Hindi ko maintindihan, kung ang Kidlat ng Silanganan ang tunay na daan, bakit napakatindi ng pagtutol do’n ng CCP? Bakit galit din ’yong tinutuligsa ng mga pinuno ng relihiyon? Hindi sa hindi pa inusig ng CCP ang mga pastor at elder. Pero pagdating sa Kidlat ng Silanganan, bakit pwedeng pareho ang opinyon at saloobin ng CCP at ng mga pastor at elder na naglilingkod sa Diyos? Ano ba talaga ang dahilan no’n?

Agosto 28, 2018

Sagot: Sabi sa Biblia: “Ang buong sanlibutan ay nakahilig sa masama(1 Juan 5:19). Sabi rin ng Panginoong Jesus: “Ang lahing ito’y isang masamang lahi(Lucas 11:29). Kung gano’n, gaano pala kadilim at kasama ang mundong ito? Sa Kapanahunan ng Biyaya, alang-alang sa pagtubos sa sangkatauhan, ang Panginoong Jesus sa katawang-tao ay ipinako sa krus ng mga relihiyoso at pinuno noong panahong ’yon. Sa mga huling araw, ang pagpapahayag ng katotohanan at paghatol ng Makapangyarihang Diyos ay tinuligsa ng mga relihiyoso at CCP at tinanggihan sa panahong ito. Tinutupad no’n ang salita ng Panginoong Jesus na: “Sapagka’t gaya ng kidlat, na pagkislap buhat sa isang panig ng silong ng langit, ay nagliliwanag hanggang sa kabilang panig ng silong ng langit; gayon din naman ang Anak ng tao sa Kanyang kaarawan. Datapuwa’t kailangan muna Siyang magbata ng maraming bagay at itakwil ng lahing ito(Lucas 17:24–25). Natupad din sa wakas ang propesiyang ito ng Panginoong Jesus. Dapat malinawan ng lahat na nagugutom sa pagpapakita ng Diyos na dumating na ang Panginoon at gumagawa ng paghatol sa mga huling araw. Natupad na ang propesiya ng Panginoong Jesus. Hindi pa rin ba ’yan malinaw na nakikita ng mga tao? Ang mga ateistang rehimen at halos lahat ng pinuno ng relihiyon ay mga pwersa ni Satanas na galit sa Diyos at sa katotohanan. Ang puntong ’yon ay mapapatunayan sa nangyari sa pagpapapako sa Panginoong Jesus sa krus. Kung gano’n, basta’t ’yon ang tunay na daan, tiyak na tatanggihan ’yon ng mga ateista at ng mga relihiyoso. At siguradong huhulihin at pahihirapan ang mga nangangaral ng tunay na daan at umaayon sa katotohanan. Sabi nga ng Panginoong Jesus: “Kung kayo’y kinapopootan ng sanlibutan, alam niyo na Ako’y unang kinapootan nito bago kayo. Kung kayo’y sa sanlibutan, ay iibigin ng sanlibutan ang sa kanya: ngunit sapagkat kayo’y hindi sa sanlibutan, kundi kayo’y hinirang Ko mula sa sanlibutan, kaya napopoot sa inyo ang sanlibutan(Juan 15:18–19). Dahil diyan, sa buong kasaysayan, ang tanging mga maaaring tumanggap sa tunay na daan at sumunod sa iisang tunay na Diyos, ay yaong iilan na tunay na nagmamahal at naghahanap sa katotohanan samantalang ang iba, dahil sinusunod nila’ng pwersa ni Satanas, o dahil takot silang usigin, takot silang hanapin ang tunay na daan, at nawawalan sila ng pagkakataong maligtas ng Diyos. Kaya binalaan ng Panginoong Jesus ang tao: “Pumasok ka sa makipot na pintuan: dahil maluwang ang pintuan, at malapad ang patungo sa kapahamakan, at marami ang doo’y nagsisipasok: Dahil makipot ang pintuan at makitid ang daang patungo sa buhay, at kakaunti ang nakakasumpong no’n(Mateo 7:13–14).

mula sa iskrip ng pelikulang Kumawala sa Bitag

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Simula nang pag-aralan natin ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw, Kapatid na Zhang, Kapatid na Xu, simula nang pag-aralan natin ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw, mas lalong kinokondena ng mga pastor at elder ng relihiyon ang Makapangyarihang Diyos, ginagawa nila ang lahat para hadlangan tayo sa pag-aaral ng totoong daan. Hindi ito naiba sa pagkalaban at pagkondena noon ng mga Judiong Fariseo sa Panginoong Jesus! Nag-iisip-isip ako nitong, bakit dalawang beses na nagpakita ang Diyos sa katawang-tao para gumawa at makalawang nakaharap ang pagkondena at pang-uusig ng lahat ng relihiyon at ng gobyernong ateista? Sa mga huling araw, nagpapakita at gumagawa ang Makapangyarihang Diyos para lamang ipahayag ang katotohanan, sa pagsasalita at paggawa para linisin at iligtas ang sangkatauhan. Bakit matindi ang galit kay Cristo ng mga relihiyon at ng gobyernong Komunista ng Tsina? na pinakikilos pa nila ang media corp at sandatahang puwersa ng pulisya para ikondena, lapastanganin, hulihin at patayin si Cristo? Dahil dito naaalala ko noong narinig ni Haring Herodes na ang Hari ng mga Judio, o ang Panginoong Jesus ay isinilang, ipinapatay niya ang lahat ng lalaking sanggol sa Bet-lehem na wala pang dalawang taong gulang. Mas gugustuhin niyang ipapatay ang libu-libong inosenteng mga sanggol kaysa hayaang mabuhay si Cristo. Noong dumating ang Diyos sa katawang-tao para sa kaligtasan ng sangkatauhan, bakit hindi tinanggap ng mga relihiyon at gobyerno ang Kanyang pagdating kundi galit na galit na kinondena at nilapastangan ang pagpapakita at gawain ng Diyos? Bakit inubos niya ang kabuhayan ng buong bansa para lang maipako sa krus si Cristo? Bakit napakasama ng sangkatauhan at matindi ang galit laban sa Diyos?

Sagot: Ang tanong na ito ay napakahalaga, at iilan lamang sa buong sangkatauhan ang makauunawa dito nang lubusan! Ang dahilan ng matinding...