Pinatototohanan n’yo na nagbalik na ang Panginoong Jesus, at na Siya ay nagpakita at gumawa sa China, naniniwala ako na ito ay totoo dahil ito ang ipinropesiya ng Panginoong Jesus sa Biblia: “Sapagka’t gaya ng kidlat na kumikidlat sa silanganan, at nakikita hanggang sa kanluran; gayon din naman ang pagparito ng Anak ng tao(Mateo 24:27). Pero palagay namin babalik ang Panginoon sa mga huling araw para dalhin tayo sa kaharian ng langit, o dapat man lang Niya tayong iangat sa mga ulap para salubungin Siya sa hangin. Tulad nga ng sinabi ni Pablo sa Biblia, “Kung magkagayon, tayong nangabubuhay, na nangatitira, ay titipuning kasama nila sa mga alapaap, upang salubungin ang Panginoon sa hangin: at sa ganito’y sasa Panginoon tayo magpakailanman” (1 Tesalonica 4:17). Pero bakit hindi pa dumarating ang Panginoon na tulad ng nakasaad sa Biblia? Ano ang kinalaman ng gawain ng paghatol ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw sa pagdadala sa atin sa kaharian ng langit?

Agosto 29, 2018

Sagot: Maraming taong naniniwala na pagbalik ng Panginoon, iaangat Niya ang mga nananalig sa hangin para makasalubong sila. Ang sinasabi n’yo ay batay sa salita ni Pablo, hindi sa Panginoon. Wala tayong paraan para masabi kung ang salita ni Pablo ay nagmula sa ideya ng tao o pagliliwanag ng Banal na Espiritu. Ito ang sinasabi ng Panginoong Jesus sa pagpopropesiya tungkol sa Kanyang pagbalik: “Nguni’t tungkol sa araw at oras na yaon walang makakaalam, kahit ang mga anghel sa langit, kahit ang Anak, kundi ang Ama lamang(Mateo 24:36). Sinabi ito ng Panginoon nang napakalinaw. Pagbalik Niya, walang makakaalam. Maliban sa Diyos, kahit ang mga anghel ay hindi ito malalaman. Ayon sa ideya n’yo, yaong mga nananalig sa Panginoon ay iaangat sa hangin para salubungin Siya sa ulap. May batayan ba para dito sa mga salita ng Diyos? Kung paniniwalaan n’yo ang salita ni Pablo sa halip na ang salita ng Panginoon, maling-mali kayo! Si Pablo ay tao lamang; hindi niya kinakatawan ang Panginoong Jesus. Paano niya malalaman na iaangat ng Panginoon ang mga nananalig sa Kanya sa mga ulap pagbalik Niya? Ano ang batayan ng salita ni Pablo? Kailangan pa ba nating hintayin ang pagbalik ng Panginoon ayon sa mga salita ni Pablo? Bakit hindi natin tanggapin ang Panginoon ayon sa salita ng Panginoong Jesus? Ito ang sinabi ng Panginoong Jesus sa pagpopropesiya tungkol sa Kanyang pagbalik: “Kaya’t kung hindi ka magpupuyat ay paririyan Akong gaya ng magnanakaw, at hindi mo malalaman kung anong panahon paririyan Ako sa iyo(Pahayag 3:3). Ano ang ibig sabihin kapag naniniwala lamang ang isang tao sa salita ni Pablo pero hindi sa salita ng Panginoong Jesus sa pananalig sa Panginoon? Ibig sabihin ba nito ay si Pablo ang Panginoon at Cristo? Kanino pala kayo naniniwala, kay Pablo o sa Panginoong Jesus? Nararapat ba natin itong pagnilayan? Ang ikalawang pagparito ng Panginoon ay para tanggapin ang mga banal sa kaharian ng langit. Tiyak ’yan. Pero walang sinumang makakahula kung paano talaga tatanggapin ng Panginoon ang Kanyang mga alagad sa kaharian ng langit. Kung naniwala tayo sa mga konsepto at imahinasyon ng tao para maunawaan ito, sa pag-aakala na dadalhin ng Panginoon ang mga tao sa hangin para makasalubong sila, hindi makatotohanan iyon. Nakita na nating lahat na nagpapakita ang Makapangyarihang Diyos sa China sa mga huling araw at nagpapahayag ng lahat ng klase ng katotohanan para sa paglilinis at pagliligtas ng tao; Nasa proseso Siya ng paglilinis at ginagawa Niyang perpekto ang lahat ng matatalinong birhen na inihaharap sa Kanyang luklukan. Determinado ang Diyos na gawin ang grupong ito ng mga tao na mga mananagumpay bago sumapit ang malaking sakuna. Matapos gawin ang isang grupo ng mga mananagumpay, pawawalan ng Diyos ang malaking sakuna para puksain ang masamang sangkatauhang ito na nagpapakabaliw na kalabanin ang Diyos. Pagkaraan ng malaking sakuna, magpapakita ang Diyos sa lahat ng tao at lahat ng bansa. Hindi ba ito ang tunay na proseso kung paano dadalhin ng Panginoon ang Kanyang mga alagad sa kaharian ni Cristo pagbalik Niya? Nadarama ko na ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw ay lubos nang tinupad ang mga propesiya ng Panginoong Jesus. “Ako’y paroroon upang ipaghanda Ko kayo ng dakong kalalagyan. At kung Ako’y pumaroon at kayo’y maipaghanda ng kalalagyan, ay muling paririto Ako, at kayo’y tatanggapin Ko sa Aking sarili; upang kung saan Ako naroroon, kayo naman ay dumoon(Juan 14:2–3). Dahil narito na sa lupa ang Panginoon, at gusto pa rin nating umakyat sa alapaap, hindi ba mali ang ating direksyon? Dahil narito na ang Panginoon sa lupa, ipinasiya na rin ng Diyos na isilang tayo sa mga huling araw, para iharap sa Kanyang luklukan, tanggapin ang Kanyang gawain ng paghatol sa mga huling araw, malinis Niya at gawin Niyang perpekto at sa huli ay ipasok sila sa kaharian ni Cristo. Anong klaseng lugar ang naihanda ng Panginoon para sa atin? Tumutukoy ito sa kaharian ni Cristo na nagkakatotoo sa lupa, na tumutupad sa propesiyang “upang kung saan Ako naroroon, kayo naman ay dumoon.” Pinatutunayan niyan na pagbalik ng Panginoon sa mga huling araw, pupunta Siya sa Kanyang kaharian. Ang gawain ng paghatol ng Diyos na nagsisimula sa tahanan ng Diyos ay para gumawa ng isang grupo ng mga mananagumpay mula sa matatalinong birhen na siyang unang tatanggap sa gawain ng Diyos sa mga huling araw at saka Siya lantarang magpapakita sa pamamagitan ng pagbaba sa ulap. Sa gayo’y magkakatotoo ang kaharian ni Cristo sa lupa. Ang katotohanan ng gawain ng Diyos sa mga huling araw ay lubos na tinutupad ang mga propesiya ng Panginoong Jesus. Sa pagdanas lang ng gawain ng paghatol ng Diyos sa mga huling araw natin makikita ang katuparan ng mga propesiya sa Biblia. Ang pag-asa sa mga paniwala at imahinasyon ng tao sa pagbabakasakali sa mga propesiya ay kahangalan at walang katotohanan! Dapat nating paniwalaan ang salita ng Diyos, hindi ng tao, para makasalubong tayo sa pagbalik ng Panginoon. Kung naniniwala tayo sa salita ng tao, lalagpas ang pagkakataong madala tayo sa langit pagdating ng Panginoon, kaya hindi natin Siya masasalubong. Sarili lamang natin ang ating masisisi.

mula sa iskrip ng pelikulang Ang Pangarap Kong Kanharian ng Langit

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.