Ano ba Talaga ang Inaasahan ng mga Tao Para Mabuhay? (Unang Bahagi)

Aling aspekto ng katotohanan ang pinakagusto ninyong marinig ngayon? Bibigyan Ko kayo ng ilang paksang pagpipilian, at puwede tayong magbahaginan sa alinmang gusto ninyo. Narito ang unang tanong: Paano mo nakikilala ang iyong sarili? Ano ang paraan para makilala mo ang iyong sarili? Bakit dapat mong kilalanin ang iyong sarili? Ang pangalawang tanong ay: Ano ang ipinapamuhay ng mga tao sa mga taon ng kanilang pananalig sa Diyos? Namuhay ka ba sa salita ng Diyos at sa katotohanan, o namuhay ka sa mga satanikong disposisyon at pilosopiya? Anong asal ang nagpapakita na namumuhay ka sa salita ng Diyos at sa katotohanan? Kung namumuhay ka sa mga satanikong disposisyon at pilosopiya, paano ipapamalas at ibubunyag ng iyong katiwalian ang sarili nito? Ang pangatlong tanong ay: Ano ang tiwaling disposisyon? Tinalakay natin dati ang anim na aspekto ng mga tiwaling disposisyon, kaya tatalakayin Ko kung aling mga kalagayan ang mga partikular na pagpapamalas ng mga tiwaling disposisyong ito. Ngayon kayo ang pipili. Aling tanong ang pinakahindi ninyo naunawaan, pero ang pinakagusto ninyong maunawaan, at ang pinakamahirap para sa inyong maintindihan? (Pinipili namin ang pangalawang tanong.) Magbabahaginan tayo sa paksang ito. Sandali kayong magmuni-muni. Ano ang ipinapamuhay ng mga tao sa mga taon ng kanilang pananalig sa Diyos, at anong mga bagay ang nakapaloob sa paksang ito? Ang pangunahing punto ng pangungusap na ito ay ang salitang “ano.” Ano ang kasama sa saklaw ng “ano”? Alin dito ang nauunawaan ninyo? Ang mga bagay na iniisip ninyong pinakamahalaga, ang dapat isagawa kapag nananampalataya sa Diyos, at dapat na taglay ng mga tao ay kasama sa saklaw ng salitang “ano.” Anuman ang mga bagay na nakakatagpo ninyo sa pang-araw-araw ninyong buhay, anuman ang mga bagay ang nauunawaan ninyo sa pamamagitan ng inyong kakayahan at pagkaunawa, ang iniisip ninyong positibo, ang iniisip ninyong malapit at naaayon sa katotohanan, ang iniisip ninyong realidad ng mga positibong bagay, at ang mga iniisip ninyong naaayon sa mga layunin ng Diyos, ay ang mga bagay na ipinapamuhay ninyo habang sinusunod ninyo ang Diyos at ginagampanan ninyo ang inyong tungkulin sa mga taong ito, para mailabas natin ang mga ito at makapagbahaginan tayo sa mga ito. Ano ang mga bagay na iniisip ninyo? (Sa palagay ko, sa aking pananalig sa Diyos, kailangan ko lang magdusa, magbayad ng halaga, at magkaroon ng mga resulta sa tungkulin ko para makamit ang pagliligtas ng Diyos.) Ang pananaw na ito ay isang bagay na itinuturing mong positibo. Kaya ano ang kaibahan ng pananaw na ito at ng pananaw ni Pablo? Hindi ba’t pareho lamang ang diwa? (Ganoon nga.) Pareho ang diwa. Hindi ba’t ang diwa ng pananaw na ito ay imahinasyon lang? (Oo.) Sa mga nagdaang taon, namuhay ka sa imahinasyong ito at sa kung ano ang iniisip mong tama. Umasa ka rin dito para manampalataya sa Diyos, tumupad sa iyong tungkulin, at ipamuhay ang buhay iglesia. Isang sitwasyon ito. Una, kailangan mong pagtibayin kung tama ang mga kaisipan at pananaw mo at kung may basehan ang mga ito sa salita ng Diyos. Kung sa palagay mo ay tama ang mga ito, na mayroong basehan ang mga ito, at na ang ginagawa mo ay pagsasagawa ng katotohanan, pero talagang mali ka, iyan ang tatalakayin natin sa ating pagbabahaginan ngayon.

Ang pinakasimpleng paraan para magbahagi tungkol sa aspekto ng katotohanan ng kung ano talaga ang ipinamuhay ng mga tao ay ang magsimula sa isang paksang nauunawaan ng lahat ng tao, ang kaso ni Pablo, at pagkatapos ay iugnay ito sa inyong sariling kalagayan. Bakit si Pablo ang pag-uusapan? Alam ng karamihan ng tao ang kuwento ni Pablo. Anong mga kuwento o paksa ang mayroon sa Bibliya tungkol kay Pablo? Halimbawa, ano ang mga pinakakilalang kasabihan ni Pablo, o ano ang mga katangian, personalidad, at talento niya? Sabihin ninyo sa Akin. (Si Pablo ay tinuruan ng doktor ng kautusan na si Gamaliel, na isang mabuting marka para sa kanya, katumbas ng pagtatapos sa isang prestihiyosong unibersidad.) Sa modernong pananalita, si Pablo ay isang estudyante ng teolohiya na nagtapos mula sa isang prestihiyosong paaralan ng teolohiya. Ito ang unang maihahambing na paksang kumakatawan kay Pablo, tungkol sa pinanggalingan niya, antas ng edukasyon, at katayuan sa lipunan. Para sa pangalawang paksa, ano ang pinakakilalang kasabihan ni Pablo? (“Nakipagbaka ako ng mabuting pakikipagbaka, natapos ko na ang aking takbo, iningatan ko ang pananampalataya: Buhat ngayon ay natataan sa akin ang putong ng katuwiran” (2 Timoteo 4:7–8).) Ito ang motibasyon para sa mga ginagawa niya. Sa modernong pananalita, si Pablo ay nagdusa at nagbayad ng halaga, nagtrabaho, at nangaral ng ebanghelyo, pero ang motibasyon niya ay para magkamit ng putong. Ito ang pangalawang paksa. Maaari kayong magpatuloy. (Sinabi ni Pablo, “Sa akin ang mabuhay ay si cristo, at ang mamatay ay pakinabang” (Filipos 1:21).) Ito rin ay isa sa mga klasikong kasabihan ni Pablo. Ito ang pangatlong paksa. Kababanggit lang natin ng tatlong paksa. Ang una ay si Pablo ay isang estudyante ng doktor ng kautusan na si Gamaliel, ang katumbas ng isang nagtapos sa seminaryo sa panahon ngayon. Tiyak na mas marunong siya tungkol sa Bibliya kaysa sa mga ordinaryong tao. May kaalaman si Pablo tungkol sa Lumang Tipan, dahil nagtapos siya sa isang paaralang gaya niyan. Iyan ang pinag-aralan ni Pablo. Paano nito naimpluwensiyahan ang mga pangangaral niya sa hinaharap at paglalaan sa mga iglesia? Maaaring may ilang benepisyo ito—pero nagdulot ba ito ng anumang pinsala? (Oo, nagdulot ito.) Naaayon ba ang pagkatuto ng teolohiya sa katotohanan? (Hindi.) Ang pagkatuto ng teolohiya ay pawang mga mapanlinlang na bagay, mga walang katuturang teorya. Hindi ito praktikal. Ano ang pangalawang paksa? (Sinabi ni Pablo, “Nakipagbaka ako ng mabuting pakikipagbaka, natapos ko na ang aking takbo, iningatan ko ang pananampalataya: Buhat ngayon ay natataan sa akin ang putong ng katuwiran.”) Namuhay si Pablo sa mga salitang ito; naghangad siya ayon sa mga ito. Masasabi ba natin, kung gayon, na ang mga ito ang intensyon at mithiin ni Pablo sa kanyang pagdurusa, sa halagang binayaran niya? (Oo.) Ang kanyang layunin, sa madaling salita, ay magantimpalaan, na nangangahulugan na natapos niya ang kanyang takbuhin, nagbayad ng kanyang halaga, at nakibaka ng kanyang mabuting pakikibaka para ipagpalit ang mga bagay na iyon para sa putong ng katuwiran. Ipinapakita nito na ang mga taon ng paghahangad ni Pablo ay tungkol sa pagtanggap ng gantimpala at pagkamit ng putong ng katuwiran. Kung hindi ito ang naging layunin at mithiin niya, magagawa kaya niyang dumaan sa gayong pagdurusa at magbayad ng gayong halaga? Magagawa ba niyang gampanan ang gawaing ginawa niya at bayaran ang halagang binayaran niya sa pamamagitan ng kalidad ng sarili niyang moral na katangian, ambisyon, at mga pagnanais? (Hindi.) Ipagpalagay nating nauna nang sabihin sa kanya ng Panginoong Jesus, “Noong nagsilbi ako sa mundo, inusig mo Ako. Ang mga taong gaya mo ay pinarusahan at sinumpa. Anuman ang gawin mo, hindi mo mababawi ang gayong mga pagkakamali; gaano ka man magsisi, hindi kita ililigtas.” Anong uri ng saloobin ang magkakaroon si Pablo? (Maaaring inabandona niya ang Diyos at hindi na nanampalataya.) Hindi lamang sa maaaring hindi siya nanampalataya sa Diyos, maaaring itinanggi niya ang Diyos, itinanggi na ang Panginoong Jesus ay ang Cristo, at itinanggi ang pag-iral ng Diyos sa langit. Kaya ano ang ipinamuhay ni Pablo? Hindi niya minahal ang Diyos nang buong-puso, at hindi siya isang taong nagpapasakop sa Kanya, kaya bakit nagawa niyang magpatuloy sa napakaraming paghihirap sa pangangaral ng ebanghelyo? Makatarungang sabihing ang pangunahin niyang suporta ay ang kanyang pagnanais para sa mga pagpapala; iyan ang nagbigay ng lakas sa kanya. Gayundin, noong nakita ni Pablo ang dakilang liwanag ng Diyos sa daan patungong Damasco, nabulag siya. Napaluhod siya sa lupa, na nanginginig ang buong katawan niya. Naramdaman niya ang kadakilaan ng Diyos at ang pagiging kahanga-hanga Niya, at natakot siya sa pagpalo sa kanya ng Diyos, kaya hindi na siya nangahas tanggihan ang atas ng Diyos. Kailangan niyang magpatuloy na mangaral ng ebanghelyo, gaano man katindi ang mga paghihirap. Hindi siya maaaring maging tamad. Iyon ay bahagi nito. Ang pinakamalaking parte nito, gayunpaman, ay ang labis niyang paghahangad na mapagpala. Gagawin ba niya ang ginawa niya kung wala ang pagnanais na mapagpala, ang kislap na pag-asang iyan? Tiyak na hindi. Ang pangatlong paksa ay si Pablo ay nagpatotoo na para sa kanya, ang mabuhay ay si cristo. Unahin muna nating tingnan ang gawaing ginawa ni Pablo. Maraming kaalaman sa relihiyon si Pablo; mayroon siyang antas ng kasikatan at medyo katangi-tanging pinag-aralan. Maaari mong sabihing mas may alam siya kaysa sa mga ordinaryong tao. Kaya, ano ang sinandigan niya para gampanan ang gawain niya? (Ang mga kaloob at talento niya, at ang kaalaman niya sa Bibliya.) Sa panlabas, maaaring nangangaral siya ng ebanghelyo at nagpapatotoo sa Panginoong Jesus, pero nagpatotoo lamang siya sa pangalan ng Panginoong Jesus; hindi siya tunay na nagpatotoo na ang Panginoong Jesus ay ang Diyos na nahayag at gumagawa, at na ang Panginoong Jesus ay ang Mismong Diyos. Kaya, sino ang talagang pinapatotohanan ni Pablo? (Nagpatotoo siya sa sarili niya. Sinabi niya, “Sa akin ang mabuhay ay si cristo, at ang mamatay ay pakinabang.”) Ano ang ipinapahiwatig ng mga salita niya? Na ang Panginoong Jesus ay hindi si Cristo, ang Panginoon, at Diyos, kundi siya. Nakalibot at nakapangaral si Pablo sa ganitong paraan dahil sa kanyang mga intensyon at ambisyon. Ano ang kanyang ambisyon? Ang mapaniwala ang lahat ng tao, ang mga napangaralan niya at nakapakinig sa kanya, na nabuhay siya bilang cristo at diyos. Ito ay isang aspekto, namuhay siya sa mga pagnanais niya. Gayundin, ang gawain ni Pablo ay nakabatay sa kanyang kaalaman sa Bibliya. Ang pangangaral at mga pananalita niya ay nagpakitang lahat na may kaalaman siya sa Bibliya. Hindi niya tinalakay ang gawain at kaliwanagan ng Banal na Espiritu o ang mga katotohanang realidad. Ang mga paksang ito ay hindi matatagpuan sa mga liham niya at tiyak na hindi siya nagkaroon ng ganitong uri ng karanasan. Wala saan man sa mga ginawa niya na nagpatotoo si Pablo sa mga salitang sinabi ng Panginoong Jesus. Tingnan natin, halimbawa, ang katuruan ng Panginoong Jesus kung paano dapat isagawa ng mga tao ang pangungumpisal at pagsisisi, o ang maraming salita ng mga katuruang sinabi ng Panginoong Jesus sa mga tao—hindi kailanman nangaral si Pablo tungkol sa mga ito. Wala sa mga ginawa ni Pablo ang may kaugnayan sa mga salita ng Panginoong Jesus, at ang lahat ng ipinangaral niya ay mga bagay na galing sa mga natutunan niya sa teolohiya at teoryang inaral niya. Ano ang nilalaman ng mga natutunan niya sa teolohiya at teorya? Mga kuru-kuro ng tao, imahinasyon, pilosopiya, at hinuha, karanasan, at aral na ibinubuod ng mga tao, at iba pa. Sa madaling salita, ang lahat ng mga bagay na iyan ay galing sa pag-iisip ng tao at sumasalamin sa mga kaisipan at pananaw ng tao; wala sa mga ito ang katotohanan, o naaayon sa katotohanan. Ang lahat ng ito ay hayag na salungat sa katotohanan.

Pagkatapos ninyong marinig ang halimbawa ni Pablo, ihambing ninyo ang sarili ninyo sa kanya. Pagdating sa paksang pinag-uusapan natin ngayon, “Ano ang ipinapamuhay ng mga tao sa mga taon ng kanilang pananalig sa Diyos,” naaalala ba ninyo ang ilan sa mga sarili ninyong kalagayan at asal? (Naiisip ko ang katunayan na naniniwala ako na kung hindi ako kailanman magkakaroon ng pamilya, kung hindi ko kailanman tatalikuran ang atas ng Diyos, hindi ako magrereklamo laban sa Diyos kapag may dumarating na mga matinding pagsubok sa akin, sa huli, hindi hahayaan ng Diyos na mamatay ako.) Iyan ay pamumuhay sa pangarap, na medyo malapit sa paksa ng pagbabahaginan ngayon at tumatalakay sa aktuwal na kalagayan. Ito ay isang pananaw sa praktikal na paghahangad sa tunay na buhay. Mayroon pa bang iba? (May pananaw ako: Pakiramdam ko na hangga’t sinusunod ko ang Diyos sa sukdulan ng pananampalataya ko, pagpapalain ako at magtatamo ako ng kahanga-hangang kalalabasan at destinasyon.) Maraming tao ang may gayong pananaw, hindi ba? Ito ay simpleng pananaw na maaaring sang-ayunan ng lahat. Mayroon bang sinuman na may ibang pananaw? Pakinggan natin. May ipapakita Ako sa inyo: May ilang taong nananampalataya sa Diyos nang maraming taon, at batay sa kanilang mga sariling personal na karanasan, imahinasyon, o ilang uri ng karanasan at ilang halimbawang nakuha nila sa pagbabasa ng mga espirituwal na aklat, binubuod nila ang ilang pamamaraan na may kaugnayan sa pagsasagawa, gaya ng kung paano dapat kumilos ang mga mananampalataya sa Diyos para maging espirituwal, kung paano sila dapat kumilos para maisagawa nila ang katotohanan, at iba pa. Iniisip nilang ang ginagawa nila ay pagsasagawa ng katotohanan, at na sa paggawa ng mga bagay na ito, maisasakatuparan nila ang mga layunin ng Diyos. Halimbawa, kapag nagdurusa sa sakit ang ilang tao, nangangailangan ang usaping ito na hanapin ang layunin ng Diyos at ang katotohanan. Ito ay isa sa mga pinakasimpleng bagay na dapat malaman ng mga mananampalataya sa Diyos. Pero paano sila dapat magsagawa? Sinasabi nila, “Ang sakit na ito ay isinaayos ng Diyos, at dapat akong mabuhay sa pananampalataya, kaya hindi ako iinom ng gamot, hindi ako magpapa-ineksyon, o pupunta sa ospital. Ano ang tingin mo sa pananampalataya ko? Matibay, hindi ba?” Mayroon bang pananampalataya ang ganitong uri ng tao? (Oo.) Sumasang-ayon kayo sa pananaw na ito, at ganito rin kayo magsagawa. Iniisip ninyo na kung may sakit kayo, ang hindi pagpapa-ineksyon, hindi pag-inom ng gamot, o hindi pagpunta sa doktor ay katumbas ng pagsasagawa sa katotohanan para isakatuparan ang mga layunin ng Diyos. Kaya, sa anong batayan ninyo sinasabi na ito ay pagsasagawa sa katotohanan? Tama bang magsagawa sa ganitong paraan? Ano ang batayan? Napatunayan ba ninyo ito? Hindi kayo sigurado. Dahil hindi ninyo alam kung ito ba ay naaayon sa katotohanan o hindi, bakit ipinipilit ninyong magsagawa sa ganitong paraan? Kung may sakit ka, ipinipilit mo lang ang pananalangin sa Diyos, hindi pagpapa-ineksyon, hindi pag-inom ng gamot, hindi pagpunta sa doktor, at sa kalooban mo ay sumasandig ka lang at nananalangin sa Diyos, hinihiling sa Diyos na alisin ang sakit na ito o inilalagay ang sarili mo sa habag Niya—tama ba ang pagsasagawang ito? (Hindi.) Naiisip ninyo lang ba ngayon na mali ito, o napagtanto na ninyo noon na mali ito? (Dati, noong nagkasakit ako, pakiramdam ko na ang pagpunta sa doktor o pag-inom ng gamot ay panlabas na pamamaraan, at ito ay isang paghahayag ng kawalan ng pananampalataya, kaya sumasandig ako sa panalangin o sa ibang paraan ng pagharap sa usaping ito.) Ipinapahiwatig ba nito na kung bibigyan ka ng Diyos ng sakit, at pinagamot mo ito, tinatalikuran mo ang Diyos at hindi nagpapasakop sa mga pagsasaayos ng Diyos para sa iyo? (Iyan ang pananaw ko.) Kaya, sa palagay mo ba ay tama o mali ang pananaw na ito? O nalilito ka pa rin, at hindi mo alam kung ito ay tama o mali, at iniisip na, kung tutuusin, ganyan ka palaging kumilos, at walang sinumang nagsabi na mali ito, at hindi ka nakokonsensiya tungkol dito, kaya patuloy ka lang nagsasagawa sa ganoong paraan? (Palagi akong nagsasagawa sa ganitong paraan, at wala akong naramdamang anuman sa partikular.) Nakakaramdam ba kayo ng kaunting kalituhan sa paggawa nito? Isantabi natin kung tama o mali kayo, pero maaari tayong maging tiyak sa isang bagay, na ang pagsasagawa nang gaya nito ay hindi naaayon sa katotohanan. Dahil, kung naaayon ito sa katotohanan, malalaman ninyo kahit papaano kung aling katotohanang prinsipyo ang sinusunod ninyo at kung anong prinsipyo ang sumasaklaw sa gayong pagsasagawa. Pero kapag tiningnan natin ito ngayon, makikita natin na kumikilos ang mga tao nang ganito batay sa mga sarili nilang imahinasyon. Ito ay isang balakid na inilalagay nila sa sarili nila. Bilang karagdagan, itinatakda ito ng mga tao bilang isang pamantayan para sa sarili nila batay sa mga sarili nilang imahinasyon, iniisip na dapat nilang gawin ito kapag may sakit sila, pero hindi nila alam kung ano ang eksaktong hinihingi o ibig sabihin ng Diyos. Kumikilos lang sila alinsunod sa isang pamamaraan na sila mismo ang nag-isip at nagpasiya, hindi nalalaman kung ano ang magiging resulta ng pagkilos sa ganitong paraan. Ano ang ipinapamuhay ng mga tao kapag sila ay nasa kalagayang ito? (Ang mga sarili nilang imahinasyon.) May kuru-kuro ba sa mga imahinasyong ito? Ano ang kanilang kuru-kuro? (Na maaari nilang makuha ang pagsang-ayon ng Diyos sa pagsasagawa sa ganitong paraan.) Ito ay isang kuru-kuro. Ito ba ang tamang pang-unawa ng usapin? (Hindi.) May kahulugan at resulta rito: Kapag nabuhay ka sa gayong kuru-kuro at gayong mga imahinasyon, hindi mo isinasagawa ang katotohanan.

Sa puntong ito, napag-isipan na ninyo nang kahit papaano ang paksa ng “Ano ba Talaga ang Inaasahan ng mga Tao Para Mabuhay,” at humigit-kumulang ay alam ninyo kung ano ang pagbabahaginan sa paksang ito. Kaya, pag-usapan natin ang tungkol sa ilang uri ng kalagayan. Makinig kayong mabuti at magmuni-muni habang nakikinig kayo. Ano ang mithiin ng pagmumuni-muning ito? Ang ihambing ang mga kalagayang tatalakayin Ko sa mga sarili ninyong kalagayan, para maunawaan ang mga ito, at para malaman na mayroon kayo ng ganoong mga uri ng kalagayan at problema, at pagkatapos ay para hanapin ang katotohanan upang lutasin ang mga ito, nagsisikap na mamuhay sa katotohanan sa halip na namumuhay sa iba’t ibang bagay na walang anumang kaugnayan dito. Ang “Ano ba Talaga ang Inaasahan ng mga Tao Para Mabuhay” ay isang paksang tumatalakay sa maraming bagay, kaya umpisahan natin sa mga kaloob. May ilang taong malinaw at magaling magsalita. Nagsasalita sila at nakikipag-ugnayan sa mga tao nang may mga hindi sinsero at matatamis na dila, at sila ay partikular na mabibilis mag-isip. Sa bawat sitwasyon, alam nila kung ano ang eksaktong dapat sabihin. Sa sambahayan ng Diyos, ginagampanan din nila ang kanilang mga tungkulin gamit ang matatamis nilang dila at mabilis na pag-iisip. Dahil sa kanilang mga huwad at matamis na salita, ang mga ordinaryong problema ay hindi nagiging mga isyu. Tila kaya nilang lutasin ang maraming problema. Sa pamamagitan ng katalinuhan nila, kasama ng mga karanasan nila sa lipunan at ng kanilang pagiging may malalim na pang-unawa, nakikita nila kung ano ang nangyayari sa anumang ordinaryong bagay na nangyayari sa kanila; ang kailangan lang ay ilang salita mula sa kanila para lutasin ang problema. Hinahangaan sila ng ilang tao, na iniisip, “Napakadali para sa kanila ang harapin ang mga bagay-bagay. Bakit hindi ko kaya?” Labis din silang nasisiyahan sa sarili nila, at iniisip nila, “Tingnan ninyo, ibinigay sa akin ng Diyos itong kagalingang magsalita at matamis na dila, ang katalinuhang ito, ang malalim na pang-unawang ito, at ang kakayahang ito na tumugon nang mabilis, kaya walang anumang bagay na hindi ko kayang pangasiwaan!” At dito nagmumula ang problema. Maaaring gamitin ng isang taong magaling magsalita at mabilis mag-isip ang kanyang mga talento at kakayahan para gampanan ang ilang tungkulin, at sa pagtupad niya sa kanyang tungkulin, nalulutas niya ang ilang problema o nakakagawa siya ng ilang bagay para sa sambahayan ng Diyos, pero kung detalyado mong susuriin ang lahat ng bagay na ginagawa nila, mauuwi ka lang na may tanong kung ang lahat ba ng ginagawa nila ay naaayon sa katotohanan, kung naaayon ito sa mga katotohanang prinsipyo, at kung naisasakatuparan nito ang mga layunin ng Diyos. Madalas hindi nauunawaan ng gayong mga tao ang katotohanan o kung paano dapat kumilos ayon sa katotohanan, pero ginagampanan pa rin nila ang mga tungkulin nila. Pero gaano man kaayos nila ginagampanan ang mga tungkulin nila, ano ang sinasandigan nila? Ano ang puntong pinanggagalingan ng pagganap nila sa mga tungkulin nila? Ang kanilang pag-iisip, malalim na pang-unawa, at ang kanilang mga matatamis na dila. Mayroon bang sinuman sa inyo na gaya nito? (Oo.) Alam ba ng taong nabubuhay sa kanilang isipan, talino, o galing magsalita kung ang ginagawa nila ay naaayon sa mga katotohanang prinsipyo? (Hindi.) May mga prinsipyo ba kayo kapag kumikilos kayo? O, sa ibang salita, kapag kumikilos kayo, ginagawa ba ninyo ito sa pamamagitan ng mga satanikong pilosopiya, ng sarili ninyong talas ng pag-iisip, ng sarili ninyong talino at karunungan—o ginagawa ba ninyo ito ayon sa mga salita ng Diyos at sa mga katotohanang prinsipyo? Kung palagi kayong kumikilos sa pamamagitan ng mga satanikong pilosopiya, sa mga sarili ninyong kagustuhan at ideya, walang anumang prinsipyo sa inyong mga pagkilos. Pero kung nagagawa ninyong hanapin ang katotohanan, at kumilos ayon sa mga salita ng Diyos, sa mga katotohanang prinsipyo—iyan ay pagkilos nang may mga prinsipyo. Mayroon bang anumang bagay sa paraan ng inyong pagsasalita at pagkilos ngayon na salungat sa katotohanan? Sumasalungat ba kayo sa mga prinsipyo? Kapag ginagawa ninyo, alam ba ninyo ito? (Minsan.) Ano ang ginagawa ninyo sa mga pagkakataong iyon? (Nananalangin kami sa Diyos, pinagtitibay ang aming pasyang magsisi, at sumusumpa sa Diyos na hindi na uli kami kikilos sa ganoong paraan kailanman.) At sa susunod na may kaparehong bagay na mangyari sa inyo, ganyan ba uli ang ikikilos ninyo, at pagtitibaying muli ang pasya ninyo? (Oo.) Palagi kayong bumabalik sa pagpapatibay ng inyong kalooban tuwing may mga bagay na nangyayari sa inyo—buweno, sa sandaling maging matibay ang inyong kalooban, talaga bang isinasagawa ninyo ang katotohanan? Talaga bang kumikilos kayo nang may mga prinsipyo? Malinaw ba ito sa inyo? Maraming tao ang hindi naghahanap sa katotohanan kapag may mga nangyayari sa kanila, kundi nabubuhay sa kanilang mga munting paraan, sa mga kaloob nila. Ang pagkakaroon ba ng talino at pagiging magaling magsalita ang tanging uri ng kaloob na mayroon? Paano pa naipapamalas ang pamumuhay sa mga kaloob? Halimbawa, may ilang taong gustung-gustong kumanta, at kaya nilang kantahin ang isang buong kanta pagkatapos itong pakinggan nang dalawa o tatlong beses. Samakatuwid, may mga tungkulin sila sa larangang ito, at iniisip nila na ang tungkuling ito ay ibinigay sa kanila ng Diyos. Tama at wasto ang pakiramdam na ito. Sa mga paglipas ng mga taon, natuto sila ng maraming himno, at habang lalo silang kumakanta, mas gumagaling sila. Gayunpaman, may isang problemang hindi nila alam. Ano ito? Mas gumagaling nang gumagaling ang kanilang pagkanta, at itinuturing nilang buhay nila ang kaloob na ito. Hindi ba’t mali ito? Namumuhay sila sa kanilang kaloob araw-araw, at sa pagkanta nila ng mga himno araw-araw, naniniwala silang nagkamit sila ng buhay, pero hindi ba’t ilusyon lang ito? Kahit na naaantig ka ng pagkanta, nasisiyahan ang iba, at nakikinabang ang iba dito, mapapatunayan ba nitong nagkamit ka ng buhay? Mahirap sabihin. Nakadepende ito sa kung gaano mo nauunawaan ang katotohanan, kung isinasagawa mo ang katotohanan, kung may mga prinsipyo ka sa mga pagkilos at tungkulin mo, at kung may tunay kang patotoong batay sa karanasan. Sa mga aspektong ito mo lamang mahuhusgahan kung tinataglay ng mga tao ang mga katotohanang realidad. Kung tinataglay nila ang mga katotohanang realidad, sila ang mga may buhay, lalo na ang mga taong may takot sa Diyos at umiiwas sa kasamaan, pati na rin ang mga taong tunay na nagmamahal at nagpapasakop sa Diyos. Kung may mga kaloob at talento ang isang tao, at may mabubuting resulta rin sa kanyang tungkulin, pero hindi niya hinahangad ang katotohanan at namumuhay lamang siya sa kanyang mga kaloob, ipinagyayabang ang kanyang mga kuwalipikasyon, at hindi kailanman sumusunod kaninuman, maaari bang taglayin ng gayong tao ang buhay? Ang susi kung may buhay ba o wala ang isang tao ay kung tinataglay niya ang mga katotohanang realidad. Paano makakamit ng isang taong may mga talento at kaloob ang katotohanan? Paano siya mabubuhay nang hindi sumasandig sa mga kaloob niya? Paano siya makakatakas sa pamumuhay nang ganito? Dapat niyang hanapin ang katotohanan. Una, dapat malinaw niyang malaman ang pagkakaiba sa pagitan ng kung ano ang mga kaloob at kung ano ang buhay. Kapag ang isang tao ay pinagkalooban ng talino o may talento, ibig sabihin na siya ay likas na mas magaling sa isang bagay o nangunguna sa ibang paraan kung ihahambing sa iba. Halimbawa, maaaring mas mabilis kang tumugon kaysa sa iba, mas mabilis maunawaan ang mga bagay-bagay kaysa sa iba, nalinang ang kasanayan sa ilang partikular na kakayahang propesyonal, o maaaring isa kang magaling na tagapagsalita, at iba pa. Ang mga ito ay mga kaloob at talentong maaaring taglayin ng isang tao. Kung may mga partikular kang talento at kalakasan, napakahalaga kung paano mo nauunawaan at pinangangasiwaan ang mga ito. Kung iniisip mong hindi ka mapapalitan dahil wala nang ibang taong mayroong mga talento at kaloob na gaya ng sa iyo, at na isinasagawa mo ang katotohanan kung ginagamit mo ang mga kaloob at talento mo para gampanan ang iyong tungkulin, tama ba o mali ang pananaw na ito? (Mali.) Bakit mo sinabing mali ito? Ano ba talaga ang mga talento at kaloob? Paano mo dapat unawain ang mga ito, gamitin ang mga ito at harapin ang mga ito? Ang katunayan ay anumang kaloob o talento ang mayroon ka, hindi ito nangangahulugang mayroon ka ng katotohanan at buhay. Kung mayroong partikular na mga kaloob at talento ang mga tao, nararapat lang para sa kanila na gumanap ng isang tungkulin kung saan ginagamit ang mga kaloob at talentong ito, pero hindi ibig sabihin nito na isinasagawa nila ang katotohanan, hindi rin ito nangangahulugang ginagawa nila ang mga bagay-bagay ayon sa mga prinsipyo. Halimbawa, kung ipinanganak kang may kaloob sa pagkanta, kinakatawan ba ng kakayahan mong kumanta ang pagsasagawa ng katotohanan? Ibig sabihin ba nito na kumakanta ka ayon sa mga prinsipyo? Hindi. Sabihin natin, halimbawa, na mayroon kang likas na talento sa mga salita at magaling ka sa pagsusulat. Kung hindi mo nauunawaan ang katotohanan, sasang-ayon ba ang iyong pagsusulat sa katotohanan? Ibig sabihin ba nito may patotoo kang batay sa karanasan? (Hindi, hindi ito ang ibig sabihin.) Kaya, ang mga kaloob at talento ay iba sa katotohanan at hindi maaaring paghambingin ang mga ito. Anuman ang kaloob na mayroon ka, kung hindi mo hinahangad ang katotohanan, hindi mo gagampanan nang maayos ang iyong tungkulin. May ilang taong madalas na ipinagmamalaki ang mga kaloob nila at karaniwang pakiramdam nila na mas magaling sila sa iba, kaya hinahamak nila ang ibang tao at ayaw nilang makipagtulungan sa iba kapag tumutupad sila ng mga tungkulin nila. Palagi nilang gustong sila ang nasusunod, at ang resulta nito ay madalas nilang nilalabag ang mga prinsipyo kapag ginagampanan nila ang mga tungkulin nila, at napakababa rin ng kahusayan nila sa pagtatrabaho. Dahil sa mga kaloob, naging mapagmataas sila at mapagmagaling, naging mapanghamak sa iba, at nagdulot ito upang palagi nilang maramdaman na mas mabuti sila kaysa ibang tao at na walang sinumang kasingbuti nila, at dahil dito ay naging hambog sila. Hindi ba’t nasira na ang mga taong ito ng kanilang mga kaloob? Ganoon nga. Ang mga taong likas na matalino at may mga talento ay ang pinakamalamang na maging mapagmataas at mapagmagaling. Kung hindi nila hahangarin ang katotohanan at palagi silang mabubuhay sa mga kaloob nila, napakamapanganib na bagay iyan. Anuman ang tungkuling ginagampanan ng isang tao sa sambahayan ng Diyos, anumang uri ng talento ang mayroon siya, kung hindi niya hahangarin ang katotohanan tiyak na mabibigo siyang tuparin ang tungkulin niya. Anuman ang mga kaloob at talentong mayroon ang isang tao, dapat niyang gampanan nang maayos ang uri ng tungkuling iyan. Kung nauunawaan din niya ang katotohanan at nagagawa ang mga bagay-bagay ayon sa mga prinsipyo, magkakaroon ng papel na gagampanan ang mga kaloob at talento niya sa pagtupad ng tungkuling iyan. Ang mga hindi tumatanggap sa katotohanan, at hindi humahanap sa mga katotohanang prinsipyo, at sumasandig lamang sa mga kaloob nila para gawin ang mga bagay-bagay ay hindi magkakamit ng anumang resulta mula sa pagtupad sa kanilang mga tungkulin, at maaari pa silang matiwalag. Narito ang isang halimbawa: May ilang taong may talento sa pagsusulat pero hindi nila nauunawaan ang katotohanan, at walang anumang katotohanang realidad sa mga isinusulat nila. Paano iyan makakapagpalakas sa iba? Mas kaunti ang epekto nito kaysa sa isang taong hindi nakapag-aral pero nakakaunawa sa katotohanang sinasalita tungkol sa kanyang patotoo. Maraming tao ang nabubuhay sa gitna ng mga kaloob at nag-iisip na sila ay mga kapaki-pakinabang na tao sa sambahayan ng Diyos. Pero sabihin ninyo sa Akin, kung hindi sila kailanman sumapit sa paghahangad sa katotohanan, mahalaga pa rin ba sila? Kung may mga kaloob at talento ang isang tao pero wala siyang mga katotohanang prinsipyo, magagampanan ba niya nang maayos ang kanyang tungkulin? Malalaman ng sinumang tunay na nakakaunawa ng isyung ito at nakakaintindi nito kung paano dapat tratuhin ang mga kaloob at talento. Ano ang dapat mong gawin, kung ang kalagayan mo ay ang palagi mong ipinagyayabang ang mga kaloob mo at iniisip na may katotohanang realidad ka, na mas magaling ka sa iba habang hinahamak mo sila kapag nag-iisa ka? Kailangan mong hanapin ang katotohanan; dapat mong makita ang diwa ng pagyayabang ng mga kaloob. Hindi ba’t ito ang sukdulan ng kahangalan at kamangmangan, ang pagyayabang ng mga kaloob? Kung magaling magsalita ang isang tao, ibig sabihin ba nito may katotohanang realidad siya? Ang pagkakaroon ba ng mga kaloob ay nangangahulugan na ang isang tao ay may katotohanan at buhay? Hindi ba’t walanghiya ang taong nagyayabang ng mga kaloob niya, kahit na wala siyang anumang realidad? Kung naunawaan niya ang mga bagay na ito, hindi siya magyayabang. Narito ang isa pang tanong: Ano ang pinakamatinding hamon na hinarap ng mga taong may kaloob at talento? Mayroon ba kayong karanasan ng ganitong bagay o pagkalantad dito? (Ang pinakamatindi nilang hamon ay ang palagi nilang iniisip na mas magaling sila kaysa sa iba, na magaling sila sa lahat ng paraan. Napakayabang nila at labis ang pagpapahalaga sa sarili nila; hinahamak nila ang lahat ng tao. Hindi madali para sa mga taong gaya niyan na tanggapin at isagawa ang katotohanan.) Iyan ay bahagi nito. Ano pa? (Mahirap para sa kanilang pakawalan ang mga kaloob at talento nila. Palagi nilang iniisip na malulutas nila ang maraming problema sa paggamit ng mga kaloob at talento nila. Hindi lang nila alam kung paano tingnan ang mga bagay ayon sa katotohanan.) (Palaging iniisip ng mga taong may kaloob na kaya nilang pangasiwaan ang lahat ng bagay sa sarili nila, kaya kapag may mga nangyayari sa kanila, mahirap para sa kanila ang sumandig sa Diyos, at ayaw nilang hanapin ang katotohanan.) Ang sinasabi ninyo ay mga katunayan, at wala nang iba kundi mga katunayan. Iniisip ng mga taong may kaloob at may mga talento na napakatalino nila, na nauunawaan nila ang lahat ng bagay—ngunit hindi nila alam na ang mga kaloob at talento ay hindi kumakatawan sa katotohanan, na ang mga bagay na ito ay walang koneksyon sa katotohanan. Kapag sumasandig ang mga tao sa mga kaloob nila at imahinasyon sa mga kilos nila, kadalasang sumasalungat sa katotohanan ang mga kaisipan at opinyon nila—ngunit hindi nila ito nakikita, iniisip pa rin nila, “Tingnan ninyo kung gaano ako katalino; napakatalino nang nagawa kong mga pagpapasya! Napakatalinong mga desisyon! Hindi ako kayang pantayan ng sinuman sa inyo.” Magpakailanman silang nabubuhay sa kalagayan ng narsisismo at pagpapahalaga-sa-sarili. Nahihirapan silang patahimikin ang kanilang puso at nahihirapan silang magbulay-bulay sa hinihingi sa kanila ng Diyos, kung ano ang katotohanan, at kung ano ang mga katotohanang prinsipyo. Kaya nahihirapan silang maunawaan ang katotohanan, at kahit na gumaganap sila ng isang tungkulin, hindi nila nagagawang isagawa ang katotohanan, kaya napakahirap din para sa kanila na pumasok sa katotohanang realidad. Sa madaling salita, kung hindi kaya ng isang taong hangarin ang katotohanan at tanggapin ang katotohanan, anuman ang mga kaloob at talentong mayroon siya, hindi niya magagampanan nang maayos ang kanyang tungkulin—walang kahit katiting na pagdududa dito.

Ang mga kaloob at talento ay maaaring ituring na magkaparehong uri ng bagay. Ano ang mga talentong mayroon? May ilang tao na partikular na magaling sa isang uri ng teknolohiya. Halimbawa, mahilig ang ilang lalaki na magkalikot ng mga gadyet, at may ilang taong talagang mahusay sa mga elektroniko, na labis na komportable pagdating sa paggamit ng mga internal computer code o software program. Kaya nilang magpakadalubhasa sa mga bagay na ito at mabilis nilang naaalala ang mga ito—ibig sabihin, pambihira ang kakayahan nilang maunawaan at matandaan ang mga bagay na ito. Ito ay isang talento. May ilang tao na magaling sa pag-aaral ng mga wika. Anumang wika ang pag-aralan nila, napakabilis nilang matuto, at nahihigitan ng memorya nila ang memorya ng mga ordinaryong tao. May ilang taong magaling sa pagkanta, pagsayaw, o pagguhit, may ilang magaling sa makeup at pag-arte, may ilang pwedeng maging direktor, at iba pa. Anuman ang uri ng talento, basta’t nakikibahagi ang isang tao sa isang trabaho, tumatalakay ito sa paksang “Ano ba Talaga ang Inaasahan ng mga Tao Para Mabuhay.” Bakit ba natin kailangang himayin ang mga kaloob at talento ng tao? Dahil tinatamasa ng mga tao ang pamumuhay sa mga kaloob at talento nila, at itinuturing ng mga tao bilang kapital ang mga ito, bilang pinanggagalingan ng mga ikinabubuhay nila, bilang buhay, at bilang ang halaga, hinahangad na layunin, at kahulugan ng kanilang buhay. Ang pakiramdam ng mga tao ay likas para sa kanila ang sumandig sa mga bagay na ito para mabuhay, at nakikita ang mga ito bilang isang bahagi ng buhay ng tao na hindi puwedeng mawala. Halos lahat ng tao ngayon ay nabubuhay sa kanilang mga kaloob at talento. Ano ang mga uri ng kaloob ang ipinapamuhay ng bawat isa sa inyo araw-araw? (Sa tingin ko ay may kaloob ako sa wika. Kaya ipinapakalat ko ang ebanghelyo gamit ang kaloob na iyan—kapag may kausap akong isang taong sinisiyasat ang tunay na daan, nahihikayat ko siya, at gusto niyang pakinggan ang sinasabi ko.) Kung gayon, mabuti ba o hindi na mayroon kang ganitong kaloob? (Ngayong narinig ko ang pagbabahagi ng Diyos, sa tingin ko ay magiging hadlang ang kaloob na ito sa paghahanap ko sa mga katotohanang prinsipyo.) Sinasabi mo na hindi mabuting magkaroon ng kaloob sa wika, at hindi mo na gustong gamitin pa ang kaloob na ito, tama ba? (Hindi.) Ano ang sinasabi mo? Kailangan ninyo ngayong maunawaan kung ano ang pagtutuunan ng pansin sa talakayan ngayon, kung alin sa mga problema ninyo ang lulutasin nito, ano ang mali sa pamumuhay sa mga kaloob na ito, at ano ang tama tungkol dito. Dapat maging malinaw sa inyo ang mga bagay na ito. Kung hindi ninyo nauunawaan ang mga bagay na ito, at kung, sa huli, pagkatapos ng labis na pagsasalita, pakiramdam ninyo na ang mga tamang bagay ay mali, at ang mga maling bagay ay mali rin, at na ang lahat ng bagay na ginagawa ninyo ay mali, malulutas ba ninyo ang problema sa pamumuhay sa inyong mga kaloob? (Hindi. Sa pamamagitan ng pagsandig ko sa kaloob sa akin sa wika upang maipakalat ang ebanghelyo, sa tingin ko ang intensyon ko ay hindi para gampanan nang maayos ang tungkulin ko para mapalugod ang Diyos, at sa halip, ito ay para magyabang, hangaan ang aking sarili, at magkaroon ng magandang pakiramdam sa sarili ko.) Kakapahayag mo pa lamang ng dahilan kung bakit mali ang mamuhay sa iyong mga kaloob. Iniisip mong ang kaloob na ito ang kapital mo, isang pagkaunawa ng kahalagahan ng iyong sarili, at ang mga kaisipang ito at ang puntong pinanggalingan nito ay mali. Paano mo malulutas ang problemang ito? (Kailangan kong malaman na ang kaloob sa akin ay kasangkapan lamang para sa pagganap sa aking tungkulin. Ang layunin ng paggamit sa aking kaloob ay ang magampanan nang maayos ang aking tungkulin at matapos ang atas ng Diyos.) Pagkatapos mag-isip sa ganitong paraan, bigla mo bang maisasagawa ang katotohanan? (Hindi.) Kaya paano ka makakapagsagawa ng katotohanan at hindi mamumuhay sa mga kaloob na ito? Kung, kapag ginagampanan mo ang tungkulin mo, ginagamit mo ang mga kaloob mo para ipagyabang ang iyong mga personal na kahusayan at kakayahan, namumuhay ka sa mga kaloob mo. Gayunpaman, kung ginagamit mo ang iyong mga kaloob at kaalaman para gampanan nang maayos ang iyong tungkulin at ipakita ang iyong katapatan, at pagkatapos ay nagagawa mong tuparin ang mga layunin ng Diyos at kamtin ang mga resulta na hinihingi ng Diyos, at kung pinag-iisipan mo kung paano magsalita at kung ano ang sasabihin para mas makapagpatotoo ka sa Diyos, at mas maging maigi sa pagtulong sa mga tao na maunawaan at maliwanagan tungkol sa kung anong gawain ang ginagawa ng Diyos, at sa wakas ay matulungan ang mga tao na tanggapin ang gawain ng Diyos, isinasagawa mo ang katotohanan. Mayroon bang pagkakaiba rito? (Oo.) Minsan ba ay nadala na kayo habang ipinagyayabang ninyo ang inyong mga kaloob, talento, o kakayahan, at nakalimutan ninyo na ginagampanan ninyo ang inyong tungkulin, at sa halip ay nagyabang kayo sa harap ng iba, gaya ng isang walang pananampalataya? Nangyari na ba ito sa inyo kahit kailan? (Oo.) Kaya sa mga sitwasyong ito, ano ang kalagayan ng kalooban ng isang tao? Ito ay kalagayan ng pagpapakasasa sa sarili, kung saan wala siyang may-takot-sa-Diyos na puso, pagpipigil, o pagsisisi, kung saan walang mga layunin o prinsipyo sa isipan niya kapag gumagawa siya ng mga bagay-bagay, at kung saan nawala na sa kanya ang pangunahing dignidad o kagandahang-asal na dapat mayroon ang isang Kristiyano. Ano ang nangyari rito? Ito ay naging pagyayabang niya ng mga kahusayan niya at pagbibida ng personalidad niya. Sa pagganap mo ng tungkulin mo, madalas mo bang nararanasan ang mga kalagayan kung saan ang iniisip mo lang ay ang pagpapakita ng iyong mga talento at kaloob, at kung saan hindi mo hinahanap ang katotohanan? Kapag naroon ka sa gayong kalagayan, mapapagtanto mo ba ito sa sarili mo? Mababaliktad mo ba ang landasin mo? Kung mapapagtanto mo ito at mababaliktad mo ang landasin mo, maisasagawa mo ang katotohanan. Pero kung ikaw ay palaging ganito, at nararanasan mo ang kalagayang ito nang paulit-ulit, sa mahabang panahon, ikaw ay isang taong lubos na namumuhay sa kanyang mga kaloob at hindi talaga nagsasagawa ng katotohanan. Sa tingin ninyo saan nanggagaling ang pagpipigil ninyo? Ano ang nagtatakda sa kapangyarihan ng inyong pagpipigil? Itinatakda ito ng kung gaano mo minamahal ang katotohanan at kung gaano mo kinamumuhian ang kasamaan at mga negatibong bagay. Kapag naunawaan mo ang katotohanan, hindi mo gugustuhing gumawa ng masama, at kapag kinamumuhian mo ang mga negatibong bagay, hindi mo gugustuhing gumawa ng kasamaan—at agad-agad na lamang, nagkakaroon ng pakiramdam ng pagpipigil. Imposible para sa mga taong hindi nagmamahal sa katotohanan ang kamuhian ang masasamang bagay. Iyan ang dahilan kung bakit wala silang pakiramdam ng pagpipigil, at kung wala iyan, maaari silang magpatalo sa pagkabuwag, nang hindi lumalaban. Sila ay hindi makatuwiran at walang pag-iingat, at wala silang ni katiting na pakialam kung gaano karaming kasamaan ang ginagawa nila.

Mayroon pang isang kalagayan na nararanasan ng mga taong sumasandig sa kanilang mga kaloob. Anuman ang mga talento, kaloob, o kahusayang mayroon ang mga tao, kung gumagawa lang sila ng mga bagay-bagay at nagpapakapagod, at hindi kailanman hinanap ang katotohanan, ni hindi sinubukang arukin ang mga layunin ng Diyos, na para bang hindi umiiral ang konsepto ng pagsasagawa ng katotohanan sa mga isipan nila, at ang tanging nagtutulak sa kanila ay tapusin ang trabaho at gawin ang gawain, hindi ba’t ito ay ganap na pamumuhay sa kanilang mga kakayahan at kahusayan? Sa kanilang paniniwala sa Diyos, gusto lang nilang magpakapagod para magkamit sila ng mga pagpapala, at ipagpalit ang sarili nilang mga kaloob at kahusayan para sa mga pagpapala ng Diyos. Ito ang kalagayan ng karamihan ng tao. Karamihan ng tao ay nagkikimkim ng ganitong perspektiba lalo na kapag iniaatas sa kanila ng sambahayan ng Diyos ang ilang uri ng paulit-ulit na trabaho—ang ginagawa lang nila ay magpakapagod. Sa madaling sabi, gusto nilang sumandig sa pagpapakapagod para matupad ang mga layunin nila. Minsan ito ay sa pamamagitan ng pagsasalita o sa pagtingin sa isang bagay; minsan ito ay sa pagtatrabaho gamit ang mga kamay nila o pagiging abala. Iniisip nila na sa paggawa nito, marami na silang naiambag. Ito ang ibig sabihin ng mabuhay nang sumasandig sa mga kaloob ng isang tao. Bakit natin sinasabi na ang pamumuhay sa iyong mga kaloob at talento ay pagpapakapagod sa halip na pagtupad ng tungkulin mo, na walang sinasabi tungkol sa pagsasagawa sa katotohanan? May pagkakaiba. Halimbawa, sabihin nating binigyan ka ng isang gawain ng sambahayan ng Diyos, at pagkatapos mong simulan ito, iniisip mo kung paano mo tatapusin ang gawain sa lalong madaling panahon, para makapag-ulat ka sa lider mo at matanggap ang papuri niya. Maaari pa ngang mayroon kang medyo tapat na saloobin at gumagawa ka ng hakbang-hakbang na plano, pero nakatuon lang ang pansin mo sa pagtatapos ng gawain at paggawa nito para tingnan ng iba. O, maaari kang maglagay ng pamantayan para sa sarili mo habang ginagawa mo ito, iniisip kung paano mo gagawin ang gawain sa paraang nagpapalugod at nagpapasaya sa iyo, at naaabot ang pamantayan ng pagiging perpekto na hinahanap mo. Paano ka man magtakda ng mga pamantayan, kung walang kaugnayan sa katotohanan ang ginagawa mo, kung hindi ito ginawa pagkatapos hanapin ang katotohanan, at pagkatapos maunawaan at mapagtibay ang mga hinihingi ng Diyos, at kung sa halip ito ay ginawa nang wala sa loob at nang may litong isipan, pagpapakapagod ito. Ito ay paggawa ng mga bagay-bagay sa pamamagitan ng pagsandig sa sarili mong isipan, mga kaloob, kakayahan, at kahusayan habang nagkikimkim ka ng kaisipan ng pangangarap. Ano ang resulta ng paggawa ng mga bagay-bagay sa ganitong paraan? Marahil natatapos mo ang gawain, at walang sinumang nagsasabing mayroong anumang problema. Napakasaya mo, pero sa proseso ng paggawa ng gawain, para sa mga nagsisimula, hindi mo naunawaan ang layunin ng Diyos. Pangalawa, hindi mo ito ginawa nang buong puso, isipan, at lakas; hindi hinanap ng puso mo ang katotohanan. Kung hinanap mo ang mga katotohanang prinsipyo at hinanap ang layunin ng Diyos, nakaabot sana sa pamantayan ang pagganap mo ng gawain. Nagawa mo rin sanang makapasok sa mga katotohanang realidad, at naunawaan mo sana nang tama na ang ginawa mo ay naaayon sa layunin ng Diyos. Gayunpaman, kung hindi mo ibinubuhos ang puso mo rito, at iniraraos mo lang ang gawain, kahit na matatapos ang trabaho at magagawa ang gawain, hindi mo malalaman sa puso mo kung gaano mo ito kaayos nagawa, wala kang magiging anumang pamantayan, at hindi mo malalaman kung nagawa ang gawain ng naaayon sa layunin ng Diyos o sa katotohanan. Sa kasong iyan, hindi mo ginagampanan ang tungkulin mo, ikaw ay nagtatrabaho.

Dapat maunawaan ng lahat ng nananalig sa Diyos ang mga layunin Niya. Tanging ang mga gumaganap nang maayos sa mga tungkulin nila ang makakapagpalugod sa Diyos, at sa pamamagitan lang ng pagtupad sa atas ng Diyos magiging kasiya-siya ang pagganap ng isang tao sa kanyang tungkulin. May isang pamantayan para sa pagsasakatuparan ng atas ng Diyos. Sinabi ng Panginoong Jesus: “Iibigin mo ang Panginoon mong Diyos nang buong puso mo, at nang buong kaluluwa mo, at nang buong pag-iisip mo, at nang buong lakas mo.” Ang “pag-ibig sa Diyos” ay isang aspekto ng hinihingi ng Diyos sa mga tao. Saan dapat ipamalas ang hinihinging ito? Na dapat mong tapusin ang atas ng Diyos. Sa praktikal na pananalita, ito ay pagtupad ng iyong tungkulin nang maayos bilang isang tao. Kaya ano ang pamantayan para sa pagtupad nang maayos sa iyong tungkulin? Hinihingi ng Diyos na gampanan mo ang iyong tungkulin bilang isang nilikha nang buong puso, kaluluwa, isipan, at lakas mo. Dapat madali lang itong maunawaan. Para maabot ang hinihingi ng Diyos, pangunahin mong kailangang ilagay ang puso mo sa iyong tungkulin. Kung kaya mong ilagay ang puso mo rito, magiging madali para sa iyong kumilos nang buong kaluluwa mo, nang buong isipan mo, at nang buong lakas mo. Kung gagampanan mo ang iyong tungkulin sa pamamagitan lang ng pagsandig sa mga imahinasyon ng iyong isipan, at sa pagsandig sa iyong mga kaloob, maaabot mo ba ang mga hinihingi ng Diyos? Tiyak na hindi. Kaya, ano ang pamantayan na dapat maabot para matupad ang atas ng Diyos, at para magampanan ang iyong tungkulin nang tapat at maayos? Ito ay ang gampanan mo ang iyong tungkulin nang buong puso mo, nang buong kaluluwa mo, nang buong isipan mo, at nang buong lakas mo. Kung susubukan mong gampanan nang maayos ang iyong tungkulin nang walang mapagmahal-sa-Diyos na puso, hindi ito uubra. Kung ang iyong mapagmahal-sa-Diyos na puso ay lumagong lalo pang mas malakas at mas totoo, likas mong magagawang gampanan ang iyong tungkulin nang maayos, nang buong kaluluwa mo, nang buong isipan mo, at nang buong lakas mo. Buong puso mo, buong kaluluwa mo, buong isipan mo, buong lakas mo—ang “buong lakas mo” ang huli; ang “buong puso mo” ang una. Kung hindi mo ginagawa ang iyong tungkulin nang buong puso mo, paano mo ito gagawin nang buong lakas mo? Kaya ang simpleng pagsubok na gawin ang iyong tungkulin nang buong lakas mo ay hindi magkakamit ng anumang resulta—o kahit makakaabot man sa mga prinsipyo. Ano ang pinakamahalagang bagay na hinihingi ng Diyos? (Nang buong puso ng isang tao.) Anuman ang tungkulin o bagay na ipinagkakatiwala ng Diyos sa iyo, kung ikaw ay nagpapakapagod lang, nagiging abala, at nagsisikap, maaari ka bang umayon sa mga katotohanang prinsipyo? Maaari ka bang kumilos nang naaayon sa mga layunin ng Diyos? (Hindi.) Paano ka makakaayon sa mga layunin ng Diyos? (Nang buong puso namin.) Madaling sabihin ang mga salitang “nang buong puso mo,” at madalas itong sinasabi ng mga tao, kaya paano mo ito gagawin nang buong puso mo? Sinasabi ng ilang tao, “Ito ay kapag ginagawa mo ang mga bagay-bagay nang may kaunti pang pagsisikap at sinseridad, mas mag-isip pa, huwag hayaan ang anumang bagay na punuin ang isipan mo, at ituon lang ang pansin sa kung paano gagawin ang atas na gawain, hindi ba?” Ganyan ba iyan kasimple? (Hindi.) Kaya pag-usapan natin ang ilang pangunahing prinsipyo ng pagsasagawa. Ayon sa mga prinsipyong karaniwan ninyong isinasagawa o naoobserbahan, ano dapat ang una ninyong gagawin para magawa ang mga bagay-bagay nang buong puso ninyo? Dapat gamitin ninyo ang buong isipan ninyo, gamitin ang inyong lakas, at ilagay ang inyong puso sa paggawa ng mga bagay-bagay, at huwag maging pabasta-basta. Kung hindi kaya ng isang taong gawin ang mga bagay-bagay nang buong puso niya, nawala na ang puso niya, na tulad ng pagkawala ng kaluluwa ng isang tao. Ang kaisipan niya ay maliligaw habang nagsasalita siya, hindi niya kailanman ilalagay ang puso niya sa paggawa ng mga bagay-bagay, at magiging wala siyang ingat anuman ang ginagawa niya. Dahil dito, hindi niya magagawang pangasiwaan ang mga bagay-bagay nang maayos. Kung hindi mo ginagampanan ang tungkulin mo nang buong puso mo at hindi mo inilalagay ang buong puso mo rito, gagampanan mo nang hindi maayos ang tungkulin mo. Kahit ilang taon mong gampanan ang tungkulin mo, hindi mo ito magagawa nang sapat. Wala kang magagawang anumang bagay nang maayos kung hindi mo ilalagay rito ang puso mo. Ang ilang tao ay mga hindi masigasig na manggagawa, palagi silang pabago-bago at kapritsoso, masyadong mataas ang mithiin nila, at hindi nila alam kung saan nila iniwan ang puso nila. May puso ba ang gayong mga tao? Paano ninyo masasabi kung may puso ang isang tao o wala? Kung madalang magbasa ng mga salita ng Diyos ang isang taong nananalig sa Diyos, may puso ba siya? Kung hindi sila kailanman nananalangin sa Diyos anuman ang nangyayari, may puso ba siya? Kung hindi niya kailanman hinahanap ang katotohanan anuman ang mga paghihirap na hinaharap niya, may puso ba siya? Ang ilang tao ay gumaganap sa mga tungkulin nila nang maraming taon nang walang nakukuhang anumang malinaw na resulta, may puso ba sila? (Wala.) Maayos bang magagampanan ng mga taong walang puso ang kanilang mga tungkulin? Paano magagampanan ng mga tao ang mga tungkulin nila nang buong puso nila? Una sa lahat, dapat ninyong isipin ang responsabilidad. “Ito ang aking responsabilidad, kailangan ko itong pasanin. Hindi ako pwedeng tumakas ngayon kung kailan ako pinakakailangan. Dapat kong gawin nang maayos ang tungkulin ko at magbibigay ako ng ulat sa Diyos tungkol dito.” Ibig sabihin nito ay mayroon kang teoretikal na batayan. Pero ang simpleng pagkakaroon ba ng teoretikal na batayan ay nangangahulugang ginagawa ninyo ang tungkulin ninyo nang buong puso ninyo? (Hindi.) Malayo pa rin kayo sa pagtupad sa mga hinihingi ng Diyos sa pagpasok sa katotohanang realidad at sa paggawa ng inyong tungkulin nang buong puso ninyo. Kaya, ano ang ibig sabihin ng gawin ang inyong tungkulin nang buong puso ninyo? Paano magagawa ng mga tao ang kanilang mga tungkulin nang buong puso nila? Una sa lahat, kailangan ninyong isipin, “Para kanino ko ba ginagawa ang tungkuling ito? Ginagawa ko ba ito para sa Diyos, o sa iglesia, o sa ilang tao?” Dapat maging malinaw ito. Gayundin: “Sino ang nag-atas ng tungkuling ito sa akin? Ang Diyos ba, o isang lider o ang iglesia?” Kailangan din itong maging malinaw. Maaaring tila isang maliit na bagay lang ito, ngunit gayunman, kailangang hanapin ang katotohanan para lutasin ito. Sabihin ninyo sa Akin, isang lider o manggagawa ba, o isang iglesia, ang nag-atas sa inyo ng tungkulin ninyo? (Hindi.) Mabuti iyan, basta’t sigurado ka sa puso mo tungkol dito. Dapat mong pagtibayin na ang Diyos ang nag-atas sa iyo ng tungkulin mo. Maaaring tila ito ay ibinigay sa iyo ng isang lider ng iglesia, pero sa katunayan, ang lahat ng ito ay galing sa pagsasaayos ng Diyos. Maaaring may mga panahon kung kailan malinaw na galing ito sa kalooban ng tao, pero kahit noon pa man, dapat mo muna itong tanggapin sa Diyos. Iyan ang tamang paraan para maranasan ito. Kung tatanggapin mo ito sa Diyos, at kusa kang magpapasakop sa pagsasaayos Niya, at lalapit ka para tanggapin ang atas Niya—kung dadanasin mo ito gaya niyan, sasaiyo ang gabay at gawain ng Diyos. Kung lagi kang naniniwala na ang lahat ng bagay ay ginagawa ng tao at nanggagaling sa tao, kung nararanasan mo ang mga bagay-bagay sa ganitong paraan, hindi mapapasaiyo ang pagpapala ng Diyos o ang gawain Niya, dahil labis kang tuso para riyan, labis kang walang espiritwal na pang-unawa. Wala ka nang tamang pag-iisip. Kung tinitingnan mo ang lahat ng usapin sa mga kuru-kuro at imahinasyon, hindi ka magkakaroon ng gawain ng Banal na Espiritu, dahil ang Diyos ang naghahari sa lahat ng bagay. Sinuman ang isinasaayos ng sambahayan ng Diyos na gumawa ng anumang uri ng gawain, nanggagaling ito sa kataas-taasang kapangyarihan at pagsasaayos ng Diyos, at naroroon ang mabuting kalooban ng Diyos. Dapat mo munang malaman ito. Napakahalagang makita ito nang malinaw; hindi sapat ang maunawaan lang ang doktrina. Dapat mong pagtibayin sa puso mo, “Ang tungkuling ito ay ipinagkatiwala sa akin ng Diyos. Ginagampanan ko ang tungkulin ko para sa Diyos, hindi para sa sarili ko, hindi para kaninuman. Ito ang tungkulin ko bilang isang nilikha, at ipinagkatiwala ito sa akin ng Diyos.” Dahil ang tungkuling ito ay ipinagkatiwala sa iyo ng Diyos, paano ito ipinagkatiwala ng Diyos sa iyo? Kinapapalooban ba ito ng paggawa ng mga bagay-bagay nang buong puso mo? Kinakailangan bang hanapin ang katotohanan? Dapat mong hanapin ang katotohanan, ang mga hinihingi, pamantayan, at prinsipyo ng tungkuling ipinagkatiwala ng Diyos sa iyo, at kung ano ang sinasabi ng mga salita ng Diyos. Kung malinaw na ipinahayag ang mga salita Niya, panahon na para pag-isipan mo kung paano isasagawa at gagawing totoo ang mga ito. Dapat ka ding makipagbahaginan sa mga taong nakakaunawa ng katotohanan, at pagkatapos ay kumilos ka ayon sa mga hinihingi ng Diyos. Iyan ang ibig sabihin, na gawin ito nang buong puso mo. At saka, sabihin natin na bago mo ginagampanan ang tungkulin mo, hinahanap mo ang layunin ng Diyos, nauunawaan ang katotohanan, at alam kung ano ang gagawin, pero nang oras na para kumilos, may mga hindi pagkakatugma at kontradiksyon sa pagitan ng mga sarili mong kaisipan at ng mga katotohanang prinsipyo. Kapag nangyari ito, ano ang dapat mong gawin? Dapat mong panghawakan ang prinsipyo ng pagsasagawa ng iyong tungkulin nang buong puso mo, at ilagay ang buong puso mo sa pagpapasakop at pagpapalugod sa Diyos, nang walang anumang mga personal na halo, at nang tiyak na hindi pagkilos sa sarili mong kalooban. Sinasabi ng ilang tao, “Wala akong pakialam sa mga bagay na iyan. Sa akin ipinagkatiwala ang tungkuling ito kung tutuusin, kaya ako ang dapat may huling salita. May karapatan akong kumilos sa sarili kong inisyatiba, gagawin ko kung ano ang iniisip kong dapat gawin. Ginagawa ko pa rin ang tungkulin ko nang buong puso ko, kaya ano ang mga kamaliang papansinin mo?” At pagkatapos, nagsisikap silang unawain kung ano ang gagawin. Kahit na matapos ang gawain sa huli, tama ba ang paraang ito ng pagsasagawa at ang kalagayang ito? Ito ba ang paggawa sa mga tungkulin nila ng buong puso nila? (Hindi.) Ano ang problema rito? Ito ay pagmamataas, ang pagiging batas para sa sarili, ang pagiging pabasta-basta at walang ingat. Ito ba ay pagganap ng mga tungkulin nila? (Hindi.) Ito ay paggawa ng personal na gawain, hindi pagganap sa kanilang tungkulin. Ito ay simpleng paggawa ng kung ano ang makakapagbigay ng kasiyahan sa kanila at kung ano ang gusto nila batay sa sarili nilang kalooban, hindi ito paggawa sa mga tungkulin nila nang buong puso nila.

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.