Ano ang mga ipinapangako ng Diyos sa mga nagtamo na ng pagliligtas at sa mga nagawa nang perpekto

Abril 16, 2018

Nauugnay na mga Salita ng Diyos:

Lumalawak ang kaharian sa gitna ng sangkatauhan, nabubuo ito sa gitna ng sangkatauhan, at nakatayo ito sa gitna ng sangkatauhan; walang puwersang maaaring magwasak sa Aking kaharian. Sa mga tao Ko na nasa kaharian ng ngayon, sino sa inyo ang hindi tao sa lahat ng tao? Sino sa inyo ang namamalagi sa labas ng kalagayan ng tao? Kapag ibinalita sa maraming tao ang Aking bagong panimula, paano tutugon ang sangkatauhan? Nakita na ng sarili ninyong mga mata ang kalagayan ng sangkatauhan; sigurado bang hindi na kayo umaasa pang magtiis sa mundong ito magpakailanman? Naglalakad Ako ngayon sa piling ng Aking mga tao at naninirahan Ako sa piling nila. Ngayon, yaong may tunay na pagmamahal sa Akin—mapalad ang gayong mga tao. Mapalad ang mga nagpapasakop sa Akin, siguradong mananatili sila sa Aking kaharian. Mapalad ang mga nakakakilala sa Akin, siguradong gagamit sila ng kapangyarihan sa Aking kaharian. Mapalad ang mga naghahanap sa Akin, siguradong makakalaya sila mula sa mga gapos ni Satanas at magtatamasa ng Aking mga pagpapala. Mapalad ang mga nagagawang talikuran ang kanilang sarili, siguradong papasok sila sa Aking nasasakupan at magmamana ng kasaganaan ng Aking kaharian. Aalalahanin Ko ang mga nagsusumikap para sa Akin, yayakapin Ko nang may kagalakan ang mga gumugugol para sa Akin, at pagkakalooban Ko ng mga kasiyahan ang mga nag-aalay sa Akin. Pagpapalain Ko ang mga nasisiyahan sa Aking mga salita; siguradong magiging mga haligi sila na magtataas ng tukod sa Aking kaharian, siguradong magkakaroon sila ng walang-kapantay na kasaganaan sa Aking bahay, at walang maikukumpara sa kanila. Nakatanggap na ba kayo ng mga pagpapalang ibinigay sa inyo? Naghanap na ba kayo ng mga pangakong ginawa para sa inyo? Siguradong kayo, sa ilalim ng patnubay ng Aking liwanag, ay makakawala mula sa pagsakal ng mga puwersa ng kadiliman. Sa gitna ng kadiliman, siguradong hindi mawawala sa inyo ang liwanag na gumagabay sa inyo. Siguradong kayo ang magiging panginoon ng lahat ng nilikha. Siguradong kayo ay magiging mananagumpay sa harap ni Satanas. Siguradong tatayo kayo, sa pagbagsak ng kaharian ng malaking pulang dragon, sa gitna ng napakaraming tao upang sumaksi sa Aking tagumpay. Siguradong kayo ay magiging matatag at di-natitinag sa lupain ng Sinim. Sa pamamagitan ng mga pagdurusang tinitiis ninyo, mamanahin ninyo ang Aking mga pagpapala, at siguradong magniningning sa inyo ang Aking kaluwalhatian sa buong sansinukob.

— Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mga Salita ng Diyos sa Buong Sansinukob, Kabanata 19

Tanging ang mga taong nagmamahal sa Diyos ang nagagawang magpatotoo sa Diyos, sila lamang ang mga saksi ng Diyos, sila lamang ang pinagpala ng Diyos, at tanging sila ang nagagawang tumanggap ng mga pangako ng Diyos. Yaong mga nagmamahal sa Diyos ay mga kapalagayang-loob ng Diyos, sila ang mga tao na minamahal ng Diyos, at matatamasa nila ang mga pagpapala kasama ang Diyos. Tanging ang mga taong tulad nito ang mabubuhay hanggang sa kawalang-hanggan, at sila lamang ang mabubuhay magpakailanman sa ilalim ng pangangalaga at pag-iingat ng Diyos. Ang Diyos ay para mahalin ng tao, at karapat-dapat Siya sa pagmamahal ng lahat ng tao, ngunit hindi lahat ng tao ay may kakayahang mahalin ang Diyos, at hindi lahat ng tao ay makakayang magpatotoo sa Diyos at humawak ng kapangyarihan kasama ang Diyos. Dahil nagagawa nilang magpatotoo sa Diyos, at maglaan ng lahat ng kanilang mga pagsisikap sa gawain ng Diyos, ang mga taong tunay na umiibig sa Diyos ay maaaring maglakad saanman sa ilalim ng mga kalangitan nang walang sinumang mangangahas na labanan sila, at makakaya nilang gamitin ang kapangyarihan sa lupa at pamunuan ang lahat ng tao ng Diyos. Nagsasama-sama ang mga taong ito mula sa iba’t ibang dako ng mundo. Nagsasalita sila ng iba’t ibang wika at may iba’t ibang kulay ng balat, ngunit ang kanilang pag-iral ay may magkatulad na kahulugan; lahat sila ay may pusong nagmamahal sa Diyos, lahat sila ay nagtataglay ng magkatulad na patotoo, at may magkakatulad na kapasyahan, at magkatulad na mithiin. Makapaglalakad nang malaya sa buong mundo ang mga umiibig sa Diyos, at makapaglalakbay sa buong sansinukob ang mga taong nagpapatotoo sa Diyos. Minamahal ng Diyos ang mga taong ito, pinagpapala sila ng Diyos, at mabubuhay sila magpakailanman sa Kanyang liwanag.

— Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang mga Nagmamahal sa Diyos ay Mabubuhay Magpakailanman sa Kanyang Liwanag

Batay sa iba’t iba nilang mga tungkulin at mga patotoo, ang mga mananagumpay sa kaharian ay magsisilbing mga saserdote o tagasunod, at lahat ng matagumpay sa gitna ng kapighatian ay magiging kalipunan ng saserdote sa loob ng kaharian. Ang mga kalipunan ng saserdote ay mabubuo kapag ang gawain ng ebanghelyo sa buong sansinukob ay natapos na. Kapag dumating ang panahong iyon, ang kailangang gawin ng tao ay ang pagganap sa kanyang tungkulin sa kaharian ng Diyos, at ang paninirahan niyang kasama ang Diyos sa loob ng kaharian. Sa kalipunan ng mga saserdote mayroong magiging mga punong saserdote at mga saserdote, at ang natitira ay magiging mga anak at bayan ng Diyos. Ito ay malalaman lahat sa pamamagitan ng kanilang mga patotoo sa Diyos sa panahon ng kapighatian; hindi lamang ito mga titulo na ibinibigay lamang batay sa kagustuhan. Sa sandaling ang katayuan ng tao ay naitatag na, ang gawain ng Diyos ay matatapos, dahil ang lahat ay pinagsasama-sama ayon sa uri at ibinabalik sa kanilang orihinal na kalagayan, at ito ang tanda ng katuparan ng gawain ng Diyos, ito ang pangwakas na kinalabasan ng gawain ng Diyos at ng pagsasagawa ng tao, at ito ang pagkakabuo-buo ng mga pangitain ng gawain ng Diyos at ng pakikipagtulungan ng tao. Sa katapusan, ang tao ay makakasumpong ng kapahingahan sa kaharian ng Diyos, at ang Diyos, rin, ay babalik sa Kanyang tahanan upang mamahinga. Ito ang magiging pangwakas na kinalabasan ng 6,000 taong pakikipagtulungan sa pagitan ng Diyos at ng tao.

— Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Gawain ng Diyos at ang Pagsasagawa ng Tao

Sa sandaling ang gawain ng panlulupig ay nakumpleto na, dadalhin ang tao sa isang magandang mundo. Siyempre, ang buhay na ito ay magiging nasa lupa pa rin, ngunit ito ay ganap na hindi magiging kagaya ng buhay ng tao sa ngayon. Ito ang buhay na tataglayin ng sangkatauhan matapos na ang buong sangkatauhan ay nalupig na, magiging bagong simula ito para sa tao sa lupa, at ang pagkakaroon ng sangkatauhan ng gayong buhay ay magiging katibayan na ang sangkatauhan ay nakapasok na sa isang bago at magandang dako. Ito ang magiging simula ng buhay ng tao at Diyos sa lupa. Ang saligan ng gayong kagandang buhay ay dapat na, matapos na ang tao ay nadalisay at nalupig, siya ay nagpapasakop sa harap ng Lumikha. At kaya, ang gawain ng panlulupig ay ang huling yugto ng gawain ng Diyos bago pumasok ang sangkatauhan sa kamangha-manghang hantungan. Ang gayong buhay ay ang buhay ng tao sa lupa sa hinaharap, ito ang pinakamagandang buhay sa lupa, ang uri ng buhay na kinasasabikan ng tao, ang uri na hindi pa kailanman nakamtan ng tao sa kasaysayan ng mundo. Ito ang huling kalalabasan ng 6,000 taon ng gawain ng pamamahala; ito ang lubhang kinasasabikan ng sangkatauhan, at ito rin ang pangako ng Diyos sa tao. Ngunit ang pangakong ito ay hindi kaagad mangyayari: Papasok lamang ang tao sa hantungan sa hinaharap sa sandaling natapos na ang gawain sa mga huling araw at siya ay ganap nang nalupig, iyon ay, sa sandaling ganap nang natalo si Satanas. Matapos mapino ang tao, mawawalan na siya ng makasalanang kalikasan pagkatapos, dahil nagapi na ng Diyos si Satanas, na nangangahulugan na hindi na makapanghihimasok ang mga puwersa ng kalaban, at wala nang mga puwersa ng kalaban na makakasalakay sa laman ng tao. At kaya magiging malaya at banal ang tao—siya ay nakapasok na sa kawalang-hanggan.

— Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Pagpapanumbalik ng Normal na Buhay ng Tao at Pagdadala sa Kanya sa Isang Kamangha-manghang Hantungan

Kapag nakakamit na ng tao ang tunay na buhay ng tao sa lupa at ang buong mga puwersa ni Satanas ay naigapos, ang tao ay mabubuhay nang walang hirap sa ibabaw ng lupa. Ang mga bagay-bagay ay hindi na magiging mahirap unawain gaya ng sa kasalukuyan: Mga relasyong pantao, mga relasyong panlipunan, masalimuot na relasyong pampamilya—nagdadala ang mga iyon ng napakaraming gulo, napakalubhang sakit! Ang buhay ng tao rito ay masyadong miserable! Sa sandaling nalupig ang tao, ang kanyang puso at isipan ay magbabago: Magkakaroon siya ng pusong gumagalang at nagmamahal sa Diyos. Sa sandaling ang lahat niyaong nasa loob ng sansinukob na naghahanap na ibigin ang Diyos ay nalupig na, na ang ibig sabihin, sa sandaling natalo na si Satanas, at sa sandaling si Satanas—lahat ng puwersa ng kadiliman—ay naigapos na, kung gayon ang buhay ng tao sa lupa ay magiging hindi-maligalig, at makakapamuhay siya nang malaya sa ibabaw ng lupa. Kung ang buhay ng tao ay walang makalamang mga pakikipagrelasyon, at mga kasalimuotan ng laman, sa gayon ito ay magiging lalong napakadali. Ang mga kaugnayan ng laman ng tao ay masyadong magulo, at para sa tao ang magkaroon ng mga ganitong bagay ay patunay na hindi pa niya napapalaya ang kanyang sarili sa impluwensya ni Satanas. Kung ikaw ay nagkaroon ng kaparehong relasyon sa bawat isa sa iyong mga kapatid na lalaki at babae, kung ikaw ay nagkaroon ng kaparehong relasyon sa bawat miyembro ng iyong pamilya, kung gayon ay wala kang mga alalahanin, at hindi na kailangan pang mag-alala tungkol sa kaninuman. Wala nang magiging mas mabuti pa, at sa ganitong paraan gagaan nang kalahati ang pagdurusa ng tao. Namumuhay ng isang normal na buhay ng tao sa lupa, ang tao ay magiging katulad ng mga anghel; bagaman nasa laman pa rin, siya ay magiging tulad na tulad ng isang anghel. Ito ang panghuling pangako, ang huling pangakong ipinagkakaloob sa tao.

— Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Pagpapanumbalik ng Normal na Buhay ng Tao at Pagdadala sa Kanya sa Isang Kamangha-manghang Hantungan

Ang “Pagpapala” ay nangangahulugang sa hinaharap, mawawala na sa inyo ang mga bagay na inyong kinasusuklaman, na ang ibig sabihin ay mawawala na ang mga bagay na ito sa inyong mga tunay na buhay; at ang mga iyon ay ganap na aalisin sa harap ng inyong mga mata. Ang pamilya, trabaho, asawa, mga anak, mga kaibigan at mga kamag-anak at maging ang tatlong-beses na pagkain sa isang araw na inyong kinasusuklaman araw-araw, ay mawawala. (Ibig sabihin nito ay hindi nalilimitahan ng panahon at lumalakad palabas sa laman nang lubusan. Tanging ang iyong kontentong katawan ang makapagpapanatili sa iyong katawan, ngunit it’oy tumutukoy sa iyong katawan at hindi sa laman. Ikaw ay magiging ganap na malaya at nangingibabaw. Ito ang pinakadakila at pinakalantad na himalang naipakita na ng Diyos simula sa paglikha ng mundo.) Lahat ng maliliit na butil ng lupa sa inyong katawan ay maaalis, at kayo ay magiging ganap na katawang espirituwal na banal at walang-bahid, kayang maglakbay sa buong sansinukob at hanggang sa mga dulo ng mundo. Mula doon, maaalis na rin ang lahat ng inyong nakayayamot na paghuhugas at pagkukuskos, at inyo na lamang tatamasahin ang mga sarili nang lubus-lubusan. Mula sa sandaling iyon, hindi na kayo mag-iisip ng tungkol sa pag-aasawa (dahil winawakasan Ko ang isang kapanahunan, hindi nililikha ang mundo), at hindi na magkakaroon ng mga sakit sa panganganak na labis na nagpapahirap sa mga babae. Ni hindi na rin kayo magtatrabaho o magpapagal sa hinaharap. Lubusan kayong mabababad sa Aking yakap ng pagmamahal, at tinatamasa ang mga ipinagkaloob Ko sa inyong pagpapala. Ito ay walang-pasubali. Habang nagtatamasa kayo sa mga pagpapalang ito, patuloy kayong susundan ng biyaya. Lahat ng Aking inihanda para sa inyo—iyan ay, ang bihira at napakahalagang mga kayamanan mula sa buong mundo—ay ibibigay lahat sa inyo. Ngayon, hindi ninyo aakalain ni maiisip na ang lahat ng ito, at wala pang sino man ang nakapagtamasa noon. Kapag dumating sa inyo ang mga pagpapalang ito, kayo ay liligaya nang walang-katapusan, nguni’t huwag kalilimutang ang lahat ng ito ay dahil sa Aking kapangyarihan, Aking pagkilos, Aking katuwiran at lalong higit pa, Aking kamahalan. (Magiging maawain Ako sa mga pinipili Kong pagpapakitaan Ko ng awa, at magiging mahabagin Ako sa mga yaon na pinipili Kong pagpapakitaan Ko ng habag.) Sa panahong iyon, wala kayong magiging mga magulang, at hindi na magkakaroon ng mga kadugong ugnayan. Kayong lahat ay mga taong Aking minamahal, minamahal Kong mga anak. Mula sa panahong iyon, walang mangangahas na apihin kayo. Ito’y magiging panahon para lumago kayo tungo sa hustong-gulang, at panahon para inyong pamunuan ang mga bansa gamit ang tungkod na bakal! Sinong nangangahas na hadlangan ang minamahal Kong mga anak? Sinong nangangahas na lusubin sila? Igagalang ng lahat ang minamahal Kong mga anak, dahil ang Ama ay nagtamo ng kaluwalhatian. Lahat ng bagay na kailanman ay walang sinumang makakaguni-guni ay lilitaw sa harap ng inyong mga mata. Ang mga iyon ay walang katapusan, hindi-nauubos, walang hanggan. Hindi magtatagal, tiyak na hindi nyo na kailangang masunog ng araw at tiisin ang nagpapahirap na init, ni hindi na rin kayo magdurusa sa lamig o maramdaman ang dampi ng ulan, niyebe o hangin. Ito ay dahil mahal Ko kayo, at magiging ang kabuuan ng mundo ng Aking pag-ibig. Ibibigay Ko sa inyo ang lahat ng gusto ninyo, at ihahanda Ko para sa inyo ang lahat ng kailangan ninyo. Sinong nangangahas na magsabing Ako ay hindi matuwid? Papatayin kita agad, dahil sinabi Ko na dati na ang Aking poot (laban sa masasama) ay tatagal tungo sa kawalang-hanggan, at hindi Ako lulubay kahit katiting. Gayunpaman, ang Aking pag-ibig (para sa Aking minamahal na mga anak) ay tatagal din nang walang-hanggan; hindi Ko ito pipigilan kahit kaunti.

— Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mga Pagbigkas ni Cristo sa Pasimula, Kabanata 84

Yaong mga balak gawing perpekto ng Diyos ay makatatanggap lahat ng mga pagpapala Niya at ng pamana Niya. Iyon ay, isasaloob nila kung anong mayroon at kung ano ang Diyos upang ito ay maging kung ano ang nasa kalooban nila; pinanday sa loob nila ang lahat ng salita ng Diyos; anuman ang Diyos, nagagawa ninyong tanggapin ang lahat ng ito nang eksakto, at sa gayon ay naisasabuhay ang katotohanan. Ito ang uri ng taong ginagawang perpekto ng Diyos at nakakamit ng Diyos. Ang ganitong tao lamang ang may karapatang tumanggap ng mga pagpapalang ipinagkakaloob ng Diyos:

1. Pagkakamit ng kabuuan ng pagmamahal ng Diyos.

2. Pagkilos alinsunod sa kalooban ng Diyos sa lahat ng bagay.

3. Pagkakamit ng gabay ng Diyos, pamumuhay sa liwanag ng Diyos, at pagkakamit ng kaliwanagan ng Diyos.

4. Pagsasabuhay sa lupa ng larawang mahal ng Diyos; pagmamahal nang tunay sa Diyos gaya ng ginawa ni Pedro, na ipinako sa krus para sa Diyos at karapat-dapat na mamatay bilang kabayaran sa pagmamahal ng Diyos; pagkakaroon ng kaparehong kaluwalhatian gaya ni Pedro.

5. Pagiging minamahal, iginagalang, at hinahangaan ng lahat ng tao sa lupa.

6. Pananaig sa lahat ng aspeto ng pagkagapos sa kamatayan at Hades, hindi pagbibigay ng pagkakataong gawin ni Satanas ang gawain nito, pagiging naangkin ng Diyos, pamumuhay sa loob ng isang sariwa at masiglang espiritu, at hindi pagsasawa.

7. Pagkakaroon ng di-mailarawang pagkaramdam ng tuwa at kasabikan sa lahat ng oras sa buong buhay, na para bang napagmasdan ang pagdating ng araw ng kaluwalhatian ng Diyos.

8. Pagwawagi ng kaluwalhatian kasama ng Diyos at pagkakaroon ng isang anyong kahawig ng mga banal na minamahal ng Diyos.

9. Pagiging yaong minamahal ng Diyos sa lupa, iyon ay, isang sinisintang anak na lalaki ng Diyos.

10. Pagbabagong-anyo at pag-akyat sa ikatlong langit kasama ang Diyos at paglampas sa laman.

— Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang mga Pangako sa Yaong mga Nagawang Perpekto

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman