Ang Pagpapalaganap sa Ebanghelyo ang Tungkuling Dapat Tuparin ng Lahat ng Mananampalataya (Ikatlong Bahagi)
Ngayon, nagbabahaginan tayo sa katotohanan tungkol sa paggampan sa tungkulin ng isang tao na ipalaganap ang ebanghelyo. May nakamit ba kayo mula rito? (Mayroon.) Dati, nakatuon sa pangitain ang ating pagbabahaginan sa katotohanan ng pagpapalaganap sa ebanghelyo, ibig sabihin, hayagan tayong nagbahaginan tungkol sa katotohanang may kaugnayan sa pangitain at hindi natin tinalakay ang maraming detalyadong mga isyu gaya ng ginagawa natin ngayon. Dahil may nalalaman naman ang karamihan sa mga tao tungkol sa pangkalahatang balangkas ng katotohanan ng pangitain, pero maaaring hindi malinaw sa kanila ang mga detalyadong landas sa pagsasagawa at ang mga prinsipyo para sa mga partikular na isyu, ngayon tatalakayin Ko ang mga partikular na isyung ito sa ating pagbabahagi. Sa pagbabahagi tungkol sa ilang kaso at pag-uugali ng mga tao—o sa mga tamang dapat gawin at hindi dapat gawin kapag nahaharap ang isang tao sa mga sitwasyong ito, ang mga pananaw na pinanghahawakan ng mga tao, at kung paano nila dapat tuparin ang responsabilidad na ito, ang obligasyong ito—sa pamamagitan ng pagbabahagi tungkol sa lahat ng paksang ito, palagay mo ba ay nagiging mas kongkreto at mas madaling isakatuparan ang katotohanan ng pagpapalaganap ng ebanghelyo sa totoong buhay? Naniniwala Ako na, pagkatapos mapakinggan ang aspektong ito ng katotohanan, lalong magliliwanag ang inyong mga puso. Kapag nahaharap kayo sa mga partikular na problema habang nagpapalaganap ng ebanghelyo, makikinabang kayo mula sa mga salitang ito dahil praktikal ang mga ito at tinatalakay ng mga ito ang mga katotohanang prinsipyo. Hindi mga hungkag na salita ang mga ito. Sa pang-araw-araw ninyong buhay, kapag nahaharap kayo sa gayong mga bagay na may kaugnayan sa pagpapalaganap ng ebanghelyo at namumuhay kayo sa mga maling kalagayan, o kapag nahaharap kayo sa ilang problema sa inyong gawain ng pagpapalaganap sa ebanghelyo, magagamit ba ninyo ang mga katotohanang ito para lutasin ang mga problemang kinakaharap ninyo? Kung kaya mong lutasin ang gayong mga problema, hindi nawalan ng saysay ang mga salitang sinabi ngayon. Kung hindi mo pa rin kayang lutasin ang gayong mga problema, o kung ginagawa mo ang mga bagay nang ayon sa gusto mo, nagdedesisyon kang mag-isa at pinaninindigan ito, ginagawa kung ano ang gusto mo, at nagpapakasutil at nagpapadalus-dalos kung kumilos nang hindi isinasaalang-alang ang iyong mga tungkulin at responsabilidad, kung gayon ay hungkag at walang silbi sa iyo ang mga katotohanang ito. Walang silbi ang mga ito hindi dahil sa hindi ka matutulungan ng katotohanan, hindi dahil walang pakinabang sa iyo ang katotohanan, kundi dahil wala kang pagmamahal sa katotohanan at hindi mo isinasagawa ang katotohanan. Nakikita mo ang tungkulin ng pagpapalaganap sa ebanghelyo bilang isang libangan o pampalipas oras lang. Kung haharapin ninyo ang tungkulin ng pagpapalaganap ng ebanghelyo nang may ganitong pananaw, ano ang mangyayari? Magagawa ba ninyong gampanan ang inyong tungkulin nang maayos? (Hindi.) Kung tila malabong pag-usapan ang tungkol sa paggampan ng inyong tungkulin sa maayos na paraan, hayaan ninyong itanong Ko muna ito sa inyo: Kung haharapin ninyo ang tungkulin ng pagpapalaganap sa ebanghelyo nang may ganitong pananaw, maisasakatuparan ba ninyo ang layunin ng Diyos? (Hindi.) Dapat maging malinaw ito sa puso ninyong lahat. Kapag hinarap mo ang tungkuling ito nang may ganitong uri ng pananaw at saloobin, hindi magiging panatag ang puso mo. Iisipin mo na ang saloobin mo ay hindi magiging kagaya sa kung ano ang gusto ng Diyos. Kung kikilos ka nang ganito, kahit makapagpabalik-loob ka pa ng ilang tao at kahit mukhang gumagawa ka pa ng mabubuting gawa, ang mga layunin at motibo mo sa pagganap ng iyong tungkulin ay salungat sa mga katotohanang prinsipyo. Kagaya ka lang ng mga relihiyosong tao na nagpapalaganap ng ebanghelyo para makatanggap ng mga pagpapala at makipagkasunduan sa Diyos. Mali ang gayong layunin at motibasyon. Kapag isinasaalang-alang kung paano ginagampanan ng mga tao ang kanilang mga tungkulin, hinahatulan ng Diyos ang kanilang mga layunin at motibo. Pinagmamasdan ng Diyos ang mga saloobin at kaisipan ng mga tao sa kanilang pagharap sa kanilang mga tungkulin. Batay rito, nililinis ng Diyos ang mga tao mula sa katiwalian at inililigtas sila para makawala sila mula sa kasalanan. Samakatwid, kahit paano mo pa ipalaganap ang ebanghelyo, dapat mong tanggapin ang pagsisiyasat ng Diyos. Kahit anong uri ka pa ng tao, kahit ano pa ang kakayahan mo, kahit anong klase pa ng tungkulin ang ginampanan mo, at kahit ano pa ang dati mong tungkulin bago ka napabilang sa hanay ng mga nagpapalaganap ng ebanghelyo, dapat mong sundin ang mga katotohanang prinsipyo sa pagpapalaganap ng ebanghelyo, dapat mong tingnan ang pagpapalaganap ng ebanghelyo bilang tungkulin at responsabilidad mo, at pasanin ito sa iyong mga balikat.
Ang ilang lider at manggagawa na hindi makagawa ng praktikal na gawain o makalutas ng mga praktikal na problema ay pinapalitan at inaatasang ipalaganap ang ebanghelyo bilang miyembro ng pangkat ng ebanghelyo. Maaaring sabihin nila sa lahat ng taong nakikilala nila, “Dati akong lider. Ipinadala ako sa pangkat ng ebanghelyo para ipalaganap ang ebanghelyo dahil hindi ko pinagbutihan ang aking trabaho. Siguro hinahayaan ako ng Diyos na magpalaganap ng ebanghelyo para patibayin muna ako, para sangkapan ako ng katotohanan at sanayin ako. Ibig sabihin niyon, hindi ko kailangang magpakahirap masyado sa pagpapalaganap ng ebanghelyo. Kahit anong gawin ko ay ayos lang. Dahil may potensyal naman akong maging lider. Sa sandaling lumago na ang tayog ko, dapat akong gawing isang lider. Dahil mahusay naman ang kakayahan ko, masasayang naman ang talento ko kung hindi ako magiging lider. Kulang ngayon sa mga lider at manggagawa ang iglesia!” Ipinapahiwatig ng kanilang mga salita na kailangang-kailangan sila ng sambahayan ng Diyos bilang mga lider. Sinabihan lang silang ipalaganap ang ebanghelyo para bigyan sila ng oportunidad na makapagsanay, para sangkapan sila ng katotohanan, at para magawa nila ang ilang gawain sa komunidad bilang parte ng paglilinang at pagsasanay sa kanila. Kaya, tingin nila ay pansamantala lang ang kanilang tungkulin na ipalaganap ang ebanghelyo, ginagawa lang nila ito para pagandahin ang kanilang mga resume, para magsaya, at mapalawak ang kanilang mga oportunidad. Iniisip nila na, kung magbubunga sila ng mga resulta sa pagpapalaganap ng ebanghelyo, kung mauunawaan nila ang katotohanan, at makagagawa sila ng ilang gawain, matataas sila ng ranggo para maglingkod bilang lider o manggagawa. Kung magkakaroon sila ng ganitong kaisipan patungkol sa paggampan nila ng kanilang tungkulin na ipalaganap ang ebanghelyo, makakamit ba nila ang tunay na pagsisisi? Hindi sila nagnilay-nilay sa kanilang sarili at hindi nila nakilala ang kanilang sarili. Wala silang kabatiran sa sarili. Nasa panganib ba ang mga taong ito? Hindi tama ang pagkaunawa nila sa pagpapalaganap ng ebanghelyo. Masyadong mataas ang tingin nila sa kanilang sarili; hindi talaga nila kilala ang kanilang sarili! Wala silang kamalay-malay sa kung ano talaga ang mga nangyayari. Sa katunayan, nangyari ito dahil hindi sila mga taong naghahangad sa katotohanan at wala silang anumang kakayahang makaarok. Kung titingnan, mahusay silang magsalita, gustung-gusto nilang nag-aasikaso ng mga bagay-bagay, at mukhang may kakayahan naman sila, pero kapag nagsisilbi sila bilang mga lider at manggagawa, hindi sapat ang kanilang karakter at kakayahan. Hindi sila makatugon sa mga pamantayan at batayan para maging mga lider at manggagawa, kaya natitiwalag sila. Hindi nila alam ang sarili nilang maliit na sukat, sa halip, hindi na sila nahiyang ipagyabang at ipangalandakan ang kanilang sarili. Bagama’t hindi ito kailanman sasabihin ng ilang tao, sa sarili nilang palagay naniniwala sila na tanging ang mga taong walang ibang kayang gawin ang inilalagay sa pagpapalaganap ng ebanghelyo. Sa kanilang puso, hinahati nila ang lahat ng tungkulin sa sambahayan ng Diyos bilang mataas, panggitna, at mababa. Itinuturing nilang pinakamababa sa lahat ng tungkulin sa sambahayan ng Diyos ang tungkulin ng pagpapalaganap sa ebanghelyo. Sinumang gumagawa ng pagkakamali o hindi gumagampan ng kanilang tungkulin nang maayos ay ipinapadala para ipalaganap ang ebanghelyo. Ganito ang pagkakaintindi ng mga taong ito sa tungkuling ito. May anumang pagkakaiba ba sa pagitan ng pagkaunawang ito at ng pagturing sa pagpapalaganap ng ebanghelyo bilang responsabilidad at obligasyon ng isang tao na dapat niyang tuparin sa kanyang buhay? Kung ganito ito nauunawaan ng isang tao, magagawa ba niya ang kanyang tungkulin nang maayos? (Hindi.) Saan siya nagkamali? Itinuturing niya ang pinakadakilang responsabilidad at obligasyon ng isang tao na dapat nitong tuparin sa buhay nito—ang gawain ng pagpapalaganap ng ebanghelyo—bilang pinakamababang gawain. Hindi niya ito itinuturing bilang sarili niyang responsabilidad at obligasyon, at hindi niya ito nauunawaan bilang isang tungkulin. Kahit gaano pa ibahagi ng sambahayan ng Diyos ang tungkol sa pangangailangang gampanan ng isang tao ang kanyang tungkulin nang matapat at na ang pagpapalaganap ng ebanghelyo ay isa sa mga tungkuling ito, hindi niya kinikilala na ganito ang kaso. Sa kanyang puso, naniniwala siya na ang iba’t ibang antas ng mga lider, manggagawa, at mga taong namumuno sa sambahayan ng Diyos ay nasa taas. Ganap ang kanilang awtoridad at siguradong tatanggap sila ng mga dakilang gantimpala at gagawin silang perpekto ng Diyos sa huli. Ang mga tagasunod sa ilalim nila ay mga kawal lamang, lalo na ang mga tagapagpalaganap ng ebanghelyo na laging nakikisalamuha sa mga tao sa labas ng iglesia. Sa lahat ng trabaho, maaaring ang gawain nila ang pinakamahirap at pinakanakakapagod. Sa huli, hindi mo masasabi nang may katiyakan kung mapeperpekto ba ang mga taong ito. Kasalanan ba nila na ganito ang kanilang pag-iisip tungkol sa tungkulin ng pagpapalaganap sa ebanghelyo? May mga nagtuturing ba sa sagradong responsabilidad at obligasyong ito ng pagpapalaganap sa ebanghelyo bilang pinakamababang gampanin at inilalagay ito sa pinakamababang antas sa herarkiya ng mga ranggo at baitang? Mababa ang tingin nila sa tungkuling ito, at sa mga gumaganap nito. Kaya anong pananaw ang dala-dala nila kapag tinutupad nila ang tungkuling ito? (Pansamantala ang tingin nila rito.) May iba pa ba? Kapag may napabalik-loob sila, hindi nila ito masyadong pinapahalagahan, at kapag bigo naman silang makapagpabalik-loob, wala silang pakialam. Hindi nila kinikilala ang pagpapalaganap sa ebanghelyo bilang bahagi ng kanilang sariling gawain at hindi nila ginagawa ang lahat ng kanilang makakaya para gampanan ang tungkuling ito nang maayos. Sa kanilang puso, mababa ang tingin nila sa tungkulin ng pagpapalaganap sa ebanghelyo, kaya ano ang magiging resulta ng kanilang gawain ng pagpapalaganap sa ebanghelyo? Kaya ba nilang sangkapan ang kanilang sarili ng lahat ng aspekto ng katotohanan para matupad ang kanilang tungkuling ipalaganap ang ebanghelyo? Para makapagpabalik-loob pa ng mas maraming tao, kinakabisa ba nila ang mga sipi mula sa salita ng Diyos at ang mga talata sa Bibliya at pinag-aaralan ba nila ang samu’t saring mga patotoong batay sa karanasan nang sa gayon ay malutas nila ang iba’t ibang problemang nakakaharap nila kapag ipinapalaganap ang ebanghelyo? (Hindi.) Kung habang ipinapalaganap ang ebanghelyo, tinatanong sila ng mahihirap na katanungan ng mga taong may baluktot na pagkaarok at maraming kuru-kuro na pinanghahawakan, paano nila haharapin ang mga ito? (Susukuan nila ang mga ito.) Isa itong uri ng saloobin. Magrereklamo ba sila sa Diyos at sasabihing, “Bakit kinailangan kong makilala ang gayong katawa-tawang tao na walang kahit anong espirituwal na pang-unawa kapag nagpapalaganap ng ebanghelyo? Napakamalas ko naman!”? Wala silang pagmamahal para sa mga potensyal na tatanggap ng ebanghelyo, at umaasa silang hindi ililigtas ng Diyos ang ganitong uri ng tao. Patungkol sa bagay na ito, hindi sila nananalangin sa Diyos, ni hindi nila hinahanap ang mga layunin ng Diyos, lalong hindi sila nagpapakita ng anumang pagsasaalang-alang sa mga layunin ng Diyos. Sila ang nagpapasya kung paano nila tatratuhin ang mga potensyal na tatanggap ng ebanghelyo ayon sa mga kagustuhan ng laman, at kapag nahaharap sila sa mga taong maraming problema at malubhang kuru-kuro, sinusukuan nila ang mga ito. Pinipili lang nilang ipalaganap ang ebanghelyo sa mga taong may kaunting kuru-kuro o wala talagang kuru-kuro, at ayaw nilang magbayad ng anumang halaga. Sa tuwing may bagay na makakasama sa kanilang banidad o dignidad, o sa kanilang reputasyon o katayuan, sa tuwing may bagay na sumasalungat sa mga kagustuhan ng laman o sa mga kasiyahan ng laman, ano ang pinipili nilang gawin? Pinipili nilang sumuko, pinipili nilang tumakas, pinipili nilang huwag tuparin ang responsabilidad na ito, bagkus ay tinatanggihan nila ang responsabilidad na ito. Kasabay nito, sa loob-loob nila ay nagrereklamo sila sa Diyos sa kanilang puso, “Bakit kinailangan kong makilala ang gayong katawa-tawang tao na may napakaraming kuru-kuro? Bakit Mo ipinaparanas sa akin ito? Wala na akong mukhang maihaharap, nasayang ang pagod ko, at nabigo akong makapagpabalik-loob ng sinuman.” Lihim na punung-puno ng hinanakit ang kanilang puso sa Diyos. Kaya naman ayaw nilang tanggapin ang tungkulin ng pagpapalaganap sa ebanghelyo, at ayaw rin nilang tuparin ang responsabilidad ng pagpapalaganap sa ebanghelyo; kung ganito ang kanilang mga saloobin patungkol sa tungkulin ng pagpapalaganap sa ebanghelyo, hindi malayong matiwalag sila.
Sa proseso ng pagpapalaganap sa ebanghelyo, tinatrato ng marami sa mga nagpapalaganap ng ebanghelyo ang kanilang gawain nang may saloobing pabaya at walang-ingat. Hinding-hindi sila nagbabago. Hindi nila ito kailanman tinatrato nang may saloobing maingat, mahinahon, at may takot sa Diyos. Sa halip, iniisip nila, “Ano’t anuman, wala naman akong ginagawa, maaari kong gawin ang anumang bagay. Mukhang masaya sa pangkat ng ebanghelyo, kaya sasali ako sa kanila.” Pagkatapos, sumasama sila at ipinapalaganap nila ang ebanghelyo. Ang totoo, napakalimitado ng naiaambag nila sa prosesong ito. Nagpapalipas sila ng oras at naglalakbay nang kaunti, pero hindi sila nagbabayad ng anumang totoong halaga. Lagi nilang ipinapangaral ang ebanghelyo ayon sa mga kagustuhan ng kanilang laman at ayon sa sarili nilang mga kuru-kuro at imahinasyon. Hindi man lang nila sinusunod ang mga katotohanang prinsipyo. Maraming tao ang gustong mangaral sa mga mayaman at taong may pera, pero hindi sa mahihirap. Gusto nilang mangaral sa mga maganda at guwapo, pero hindi sa mga taong payak ang hitsura. Gusto nilang mangaral sa mga taong nakakasundo nila, pero hindi sa mga taong hindi nila kasundo. Gusto nilang mangaral sa mga taong kakaunti ang mga kuru-kuro, pero hindi sa mga taong masyadong marami ang mga kuru-kuro. Gusto nilang mangaral sa mga taong madaling paratingan ng ebanghelyo, sa mga taong tatanggap sa ebanghelyo nang hindi kailangang makinig sa masyadong maraming salita. Ayaw nilang mangaral sa mga taong nakakapagod na kausap. Halimbawa, sabihin nang may isang babaeng nagpapalaganap ng ebanghelyo at may nakilala siyang isang lalaki na mula sa isang may-kayang pamilya, may bahay at sasakyan, may magagandang trabaho ang mga magulang, nag-iisang anak, at guwapo. Iniisip niyang makakapamuhay siya nang marangya kung mapapangasawa niya ito, kaya gusto niyang ipangaral ang ebanghelyo sa lalaking ito, iniisip na magiging mainam kung tatanggapin ito ng lalaking iyon. Sinusubukan siyang pigilan ng ibang tao, sinasabi ng mga ito sa kanya na hindi hinahanap ng lalaking iyon ang katotohanan, na hindi iyon isang taong maaaring pangaralan, pero sinasabi naman niya, “Kung mas magbabahagi pa tayo tungkol sa katotohanan, posibleng dumating ang panahon na tatanggapin niya ito. Kung hindi natin dadalhin ang ebanghelyo sa gayon kabuting tao at hindi siya ililigtas, hindi ba’t makalalabag iyon sa mga layunin ng diyos?” Ang totoo, may sarili siyang layon. Hindi niya sinusubukang mapabalik-loob ang taong ito para madala ito sa harapan ng Diyos, kundi gusto niyang ibenta ang kanyang sarili sa taong ito. Matapos ang maraming pang-uudyok, nakukuha rin niya sa huli ang talagang pakay niya, at nagagawa niyang makipagrelasyon sa lalaking iyon para matupad ang kanyang mga balak. Ano ang problema rito? Sa lahat ng ginagawa niya, may sarili siyang mga motibo, na nakalalabag sa mga katotohanang prinsipyo. Sa huli, gumagamit siya ng iba’t ibang kaparaanan para “dalhin” ang ebanghelyo sa lalaking iyon, at pinakasalan pa nga niya ito, sinasabi niya, “Ang pinakamagandang nakamit ko sa gawain ko ng pagpapalaganap sa ebanghelyo ay ang mahanap ang gayong kaisa ng aking kaluluwa. Isa itong bagay na dapat kong tanggapin mula sa diyos. Ang pag-aasawa ay inorden ng diyos. Ganap na pagsasaayos ng diyos na nakilala at pinakasalan ko ang taong ito. Ito ay pabor at pagpapala ng diyos.” Kalaunan ay bumuo siya ng isang maliit na pamilya at namuhay nang masaya—nagagawa pa rin ba niyang ipalaganap ang ebanghelyo? (Hindi.) Pagkaraan ng isa o dalawang taon, nagpapalaganap siya ng ebanghelyo paminsan-minsan kapag masaya ang pakiramdam niya, pero ginugugol niya ang halos lahat ng kanyang oras sa buhay pamilya, at unti-unti nang nagiging hungkag ang kanyang puso. Sa huli, napagtatanto niya na pawang mga kaldero at kawali, pagkain, pag-inom, paglalaro, at komosyon lang ang mayroon sa buhay may-pamilya. Pakiramdam niya ay walang kabuluhan ang lahat ng ito. Sa pagbabalik-tanaw, nagbubulay-bulay siya at naisip niya, “Ang pananalig sa diyos—makabuluhan pa rin iyon. Hayaan ninyo akong bumalik at manalig ulit at patuloy na ipalaganap ang ebanghelyo!” Sa huli, ikinukuwento na niya ang kanyang mga karanasan na parang kahanga-hanga ang mga ito, sinasabi niya: “Ang tao ay nilikha ng diyos, kaya hindi niya maaaring iwan ang diyos. Kung wala ang diyos, hindi mabubuhay ang tao. Katulad lang ng kung paanong mamamatay ang isang isda kung walang tubig, kung iiwan ng tao ang diyos, tiyak na hindi siya magkakaroon ng daan pasulong sa kanyang buhay. Ito ang dahilan kaya ako bumalik. Ito ay dahil tinawag ako ng diyos.” Wala talagang kahihiyan! Matapos bumalik, iginigiit niya na gagampanan niya ang kanyang tungkulin, na sinasabing, “Walang kabuluhan kung hindi ko gagawin ang aking tungkulin. Kailangan gawin ng lahat ang kanilang tungkulin.” Ang mga salita ng mga taong hindi nagsasagawa sa katotohanan at walang pagmamahal sa katotohanan ay nakakasuklam sa mga taong nakakarinig ng mga ito. Sinasabi mong hindi mo kayang iwan ang Diyos, bakit hindi mo kaya tanungin ang Diyos kung gusto ka ba Niya? Nakahanap ka ng mapapangasawa sa proseso ng paggampan sa iyong tungkulin, at pagkatapos ay binitiwan mo ang iyong tungkulin at umalis ka. Bakit hindi ka nanalangin sa Diyos para tanungin Siya kung sang-ayon ba Siya rito at para alamin ang Kanyang saloobin? Tinupad mo ba ang iyong mga responsabilidad? Tinupad mo ba ang atas na ipinagkatiwala sa iyo ng Diyos? Tinrato mo ba ang Diyos bilang Diyos? Tinuring mo ba ang iyong tungkulin bilang iyong tungkulin? Sa lahat ng katanungang ito, ang sagot ay hindi. Ano ba ang Diyos sa iyo? Isa lang Siyang kasama na nakilala mo sa tabi ng kalsada. Binati mo Siya at inisip mo kaagad na magkaibigan kayo. Kung makabubuti ito sa iyong interes, patuloy kang sasama sa Kanya, pero kung wala itong pakinabang sa iyo, nagpapaalam ka na. Pero naiisip mo Siyang muli kapag kailangan mo Siya. Ganito ang klase ng relasyon na mayroon ka. Kung itinuturing mo ang Diyos bilang isang kasama na dati mong kakilala, ano ang iisipin ng Diyos sa iyo? Paano ka tatratuhin ng Diyos? Nalulungkot ka, walang kabuluhan ang mga araw mo, kaya kailangan mo ang Diyos. Bumabalik ka at gusto mong tuparin ang iyong tungkulin. Basta ka na lang ba bibigyan ng Diyos ng tungkulin? (Hindi.) Bakit hindi? Hindi ka karapat-dapat dito! Bagama’t magagampanan agad ng mga ganitong tao ang kanilang mga tungkulin pagkaraan na sila ay manampalataya sa Diyos, bago pa nila matapos ang kanilang mga tungkulin, iiwan na nila ang Diyos nang wala man lang paalam, iiwan nila ang kanilang mga gampanin at tatalikuran ang kanilang gawain. Paano ba ito tinitingnan ng Diyos? Ano ang kalikasan ng ganitong asal? (Isang pagkakanulo.) Hindi isang maliit na usapin ang pagkakanulo. Ang gayong mga tao ay lumilisan sa kanilang gawain! Paano ba ginagampanan ng mga lumilisan sa kanilang gawain ang kanilang mga tungkulin? Sarili nilang interes ang hanap nila habang kunwaring tumutupad ng kanilang tungkulin. Nagpaplano sila para masiguro ang kanilang sariling kinabukasan at kabuhayan habang nilalabag naman ang orihinal na layunin sa pagganap ng kanilang mga tungkulin. Sa huli, tumatakas sila sa gitna ng pagganap ng kanilang tungkulin, kaya sila nagiging mga taong lumilisan sa kanilang gawain. Hindi ginugugol ng gayong tao ang kanyang sarili para sa Diyos nang may tapat na puso. Sa halip, may sarili siyang mga personal na layunin at pakay at pagtatangkang linlangin ang Diyos, lubusang nabubunyag ang tunay niyang kulay. Hindi ba’t mga tao itong nagkakanulo sa Diyos? Sinasabi ng ilang tao, “Hindi ba’t may kalayaang maglabas-masok sa sambahayan ng Diyos?” May kalayaang maglabas-masok, totoo iyon, pero dapat sumailalim sa pagsusuri ang isang tao kapag papasok sa sambahayan ng Diyos. Malaya kang umalis sa sambahayan ng Diyos at walang pipigil sa iyo. Subalit, kung gusto mong bumalik sa sambahayan ng Diyos, hindi ito ganoon kadali. Dapat kang suriin at siyasatin ng mga lider at manggagawa ng iglesia sa lahat ng antas para mapatunayan na tunay nga ang iyong pagsisisi. Pagkatapos niyon ay saka ka lamang tatanggapin. Kaya, madaling lumabas, pero mahirap namang bumalik. Nabalitaan Ko na nahirapan nang husto ang ilang tao na ipalaganap ang ebanghelyo at labis silang nagdusa kaya binitiwan nila ang kanilang pasanin at umalis na lang sila. Ano ang problema rito? Ito ay na mga tao sila na lumilisan sa kanilang gawain. Ano ang pinakamahalaga kapag gumagawa sa pagpapalaganap ng ebanghelyo? Lahat ng nagpapalaganap ng ebanghelyo, lalo na ang mga taong responsable para sa mahahalagang posisyon, ay may mahalagang gampanin sa paningin ng Diyos. Kung mahalaga ang ginagampanan mong papel sa pagpapalaganap ng ebanghelyo at tinalikuran mo ang iyong gampanin nang walang pahintulot mula sa Diyos, wala nang mas matindi pang paglabag kaysa rito. Hindi ba’t ito ay maituturing na pagkakanulo sa Diyos? (Oo.) Kaya, sa tingin mo, paano dapat tratuhin ng Diyos ang mga tumatalikod? (Dapat silang isantabi.) Ang maisantabi ay nangangahulugan ng mabalewala, bahala ka nang gawin kung ano ang gusto mo. Kung nakakaramdam ng pagsisisi ang mga taong isinasantabi, posibleng makita ng Diyos na may saloobin naman silang nagsisisi at nanaisin pa rin Niyang magbalik sila. Pero para naman sa mga tumatalikod sa kanilang tungkulin—at sa mga taong ito lamang—walang ganitong saloobin ang Diyos. Paano tinatrato ng Diyos ang gayong mga tao? (Hindi sila inililigtas ng Diyos. Itinataboy sila ng Diyos.) Tama iyan. Mas saktong sabihin na ang mga taong gumaganap ng mahalagang tungkulin ay inatasan ng Diyos, at kung tatalikuran nila ang kanilang gampanin, kahit gaano pa sila kahusay noon o ngayon, para sa Diyos, sila ay mga taong nagtaksil sa Kanya, at hinding-hindi na sila ulit bibigyan ng pagkakataong gumanap ng tungkulin. Ano ba ang ibig sabihin ng hindi na mabigyan ng isa pang pagkakataon? Kung sinasabi mo na, “Lubos akong nagsisisi. May pagkakautang ako sa Diyos. Hindi ko dapat ginagawa ang gayong desisyon sa simula pa lang. Nang panahong iyon, ginayuma at iniligaw ako, at pinagsisisihan ko na ito ngayon. Nagsusumamo ako sa Diyos na bigyan ako ng isa pang pagkakataon para gampanan ang aking tungkulin para magkaroon ako ng oportunidad na makapagsisi sa nagawa ko sa pamamagitan ng mabubuting gawa at para makabawi sa mga pagkakamali ko,” paano haharapin ng Diyos ang usaping ito? Dahil sinabi na ng Diyos na wala ka nang oportunidad, hinding-hindi ka na Niya papansinin. Ito ang saloobin ng Diyos sa mga lumilisan sa gawain. Kapag kinakaharap ang mga taong nakakagawa ng mga karaniwang pagsalangsang, maaaring sabihin ng Diyos na ito ay panandaliang pagsalangsang o na dahil ito sa masamang kapaligiran, maliit na tayog, kawalan ng pagkaunawa sa katotohanan, o iba pang gayong kadahilanan. Sa ganitong kaso, maaaring bigyan sila ng Diyos ng oportunidad na makapagsisi. Gayumpaman, sa mga lumilisan lamang sa gawain, hindi nagbibigay ang Diyos ng pangalawang pagkakataon. Sinasabi ng ilang tao, “Ano ang ibig sabihin na hindi nagbibigay ang Diyos ng pangalawang pagkakataon? Kung gusto nilang gampanan ang kanilang tungkulin, hindi ba ito papayagan ng Diyos?” Maaari mong gampanan ang iyong tungkulin, maaari mong ipalaganap ang ebanghelyo, maaari ka ring makinig sa mga sermon at umanib sa iglesia. Hindi aalisin ng iglesia ang iyong pangalan mula sa talaan nito, pero para sa Diyos, kahit gaano mo pa gampanan ang iyong tungkulin at gaano ka pa magsisi, hindi ka kailangan ni sinasang-ayunan ng Diyos, kahit na nagtatrabaho ka para sa Kanya. Ito ang saloobin ng Diyos. Posibleng bigong maunawaan ng ilang tao ang usaping ito at sasabihin nila, “Bakit naman napakalupit at higpit ng Diyos kapag humaharap sa ganitong uri ng tao?” Hindi na kailangan pang maunawaan ng tao ang bagay na ito. Disposisyon ito ng Diyos. Ito ang saloobin ng Diyos. Maaari mong isipin kung ano ang gusto mo. May kapangyarihan ang Diyos na magdesisyon. May kapangyarihan Siyang kumilos sa ganitong paraan at harapin nang ganito ang naturang bagay. Ano ang magagawa ng sinumang tao? Makapagpoprotesta ba ang mga tao? Sino ang may sabi sa iyo na huwag sumunod sa tamang landas noong una pa lang, na ipagkanulo mo ang Diyos at maging isa kang taong lumisan sa gawain? Hindi magagawa ng isang tao lang ang gawain ng pagpapalaganap sa ebanghelyo, nangangailangan ito ng maraming tao. Kung hindi mo magagampanan ang iyong tungkulin, pipili ang Diyos ng ibang tao na kaya ito. Kung hindi ka makikipagtulungan at hindi mo gagampanan ang iyong tungkulin, pinatutunayan nito na bulag ka. Pinatutunayan nito na magulo ang isip mo at hangal ka. Hindi mo alam na isa itong pagpapala, kaya hindi mo matatamo ang pagpapalang ito. Umalis ka na lang! Kung aalis ka pero babalik pagkaraan ng ilang panahon, gugustuhin ka pa rin kaya ng Diyos? Hindi, wala nang pakialam ang Diyos. Ito lamang ang saloobin ng Diyos sa mga lumilisan sa gawain. May mga taong nagsabi, “Pagkatapos kong bumalik at gampanan ang aking tungkulin, binigyan ako ng kaliwanagan ng Banal na Espiritu!” Noong una mong ginampanan ang iyong tungkulin, umalis ka nang walang paalam, at hindi ka hinadlangan ng Banal na Espiritu. Ngayong nagbalik ka, mabibigyan ka pa rin ba ng kaliwanagan ng Banal na Espiritu? Huwag kang masyadong magpadala sa iyong mga sentimiyento. Hindi gagawa ang Diyos ng anumang bagay na labag sa Kanyang mga hangarin, at may mga prinsipyo Siya kapag hinaharap Niya ang lahat ng tao. Ano ang babala rito para sa mga tao? Dapat kang magpunyagi sa iyong tungkulin, magpakatatag, at tuparin ang iyong mga responsabilidad. Masyado bang sukdulan ang saloobin ng Diyos sa gayong mga lumilisan sa gawain? (Hindi.) Bakit mo naman nasabing hindi? Paano mo nauunawaang hindi ito masyadong sukdulan? Kahit ano pa ang tungkuling ginagampanan ng isang tao, sa kasalukuyang panahon, may kaugnayan ba ang bawat tungkuling ginawa ng bawat tao sa bagay na iyon na inorden ng Diyos? Magkaugnay na magkaugnay ang mga ito. Kung titingnan ito sa ganitong paraan, kung nagagawa mong gampanan ang iyong tungkulin, nangangahulugan bang marami nang ginawa ang Diyos? Itinadhana ka na ng Diyos mula pa nang likhain ang mundo. Itinadhana na Niya ang taon at kapanahunan kung kailan ka ipapanganak, ang uri ng pamilya kung saan ka isisilang, ang impluwensiya ng pamilya mo sa iyo, ang tungkuling iaatas sa iyo ng Diyos na gampanan mo, at ang mga bagay-bagay na itinulot na matutuhan mo nang mas maaga. Halimbawa, kung may natutunan kang isang banyagang wika, taglay mo na ngayon ang kakayahang ito, ang talentong ito, na makakatulong para matagumpay mong magampanan ang iyong tungkulin. Maraming ginawang paghahanda ang Diyos. Ano ang layon ng Diyos sa paggawa ng gayong mga paghahanda? Para ba mamukod-tangi ka mula sa karamihan? Para ba mahangad mo ang mundo at mapagsilbihan si Satanas? Siyempre hindi! Gusto ng Diyos na ihandog mo sa sambahayan ng Diyos, sa pagpapalaganap ng ebanghelyo, at sa plano ng pamamahala ng Diyos ang mga bagay na ibinigay sa iyo ng Diyos. Subalit, kung hindi mo maihahandog ang mga bagay na ibinigay sa iyo ng Diyos, sa halip ay pinagsisilbihan mo si Satanas, ano ang mararamdaman ng Diyos? Paano ito haharapin ng Diyos? Paano ba ito dapat harapin ng Diyos nang ayon sa Kanyang disposisyon? Sisipain ka ng Diyos palayo sa Kanya. Ayaw Niya sa iyo. Kinakalimutan mo ang Kanyang kagandahang-loob at sinisira ang Kanyang tiwala. Hindi ka kumikilala o bumabalik sa Lumikha sa iyo. Hindi mo iniaalay sa Diyos ang mga bagay na ibinigay ng Diyos sa iyo, sa halip ay iniaalay mo ito kay Satanas. Isa itong matinding pagkakanulo, at ayaw ng Diyos sa gayong traydor!
Sa gawain ng pagliligtas ng Diyos sa sangkatauhan, ang kakayahang taglay ng bawat tao ang dahilan kaya nagagampanan nila ang tungkuling nararapat nilang gawin. Bukod dito, ang karanasan at kaalamang natatamo nila pagkatapos manampalataya sa Diyos pati na ang mga katotohanang nauunawaan nila ay dapat gamiting lahat para gampanan ang kanilang tungkulin. Sa ganitong paraan lamang maibibigay ng mga tao ang kanilang munting pagsisikap para sa gawain ng pagpapalaganap sa ebanghelyo ng kaharian. Ano ba ang munting pagsisikap na ito? Ito ang tungkuling dapat gampanan ng isang tao. Pinapayagan ka ng Diyos na maunawaan ang katotohanan at magtaglay ng katalinuhan at karunungan para matupad mo nang maayos ang iyong tungkulin. Ito ang halaga at kahulugan ng buhay mo. Kung hindi mo isinasabuhay ang halaga at kahulugang ito, pinatutunayan nitong wala kang anumang natamo mula sa pananampalataya mo sa Diyos. Naging isang walang kuwentang basura ka sa sambahayan ng Diyos. Kung si Satanas at ang laman ang isinasabuhay mo, gugustuhin ka pa rin ba ng Diyos? Nawala na ang halaga at kahulugan ng buhay mo. Sa tingin ng Diyos, dapat maglaho ka na lang mula sa Kanyang sambahayan, maglaho magpakailanman. Ayaw na Niya sa iyo. Bukod dito, sa panahon ng pagpapalawak ng gawain ng pamamahala ng Diyos, lahat ng sumusunod sa Diyos ay gumaganap ng kani-kanilang tungkulin, at napagdaanan na nilang lahat nang ilang beses ang panunupil at malupit na pang-uusig ng malaking pulang dragon. Ang landas ng pagsunod sa Diyos ay malubak at hindi patag, at lubhang mahirap ito. Naranasan na mismo ito ng sinumang mahigit dalawa o tatlong taon nang sumusunod sa Diyos. Ang tungkuling ginagampanan ng bawat tao, pamalagian man itong tungkulin o pansamantala lang, ay mula sa kataas-taasang kapangyarihan at mga pagsasaayos ng Diyos. Maaaring maaresto nang madalas ang mga tao, at maaaring maabala at masira ang gawain ng iglesia, at maaaring magkaroon ng kakulangan sa mga taong gumaganap ng mga tungkulin, lalo na sa mga may mahuhusay na kakayahan at propesyonal na kasanayan, na kabilang sa minorya, pero dahil sa pangunguna ng Diyos, dahil sa Kanyang kapangyarihan at awtoridad, nakabangon na ang sambahayan ng Diyos mula sa panahon ng pinakamatinding kagipitan, at nasa tamang landas na ang lahat ng gawain nito. Para sa tao, tila imposible ito, pero walang bagay na mahirap matupad para sa Diyos. Ang tatlumpung taon mula nang magpakita ang Diyos at magsimulang gumawa hanggang sa kasalukuyan ay nabatbat ng mga unos at iba’t ibang uri ng kapighatian. Kung hindi dahil sa pangunguna ng Diyos, at sa Kanyang mga salitang nagbibigay ng pananalig at lakas sa mga tao, walang makararating sa kinaroroonan nila ngayon. Personal itong naranasan ng lahat ng hinirang ng Diyos. Walang kahit isang gawain ng Diyos ang tumatakbo nang walang problema, lahat ito ay nagsisimula sa wala, at pinaghihirapan nang husto, at puno ng ligalig. Bakit ganito? Ito ay dahil nahaharap tayo hindi lamang sa walang humpay na panunupil at pang-uusig ng rehimen ng malaking pulang dragon, kundi pati sa diskriminasyon, paninirang-puri, at pagkondena ng buong komunidad ng mga relihiyon at ng tiwaling sangkatauhan—kahit tinatalikuran at hinahadlangan tayo ng buong kapanahunang ito. Ang lahat ng gawain ng pamamahala ng Diyos ay inilulunsad at pinatatakbo sa isang kapaligiran at sa ilalim ng mga kondisyong puno ng masasamang kalakaran ni Satanas, at kung saan nasa kapangyarihan si Satanas. Hindi talaga ito madali; napakahirap nito. Kaya, nagbibigay ginhawa sa Diyos ang bawat tao na maaaring gumanap ng tungkulin, at ang pagganap nila ng tungkulin ay isang pambihira at napakahalagang bagay. Ang kasigasigan, katapatan, at paggugol na maiaalay ng bawat tao, pati na ang kanilang saloobin ng katapatan at responsabilidad sa kanilang tungkulin, pagpapasakop sa atas ng Diyos, at paggalang sa Diyos, ay pinapahalagahan Niya, at itinuturing Niyang lubhang mahalaga ang mga bagay na ito. Sa kabilang banda, pinakanamumuhi ang Diyos sa mga taong tumatalikod sa kanilang mga tungkulin o itinuturing na biro ang mga ito, at sa iba’t ibang ugali, kilos, at pagpapamalas ng kataksilan laban sa Diyos, dahil sa gitna ng iba’t ibang mga konteksto, tao, pangyayari, at bagay na isinaayos ng Diyos, hinahadlangan, pinipinsala, inaantala, ginugulo, o naaapektuhan ng mga taong ito ang pag-usad ng gawain ng Diyos. At dahil dito, ano ang nararamdaman at nagiging reaksyon ng Diyos sa mga tumatalikod at sa mga taong nagtataksil sa Diyos? Anong saloobin mayroon ang Diyos? (Kinapopootan Niya sila.) Pawang pagkamuhi at pagkapoot. Nakakaramdam ba Siya ng awa? Hindi—hinding-hindi Siya makakaramdam ng awa. Sinasabi ng ilang tao, “Hindi ba’t ang Diyos ay pagmamahal?” Bakit hindi minamahal ng Diyos ang gayong mga tao? Hindi karapat-dapat na mahalin ang mga taong ito. Kung mahal mo sila, kahangalan ang iyong pagmamahal, at dahil lang sa mahal mo sila, hindi ibig sabihin nito na mahal na sila ng Diyos; maaaring pinahahalagahan mo sila, pero hindi sila pinahahalagahan ng Diyos, dahil walang dapat pahalagahan sa gayong mga tao. Kaya naman, talagang inaabandona ng Diyos ang gayong mga tao, at hindi na sila binibigyan ng pangalawa pang pagkakataon. Makatwiran ba ito? Bukod sa ito ay makatwiran, higit pa ito sa lahat ng aspekto ng disposisyon ng Diyos, at katotohanan din ito. Sa proseso ng pagpapalaganap sa ebanghelyo, hindi tinatanggap ng ilang tao ang kahit anong bahagi ng katotohanan. Lagi silang kumikilos nang arbitraryo at padalus-dalos ayon sa sarili nilang kalooban. Sila ay mga balakid at hadlang sa gawain ng pagpapalaganap sa ebanghelyo. Isang negatibong papel ang ginagampanan nila sa panggugulo, panggagambala, at pamemerwisyo sa gawain ng ebanghelyo, na nakakahadlang sa paglawak nito. Kaya, pawang pagkamuhi at pagkapoot ang saloobin ng Diyos sa mga taong ito. Dapat silang matiwalag. Ganito nabubunyag ang matuwid na disposisyon ng Diyos. Sinasabi ng ilang tao, “Hindi ba’t medyo kalabisan naman na harapin nang ganito ang gayong mga tao?” Walang pagmamalabis dito. Kapag nahaharap sa gayong mga diyablo, pagkamuhi at pagkapoot lang ang maaaring maramdaman ng Diyos. Hindi nagbabalatkayo ang Diyos. Matuwid ang disposisyon ng Diyos, at malinaw na makikita ang disposisyon ng Diyos. Ano ang dalawang pinakamahalagang aspekto ng matuwid na disposisyon ng Diyos? (Masaganang awa at malalim na pagkapoot.) Ano ang kahalagahan nito rito? Sino ang nagtitiis ng malalim na pagkapoot ng Diyos? Bumabagsak ito sa mga lumalaban sa Diyos, tumatanggi sa katotohanan, at sumusunod kay Satanas. Ayaw ng Diyos sa mga determinadong sumunod kay Satanas, at ayaw rin Niya sa mga taksil at nang-iiwan. Sinasabi ng ilang tao, “Sa sandali ng kahinaan, pinili kong hindi gawin ang aking tungkulin, ngunit hindi ko talaga ninais na iwanan ang Diyos, o bumalik sa mundo at kampo ni Satanas.” Ikaw man ay mahina o ninais mo mang bumalik sa mundo, maaaring ang Diyos ay magpakita ng awa at pagpapaubaya sa pagharap sa iyong kahinaan, depende sa sitwasyon. Ang Diyos ay sagana sa awa. Ang mga tao ay namumuhay sa kanilang mga tiwaling disposisyon, at sa ilang pagkakataon, hindi maiwasang makaramdam sila ng panghihina, pagiging negatibo, o katamaran. Sinisiyasat ng Diyos ang lahat at iwinawasto sila batay sa sitwasyon. Kung hindi ka nang-iiwan, hindi ka Niya ituturing bilang gayon. Kung mahina ka, tiyak na pangangasiwaan ka Niya ayon sa iyong kahinaan. Kung pansamantala kang nagbunyag ng katiwalian, kung mahina ka nang ilang sandali, o kung pansamantala kang nawala sa iyong landas, kung gayon, bibigyang-liwanag ka ng Diyos, gagabayan ka, at susuportahan ka. Ituturing ka Niya bilang isang taong may mababang tayog na hindi nakakaunawa ng katotohanan sapagkat ang problemang ito ay wala sa iyong kalikasang diwa. Bakit hindi iwinawasto ng Diyos ang gayong mga tao sa pamamagitan ng pagtalikod sa kanila? Ito ay dahil ayaw nilang tanggihan Siya o ang katotohanan, at dahil ayaw nilang sundin si Satanas. Nagpapakita lamang sila ng pansamantalang sandali ng kahinaan at hindi nila magawang umusad, kaya binibigyan sila ng Diyos ng isa pang pagkakataon. Paano dapat asikasuhin ang mga taong ito kung gayon, na nakararanas ng panandaliang kahinaan at hindi makagampan sa kanilang mga tungkulin, ngunit bumabalik paglaon upang gawin ang mga ito? Dapat silang tanggapin. Ang kasong ito ay iba ang kalikasan sa kaso ng mga tumatalikod, kaya hindi mo maaaring ilapat ang parehong panuntunan o gamitin ang parehong paraan sa pangangasiwa sa kanila. Ang ilang tao ay hindi nagdurusa sa kahinaan; sa totoo lang, sila ay mga nang-iiwan. Kung ibabalik mo sila, tatalikod silang muli kapag naharap sila sa katulad na sitwasyon. Ang isang tulad nito ay hindi isang nang-iiwan nang pansamantala; ang gayong tao ay palagi nang magiging nang-iiwan. Iyon ang dahilan kung bakit pinalalayas ng Diyos ang mga taong tulad nito at hindi na sila ibinabalik. Hinding-hindi ito malabis. At dahil hindi naman sila kailanman ibinalik, ibig sabihin nito ay maaaring magligtas ang Diyos ng iba, pero hindi Niya ililigtas ang mga taong iyon. Kapag nakita ng Diyos na kulang ng isang tao ang pangkat ng mga maliligtas, maaaring kumuha Siya ng iba. Pero ang ganitong uri ng tao ay inaayawan. Habambuhay siyang ibubukod at aayawan.
May isa pang kategorya ng mga tao na madalas nanggugulo at naninira sa gawain ng ebanghelyo habang nagpapalaganap ng ebanghelyo, pero may nagawa rin silang gawain at nakapagpabalik-loob din sila ng ilang tao. Maituturing bang mabubuting gawa nila ito? Pansamantala, isantabi muna natin ang tanong kung nakagawa ba sila ng mabubuting gawa. Sabihin muna nating madalas na ginugulo at sinisira ng gayong mga tao ang gawain ng ebanghelyo habang nagpapalaganap ng ebanghelyo. Halimbawa, kung nangangasiwa ang isang tao sa gawain ng ebanghelyo at lagi siyang nakikipagkompitensiya sa iba para sa katayuan at kapangyarihan o madalas siyang nakikipagtalo sa iba, ginugulo at sinisira ang gawain ng ebanghelyo, paano titingnan ng Diyos ang usaping ito? Babalansehin ba ng Diyos ang mga nagawa at kasalanan ng gayong tao o haharapin siya sa iba pang paraan? (Bibigyan siya ng Diyos ng demerito.) Bakit siya bibigyan ng Diyos ng demerito? Bagama’t siya ay nangaral sa ilang tao, may nagawang gawain, at may mga resultang nakamit, patuloy pa rin siyang gumagawa ng masasamang gawa. Bagama’t wala siyang nagawang malaking pagkakamali, madalas naman siyang nakagagawa ng mga munting pagkakamali. Ano ba ang ibig sabihin ng madalas na paggawa ng mga munting pagkakamali? Nangangahulugan ito ng hindi pagsasagawa sa katotohanan, pakikipaglaban para sa kasikatan, pakinabang, at katayuan, pagsasalita nang walang kahit katiting na kabanalan, hindi paghahanap kailanman sa mga katotohanang prinsipyo, madalas na pagkilos nang arbitraryo at nang walang pagpipigil, hindi kailanman gumagawa ng anumang pagbabago, at pagiging katulad ng mga walang pananampalataya, na may nakapipinsalang impluwensiya sa buhay ng iglesia at ng mga hinirang ng Diyos at nagdudulot ng pagkatisod ng ilang bagong mananampalataya. Hindi ba masasamang gawa ang mga ito? (Oo, masasamang gawa ang mga ito.) Kung nakagawa ang mga tao ng gayong masasamang gawa, kahit nagpakahirap pa silang gampanan ang kanilang mga tungkulin, natupad ba talaga nila ang kanilang mga responsabilidad? Tunay bang nagampanan nila nang maayos ang kanilang mga tungkulin? Paano tinitingnan ng Diyos ang mga taong ito? Bagama’t may nagawa naman silang ilang gawain, mapangahas na gumagawa pa rin sila ng kasamaan, kaya nagagampanan ba nila ang kanilang mga tungkulin? (Hindi.) Kung gayon bakit kayang-kaya nilang gumawa ng kasamaan nang may ganoong kapangahasan? Sa isang banda, dahil ito sa kanilang mga tiwaling disposisyon. Sa kabilang banda, niyayakap ng mga taong ito ang mentalidad ng pagbabakasakali. Iniisip nila, “Marami akong nagawang mabuti sa pagpapalaganap ng ebanghelyo. Sa iglesiang ito o sa iglesiang iyon, daan-daang tao ang nandoon dahil dinala ko ang ebanghelyo sa kanila. Kung maliligtas ang mga taong ito, mangangahulugan iyon ng malaking merito para sa akin. Kaya paanong hindi ako maaalala ng Diyos? Kapag isinasaalang-alang ng Diyos ang mga taong ito, hindi Niya ako makokondena.” Hindi ba masyadong mataas ang tingin nila sa kanilang sarili? Mayroon ba silang may-takot-sa-Diyos na puso? Mga tao ba silang ginugugol ang kanilang sarili para sa Diyos nang may tapat na puso? Tulad ni Pablo, naghahangad sila ng mga gantimpala at korona. Walang puwang ang Diyos sa kanilang puso. Hindi nila nauunawaan ang disposisyon ng Diyos at ang lakas ng loob nilang makipagkasunduan sa Diyos. Pinatutunayan nito na wala silang taglay na katotohanang realidad. May isang taong nagpalaganap ng ebanghelyo sa loob ng ilang taon at may ilang karanasan tungkol dito. Nagdusa siya sa maraming paghihirap habang ipinapalaganap ang ebanghelyo, at nakulong at nasentensyahan pa nga nang maraming taon sa loob ng bilangguan. Matapos makalaya, ipinagpatuloy niya ang pagpapalaganap ng ebanghelyo, at nakumbinsi ang ilang daang tao, at ang ilan sa mga ito ay naging mahahalagang talento; nahirang pa nga ang ilan bilang mga lider o manggagawa. Bunga nito, naniwala ang taong ito na karapat-dapat siyang tumanggap ng malalaking parangal, at ginamit niya itong kapital na kanyang ipinagyayabang saanman siya magpunta, nagpapakitang-gilas at nagpapatotoo sa kanyang sarili: “Nabilanggo ako sa loob ng walong taon, at nanindigan ako sa aking patotoo. Maraming tao ang nakumbinsi ko habang ipinapalaganap ang ebanghelyo, at ang ilan sa kanila ay mga lider at manggagawa na ngayon. Sa sambahayan ng diyos, karapat-dapat ako sa papuri, may naiambag ako.” Saan man siya nagpapalaganap ng ebanghelyo, siguradong nagmamayabang siya sa mga lokal na lider o manggagawa. Sinasabi rin niyang, “Dapat kayong makinig sa sinasabi ko; kahit nga ang mga nakatataas ninyong lider ay dapat na magalang kapag nakikipag-usap sila sa akin. Tuturuan ko ng leksyon ang sinumang hindi gagawa niyon!” Mapang-api ang taong ito, hindi ba? Kung ang taong kagaya nito ay hindi nagpalaganap ng ebanghelyo at hindi nakumbinsi ang mga taong iyon, mangangahas ba siyang maging napakahambog? Magiging napakahambog nga siya. Ang pagiging napakahambog niya ay nagpapatunay na likas iyon sa kanya. Ito ang kanyang kalikasang diwa. Nagiging napakayabang niya na ganap na siyang wala sa katwiran. Matapos magpalaganap ng ebanghelyo at makakumbinsi ng ilang tao, tumitindi ang mapagmataas niyang kalikasan, at lalo pa siyang nagiging hambog. Ipinagmamayabang ng gayong mga tao ang tungkol sa kanilang puhunan saanman sila magpunta, sinusubukang angkinin ang karangalan saanman sila magpunta, at ginigipit pa ang mga lider sa iba’t ibang antas, sinusubukang makipantay sa kanila, at iniisip pa nga na nararapat silang maging nakatataas na lider. Batay sa kung ano ang ipinamalas ng pag-uugali ng isang taong kagaya nito, dapat maging malinaw sa atin kung anong uri ng kalikasan ang mayroon siya, at kung ano ang malamang na kalalabasan niya. Kapag pinapasok ng isang demonyo ang sambahayan ng Diyos, nagtatrabaho nang kaunti bago ipakita ang tunay niyang pagkatao; hindi siya nakikinig kahit sino pa ang nagpupungos sa kanya, at pilit siyang lumalaban sa sambahayan ng Diyos. Ano ang kalikasan ng kanyang mga ikinikilos? Sa paningin ng Diyos, inilalagay niya ang sarili sa labis na panganib, at hindi siya titigil hangga’t hindi niya napapatay ang kanyang sarili. Ito lamang ang pinaka-angkop na paraan ng pagsasalarawan nito. May praktikal na kahulugan ang terminong “isang paa ang nasa hukay.” Ano ang praktikal na kahulugan na ito? Mabuti kapag nagagawang gampanan ng mga tao ang kanilang mga tungkulin. May mga taong isinilang na may mga partikular na kaloob, na isang pagpapala, pero kung hindi sila susunod sa tamang landas, malalagay sila sa kapahamakan. Halimbawa, may mga taong mahusay magsalita. Marunong silang makipag-usap sa iba’t ibang tao at kayang-kaya nilang makipag-usap kaninuman. Maituturing din itong isang uri ng likas na abilidad. Sa halip na sabihin muna kung mabuti o masamang bagay ba ito, ang susi ay ang tingnan ang kalikasan ng naturang tao at kung tinatahak ba niya ang tamang landas o ang masamang landas. Sa panahon ng gawain ng pagpapalaganap ng Diyos ng ebanghelyo, inialay mo ang iyong mga talento, nag-isip ka nang husto, at nakahikayat ng maraming tao. Walang masama rito. Nagsikap ka para sa gawain ng ebanghelyo, na karapat-dapat sa paggunita ng Diyos. Kung gagawin mo ang tungkuling ito nang mabuti, nang hindi masyadong nagpapapansin, rerespetuhin ka ng mga kapatid kapag nakita nila ang ginawa mo, at ang mga taong may hindi nauunawaan ay hahanapin ka at hihingan ka ng payo. Kung mayroon kang pagkatao at hinahangad mo ang katotohanan, magugustuhan ka ng mga tao, at pagpapalain ka ng Diyos. Ngunit maaaring mangyari na hindi mo tahakin ang tamang landas. Maaaring ituring mong puhunan ang munting kaloob na ito na mula sa Diyos at ipagmayabang mo pa kung saan-saan ang tungkol sa pagkakabilanggo mo. Ang totoo, hindi isang dakilang bagay ang mabilanggo. Sa bansa ng malaking pulang dragon, marami nang tao ang naaresto at nabilanggo dahil sa pagpapalaganap ng ebanghelyo o sa paggawa ng gawain ng iglesia. Hindi ito dapat ituring bilang puhunan, kundi isang uri ng pagdurusa na marapat tiisin ng mga tao. Kung may patotoong maibibigay ang mga tao matapos ang kanilang pagdurusa, maaari nilang patotohanan ang mga gawa ng Diyos, patotohanan kung paano sila umasa sa Diyos para mapagtagumpayan si Satanas habang sila ay inuusig, kung anong uri ng pagdurusa ang tiniis nila, at kung ano ang natamo nila mula rito. Ito ang tamang paraan. Subalit sadyang hindi nila tinatahak ang tamang landas na ito, bagkus ay ipinagmamayabang nila ang kanilang sarili kung saan-saan. “Nabilanggo ako sa loob ng napakaraming taon at nagdusa ako nang husto, kaya dapat ganito ninyo ako tratuhin. Kung hindi ninyo ako tatratuhin nang ganoon, kayo ay bulag, mangmang, at walang-puso.” Hindi ba’t nabibigo silang tahakin ang tamang landas? Noong una, isang mabuting bagay ang pagkakabilanggo at pagdurusa nila nang hindi nagkakanulo at nang naninindigan sa kanilang patotoo matapos na masentensiyahan. Karapat-dapat ito sa paggunita ng Diyos. Subalit sadyang hindi nila ginawa ang dapat nilang gawin. Saan man sila magpunta, ipinagyabang nila ang kanilang mga nagawa para makuha ang respeto at simpatiya ng mga tao. Sukdulan pa ngang humiling sila ng ilang materyal na bagay. Paghahangad ito ng gantimpala para sa kanilang mga nagawa. Ano ang nakatagong kahulugan sa paghahangad ng mga gantimpala mula sa mga taong kagaya nito? Maaari nilang hilinging gantimpalaan sila ng mga tao, kaya maaari ba silang humingi ng mga gantimpala mula sa Diyos? Pinupuntahan nila ang mga tao at nanghihingi sila ng sapat na gantimpala, humihingi sila ng katayuan, ng kasikatan at pakinabang, ng katanyagan, at ng mga kalayawan ng laman, at pagkatapos ay humihingi sila ng mga gantimpala mula sa Diyos. Hindi ba’t katulad ito ni Pablo? Higit pa rito, marami silang napabalik-loob na mga tao sa pamamagitan ng pagganap ng tungkuling ito. Para sa Diyos, kung kaya nilang patuloy na gawin ang kanilang mga tungkulin sa pundasyon ng pagkaunawa sa katotohanan at patuloy nilang magagampanan nang maayos ang responsabilidad na ito, patuloy na ipagkakatiwala sa kanila ng Diyos ang pagpapalaganap ng ebanghelyo. Subalit pinili nilang huwag gawin ito, at inisip na may sapat na silang nagawa at kwalipikasyon na maaari na nilang ipagyabang ang mga ito sa lahat ng tao. Samakatwid, hindi na talaga sila nagtatrabaho, pero hinihiling nila na gantimpalaan sila. Saan man sila magpunta, nagyayabang sila, ipinangangalandakan ang kanilang puhunan, ikinukumpara ang kanilang mga merito, at nagpapakitang-gilas na daan-daan o libu-libong tao na ang nahatiran nila ng ebanghelyo. Sa bagay na ito, hindi sila nagbibigay ng kaluwalhatian sa Diyos at hindi sila kailanman nagpapatotoo sa pagkamakapangyarihan-sa-lahat ng Diyos at sa karunungan Niya. Hindi ba’t paglalagay ito ng isang paa sa hukay? Sumasampalataya sila sa Diyos pero hindi sila lumalakad sa tamang landas. Kaya, ano ang saloobin nila sa pakikinig sa mga sermon at pagbabahagi? Iniisip nila, “Hindi ko kailangang makinig, nabilanggo na ako, hindi ako naging isang Hudas, may patotoo akong maibibigay. Bukod doon, mas marami akong napabalik-loob na mga tao kaysa sa iba, nagbayad ako ng pinakamalaking halaga. Tiniis ko ang bawat hirap, sumuot ako sa mga damuhan, at natulog sa mga kuweba. Walang anumang pagdurusa ang hindi ko kayang tiisin, at walang lugar ang hindi ko pa napuntahan. Sino sa inyo ang makapapantay sa akin? Kaya, hindi ko kailangang ganap na unawain ang mga sermong pinapakinggan ko. Hindi ba’t pagsasanay lang naman ang pakikinig sa mga sermon? Nagawa ko na itong lahat, isinabuhay ko na ito. Ni wala ngang masyadong kamangha-mangha tungkol sa pagkakatawang-tao ng diyos.” Anong uri ng tao ang nagsasalita ng mga salitang katulad nito? (Si Pablo.) Si Pablo ito na nabuhay na magmuli. Sinasabi rin nila, “Hindi kayo kasinghusay ko. Dahil kung mahusay nga kayo, hindi na ninyo kakailanganin pang makinig sa napakaraming sermon, at hindi na ninyo kakailanganing magsulat, kumopya, at magkabisang mabuti ng mga salita ng diyos araw-araw. Tingnan ninyo ako. Napakarami ko nang taong napabalik-loob sa pangangaral ng ebanghelyo. Kailan ba ako nag-aral nang katulad ninyo? Hindi ko na kailangan, sa sandaling gumawa na ang banal na espiritu, nasa akin na ang lahat.” Hindi ba’t isa itong malaking kahangalan? Walang hanggan ang kanilang kayabangan. Ano ba ang tingin nila sa pagtanggap sa gawain ng Diyos at sa paghahangad ng kaligtasan? Tingin nila rito ay larong pambata. Naniniwala silang nakapagpakita na sila ng kaunting mabuting asal at nakagawa na ng kaunting trabaho, na natapos na nila ang kanilang takbo at nakipagbaka na ng kanilang pakikipagbaka, kaya ang tanging natitira na lang na dapat gawin ay ang tanggapin ang korona nila. Para sa kanila, ang isang Diyos na hindi nagbibigay ng mga korona ay hindi naman talaga Diyos. Sa bagay na ito, pareho ang kanilang pananaw sa mga relihiyosong tao. Sinasabi rin nila, “Akin nang napagdusahan ang lahat ng dapat pagdusahan at nabayaran ang bawat halaga. Nagdusa na ako nang halos kasingdami ng pinagdusahan ng diyos. Dapat matanggap ko ang gantimpala ng diyos.” Hindi ba’t ang mga taong ito ay katulad ni Pablo? Lagi nilang iniraranggo ang mga tao ayon sa mga kwalipikasyon at sa senyoridad. Sinasabi nilang lahat na para sa kanila ang mabuhay ay si cristo. Kung talagang gusto nilang maging si cristo, mapapahamak sila. Isa itong pangalawang Pablo. May pagkakataon pa bang makapagbagong-buhay ang isang taong lumalakad sa ganitong landas? Wala na. Ang landas na ito ay ang daan ng mga anticristo patungo sa kawalan.
Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.