Ang karamihan ng mga tao ay naniniwala: Ang Diyos ay maawain at mapagmahal. Nais ng Diyos na iligtas ang lahat. Ayaw Niyang may sinumang maiwanan. Kung ganito nga talaga, bakit ipinalalaganap mo nang pili ang ebanghelyo?

Enero 27, 2022

Mga Talata ng Biblia para Sanggunian:

“Sapagka’t marami ang mga tinawag, datapuwa't kakaunti ang mga nahirang” (Mateo 22:14).

“Ang kaharian ng langit ay tulad sa isang taong naghasik ng mabuting binhi sa kaniyang bukid: Datapuwa't samantalang nangatutulog ang mga tao, ay dumating ang kaniyang kaaway at naghasik naman ng mga pangsirang damo sa pagitan ng trigo, at umalis. … at sa panahon ng pagaani ay sasabihin ko sa mga mangaani, Tipunin muna ninyo ang mga pangsirang damo, at inyong pagbibigkisin upang sunugin; datapuwa't tipunin ninyo ang trigo sa aking bangan. … gayon din ang mangyayari sa katapusan ng sanglibutan. Susuguin ng Anak ng tao ang kaniyang mga anghel, at kanilang titipunin sa labas ng kaniyang kaharian ang lahat ng mga bagay na nangakapagpapatisod, at ang nagsisigawa ng katampalasanan, At sila'y igagatong sa kalan ng apoy: diyan na nga ang pagtangis at ang pagngangalit ng mga ngipin. … Tulad din naman ang kaharian ng langit sa isang lambat, na inihulog sa dagat, na nakahuli ng sarisaring isda: Na, nang mapuno, ay hinila nila sa pampang; at sila'y nagsiupo, at tinipon sa mga sisidlan ang mabubuti, datapuwa't itinapon ang masasama. Gayon din ang mangyayari sa katapusan ng sanglibutan: lalabas ang mga anghel, at ihihiwalay ang masasama sa matutuwid, At sila'y igagatong sa kalan ng apoy: diyan na nga ang pagtangis at ang pagngangalit ng mga ngipin” (Mateo 13:24–25, 30, 40–42, 47–50).

Nauugnay na mga Salita ng Diyos:

Sa simula, ang taong nilikha ng Diyos ay buhay, ngunit dahil sa katiwalian ni Satanas, namumuhay ang tao sa gitna ng kamatayan, at namumuhay sa ilalim ng impluwensya ni Satanas, kaya nga, sa ganitong paraan, naging patay na walang espiritu ang mga tao, naging mga kaaway sila na sumasalungat sa Diyos, naging mga kasangkapan sila ni Satanas, at naging mga bihag sila ni Satanas. Naging patay na mga tao na ang lahat ng buhay na mga taong nilikha ng Diyos, kaya nawala sa Diyos ang Kanyang patotoo, at nawala sa Kanya ang sangkatauhang Kanyang nilikha na tanging nagtataglay ng Kanyang hininga. Kung babawiin ng Diyos ang Kanyang patotoo at babawiin yaong mga nilikha ng Kanyang sariling kamay subalit nabihag na ni Satanas, kailangan Niyang buhayin silang muli upang maging buhay na mga nilalang sila, at kailangan Niyang bawiin sila upang mamuhay sila sa Kanyang liwanag. Ang mga patay ay yaong mga walang espiritu, yaong mga sukdulang manhid at sumasalungat sa Diyos. Una sa lahat, sila yaong mga hindi nakakikilala sa Diyos. Wala ni katiting na intensyon ang mga taong ito na sumunod sa Diyos; naghihimagsik lamang sila laban sa Kanya at sinasalungat Siya, at wala kahit na katiting na katapatan. Ang mga buhay ay yaong mga isinilang muli ang mga espiritu, na alam sumunod sa Diyos, at mga tapat sa Diyos. Taglay nila ang katotohanan, at ang patotoo, at ang mga taong ito lamang ang nakalulugod sa Diyos sa Kanyang tahanan. Inililigtas ng Diyos yaong mga kayang mabuhay, na kayang makita ang pagliligtas ng Diyos, na kayang maging tapat sa Diyos at handang hanapin ang Diyos. Inililigtas Niya yaong mga naniniwala sa pagkakatawang-tao ng Diyos at sa Kanyang pagpapakita. Kayang mabuhay ng ilang tao, at ang ilan ay hindi; nakasalalay ito sa kung kayang maligtas o hindi ang kanilang kalikasan. Maraming tao ang nakarinig na nang marami sa mga salita ng Diyos ngunit hindi nauunawaan ang kalooban ng Diyos, at wala pa ring kakayahang isagawa ang mga ito. Walang kakayahang isabuhay ng mga ganitong tao ang anumang katotohanan, at sinasadyang manghimasok sa gawain ng Diyos. Hindi nila kayang gawin ang anumang gawain para sa Diyos, hindi nila maitalaga ang anumang bagay sa Kanya, at palihim din nilang ginugugol ang salapi ng simbahan at kumakain nang libre sa tahanan ng Diyos. Patay na ang mga taong ito, at hindi sila maliligtas. Inililigtas ng Diyos ang lahat ng nasa gitna ng Kanyang gawain, subalit may mga taong hindi makatatanggap ng Kanyang pagliligtas; maliit na bilang lamang ang makatatanggap ng Kanyang pagliligtas. Ito ay dahil karamihan sa mga tao ay masyado nang nagawang tiwali at naging patay, at hindi na sila maaari pang iligtas; ganap na silang napagsamantalahan ni Satanas, at masyadong mapaghangad ng masama ang kanilang kalikasan. Hindi rin magawa ng iilang mga taong ito na ganap na sundin ang Diyos. Hindi sila yaong mga lubos na naging tapat sa Diyos mula sa simula, o yaong mga sukdulang nagmahal na sa Diyos mula sa simula; sa halip, naging masunurin sila sa Diyos dahil sa Kanyang gawain ng panlulupig, nakikita nila ang Diyos dahil sa Kanyang sukdulang pagmamahal, may mga pagbabago sa kanilang disposisyon dahil sa matuwid na disposisyon ng Diyos, at nakikilala nila ang Diyos dahil sa Kanyang gawain, ang Kanyang gawain na parehong praktikal at normal. Kung wala ang gawaing ito ng Diyos, kahit gaano pa man kabuti ang mga taong ito, na kay Satanas pa rin sila, nasa kamatayan pa rin sila, at patay pa rin sila. Ang katotohanang maaaring makatanggap ng pagliligtas ng Diyos ang mga tao ngayon ay dahil lamang handa silang makipagtulungan sa Diyos.

— Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ikaw Ba ay Isang Taong Nabuhay na?

Mayroong iba’t ibang uri ng tao, at sila ay nagkakaiba-iba ayon sa uri ng espiritu mayroon sila. Ang ilang tao ay may espiritu ng tao, at sila ang itinakda ng Diyos para sa pagpili. Ang ilan ay walang espiritu ng tao; sila ay mga demonyong tusong nakalusot. Sila na hindi itinalaga at pinili ng Diyos ay hindi maililigtas kahit pa nakapasok na sila, at sa huli, sila ay aagawin ng mga demonyo. Kung tatanggapin man ng mga tao ang gawain ng Diyos, at, matapos nila itong tanggapin, ano mang landas ang kanilang lakaran at kung kaya man nilang magbago, lahat ay nakasalalay sa espiritu at kalikasan sa kanilang kalooban. Ang ilang tao ay hindi maiwasang maligaw; ang kanilang espiritu ang nagpapasiya na maging ganoong mga tao sila, at hindi sila maaaring magbago. Sa ilan sa kanila, hindi gumagana ang Banal na Espiritu, sapagkat hindi sila naglalakad sa tamang landas; gayunpaman, kung gagawa sila ng pagbabago, ang Banal na Espiritu ay maaari pa ring gumana. Kung hindi nila ito gagawin, matatapos ang lahat para sa kanila. Ang bawat uri ng sitwasyon ay umiiral, ngunit anuman ang mangyari, ang Diyos ay matuwid sa pagtrato Niya sa bawat tao.

mula sa “Paano Mauunawaan ang Matuwid na Disposisyon ng Diyos” sa Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo

Sa Kapanahunan ng Biyaya, sinabi na ang Diyos ay nagnanais na ang bawat tao ay maligtas at hindi nagnanais na ang sinuman ay magdusa ng walang-hanggang kapahamakan. Gayon ang saloobin at damdamin ng Diyos sa pagliligtas sa sangkatauhan, na ginawang tiwali ni Satanas. Ito ang hangarin ng Diyos, subalit sa katotohanan, hindi tinatanggap ng maraming tao ang pagliligtas ng Diyos; sila ay kay Satanas at hindi sila maliligtas. Ipinapakita ng mga salitang ito ang saloobin ng Diyos sa buong sangkatauhan: Ang Kanyang pagmamahal ay walang hangganan, walang katulad ang lawak nito, at ito’y makapangyarihan. Ngunit sa mga taong namumuhi sa katotohanan, hindi maluwag sa loob Niya na malayang ibigay ang Kanyang pagmamahal at pagliligtas, ni hindi Niya gagawin ang gayon. Ito ang saloobin ng Diyos. Ano ang katumbas ng pagkamuhi sa katotohanan? Ito ba ay ang pagsalungat laban sa Diyos? Ito ba ay ang hayagang pagkalaban sa Diyos? Katulad na rin ito ng hayagang pagsasabi sa Diyos na, “Hindi ako nasisiyahang pakinggan ang mga sinasabi Mo. Kung hindi ko ito gusto, kung gayon ay hindi ito katotohanan, at hindi ko ito tatanggapin bilang katotohanan. Magiging katotohanan lamang ito kapag kinikilala ko ito at nagugustuhan ko ito.” Kapag may ganyan kang saloobin sa katotohanan, hindi ba ito hayagang pagkalaban sa Diyos? Kung hayagan kang kumakalaban sa Diyos, ililigtas ka ba ng Diyos? Hindi. Ito mismo ang pinakadahilan ng pagkapoot ng Diyos. Ang diwa ng uri ng mga taong namumuhi sa katotohanan ay ang makipaglaban sa Diyos. Hindi itinuturing ng Diyos na tao ang mga taong may ganitong diwa; itinuturing Niya sila bilang mga kaaway, bilang mga demonyo, at hindi sila kailanman ililigtas. Ito ang pagpapamalas ng poot ng Diyos.

mula sa “Napakahalaga ng Pag-unawa sa Katotohanan sa Wastong Pagtupad ng Tungkulin ng Isang Tao” sa Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo

Ang pagliligtas ng Diyos sa sangkatauhan ay pagliligtas sa mga nagmamahal sa katotohanan, pagliligtas sa bahagi nila na may kalooban at kapasyahan, at sa bahagi nila na naghahangad sa katotohanan at katuwiran sa kanilang puso. Ang kapasyahan ng isang tao ay ang bahagi nila sa kanilang puso na naghahangad sa katuwiran, kabutihan, at katotohanan, at nagtataglay ng konsiyensya. Inililigtas ng Diyos ang bahaging ito ng mga tao, at sa pamamagitan nito, binabago Niya ang kanilang tiwaling disposisyon, upang maunawaan at makamit nila ang katotohanan, upang malinis ang kanilang katiwalian, at mabago ang kanilang disposisyon sa buhay. Kung wala sa loob mo ang mga bagay na ito, hindi ka maliligtas. Kung sa loob mo ay walang pagmamahal sa katotohanan o pagnanais para sa pagkamakatuwiran at liwanag; kung sa tuwing makakatagpo ka ng kasamaan ay wala kang kalooban na itakwil ang masasamang bagay ni kapasyahang dumanas ng paghihirap; kung, bukod dito, manhid ang iyong konsiyensya; kung ang iyong kakayahang tumanggap sa katotohanan ay namanhid din, at ikaw ay di-nakaayon sa katotohanan at sa mga pangyayaring dumarating; at kung sa lahat ng bagay ay hindi ka nakakaintindi, at hindi mo kayang pangasiwaan o lutasin ang mga bagay-bagay nang mag-isa, kung gayon ay walang paraan upang maligtas ka. Ang ganitong tao ay walang anumang mairerekomenda sa kanila, walang anumang sulit na pagsikapan. Ang kanilang konsiyensya ay manhid, ang kanilang isip ay maputik, at hindi nila minamahal ang katotohanan ni hinahangad ang katuwiran sa kaibuturan ng kanilang puso, at gaano man kaliwanag o kalinaw ang paghahayag ng Diyos ng katotohanan, hindi sila tumutugon, na para bang sila ay patay na. Hindi ba tapos na ang mga bagay-bagay para sa kanila? Ang isang taong may natitira pang hininga ay maaari pang mailigtas sa pamamagitan ng artipisyal na paghinga, nguni’t, kung siya ay pumanaw na at lumisan na ang kanyang kaluluwa, walang magagawa ang artipisyal na paghinga. Kung, sa tuwing may kinakaharap kang problema, umuurong ka rito at sinusubukang iwasan ito, nangangahulugan ito na hindi ka pa nagpapatotoo; kung gayon, kailanman ay hindi ka maliligtas, at ganap na ang katapusan mo.

mula sa “Ang Mga Taong Lito ay Hindi Naliligtas” sa Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo

Yaong mga nag-iisip lamang tungkol sa kanilang laman at nagtatamasa ng kaginhawahan; yaong mga mukhang naniniwala nguni’t hindi talaga naniniwala; yaong mga nakikilahok sa masasamang panggagamot at pangkukulam; yaong mga walang delikadesa, gula-gulanit at nanlilimahid; yaong mga nagnanakaw ng mga alay kay Jehova at ng Kanyang mga pag-aari; yaong mga nagmamahal sa mga suhol; yaong mga nangangarap nang walang ginagawa na makaakyat sa langit; yaong mga mapagmataas at palalo, na nagpupunyagi lamang para sa personal na katanyagan at yaman; yaong mga nagkakalat ng mga salitang walang katuturan; yaong mga lumalapastangan sa Diyos Mismo; yaong mga walang ginagawa kundi husgahan at siraang-puri ang Diyos Mismo; yaong mga naggugrupu-grupo at naghahangad na maging malaya; yaong mga dinadakila ang kanilang sarili nang higit sa Diyos; yaong walang-kuwentang mga kabataan, mga may-edad at matatandang kalalakihan at kababaihan na nasilo sa kahalayan; yaong kalalakihan at kababaihan na nagtatamasa ng personal na katanyagan at yaman at naghahabol ng personal na katayuan sa gitna ng iba; yaong mga taong hindi nagsisisi na nabitag sa kasalanan—hindi ba sila, lahat sila, ay walang pag-asang maligtas? Ang kahalayan, pagiging makasalanan, masamang panggagamot, pangkukulam, pagmumura, at walang-katuturang mga salita ay lahat talamak sa inyo; at ang katotohanan at mga salita ng buhay ay tinatapakan sa gitna ninyo, at ang banal na pananalita ay dinudungisan sa gitna ninyo. Kayong mga Gentil, na sobra sa karumihan at pagkasuwail! Ano ang kalalabasan ninyo sa huli? Paano naaatim ng mga nagmamahal sa laman, gumagawa ng pangkukulam ng laman, at nabibitag sa mahalay na kasalanan na patuloy na mabuhay! Hindi mo ba alam na ang mga taong katulad ninyo ay mga uod na walang pag-asang maligtas? Ano ang nagbigay sa inyo ng karapatang humingi ng kung anu-ano? Sa ngayon, wala ni katiting na pagbabago sa mga hindi nagmamahal sa katotohanan at nagmamahal lamang sa laman—paano maliligtas ang gayong mga tao? Yaong mga hindi minamahal ang daan ng buhay, mga hindi dumadakila sa Diyos at nagpapatotoo sa Kanya, mga nagpapakana alang-alang sa sarili nilang katayuan, na nagtataas sa kanilang mga sarili—hindi ba’t ganoon pa rin sila, kahit ngayon? Ano ang kabuluhan ng pagliligtas sa kanila? Kung maliligtas ka ay hindi depende sa kung gaano ka na katanda o ilang taon ka nang nagtatrabaho, at lalo nang hindi ito depende sa kung gaano karami ang mga kredensyal mo. Bagkus, depende ito sa kung nagbunga na ang iyong paghahabol. Kailangan mong malaman na yaong mga naliligtas ay ang “mga puno” na nagbubunga, hindi ang mga puno na may malalagong dahon at saganang bulaklak subali’t hindi nagbubunga. Kahit nakagugol ka na ng maraming taon sa paggala-gala sa mga lansangan, ano ang halaga niyon? Nasaan ang iyong patotoo? Ang iyong pagpipitagan sa Diyos ay napakababaw kumpara sa pagmamahal mo sa iyong sarili at sa iyong mga mahahalay na pagnanasa—hindi ba napakasama ng ganitong klaseng tao? Paano sila magiging uliran at huwaran para sa pagliligtas? Ang iyong kalikasan ay hindi na mababago, napakasuwail mo, wala ka nang pag-asang maligtas! Hindi ba ang gayong mga tao ang aalisin? Hindi ba ang oras na matatapos ang Aking gawain ang siyang oras ng pagdating ng huling araw mo? Napakarami Kong nagawang gawain at napakarami Kong nasambit na salita sa gitna ninyo—gaano karami nito ang tunay na nakapasok sa inyong mga tainga? Gaano karami nito ang nasunod ninyo kahit kailan? Kapag natapos ang Aking gawain, iyon ang magiging oras na titigil kang kontrahin Ako, na titigil kang kalabanin Ako. Habang Ako’y gumagawa, patuloy kayong kumikilos laban sa Akin; hindi kayo sumusunod sa Aking mga salita kahit kailan. Ginagawa Ko ang Aking gawain, at ginagawa mo ang iyong sariling “gawain,” gumagawa ng sarili mong munting kaharian. Kayo’y walang iba kundi mga soro at mga aso, ginagawa ang lahat para kontrahin Ako! Palagi ninyong sinusubukang yakapin yaong mga naghahandog sa inyo ng kanilang buong pagmamahal—nasaan ang inyong pagpipitagan? Lahat ng ginagawa ninyo ay mapanlinlang! Wala kayong pagsunod o pagpipitagan, at lahat ng ginagawa ninyo ay mapanlinlang at lapastangan! Maliligtas ba ang ganyang klaseng tao? Ang mga taong sekswal na imoral at mahalay ay palaging gustong akitin ang makikiring haliparot sa kanila para sa sarili nilang kasiyahan. Hindi Ko talaga ililigtas ang gayong sekswal na imoral na mga demonyo. Kinamumuhian Ko kayong maruruming demonyo, at ang inyong kahalayan at pagiging haliparot ay magsasadlak sa inyo sa impiyerno. Ano ang masasabi ninyo para sa inyong mga sarili? Nakakadiri kayong maruruming demonyo at masasamang espiritu! Nakasusuklam kayo! Paano maliligtas ang gayong klaseng basura? Maliligtas pa rin ba sila na nabibitag sa kasalanan?

— Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Pagsasagawa 7

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman