Pinatototohanan mo na ang “Kidlat ng Silanganan” ay ang tunay na daan, ngunit ang CCP at ang karamihan sa mga pastor at elder mula sa relihiyosong mundo ngayon ay tutol at kinokondena ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw, na nagpapakita na ang “Kidlat ng Silanganan” ay hindi maaaring maging ang tunay na daan. May mali ba sa pag-unawa natin nito?
Sagot:
Kapag sinisiyasat ang tunay na daan, maraming tao ang naniniwala na kung ano ang sinalungat at kinondena ng CCP at karamihan ng pastor at elder ng relihiyosong mundo ay hindi maaaring maging ang tunay na daan. Mayroon bang anumang batayan sa mga salita ng Diyos para sa gayong mga pananaw at ideya? Umaayon ba ang mga ito sa katotohanang prinsipyo? Kapag sinisiyasat ng mga taong ito ang tunay na daan, hindi nila ito ginagawa batay sa mga salita ng Panginoong Jesus, ni hindi nila pinakikinggan kung ano ang ipinahayag ng Makapangyarihang Diyos, para makita kung ang mga salitang ito ang katotohanan, kung ang mga ito ang mga salita ng Banal na Espiritu sa mga iglesia. Sa halip, pinakikinggan nila ang mga salita ng CCP at ng mga pastor at elder ng relihiyosong mundo. Hindi ba ito katawa-tawa? Ang CCP ay isang satanikong rehimen, mga demonyong lumalaban sa Diyos. At ano ang mga pastor at elder ng relihiyosong mundo? Sila ay mga Fariseo at anticristo. Ang CCP at ang mga pastor at elder ng relihiyosong mundo ay pawang mga diyablo na sumasalungat sa Diyos, lahat sila ay masamang puwersa na napopoot sa Diyos. Kung gagamitin ng mga tao ang masasamang salita ng CCP at ng mga pastor at elder ng relihiyosong mundo bilang pamantayan sa pagsukat ng tunay na daan, hindi ba sila nito ginagawang napakahangal at sukdulan ng sama? Alalahanin kung paano kinondena ang Panginoong Jesus ng mga punong saserdote at eskriba ng Judaismo nang Siya ay magpakita at magsimulang gumawa, sinasabing ang Panginoong Jesus ay hindi ang Mesiyas, at umabot pa nga sa punto na nakipagtulungan sila sa mga awtoridad ng Roma sa pagpapako sa Kanya sa krus. Matapos marinig ang kanilang mga salita, nagsimulang itatwa at kondenahin ng maraming Hudyo ang Panginoong Jesus, at bunga nito ay ipinako Siya sa krus, at sila ay isinumpa at pinarusahan ng Diyos. Anong pagkakamali ang ginawa ng mga Hudyo? Nakinig sila sa mga salita ng satanikong rehimen at ng mga punong saserdote at eskriba na nasa matataas na posisyon, at itinatwa nila ang pagpapakita at gawain ng Panginoong Jesus. Hindi sila nakinig sa mga salitang ipinahayag ng Panginoong Jesus o tumingin sa landas ng Panginoong Jesus, ngunit sa halip ay gumawa ng mga paggigiit batay sa mga salita ng mga tiwali na may hawak ng kapangyarihan at matataas na posisyon—kaya’t nakagawa sila ng pinakahangal at napakaimbing kamalian sa lahat. Ngayon, kapag sinusuri natin ang tunay na daan, hindi ba magiging kahangalan na maniwala sa masasamang salita at mga sabi-sabi ng CCP at ng mga pastor at elder, kaya’t nalilinlang nila tayo na hindi tingnan ang tunay na daan? Magiging kaparehong pagkakamali ito na nagawa ng mga Hudyo nang maniwala sila sa mga punong saserdote at eskriba, at itinatwa at kinondena nila ang Panginoong Jesus. Ito ay magiging napakahangal at kakatwa.
Katulad ng alam nating lahat, ang CCP ay isang ateistang partidong pampulitika na nilikha ni Marx na isang Satanista. Nananawagan ang CCP para sa pagkawasak ng lahat ng pananampalatayang pangrelihiyon, nang sa gayon ang lahat ng tao ay dito na lang maniwala at sumunod, at tingnan ito bilang kanilang tagapagligtas. Kaya si Marx ay isang totoong demonyo na sumalungat sa Diyos; siya ang ninuno at maestrong guro ng Partido Komunista, at kaya kapag namamatay ang mga miyembro nito, babalik sila kay Marx. Mula nang magkaroon ng kapangyarihan, lantarang itinatwa, kinondena, at nilapastangan ng CCP ang Diyos. Idineklara ang Kristiyanismo bilang xiejiao, kinumpiska at sinunog ang mga Biblia bilang literaturang xiejiao, at inusig at pinahirapan ang mga grupong panrelihiyon na binansagang mga organisasyong xiejiao. Lalo na mula noong nagpakita at gumawa sa China ang Cristo ng mga huling araw, ang Makapangyarihang Diyos, naging mas masiklab pa ang CCP sa paghabol nito kay Cristo. Malupit nitong inaapi at inuusig ang mga Kristiyano mula sa Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, at kumakatha ng lahat ng uri ng sabi-sabi para kondenahin at siraan ang gawain ng Diyos sa mga huling araw sa pagtatangkang puksain ang Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Nagpapatunay ang mga katotohanang ito na ang CCP ay isang masamang satanikong rehimen na may sukdulang pagkamuhi para sa katotohanan at sukdulang pagsalungat laban sa Diyos! Samakatuwid, habang lalong mapusok na inaapi, kinokondena, at sinusubukang alisin ng CCP ang gawain ng Makapangyarihang Diyos, nagiging mas malaki ang katibayan na ang pagpapakita at gawain ng Makapangyarihang Diyos ay ang katotohanan, na ito ay totoo, at na ganap itong may kakayahang dalisayin at iligtas ang tao. Tingnan natin ang mga pastor at elder ng relihiyosong mundo: Anong kasamaan ang nagawa na nila? Paano nila itinrato ang gawain ng Diyos? Pumapanig sila sa CCP at ang kanila ay isang napakakakaibang suporta para sa CCP; ginawa nila ang lahat ng kanilang makakaya para makipagtulungan sa CCP sa pagsalungat, pagkondena, at paninirang-puri sa gawain ng Diyos, at sa pag-aresto at pag-usig sa mga nagpapatotoo sa Makapangyarihang Diyos, gumagawa ng hindi mabilang na masasamang gawain. Pinatutunayan nito na tulad ng mga pinuno ng Judaismo, ang mga pinuno ng relihiyosong mundo ang mga pangunahing salarin sa pagsalungat at pagkondena kay Cristo, at na sila ay mga anticristo na nasusuklam sa katotohanan at kumakalaban sa Diyos! Kahit ngayon, maraming tao sa relihiyosong mundo ang bulag sa masamang mukha ng mga pinuno ng relihiyosong mundo at patuloy na nalilinlang at nakokontrol nila. Talagang hangal at mangmang sila; nasa bingit sila ng kamatayan at ni hindi nila ito alam.
Kaya’t paano natin makikilala ang pagkakaiba sa pagitan ng tunay na daan at mga huwad na daan? Kailangan itong gawin batay sa mga salita ng Diyos; hindi ito dapat gawin batay sa masasamang salita ng mga demonyong CCP at ng mga pastor at pinuno ng relihiyosong mundo. Ito ang pinakamababang antas ng sentido kumon na dapat taglayin ng mga naniniwala sa Diyos. Patungkol sa kung paano masasabi ang pagkakaiba sa pagitan ng tunay na daan at mga huwad na daan, sabi ng Makapangyarihang Diyos, “Hindi mahirap magsiyasat tungkol sa gayong bagay, ngunit kinakailangan nito na malaman ng bawat isa sa atin ang katotohanang ito: Siya na Diyos na nagkatawang-tao ay magtataglay ng diwa ng Diyos, at Siya na Diyos na nagkatawang-tao ay magtataglay ng pahayag ng Diyos. Dahil ang Diyos ay naging tao, ilalahad Niya ang gawaing layon Niyang gawin, at dahil ang Diyos ay naging tao, ipapahayag Niya kung ano Siya, at magagawa Niyang ihatid ang katotohanan sa tao, pagkalooban siya ng buhay, at ituro ang daan para sa kanya. Ang katawang-tao na walang diwa ng Diyos ay tiyak na hindi ang Diyos na nagkatawang-tao; walang duda ito. Kung layon ng tao na magsiyasat kung ito ang katawang-tao ng Diyos, kailangan niyang patunayan ito mula sa disposisyon na Kanyang ipinapahayag at sa mga salitang Kanyang sinasambit. Ibig sabihin, patunayan kung ito nga ang katawang-tao ng Diyos o hindi, at kung ito nga ang tunay na daan o hindi, kailangan itong matukoy batay sa Kanyang diwa. Kaya nga, sa pagtukoy kung ito ang katawan ng Diyos na nagkatawang-tao, ang sagot ay nasa Kanyang diwa (Kanyang gawain, Kanyang mga pagbigkas, Kanyang disposisyon, at maraming iba pang aspeto), sa halip na sa panlabas na anyo” (Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Paunang Salita). Malinaw na binibigkas ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos ang mga prinsipyo patungkol sa pagsisiyasat sa tunay na daan. Sa pagtukoy kung ang gawain ng Makapangyarihang Diyos ang tunay na daan, ang susi ay tingnan kung ang mga salitang ipinahayag ng Makapangyarihang Diyos ay ang katotohanan, kung ang mga ito ang tinig ng Diyos. Ito ang pinakamahalaga at pinakapangunahin. Kung magagawang makilala ng mga tao na ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos ay ang katotohanan, at ang tinig ng Diyos, at kaya nilang tanggapin ang gawain ng Diyos sa mga huling araw, sila kung gayon ang matatalinong dalaga na sumasalubong sa Panginoon at nadadala sa harap ng Diyos; kung mapagmatigas nilang pinaniniwalaan ang mga salita ng CCP at ng mga pastor at elder ng relihiyosong mundo, at hindi binibigyang-pansin ang pakikinig sa tinig ng Diyos, ni hindi sinisiyasat o hinahanap ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw, sila kung gayon ay mga hangal na dalaga na sa huli ay pababayaan at aalisin ng Diyos, masusubo sa mga sakuna, tumatangis ng mapait na luha at pinagngangalit ang kanilang mga ngipin!
Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.