Ang Utos ng Diyos kay Adan

Abril 18, 2018

Genesis 2:15–17 At kinuha ng Diyos na si Jehova ang lalaki at inilagay sa halamanan ng Eden, upang Kanyang alagaan at ingatan. At iniutos ng Diyos na si Jehova sa lalaki, na sinabi, “Sa lahat ng punong kahoy sa halamanan ay makakakain ka nang may kalayaan: Datapuwat sa kahoy ng pagkakilala ng mabuti at masama ay huwag kang kakain; sapagkat sa araw na ikaw ay kumain niyaon ay walang pagsalang mamamatay ka.”

Ano ang mga napulot ninyo mula sa mga bersikulong ito? Ano ang naramdaman ninyo sa bahaging ito ng Kasulatan? Bakit Ako nagpasyang magsalita tungkol sa Utos ng Diyos kay Adan? Ang bawat isa ba sa inyo ay may larawan ng Diyos at ni Adan sa inyong isipan? Maaari ninyong subukin na guni-gunihin: Kung kayo iyong naroon sa eksenang iyon, sa kaibuturan ninyo, ano sa palagay ninyo ang magiging anyo ng Diyos? Ano ang nararamdaman ninyo habang iniisip ninyo ito? Ito ay nakapupukaw at makabagbag-damdaming larawan. Bagama’t ang Diyos at ang tao lamang ang narito, ang pagiging malapit nila sa isa’t isa ay ay pumupuspos sa inyo ng paghanga: Ang masaganang pag-ibig ng Diyos ay malayang ipinagkaloob sa tao at bumabalot sa tao; ang tao ay inosente at dalisay, walang mga dinadala at alalahanin, napakaligayang nabubuhay sa ilalim ng pagtingin ng Diyos; nagpapakita ang Diyos ng malasakit para sa tao, habang ang tao ay nabubuhay sa ilalim ng pag-iingat at pagpapala ng Diyos; ang bawat bagay na ginagawa at sinasabi ng tao ay malapit na nakaugnay at hindi maihihiwalay sa Diyos.

Maaari itong tawagin na unang utos na ibinigay ng Diyos sa tao simula noong nilikha siya. Ano ang nilalaman ng utos na ito? Taglay nito ang kalooban ng Diyos, ngunit taglay rin nito ang Kanyang mga alalahanin para sa sangkatauhan. Ito ang unang utos ng Diyos, at ito rin ang unang pagkakataon na ipinahayag ng Diyos ang Kanyang pag-aalala sa tao. Ibig sabihin nito ay nadama ng Diyos ang pananagutan sa tao mula pa noong sandaling nilikha Niya siya. Ano ang Kanyang pananagutan? Kailangan Niyang ingatan ang tao, alagaan ang tao. Umaasa Siyang magtitiwala at susunod ang tao sa Kanyang mga salita. Ito rin ang unang inaasahan ng Diyos mula sa tao. Dahil sa pag-asang ito kaya sinasabi ng Diyos ang mga sumusunod: “Sa lahat ng punong kahoy sa halamanan ay makakakain ka nang may kalayaan: Datapuwat sa kahoy ng pagkakilala ng mabuti at masama ay huwag kang kakain; sapagkat sa araw na ikaw ay kumain niyaon ay walang pagsalang mamamatay ka.” Ang mga simpleng salitang ito ay kumakatawan sa kalooban ng Diyos. Ibinubunyag din ng mga ito na sa Kanyang puso, ang Diyos ay nagsimula nang magpakita ng malasakit para sa tao. Sa gitna ng lahat ng bagay, si Adan lang ang nilikha sa wangis ng Diyos; si Adan lang ang nabuhay na taglay ang hininga ng buhay ng Diyos; maaari siyang lumakad kasama ang Diyos, makipag-usap sa Diyos. Ito ang dahilan kaya siya binigyan ng Diyos ng utos na ito. Ginawang napakalinaw ng Diyos sa Kanyang utos kung ano ang maaaring gawin at hindi maaaring gawin ng tao.

Sa iilang simpleng salita na ito, makikita natin ang puso ng Diyos. Ngunit anong uri ng puso ang nagpapakita ng sarili nito? May pag-ibig ba sa puso ng Diyos? Mayroon bang malasakit? Sa mga bersikulong ito, ang pag-ibig at malasakit ng Diyos ay hindi lamang mapahahalagahan kundi madarama rin nang masinsinan. Hindi ba kayo sumasang-ayon? Matapos na marinig Akong sabihin ito, sa palagay ba ninyo ay iilang simpleng salita lamang ang mga ito? Matapos ang lahat ay hindi gaanong simple ang mga ito, hindi ba? Alam na ba ninyo ito noon? Kung personal na sabihin ng Diyos sa iyo ang iilang salita na ito, ano ang mararamdaman mo sa iyong kalooban? Kung ikaw ay hindi makatao, kung ang puso mo ay malayelo sa lamig, kung gayon wala kang anumang mararamdaman, at hindi mo mapahahalagahan ang pag-ibig ng Diyos, at hindi mo susubukang maunawaan ang puso ng Diyos. Ngunit bilang isang taong may konsensya at may diwa ng pagiging makatao, iba ang mararamdaman mo. Makararamdam ka ng init, madadama mong ikaw ay nililingap at minamahal, at madadama mo ang kasayahan. Hindi ba tama iyan? Kapag nadama mo ang mga bagay na ito, paano ka makikitungo sa Diyos? Madarama mo kayang kaugnay ka ng Diyos? Mamahalin at igagalang mo kaya ang Diyos mula sa kaibuturan ng iyong puso? Mapapalapit kaya ang puso mo sa Diyos? Makikita mo mula rito kung gaano talaga kahalaga para sa tao ang pag-ibig ng Diyos. Ngunit ang lubhang mas mahalaga ay ang pagpapahalaga at pagkaunawa ng tao sa pag-ibig ng Diyos. Sa katunayan, hindi ba nagsasabi ang Diyos ng maraming bagay na kagaya nito sa yugtong ito ng Kanyang gawain? May mga tao ba sa panahong ito ang nagpapahalaga sa puso ng Diyos? Napapahalagahan ba ninyo ang kalooban ng Diyos na kababanggit Ko lamang? Hindi ninyo talaga mapahahalagahan ang kalooban ng Diyos kapag ito ay konkreto, nahahawakan, at totoo. Kaya Ko nasasabing wala kayong totoong kaalaman at pagkaunawa sa Diyos. Hindi ba ito totoo? Pero iwanan muna natin ito rito ngayon.

—Ang Salita, Vol. II. Ukol sa Pagkakilala sa Diyos. Ang Gawain ng Diyos, ang Disposisyon ng Diyos, at ang Diyos Mismo I

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Nilikha ng Diyos si Eba

Nilikha ng Diyos sina Adan at Eva at hiniling kay Adan na pangalanan ang lahat ng uri ng hayop. Ano ang kalooban ng Diyos sa likod nito? Basahin upang malaman.