung ano ang mga pagkakaiba ng mga pahayag ng tradisyonal na kultura tungkol sa moral na pag-uugali, sa mga pamantayang hinihingi ng Diyos sa mga tao sa pagsasabuhay ng normal na pagkatao. Aling mga kasabihan mula sa tradisyonal na kultura ang malinaw na sumasalungat sa mga salita ng Diyos at sa katotohanan? Kung uunawain nang literal, aling mga kasabihan ang kamukha ng mga salita ng Diyos at ng katotohanan, o medyo konektado sa mga iyon? Alin sa mga kasabihang ito ang pinaniniwalaan mong mga positibong bagay, at alin sa mga kasabihang ito ang minsang mahigpit mong pinanghawakan pagkatapos mong maniwala sa Diyos, isinasagawa at sinusunod ito na para bang ito ang pamantayan para sa iyong paghahangad sa katotohanan? Halimbawa, “Isakripisyo ang sarili mong mga interes alang-alang sa iba.” Pamilyar ba kayong lahat sa kasabihang ito? Matapos maniwala sa Diyos, hindi mo ba inisip na dapat kang maging mabuting tao na katulad ng kasabihang ito? At kapag isinakripisyo mo ang sarili mong mga interes alang-alang sa iba, hindi mo ba inisip na medyo mayroon ka nang mabuting pagkatao, at na siguradong magugustuhan ka ng Diyos? O, bago ka naniwala sa Diyos, marahil ay naniwala ka na ang mga taong nagtataglay ng katangiang “ginagantihan ng kabutihan ang kasamaan” ay mabubuting tao—ayaw mo lang talagang gawin ito, hindi mo nagawa ito, at hindi mo mapanghawakan ito, ngunit matapos mong maniwala sa Diyos, sinunod mo pa rin ang pamantayang iyon, at nagawa mong “magpatawad at lumimot” sa mga taong nanakit sa iyo noong araw, o nakasamaan mo ng loob o hindi mo gusto dati. Maaaring iniisip mo na ang kasabihang ito tungkol sa moral na pag-uugali ay umaayon sa sinabi ng Panginoong Jesus na patawarin ang mga tao nang pitumpung pitong beses, at sa gayon ay maging handang-handang pigilan ang iyong sarili ayon dito. Maaari mo pa ngang isagawa at sundin ito na para bang ito ang katotohanan, at isipin na ang mga taong ginagantihan ng kabutihan ang kasamaan ay mga taong nagsasagawa ng katotohanan at sumusunod sa daan ng Diyos. Mayroon ba kayong mga kaisipan at pagpapamalas na katulad nito? Aling kasabihan ang iniisip niyo pa ring kapareho ng katotohanan at mga salita ng Diyos sa diwa nito, hanggang sa puntong maaari pa nga itong pumalit sa katotohanan, na hindi magiging kalabisang sabihin na ito ang katotohanan? Siyempre pa, dapat ay madaling makilatis ang kasabihang: “Ibinabahagi ng bawat tao ang responsabilidad para sa kapalaran ng kanilang bansa.” Nakikita ng karamihan sa mga tao na ang kasabihang ito ay hindi ang katotohanan, at na ito ay isang nakalilito at matayog-pakinggan na sawikain. Ang kasabihang “Ibinabahagi ng bawat tao ang responsabilidad para sa kapalaran ng kanilang bansa,” ay isang bagay na sinabi sa mga hindi nananalig na walang pananampalataya sa Diyos; ito ay isang bagay na ipinagagawa ng pamahalaan ng isang bansa sa mga tao nito, para turuan ang mga tao na mahalin ang kanilang bansa. Ang kasabihang ito ay hindi tugma sa katotohanan, at wala talaga itong batayan sa mga salita ng Diyos. Masasabi na ang pundasyon ng kasabihang ito ay hindi ang katotohanan, at hindi nito mapapalitan ang katotohanan. Ang kasabihang ito ay isang pananaw na ganap na galing kay Satanas at nagmumula kay Satanas, at nagsisilbi ito sa nakaupong namumuno. Wala talaga itong kinalaman sa mga salita ng Diyos o sa katotohanan. Kaya nga ang kasabihang “Ibinabahagi ng bawat tao ang responsabilidad para sa kapalaran ng kanilang bansa,” ay talagang hindi ang katotohanan, ni hindi ito isang bagay na dapat itaguyod ng isang taong may normal na pagkatao. Kaya, anong uri ng mga tao ang may kakayahang pagkamalan na katotohanan ang kasabihang ito? Mga taong laging gumagawa ng mga paraan para magkaroon ng reputasyon, katayuan, at personal na pakinabang, at nais maging mga opisyal. Isinasagawa nila ang kasabihang ito na para bang ito ang katotohanan upang magpalakas sa mga nakaupong namumuno at makamtan ang sarili nilang mga layunin. May ilang kasabihan na hindi madaling makilatis ng mga tao. Bagama’t alam ng mga tao na ang mga kasabihang ito ay hindi ang katotohanan, nadarama pa rin nila sa kanilang puso na ang mga kasabihan ay tama at naaayon sa doktrina. Nais nilang mamuhay ayon sa mga kasabihang ito at kumilos sa gayong paraan upang itaas ang antas ng kanilang moralidad, at pataasin ang kanilang personal na karisma, at kasabay niyon, ipaisip sa iba na sila ay may pagkatao at na hindi sila hindi tao. Aling mga kasabihan ang mahirap makilatis para sa inyo? (Palagay ko, “Ang kabutihang natanggap ay dapat na buong-pasasalamat na suklian,” ay napakahirap kilatisin. Itinuring ko itong parang isang positibong bagay, at inisip ko na ang mga mapagpasalamat na nagpakita ng mga kabutihan ay mga taong may konsiyensiya. Ang isa pa ay “Gawin mo ang lahat ng makakaya mo para matapat na pangasiwaan ang anumang ipinagkatiwala sa iyo ng ibang tao.” Ang ibig sabihin nito ay na yamang natanggap na ng isang tao ang gawain mula sa iba, dapat nilang gawin ang lahat ng makakaya nila para tiyakin na nagawa ito nang maayos. Nadama ko na ito ay isang positibong bagay, at isang bagay na dapat gawin ng isang taong may konsiyensiya at katwiran.) Sino pa? (Mayroon ding, “Ang isang patak ng kabutihan ay dapat suklian ng umaagos na bukal.” Inakala kong ang isang taong makagagawa nito ay isang taong may kaunting pagkatao at moralidad.) Mayroon pa bang iba? (“Ang salita ng isang ginoo ay kanyang garantiya.” Inakala ko na kung ginawa ng isang tao ang kanyang sinabi at mapagkakatiwalaan siya, mabuting moral na pag-uugali iyon.) Dati, inakala mo na mabuting moral na pag-uugali ito. Ano na ang tingin mo rito ngayon? (Kailangan nating tingnan ang likas na katangian ng “salita” na iyon—tama ba ito o mali? Positibo ba ito o negatibo? Kung sinasabi ng isang tao sa masasamang tao at mga anticristo, “Poprotektahan kita. Ang salita ng isang ginoo ay kanyang garantiya,” at pagkatapos, kapag inimbestigahan at siniyasat ng sambahayan ng Diyos ang kanilang sitwasyon, pinoprotektahan ng taong ito ang masasamang tao at mga anticristong iyon, kung gayon ay gumagawa sila ng masama at nilalabanan nila ang Diyos.) Tama ang pagkakilatis na ito. Kailangan mong tingnan ang likas na katangian ng “salita” na ito—positibo man ito o negatibo. Kung ang isang tao ay gumagawa ng masama o kasamaan habang nagsasagawa ng “Ang salita ng isang ginoo ay kanyang garantiya,” ang mga yapak ng kanyang masamang gawain ay parang pagmamadali ng mabibilis na kabayo, na tumatakbo nang diretso sa impiyerno at nahuhulog sa walang hanggang hukay. Ngunit kung ang kanyang “salita” ay naaayon sa katotohanan, at may diwa ng katuwiran, at pinoprotektahan ang gawain ng sambahayan ng Diyos, at pinalulugod ang Diyos, tama na isagawa ang “Ang salita ng isang ginoo ay kanyang garantiya.” Mula sa mga halimbawang ito, nakikita mo na kailangan mong makilatis ang mga salita ng tradisyonal na kultura. Kailangan mong makilatis ang iba’t ibang sitwasyon at sirkumstansiya, at hindi mo maaaring gamitin ang mga salitang ito nang basta-basta. May ilang salita na halata namang hindi naaayon sa realidad, at malinaw na mali. Kailangan mong maging mas maingat sa mga salitang ito. Kailangan mong ituring ang mga ito na parang mga maling pananampalataya at kamalian. May ilang salita na tama lamang kapag nakapaloob sa mga partikular na konteksto at saklaw. Sa ibang konteksto o sitwasyon, wala nang katuturan ang mga salita; mali ang mga iyon at nakasasama sa mga tao. Kung hindi mo makikilatis ang mga iyon, posible kang malason at mapahamak ng mga iyon. Tama man o mali ang mga salita ng tradisyonal na kultura, o makatwiran man o hindi ang mga iyon sa mga mata ng tao, wala sa mga iyon ang katotohanan at wala sa mga iyon ang naaayon sa mga salita ng Diyos. Tiyak ito. Ang mga bagay na itinuturing ng tao na tama ay hindi nangangahulugan na tama rin sa tingin ng Diyos. Bagama’t may itinuturing ang mga tao na mabubuting salita, hindi nangangahulugan na nakatutulong ang mga iyon sa mga tao kapag isinasagawa. Ano’t anuman, isinasagawa man ng mga tao ang mga iyon o hindi, o may pakinabang man ang mga iyon sa kanila, ang mga bagay na hindi naaayon sa katotohanan, na hindi katotohanan, ay nakasasamang lahat sa tao, hindi dapat tanggapin ang mga iyon at hindi dapat gamitin. Maraming taong hindi makakilatis sa mga bagay na ito. Tinuturing nila ang mga bagay-bagay na sa tingin ng tao ay tama, o na karaniwang sinasang-ayunan ng tiwaling sangkatauhan na tama, bilang ang katotohanan, at sinusunod at isinasagawa ang mga iyon na para bang ang mga iyon ang katotohanan. Angkop ba ito? Matatamo ba ng isang tao ang pagsang-ayon ng Diyos sa pagsasagawa ng mga maling katotohanan at palsipikadong katotohanan? Mali ang anumang karaniwang sinasang-ayunan ng sangkatauhan na tama at ang katotohanan, isa itong imitasyon, at dapat iwaksi magpakailanman. Ngayon, ang mga bagay bang inaakala ninyong tama at positibo ay talagang ang katotohanan? Sa loob ng libu-libong taon, walang sinumang nagpabulaanan sa mga salitang ito; lahat ng tao ay naniniwala na ang mga salitang ito ay tama at positibo, ngunit talaga bang maaaring maging katotohanan ang mga salitang ito? (Hindi.) Kung hindi maaaring maging katotohanan ang mga salitang ito, katotohanan ba ang mga ito mismo? (Hindi.) Hindi ang mga ito ang katotohanan. Kung itinuturing ng mga tao ang mga salitang ito bilang ang katotohanan, inihahalo ang mga ito sa mga salita ng Diyos at isinasagawa ang mga ito nang magkasama, maaari bang umangat ang mga salita at kasabihang iyon sa antas ng katotohanan? Talagang hindi. Paano man hinahangad o kinakapitan ng mga tao ang mga bagay na ito, hinding-hindi sasang-ayunan ng Diyos ang mga ito, dahil ang Diyos ay banal. Talagang hindi Niya pinapayagan ang mga tiwaling tao na ihalo ang mga satanikong bagay sa katotohanan, o sa Kanyang mga salita. Lahat ng bagay na nagmumula sa isipan at pananaw ng tao ay nagmumula kay Satanas—gaano man kabuti ang mga iyon, hindi pa rin katotohanan ang mga iyon, at hindi maaaring maging buhay ng isang tao.
Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.