Ikawalong Aytem: Hinihimok Nila ang Iba na sa Kanila Lang Magpasakop, Hindi sa Katotohanan o sa Diyos (Ikatlong Bahagi) Ikalawang Seksiyon
Karagdagang Babasahin:
Isang Araw sa Buhay ni Xiaojia
Tumungo tayo sa susunod na paksa. Ano ba dapat ito? Dapat sigurong magkuwento Ako. Tinatalakay din ng mga kuwento ang katotohanan, at ang pamantayan para sa asal, mga kilos, at pagsamba ng tao sa Diyos. Pakinggan kung ano ang kaugnayan ng kuwentong ito sa katotohanan, at sa pamantayan para sa pag-uugali ng tao. Tinatalakay nito ang isang araw sa buhay ni Xiaojia. Si Xiaojia ang ating bida, at mga gaano katagal nangyayari ang kuwento? (Isang araw.) Isang araw. Maaaring sabihin ng ilang tao na, “May saysay ba talagang ikuwento ang mga pangyayari sa isang araw?” Eh, depende sa kung ano ang sasabihin mo. Kung puro tsismis lang lahat ito at tama at mali, walang saysay na ikuwento ito. Subalit kung tinatalakay nito ang katotohanan, hindi bale na ang isang araw—kahit pa ang mga pangyayari sa isang minuto ay may saysay na ikuwento, tama ba? (Tama iyan.)
Si Xiaojia ay isang taong sobrang marubdob ang damdamin sa mga paghahangad at masigasig sa paggawa ng kanyang tungkulin, at ang kanyang kuwento ay nagsisimula isang umagang-umaga pagkagising palang niya. Pagkatapos bumangon, magbasa ng salita ng Diyos, at magsagawa ng kanyang mga debosyon, nagtungo si Xiaojia para sa almusal at kumuha ng isang mangkok ng lugaw at ilang gulay. Pagkatapos ay nakakita siya ng ilang itlog, at naisip na: “Dapat akong kumuha ng dalawa. Sapat na nutrisyon ang dalawang itlog sa isang araw.” Subalit nang aabutin na niya ay nag-alinlangan siya, “Kukuha ba ako ng dalawa o isa? Magiging masama kung makikita ako ng iba na kumukuha ng dalawa. Masyadong gahaman ito, at iisipin ng iba na masiba ako. Mas mabuting kumuha lang ng isa.” Binawi niya ang kamay niya bago muling umabot at kumuha ng isang itlog. Maya-maya, may lumapit na ibang tao para kumuha ng isang itlog, at habang ginagawa niya iyon ay bumilis ang pintig ng puso ni Xiaojia. Naisip niya na: “Sa totoo lang, pinakamabuting hindi kumain ng mga itlog. May lugaw at mga gulay ako, pati na rin ilang siopao, at sapat na iyon para sa almusal. Hindi ako dapat maging masyadong gahaman. At bakit ko pa gugustuhing kumain ng mga itlog? Napakasama kung makikita ng iba. Hindi ba’t iyon ay pagpapakasasa sa kaginhawahan? Hindi ako kakain kahit isa.” Sa pag-iisip nang ganoon, ibinalik ni Xiaojia ang itlog at, pagkatapos ubusin ang kanyang almusal makalipas ang ilang minuto, nagsimula siyang gawin ang kanyang tungkulin. Naging abala siya sa mga kasalukuyan niyang gawain, isa-isang tinatapos ang mga ito. Mabilis na lumilipas ang oras, at sa isang kisap-mata ay oras na para sa tanghalian. Umalis ang lahat ng iba pa para kumain, subalit tumingin si Xiaojia sa kanyang relo at nakitang alas-dose kuwarenta iyon ng tanghali. “Sandali lang. Hindi ako dapat magmadaling kumain kapag nagmamadali ang lahat ng iba pa. Kung magmamadali ako kasama ng iba pa, hindi ba’t magiging katulad ko lang din sila, at magmumukhang masiba? Maghihintay lang ako nang ilang saglit pa.” Ipinagpatuloy niya ang kanyang ginagawa, subalit binigo siya ng kanyang tiyan at nagsimula itong kumalam. Napahawak siya sa kanyang tiyan at lumilipad ang isip na tumingin sa kompyuter, iniisip: “Nagugutom ako! Ano ang pananghalian ngayon? May kaunting karne kaya? Napakabuti sana kung makakakain ako ng kaunting karne!” Patuloy na kumalam ang kanyang tiyan habang nag-iisip siya, at sa pamamagitan lang ng matinding paghihirap na nagawa niyang makapaghintay hanggang makabalik na ang lahat ng iba pa mula sa tanghalian. May isang nagsabi na: “Bakit hindi ka nananghalian? Bilisan mo na at pumunta ka na, lumalamig na ang pagkain.” Sinabi ni Xiaojia na, “Walang problema. Hindi ko pa natatapos ang ginagawa ko. Kakain ako pagkatapos ko.” “Hindi ba’t mas mabuting ipagpatuloy ang pagtatrabaho pagkatapos mong kumain?” “Ayos lang. Malapit na akong matapos.” Kaya, tiniis ni Xiaojia ang kanyang gutom at nagpatuloy sa kanyang gawain. Sa katunayan, gutom na gutom na siya ngayon, at walang anumang gana na magpatuloy sa pagtatrabaho, subalit tiniis pa rin niya ang kanyang gutom at ipinagpatuloy ang kanyang pagkukunwari. Pagkaraan ng ilang sandali ay muli siyang tumingin sa kanyang relo, nakitang ala-una y media na ng hapon, at naisip na: “Ayos na ito. Dapat na siguro akong mananghalian ngayon.” Nang tatayo na sana siya para kumain, dinalhan siya ng isang trey ng pagkain ng isang kapatid na babae at sinabing: “Anong oras na! Bakit hindi ka pa nananghalian? Kahit gaano ka kaabala, kailangan mo pa ring kumain, at magkakaroon ka ng mga problema sa tiyan kung hindi ka kakain sa oras.” Sumagot siya: “Ayos lang. Kakain ako pagkatapos ko.” “Hindi na kailangan. Dinala ko na ang pagkain mo sa iyo, kaya bilisan mo na at kumain.” “Bakit kailangan magmadali? Ni hindi pa nga ako nagugutom.” Pagkasabi pa lang niyang hindi pa siya nagugutom, kumalam nang parang kulog ang kanyang tiyan. Hinawakan ni Xiaojia ang kanyang tiyan, nahihiyang ngumiti, at sinabi sa kapatid na babae: “Huwag ka nang mag-abalang dalhan uli ako ng pagkain.” “Pero kung hindi ko gagawin, lalamig lang ang pagkain at kailangan pang initin muli. Ininit na ito ng isang beses.” “Kung gayon, salamat!” Naglalaway na kinuha ni Xiaojia ang kanyang pagkain mula sa kapatid na babae. Sobrang saya niya pagkasulyap sa trey: dalawang siopao, mga gulay, karne, at sabaw. Napaisip muli si Xiaojia nang makita ang mga siopao, at sinabi sa kapatid na babae: “Hindi ko kayang kumain ng dalawang siopao. Masyado akong abala nitong mga araw na ito, hindi makatulog nang maayos, at walang masyadong ganang kumain. Hindi ba’t sayang kung bibigyan mo ako ng dalawang tinapay? Kunin mo ang isa.” “Ayos lang. Puwede mo itong ibalik kung hindi mo talaga ito kayang ubusin,” sagot ng kapatid na babae bago umalis. Naisip ni Xiaojia sa kanyang sarili: “Bilisan mong umalis. Nagugutom na ako.” Kinuha niya ang mangkok, nakitang walang tao sa paligid subalit medyo nahihiya pa rin, at maingat na humigop. Pagkatapos ay tiningnan niya ang karne, “Aba! Malayo pa lang ay naamoy ko na ang nilagang baboy. Pero hindi ko ito puwedeng kainin agad, dahil kailangan ko munang kainin ang mga gulay ko. Mas kaunting karne ang makakain ko kung magpapakabusog ako sa gulay, kung hindi ay mauubos ko ang kalahating mangkok ng karne, at hindi ba’t nakakahiya iyon?” Saglit siyang nag-isip bago ginawa iyon. Kinain niya ang mga siopao at gulay, at hinigop ang kanyang sabaw. Habang kumakain siya, pakiramdam niya ay gusto niyang kumain ng kaunting karne kaya kumuha siya ng isang piraso ng nilagang baboy. Inilapit niya ito sa kanyang bibig, ipinikit ang kanyang mga mata, at maingat itong nilasap, “Napakasarap! Masarap talaga ang karne, pero hindi ako dapat kumain nang marami. Sapat na ang isang subo, pagkatapos ay maraming gulay at maraming sabaw.” Patuloy niyang kinain ang mga siopao, subalit patuloy na nakatitig sa karne habang kumakain ng mga gulay, “Dapat ko bang kainin itong karne? Napakasarap nito, sayang naman kung hindi ko ito kakainin.” Nagsimula na naman siyang maglaway, at inisip niya na “Alam ko na! Pipira-pirasuhin ko ang mga siopao at isasawsaw sa sabaw. Hindi ba’t katulad lang iyon ng pagkain ng karne? Sa ganitong paraan, makikita ng iba na hindi ako kumakain ng karne, pero makukuha ko pa rin ang lahat ng lasa ng karne. Napakahusay niyon!” Taglay ang kaisipang ito, nilagay niya ang piraso ng siopao sa sabaw bago ito kunin at kainin, natuklasang masarap ito at halos katulad ng karne. Pagkatapos ay dali-daling pinira-piraso ni Xiaojia ang buong siopao at inilagay sa sabaw…. Wala pang sampung minuto, naubos na niya itong lahat, gayundin ay naubos niya ang kanyang sabaw. Isang siopao lang ang kanyang kinain, tiniis ang kanyang pagnanais na kainin ang isa pa at pinigilan ang kanyang sarili. Pagkatapos maubos ang lahat ng pagkain gaya ng pinlano, medyo nabusog na si Xiaojia, at sa tingin niya ay hindi na niya kailangan ng iba pa. Pagkatapos ay naisip niya: “Naku, hindi talaga angkop na kumain nang napakabilis, na parang nagugutom ako. Sobrang gutom talaga ako, pero hindi magandang makita ako ng mga tao nang ganoon. Kailangan kong kumain nang mabagal. Pero ano ang magagawa ko ngayong tapos na ako? Buweno, may ideya ako. Ibabalik ko ito pagkatapos ng sampung minuto.” Hinawakan niya ang kanyang relo at tinitigan ito, “Limang minuto … sampu … labinglima … Ayos, alas-dos. Magaling, ibabalik ko na ito!” Masaya niyang ibinalik ang natitirang nilagang baboy at siopao.
Pagkalipas ng alas-dos ng hapon nang bumalik si Xiaojia. Nagpahinga na ang kanyang mga kapatid para sa kanilang panghapon na pahinga, at wala siyang anumang kailangang gawin, kaya nainip talaga siya. Naisip niya na: “Umidlip din kaya ako? Palaging mabuti ang umidlip pagkatapos kumain. Pero hindi, kung matutulog ako habang natutulog din ang lahat ng iba pa, magiging ano ako? Hindi ako puwedeng matulog. Kailangan kong magpigil. Pero paano manatiling gising? Hindi ko magagawang matulog habang nakatayo, pero kung palagi akong nakatayo magugulat sa akin ang ibang tao kung bigla siyang papasok. Hindi, hindi ako puwedeng tumayo. Uupo na lang ako sa harap ng aking kompyuter. Kung may makakakita sa akin, iisipin lang nilang nagtatrabaho ako, pero nagpapahinga talaga ako. Magandang diskarte.” Kaya umupo siya nang natural sa harap ng kompyuter, blangkong nakatitig dito, subalit sa loob ng limang minuto ay nakatulog siya at naghihilik sa keyboard. Makalipas ang apatnapung minuto, biglang nagising si Xiaojia mula sa kanyang mahimbing na pagkakatulog at biglang napatayo, “Hindi ba’t nakatayo ako? Paano ako nakatulog?” Tiningnan niya ang oras, nakitang gumagabi na, at umalis para maghilamos ng kanyang mukha habang walang tao roon. Pagkakita sa sarili sa banyo, sinabi niyang “Naku, hindi! Napuno ng marka ng keyboard ang mukha ko! Hindi ako puwedeng makita nang ganito?” Dali-dali niyang pinunasan ang kanyang mukha, kinuskos at tinapik-tapik ito, at medyo matagal din siyang nasa banyo. Pagkatapos ay tumingin siya sa salamin at nakitang halos wala na ang mga marka ng keyboard, at nagalak siya sa kanyang puso: “Walang sinumang makapapansin, maliban kung pagtutuunan talaga nila ng atensiyon.” Pagkatapos nito ay sinuklay niya ang kanyang buhok at inayos ang kanyang kuwelyo, biglang napansing medyo mamantika ang kuwelyo ng kanyang mapusyaw-na-kulay na kamiseta, at sa mas malapitang inspeksiyon ay medyo marumi rin ang kanyang mga manggas. Inisip niya sa kanyang sarili, “Ilang araw na ako ngayong hindi naglalaba o nagpapalit ng damit, pero may kaunting benepisyo ang hindi paglalaba. Hindi kailanman nakapipinsala sa sinuman ang kaunting dumi, at hindi ako nababahala sa kaunting dungis. Sabagay, hindi ba’t mas mukhang espirituwal ang pagiging medyo marungis?” Ibinaba niya lang ang kuwelyo at manggas ng kanyang kamiseta at inirolyo ang manggas ng kanyang jacket, inilalantad ang lahat ng maruruming bahagi. Sobrang kuntento, pinasigla niya ang sarili at mahinahong naglakad palabas ng banyo. Pagkaraan ng ilang sandali karamihan sa mga tao ay nasa kanila nang mga lugar at nagsimulang maging abala sa gawain. Nang makita ni Xiaojia na naroon na ang lahat, sinabi niya: “Hindi kayo nakaidlip nang matagal! Kaya ninyo talagang magdusa at magbayad ng halaga! Hindi man lang ako nakaidlip, pero ipinahinga lang ang aking mga mata nang isang minuto bago maghilamos ng aking mukha. Hindi ako magkakaroon ng anumang lakas kung hindi.” Walang sumagot. Nakaramdam siya ng sobrang pagkabagot, kaya nagtrabaho na rin siya. Dahil humigop siya ng masyadong maraming sabaw sa tanghalian, paulit-ulit niyang gustong gumamit ng banyo subalit pinigilan niya ang udyok, iniisip na: “Kung pupunta ako sa banyo, hindi ba’t iisipin ng mga taong tamad ako? Hindi iyon magandang reputasyon, kaya hindi ako dapat pumunta.” Kaya patuloy siyang nagpigil, nagtitiis hanggang may ibang tao nang pumunta sa banyo sa wakas, at nakita niya ang kanyang pagkakataon. Mabilis siyang pumila, na iniisip, “Napakagandang sumunod lang sa karamihan, dahil walang sinuman ang magsasabi ng anuman tungkol sa akin.”
Isa itong abalang hapon. Maraming ginawang trabaho si Xiaojia, nakikipagbahaginan sa taong ito, nagtatanong sa taong iyon, naghahanap ng mga mapagkukunan, at gumagawa ng lahat ng uri ng mga gawain na nauugnay sa kanyang mga tungkulin. Pagkatapos ng lahat ng kaabalahan, sa wakas ay oras na para sa hapunan. Sa pagkakataong ito ay nahuli lang nang kaunti si Xiaojia kaysa sa iba, subalit halos natapos siyang kumain sa oras. Ang panahon pagkatapos ng hapunan ang pinakamasayang oras ng araw ni Xiaojia, dahil iyon ang tanging oras na mahinahon siyang makaiinom ng isang tasa ng kape na gusto niya, nang walang anumang paninisi sa sarili o pamumuna ng iba, kundi nang may tahimik na puso. Bakit? Dahil may sapat siyang mga dahilan kung bakit kailangan niyang uminom ng kape, mga dahilang ganap na lehitimo sa paningin ng lahat. Kaya ito ang pinakamasaya niyang oras. Habang nagtitimpla siya ng kape, bumubulong siya sa kanyang sarili, “Tsk, kailangan ko na namang mag-overtime ngayon. Ni hindi ko alam kung gaano katagal. Siguro titingnan ko na lang kung gaano katagal ako magigising ng kapeng ito.” Ikinalampag niya ang bagong timplang kape sa mesa, na parang sinasabi sa lahat, “At ano? Umiinom ako ng aking kape, ano ang gagawin mo tungkol dito?” Sumulyap siya sa ibang nasa paligid niya. Walang nakatingin sa kanya, subalit walang pakialam pa rin niyang kinuha ang kanyang tasa at humigop ng kape, iniisip na: “Sinasabi ng lahat na masarap ang kape, at masarap nga ito. Iba-iba ang lasa nito araw-araw, nag-aalok ng kakaibang karanasan. Nakamamangha ito!” Masaya, buong pagmamalaki niyang hinigop ang kanyang kape, pagkatapos ay blangkong tumingin sa kanyang panggabing trabaho. Wala talaga siyang mga layunin sa isipan, at nakaramdam ng pagod pagkatapos ng isang abalang araw, subalit pinilit ang kanyang sarili na magpatuloy. Hindi siya maaaring makatulog, at hindi maaaring ipakita sa iba na siya ay pagod o may anumang pabasta-basta, iresponsable, o walang galang na saloobin sa paggawa ng kanyang gawain o ng kanyang tungkulin. Pinilit niyang pasiglahin ang sarili at umupo sa kanyang kompyuter para patuloy na magtrabaho, at natural na uminom ng kape nang paulit-ulit. Mas marami siyang ininom, mas naging alerto siya at hindi gaanong inantok. Paminsan-minsan ay sumusulyap si Xiaojia sa kanyang relo, “Lampas ala-una na, pero hindi ako makatulog dahil itinakda ko sa aking sarili na umabot ng alas-tres. Ni hindi ako maaaring matulog ng alas-dos singkwenta ng umaga, dahil paglabag iyon sa aking pangako at wala akong paliwanag para sa Diyos. Isa itong pangakong dapat tuparin ng isang nilikha, kaya dapat ko itong tuparin. Sinabi kong matutulog ako ng alas-tres ng umaga, kaya matutulog ako ng alas-tres ng umaga, kahit kailangan ko pang uminom ng maraming kape.” Kaya, uminom siya ng kape at nilabanan ang kanyang pagod, pinipigilan at kinokontrol ang sarili niyang pag-iisip. Pagsapit ng alas-tres, may mahalagang gawain si Xiaojia na dapat gampanan, kaya’t kinuha niya ang kanyang telepono at nagpadala ng mensahe na nagsasabing: Kapatid na babaeng ganito-at-ganyan, si Xiaojia ito. May mahalagang paalala ako sa iyo na huwag kalimutang may pagtitipon tayo bukas ng alas-diyes ng umaga. Kinakailangang dumalo, at huwag kang mahuhuli. Nakapirma sa ibaba: Xiaojia. Kasabay ng paggaan ng loob pagkatapos ipadala ang mensahe, naisip din ni Xiaojia: “Isang bagay ang pagpapadala nito, pero paano kung hindi niya ito natanggap? Alam ba niyang pinadalhan ko siya ng mensahe? Hindi pa ako puwedeng matulog. Kailangan kong maghintay at makita kung sasagot siya.” Pagkatapos maghintay nang kalahating oras ay wala pa ring sagot, at naisip niyang: “Tulog ba siya? Bakit ang aga niyang natutulog? Walang silbi, tulog na agad nang alas tres.” Naghintay siya hanggang sa sumagot ang kapatid na babae nang alas-tres singkuwenta: Hindi ko nakalimutan ang tungkol sa alas-diyes ng umaga bukas. Sana ay hindi mo rin makalimutan, at dumating ka sa oras. Binasa ito ni Xiaojia at naisip, “Ah, anong klaseng tao ito? Bakit natutulog siya nang mas huli kaysa sa akin?” Subalit hindi na niya kinaya pa ito. “Wala nang kape! Kung magkakape pa ako ay hindi na talaga ako makatutulog ngayong gabi. Kailangan ko nang matulog, dahil kailangan kong bumangon ng alas-singko y media nang umaga, alas-sais nang umaga ang pinakahuli. Hindi ako dapat mas mahuli kaysa sa iba ko pang mga kapatid, dahil dapat kong maipakita sa lahat na ako ay nagdarasal, nagbabasa ng mga salita ng Diyos, at nakikinig sa mga sermon pagkabangon nila. Kaya hindi ako dapat huling bumangon. Dahil lahat sa mensaheng ito kaya hindi ako puwedeng matulog nang maaga. Pero hindi bale, alam ng iba na huli na akong natulog. Naisakatuparan ko naman ang aking layon, at susubukan kong matulog ng alas-kuwatro bukas.” Habang sinusubukang mag-isip ni Xiaojia, hindi niya maiwasang makaramdam ng sobrang pagkalula na hindi man lang niya hinubad ang kanyang damit nang bumalik siya sa kanyang kuwarto. Bumagsak siya sa kanyang kama, kalahating tulog na, subalit pinipilit pa rin ang kanyang sariling alalahanin na: Huwag kumain ng mga itlog sa umaga, isang siopao lang para sa tanghalian, huwag kumain ng nilagang baboy, matulog ng alas-tres nang umaga, may mga mensahe pa ring kailangan ipadala…. Nag-isip nang nag-isip si Xiaojia hanggang sa tuluyan na siyang hindi kumikilos sa pagkakahiga, nakatulog sa kapaguran, kahapuan, mga pangangarap, at delusyon. At ito ang isang araw sa buhay ni Xiaojia.
Sabihin mo sa Akin, tungkol saan ang lahat ng iyon? Hindi ba’t nakapapagod para kay Xiaojia na palaging magpanggap nang ganoon? (Oo, nakakapagod ito.) Hindi napapagod ang mga robot sa paggawa ng parehong bagay sa buong araw, dahil wala silang pag-iisip o kamalayan, subalit nakapapagod ito para sa mga tao. Bakit ganoon nabuhay si Xiaojia gayong sobra siyang pagod? Bakit niya ginawa ito? May plano ba siya? (Oo, may plano siya.) Saan umiikot ang kanyang plano? (Sa pagpapakitang-gilas sa iba.) May pakinabang ba sa kanya ang pagpapakitang-gilas? (Maaari nitong pahangain ang mga tao sa kanya.) Maaari nitong pahangain ang mga tao sa kanya. Pamilyar ba sa inyo ang pamamaraan ni Xiaojia? Anong uri ng mga tao ang kumikilos nang ganoon? (Ang mga Pariseo.) Tama iyan. Ginagamit ng mga Pariseo ang mabubuting pag-uugali, at mga pag-uugali at gawi na naaayon sa mga kuru-kuro ng mga tao, at itinatanghal ang mga ito sa harap ng iba para magmukha silang mabuti at sambahin sila. Ginagamit nila ang pamamaraang ito upang makamit ang kanilang layong iligaw ang mga tao. Ano ang pangunahing kalikasan ng pagkukunwari nila nang ganito, at paggawa ng lahat ng uri ng magagandang pag-uugali para magpakitang-gilas sa ibang tao? Isa itong pagkukunwari, panlilinlang, panlilihis—may iba pa ba? (Huwad na espirituwalidad.) Gaano karaming bagay sa araw ni Xiaojia ang may kinalaman sa mga disposisyon, at karaniwan sa lahat ng iyong may kakayahan sa pagiging huwad? Ang pagkain ng mga itlog, siopao, nilagang baboy, at pag-inom ng kape. Mga panlabas na bagay ang lahat ng ito, subalit anong diwa ang makikita mo sa mga ito? Pagkukunwari at pagpipigil sa sarili. Anong pagkukunwari? (Ang pagkukunwari ng pagdurusa.) Tinitingnan ba ng mga tao ang pagdurusa bilang isang mabuti o masamang bagay? (Isang mabuting bagay.) Ang pagdurusa ay isang mabuting pag-uugali na lubos na hinahangaan ng lahat. Itinuturing itong ano ng mga tao? Itinuturing nila ito bilang ang pagsasagawa ng katotohanan. Kaya, hindi nag-atubili si Xiaojia na magdusa at magbayad ng halaga. Ano ang kaakibat ng kanyang pagsasakripisyo? Ang hindi pagkain ng masasarap na pagkain, at pagpupuyat, paggising nang maaga, at pagdidisiplina sa kanyang katawan. Ano ang kalikasan ng mga ganitong uri ng pagdurusa? Pagkukunwari ang lahat ng ito. Hindi siya nagdusa para sa katotohanan o katwiran, kundi para sa pagpapahalaga at pagsamba ng iba, at para sa isang mabuting reputasyon at karangalan para sa kanyang sarili. Nagdusa ba siya para sa katotohanan? (Hindi, hindi siya nagdusa para sa katotohanan.) Alin sa kanyang mga pagkilos ang naaayon sa mga katotohanang prinsipyo, at nagrerebelde ba si Xiaojia laban sa kanyang sarili at isinasantabi ang kanyang mga personal na interes para sa kapakanan ng katotohanan? Mayroon bang isa sa mga ito? (Wala.) Ano ang kalikasan ng kanyang pagdurusa? Ito ba ay ang pagsasagawa ng katotohanan? Pagpapamalas ba ito ng kanyang pagmamahal sa katotohanan? (Hindi, hindi ito.) Kung gayon, ano ito? (Pagpapaimbabaw.) Ito ay pagpapaimbabaw, ito ay pagiging tutol sa katotohanan, ito ay panlilinlang, pagpapanggap, pagiging huwad, at paglilihis; ito ay pawang mga pagkilos at pagpili na batay sa kanyang sariling mga imahinasyon at kuru-kuro, at nakasentro sa kanyang sariling mga interes, at wala talaga itong kinalaman sa katotohanan. Hindi niya hinahanap ang katotohanan, kaya hindi rin katotohanan ang kanyang mga pagkilos; hindi lang walang kinalaman ang mga ito sa katotohanan, lubos ding salungat ang mga ito sa mga normal na pangangailangan ng sangkatauhan na nakapaloob sa kaibuturan ng kanyang puso. Kasalanan bang kumain ng mga itlog? (Hindi, hindi ito kasalanan.) Subalit tiningnan ni Xiaojia ang pagkain ng mga itlog bilang pagiging gahaman. Ang mga itlog ay isang uri ng pagkaing nilikha ng Diyos para sa tao. Kung may kakayahan kang kumain ng mga ito, hindi pagiging gahaman ang gawin ito, pero kung wala kang kakayahang kumain ng mga ito, at magnanakaw ka at kakainin ang mga itlog ng ibang tao, iyon ang pagiging gahaman. Paano tinukoy ni Xiaojia ang bagay na ito? Naniwala siyang gahaman ang pagkain ng itlog, at mas gahaman pa kung makikita ito ng iba. Inisip niya na kung kakain siya ng mga itlog nang walang nakakakitang sinuman, malayo sa kanilang paningin, hindi iyon pagiging gahaman. Ano ang kanyang pamantayan sa pagsukat ng pagiging gahaman? Ito ay batay sa kung may nakakakitang sinuman. Ibinatay niya ba ito sa mga salita ng Diyos? Hindi, sarili niyang personal na pananaw iyon. Sa katunayan, may anumang saloobin o pananaw ba ang iba sa usaping ito ng pagkain ng mga itlog? (Wala, wala silang anumang saloobin o pananaw.) Isa lang itong teorya na gawa-gawa mismo ni Xiaojia. Naniwala siyang ang pagkain ng mga itlog para sa almusal ay pagiging gahaman, pagpapakasasa sa kaginhawahan, at pagpapakita ng konsiderasyon sa laman. Batay sa kanyang pananaw, kung gayon, hindi ba’t ang lahat ng kumakain ng mga itlog ay nagpapakasasa sa kaginhawahan at nagpapakita ng konsiderasyon sa laman? Ang ipinahihiwatig niya ay: “Kapag kumain kayong lahat ng mga itlog, nagpapakita kayo ng konsiderasyon sa laman. Hindi ako nagpapakita ng konsiderasyon sa laman, kaya kong pigilan ang aking sarili, kaya hindi ako kumakain ng mga itlog. Maglagay kayo ng mga itlog sa harap ko at kaya ko pa ring ibalik ang mga ito, kahit na pagkatapos damputin ang mga ito. Iyan lang ang uri ng pagpapasya at determinasyon na mayroon ako, at ganoon ko kamahal ang katotohanan. Kaya ba ninyong gawin iyon? Kung hindi ninyo kaya, hindi ninyo minamahal ang katotohanan.” Paano niya itinuturing ang kanyang ideya? Bilang ang pamantayan sa pagsukat ng tama at mali. Hindi ba ito pagiging huwad? (Oo, ito ay pagiging huwad.) Pagiging huwad ito.
Ang isa pang pagpapamalas na ipinakita ni Xiaojia ay ang hindi niya pagkain sa oras ng tanghalian. Ano sa halip ang ginagawa niya? (Ipinagpapaliban niya ito.) Pinipigil niya ang kanyang gutom at ipinagpapaliban ang pagkain. Pero bakit? (Para magpakitang-gilas sa iba.) Nagpapakitang-gilas siya, at ginagawa ito para makita ng iba. Ano ang gusto niyang makita at maunawaan ng iba mula rito? Gusto niyang ipakita sa iba kung gaano kalaking pagdurusa ang kaya niyang tiisin, at kung gaano siya kasipag, katapat, kasigasig, at karesponsable sa kanyang trabaho! Gusto niyang makita ng mga tao na isa talaga siyang pambihirang tao! Kung gayon ay makakamit niya ang kanyang layon; iyon ang gusto niyang pagtatasa. Ano ang ibig sabihin ng pagtatasa na iyon sa kanya? Ito ang kanyang buhay, ang kanyang dugo. Pagmamahal ba ito sa katotohanan? (Hindi, hindi ito pagmamahal sa katotohanan.) Kaya, ano ang gusto ng mga taong tulad niya? Hindi sila nag-aatubiling magpakitang-gilas, nagpaplano at nagpapakana, at nanlilinlang sa iba sa pamamagitan ng pagbabalat-kayo, ipinapakita sa mga ito kung gaano nila kayang magdusa, at sa gayon ay nakatatanggap ng mga komento mula sa mga ito tulad ng: “Kaya mo talagang magtiis ng pagdurusa. Isa ka talagang taong nagmamahal sa Diyos, at ginagawa mo ang iyong tungkulin nang may katapatan.” Hindi sila nag-aatubiling gumamit ng mga huwad na anyo at panlilinlang para itago ang mga aktuwal na katunayan, linlangin ang Diyos at lokohin ang ibang tao, lahat para makakuha ng magandang salita o isang paborableng pagtatasa mula sa iba. Anong klaseng disposisyon ito? (Isang buktot na disposisyon.) Buktot ito. Napakahusay nila sa pagpapanggap, at sa pagpapakitang-gilas, at panlilinlang! Pagkain lang ito, anong problema sa pagkain nang mahinahon? Sinong nabubuhay na tao ang hindi kumakain? Kasalanan ba ang kumain sa oras? Kasalanan ba ang humanap ng makakain kapag ang isang tao ay nagugutom? (Hindi, hindi ito kasalanan.) Isa itong pisikal na pangangailangan; makatwiran ito. Tinatrato ng mga taong ito ang lahat ng makatwirang pangangailangan bilang hindi makatwiran at kinokondena ang mga ito. Ano ang itinataguyod nila? Itinataguyod nila ang patuloy na pagdidisiplina sa katawan, itinatago ang mga tunay na katunayan, at nagbabalat-kayo para makita ng iba kung paano sila nagdurusa, kung paano nila pinipigilang magpakasasa sa kaginhawaan, at kung paano sila nagbabayad ng halaga, at naghahandog ng kanilang oras, lakas, at lahat ng mayroon sila para sa kanilang trabaho. Ito ang gusto nilang makita ng mga tao. Ito ba talaga ang ginagawa nila? Hindi, hindi ito. Nililihis nila ang iba sa pamamagitan ng mga huwad na anyo, at ito ay isang pagpapamalas ng isang buktot na disposisyon. Nagsusumikap sila nang labis para sa isang bagay na hindi gaanong makabuluhan tulad ng pagkain—anong klase ng mga tao sila? Ito ba ang dapat gawin ng isang taong may normal na pagkatao? (Hindi, hindi ito.) Hindi ito ang dapat gawin. Masyado itong tuso! Sasang-ayunan o kasusuklaman ba ng karamihan ng mga tao kung marinig nila ang tungkol sa isang taong masyadong nagpapakitang-gilas sa isang maliit na bagay? (Masusuklam sila.) Kaya ninyo bang kumilos nang ganito? (Minsan.) Kasing lubha nito? (Hindi.) Mahirap tiisin ang gutom, subalit kaya ng ilang taong tiisin ang pagdurusang ito. Kung hihingin mo sa kanilang magpasakop sa mga salita ng Diyos, gumugol ng pagsisikap sa Kanyang mga salita, kumilos nang naaayon sa mga prinsipyo ng mga salita ng Diyos, at magsalita nang matapat, makikita nilang sobrang nakapapagod at napakahirap nito. Para sa mga taong ito, ang pagsusuko ng kanilang mga sariling interes at pagpapahalaga sa sarili ay mas mahirap pa kaysa sa pag-akyat sa langit, subalit handa sila, anuman ang halaga, na isantabi ang mga salita ng Diyos, kumilos nang naaayon sa mga sarili nilang imahinasyon, at protektahan ang sarili nilang mga makalamang interes. Hindi ba’t pagpapamalas ito ng hindi pagmamahal sa katotohanan? (Oo, pagpapamalas ito.) Isa itong aspekto.
Anong iba pang mga pagpapamalas ang ipinakita ni Xiaojia? Sobra siyang inaantok subalit hindi siya natulog. Sabihin mo sa Akin, kung inaantok ang isang tao at natutulog saglit, o umiidlip nang mabilis, at pagkatapos ay may dagdag na lakas para sa trabaho, hindi ba’t makatwiran ito? (Oo, makatwiran ito.) Makatwiran ito. May sinuman bang kokondena kay Xiaojia dahil sa pagtulog? (Wala, hindi nila ito gagawin.) Kaya, bakit sobra siyang natakot, kung walang sinumang kokondena sa kanya? Ano ang kinatakutan niya? (Ang may masabi nang hindi sinasadya.) Tama iyon, natakot siyang may masabi nang hindi sinasadya. Sa kanyang mga imahinasyon, naniniwala siyang pinahahalagahan siya ng lahat, na iniisip ng lahat na partikular siyang may kakayahang magtiis ng pagdurusa, at bukod-tanging maka-Diyos. Pakiramdam niya na kapag nalantad ang mga tunay niyang kulay, at natuklasan ng lahat na hindi siya ganoong klase ng tao, babagsak ang kanyang buong magandang imahe. Hindi niya ito kayang maatim, at kaya pinigilan niya ang kanyang sariling umidlip man lang. Ganoon siya kahigpit sa kanyang sarili. Anong klaseng tao siya? Hindi kaya may sakit siya sa pag-iisip? Ang mga taong tulad nito ay madalas nakikinig sa mga sermon, nagbabasa ng mga salita ng Diyos, at nagtitipon para sa pagbabahaginan, kaya paanong hindi sila tumutuon sa katotohanan? Mahusay para sa iyong pag-isipan ang mga katotohanang prinsipyo. Tingnan mo kung ano ang sinasabi ng mga salita ng Diyos: Mayroon bang anumang deklarasyon tungkol sa mga taong umiidlip sa mga salita ng Diyos? (Wala, walang anuman.) Hindi gumawa ng anumang deklarasyon ang Diyos tungkol sa bagay na ito, o binanggit man lang Niya ito. Dapat malaman ng sinumang nagtataglay ng pag-iisip ng normal na pagkatao kung paano ito haharapin. Makatwirang umidlip kapag inaantok ka. Makatwirang magpahinga sa hapon sa isang mainit na tag-araw. Sa partikular, may ilang matandang tao, na hindi kayang makasabay pagdating sa kanilang katawan, antas ng enerhiya, at iba pa, na kinakailangang matulog nang ilang saglit pagkatapos ng tanghalian. Hindi ito batay sa kanilang mga gawi sa pamumuhay, kundi sa kanilang mga pisikal na pangangailangan. Binigyan ka ng Diyos ng kabatiran, kamalayan, at mga tugon ng normal na pagkatao para pahintulutan kang pangasiwaan ang iyong pang-araw-araw na pagkain, pagpapagal, at pahinga ayon sa iyong sariling trabaho at kapaligiran; hindi mo dapat abusuhin ang iyong sarili. Halimbawa, ipagpalagay na hindi ka kumakain ng mararangyang pagkain at sinasabi na, “Hindi pinahihintulutan ng Diyos ang mga tao na kumain ng masasarap na pagkain; nagiging gahaman ang mga tao sa palaging pagkain ng masasarap na pagkain.” Hindi ito kailanman sinabi ng Diyos, at wala Siyang ganitong uri ng hinihingi para sa mga tao. Subalit ito ang inakala ni Xiaojia, at inisip niyang malamang na ganoon din ang iniisip ng Diyos. Inisip ni Xiaojia na kung ang isang tao ay natutulog nang masyadong maaga, pagpapakasasa ito sa kaginhawahan, at hindi ito gusto ng Diyos. Hindi ba’t hindi ito pagkaunawa sa katotohanan? (Oo, hindi nga.) Nang hindi nauunawaan ni Xiaojia ang katotohanan, hinanap niya dapat ito, subalit hindi niya iyon ginawa, kumilos lang siya nang naaayon sa kanyang sariling subhetibong kalooban. Hanggang saan niya ito dinala? Uminom siya ng tatlo o apat na tasa ng kape sa isang araw, para lang makapagpuyat siya sa gabi. Sinasabi ng ilang tao na: “Marami akong nainom na kape habang ginagawa ang aking tungkulin nitong mga nakaraang ilang taon para magawa ko ang gawain ng sambahayan ng Diyos.” Kung sasabihin ng ibang tao na, “Sino ang nagpainom sa iyo ng kape? Hindi ba’t pinili mo itong inumin?” Iisipin niya sa sarili niya na, “Alam mo kung bakit ako umiinom ng kape? Hindi ito para magpuyat, ito ay para magbawas ng timbang. Hindi mo ba alam iyon? Subalit hindi ko masasabi sa iyo iyon, dahil malalaman mo kung ganoon. Magmumukha ba akong payat kung mas payat ka kaysa sa akin?” Mapagkalkula talaga ito, tama ba? Anong mga pananaw at ideya ang nakapaloob dito? Mayroon bang anumang pagkaunawa o pagkamakatwiran ng normal na pagkatao? (Wala, walang ganoon.) Wala, may nakapaloob lang dito na mga tagisan ng talino, mga pandaraya at pakana, pagpapanggap, pagiging huwad, at panlilinlang. Iyon lang ang mayroon. Ito ay pagiging mapagkalkula sa tuwing may nangyayaring isang bagay. Talagang hindi nila sasabihin sa sinuman ang kanilang mga matapat na pananaw at kaisipan, lalong hindi ang pahintulutan ang lahat na malaman, o pahintulutan ang Diyos na makita. Ang kanilang mentalidad ay hindi isa ng, “Inilalantad ko ang aking sarili. Ang aking mga pagkilos ay naaayon sa aking mga iniisip, at ganyan lang ako.” Siguradong hindi ganito ang mentalidad nila, kaya ano ito? Nagkukubli at nagkukunwari sila hanggang sa makakaya nila, natatakot na ang imahe nila sa iba ay hindi sapat na maganda, deboto, o espirituwal.
Bakit ginustong magpuyat ni Xiaojia sa gabi? Maraming uri ng trabaho ang hindi kinakailangang gawin sa kalaliman ng gabi, at halos inaantok na ang mga tao pagkalipas ng alas-diyes ng gabi. Kahit na magpatuloy sila sa pagtatrabaho, hindi ito magiging epektibo, dahil may hangganan ang lakas ng mga tao. Subalit palaging pinipilit ni Xiaojia ang kanyang sarili, walang pakialam kung epektibo ba ito, kahit na alam na alam niyang hindi ito epektibo. Bakit siya nagpadala ng mensahe bago matulog? (Para mapansin ng iba.) Para masaksihan ng iba na natutulog siya nang alas-tres. Kahit na hindi ka natutulog buong gabi, hindi ba’t ikaw naman ang aantukin sa huli? At hindi ba’t ikaw ang nagdulot niyon sa iyong sarili? May ilang tao na nagpupuyat sa gabi at nagpapadala ng mensahe nang alas-tres ng umaga. Kapag ang tumanggap ng mensahe ay tumugon ng alas-kuwatro nang umaga, naghihintay sila hanggang alas-singko nang umaga para tumugon, para maipakitang mas huli pa silang natutulog. Pinahihirapan nila ang kanilang sarili at pinipinsala ang isa’t isa sa ganitong paraan, at sa huli ay walang kahit sino sa kanilang natutulog buong gabi. Hindi ba’t isang pares sila ng mga pabara-barang hangal? Anong klaseng pag-uugali iyan? Kahangalan ito. Saan nanggagaling ang ganitong uri ng pag-uugali? Nagmumula itong lahat sa isang tiwaling disposisyon. Sa ngayon, hindi natin titingnan kung saang tiwaling disposisyon nagmumula ang pag-uugaling ito, sasabihin lang natin kung gaano ito katawa-tawa. Maaaring baguhin ng mga taong ito ang ganitong uri ng katawa-tawang pag-uugali at kasanayan sa pamamagitan ng pagpili ng alinman sa mga salita ng Diyos para isagawa. Alinman sa Kanyang mga salita ay makapagbibigay sa kanila ng kakayahang mamuhay nang payapa at ligtas, at gawing mas makatotohanan at praktikal ang kanilang buhay. Bakit hindi nila pinipiling mamuhay ayon sa salita ng Diyos? Bakit nila pinapahirapan ang sarili nila nang ganito? Hindi ba’t inaani nila ang kanilang itinanim? (Oo, ganoon nga.) Gaano man nagdurusa nang ganito ang isang tao, palagi itong magiging walang kabuluhan, at gaano man karaming pagdurusa ang kanyang tinitiis, siya ang magpapasan ng mga kahihinatnan nito. Sinasabi ng ilang tao na: “Nananampalataya ako sa Diyos sa lahat ng taong ito, at naging lider ako sa loob ng 20 taon. Palagi akong nagpupuyat at hindi natutulog, at sa huli, nagdusa ako sa matinding kapaguran.” Sinasabi Ko: “Nakaligtas ka sa pagkakaroon ng matinding kapaguran. Kung patuloy mong pahihirapan ang iyong sarili nang walang kabuluhan at kikilos nang ganyan, hindi nalalayo ang sikosis.” Maaari bang maging malusog ang isang tao kung hindi siya natutulog sa gabi, palaging ninenerbiyos, at abnormal ang paggana ng kanyang katawan? Siya ang nagdulot nito sa kanyang sarili! Sabihin nating sinasabi mo sa kanya, “Ang pagkilos sa ganyang paraan ay hindi dapat. Gawin mo ang iyong makakaya para ayusin ang iyong trabaho para sa araw, at dagdagan ang iyong pagiging produktibo. Kapag pinag-uusapan ng lahat ang gawain, huwag masyadong magsalita nang walang katuturan at huwag masyadong magsalita tungkol sa hindi mahahalagang bagay. Dapat mong maarok ang mga pangunahing punto, sentro, at tema ng talakayan, at kapag tapos na ito, dapat ipagpatuloy ng lahat ang mga sarili nilang gawain. Huwag sumatsat nang sumatsat, at huwag magtatamad-tamad.” Hindi siya makikinig sa iyo. Hindi siya magaling sa pagpapahayag ng kanyang sarili, subalit hindi siya nagbubuod ng mga karanasan, nagsasalita lang siya nang walang kabuluhan para mag-aksaya ng oras hanggang ala-una o alas dos nang umaga, hindi natutulog o pinatutulog ang iba. Hindi ba’t pagpapahirap at pamiminsala ito sa iba? Sa wakas, iniisip niya na, “O Diyos, nakita Mo, hindi ba? Alas-tres na at hindi pa rin ako natutulog!” Nakita ito ng Diyos. Nakita Niya hindi lang kung ano ang nasa labas, kundi pati na rin ang kaibuturan ng puso nito, at sinasabi Niya na: “Marumi ang iyong puso. Nagpupuyat ka magdamag sa walang kabuluhang pagdurusa, pero hindi ito kailanman maaalala ng Diyos. Kapag oras na para matulog, hindi ka natutulog, sa halip ay pinipilit ang iyong sariling manatiling gising. Ikaw ang nagdala ng paghihirap na ito sa iyong sarili!” Kapag inaantok ang mga tao, natural na nagsasara ang kanilang mga talukap. Likas na kilos ito, kaya karapat-dapat kang magdusa kung palagi kang lumalaban sa mga likas na kilos at batas ng kalikasan! Hindi hihingin sa iyo ng Diyos na tiisin ang pagdurusa na walang kabuluhan, o dulot ng mga paglabag sa mga batas ng kalikasan, o mga paglabag sa mga prinsipyo o katotohanan. Kung igigiit mo ang mga ganitong uri ng pagdurusa, e di ganoon na nga. May ilang tao na, kapag narinig nila na ang isang tao ay hindi natutulog hanggang alas-tres ng umaga, ay iniisip na, “Hindi ba’t katulad ko rin iyon? Puwes matutulog ako ng alas-tres y medya nang umaga sa hinaharap.” Pagkatapos ay nababalitaan nilang may natutulog ng alas-tres y medya nang umaga, kaya gusto nilang matulog ng alas-kuwatro nang umaga. Hindi ba’t isa itong sakit sa pag-iisip? Puwede kang makipagkompetensiya sa anumang bagay, at pinipili mong makipagkompetensiya tungkol sa kung sino ang pinakahuling natutulog—nangangahulugan itong abnormal ka sa pag-iisip. May problema ba sa pag-arok ang gayong mga tao? (Oo, may problema sila.) Hindi nila kayang maarok ang katotohanan. Kapag may oras ka, tigilan mo ang pagsisikap, labis na pag-iisip, at pag-iisip sa mga bagay tulad ng iyong panlabas na pag-uugali, pagpapanggap, at pagiging huwad. Ano, kung gayon, ang dapat mong pagsikapan? Tingnan mo kung paano inilalantad ng mga salita ng Diyos ang tiwaling kalikasan at buktot na disposisyon ng sangkatauhan, at kung paano Niya inilalantad ang pagiging pabasta-basta ng mga tao. Magsikap na ikumpara ang iyong sarili sa mga salitang ito ng Diyos na naglalantad sa tao, pagnilayan kung gaano karaming pagpapamalas na inilalantad ng Diyos ang mayroon ka, at kung gaano karami sa mga ito ang madalas mong ikinikilos o inihahayag. Napakabuting bagay na ibuod ang mga bagay na ito! Kasuklam-suklam para sa isang tao na palaging magsikap para sa ilang itlog o siopao, o sa paglulubog ng mga bagay-bagay sa sabaw! Ano iyan? Ito ay pagkakalkula at kawalan ng karunungan. Ano ang isang taong tulad niyon? (Isang hangal.) Mahusay na pagkakasabi. Pagdating sa mga taong palaging isinasaalang-alang kung gaano karaming itlog ang kakainin, o palaging iniisip ang tungkol sa pag-inom ng kape para makapagpuyat sa gabi, hindi kalabisan na tawagin silang mga hangal na nahuhumaling sa pagkain. Sa mga aling larangan sila hangal? Bakit sinasabi nating hangal ang mga taong ito? (Ganap na walang kwenta ang pinagdurusahan nila.) Talagang wala itong kwenta. Bakit mo gugustuhing gawin ang gayong mga asal-batang bagay? Sa palagay mo ba na ang panghabambuhay na hindi pagkain ng itlog ay magbibigay sa iyo ng kakayahang maunawaan ang katotohanan? Hindi ba’t kahangalan ang pagkilos nang ganito? (Oo, kahangalan ito.) Huwag kang gumawa ng mga kalokohan. Anong klase ng mga tao ang karaniwang gumagawa ng mga kalokohan? (Ang mga taong walang espirituwal na pang-unawa.) May kakayahan ba ang mga taong ito na maarok ang katotohanan? (Wala, wala silang kakayahan.) Sinasabi ng ilang tao na: “Mabuti ang kakayahan nila, at napakahusay nilang mangaral.” Maaaring mahusay silang mangaral, subalit bakit palagi silang nakikisali sa mga gawaing asal-bata tuwing dumarating ang oras ng pagkilos? Bakit kumikilos sila sa paraang asal-bata at katawa-tawa? Anong nangyayari rito? Nagsasalita sila sa isang paraan subalit kumikilos ng iba. Ang sinasabi nila ay ang tungkol sa kanilang doktrinal na pang-unawa, at ang ginagawa nila ay ang mga bagay na tunay nilang nauunawaan at kaya nilang tanggapin. Sa kaibuturan, ineendorso o kinikilala ba nila ang mga doktrinang ipinangangaral nila? (Hindi, hindi nila kinikilala ang mga ito.) Hindi nila kinikilala na ang mga bagay na iyon ay ang katotohanan, o pamantayan na dapat nilang isabuhay at sundin. Sa katunayan, ito ay ang mga pakana at kuru-kuro sa kanilang puso, ang mga pekeng ideya at gawi, at ang mga pag-uugali na itinuturing na mabuti ng iba, na pinaniniwalaan talaga nilang pamantayan at mga landas ng pagsasagawa. Hindi ba’t tinatanggal ang gayong mga tao kung hindi sila kailanman magbabago? Magkakaroon ba sila ng anumang pagkakataon ng kaligtasan? May kaunting pag-asa.
Sabihin mo sa Akin, makatwiran bang humawak ng payong o magsuot ng salakot sa mainit na araw? (Oo, makatwiran ito.) Mabilis masusunog ang balat ng mga taong nagtatrabaho sa araw kung hindi sila magsusuot ng sumbrero, kaya lubos na makatwiran na gawin ito. May ilang tao na hindi nag-iisip nang ganito, at nagsasabing: “Magsuot ng salakot? Hindi ba’t insulto iyon sa akin? Puwede ba akong magsuot ng sumbrero? Hindi ako natatakot sa pagdurusa, o sa pangingitim. Sa katunayan, mabuti ito sa kalusugan.” Kung ito ang talagang iniisip nila, hindi ito isang problema, subalit ang susi ay na, sa kaibuturan, hindi ganito ang iniisip ng ilang tao. Iniisip nila na, “Tingnan ninyo ang sarili ninyo, nakasuot ng salakot dahil natatakot mangitim o masunog ang balat sa mainit na araw. Hindi ako magsusuot ng isa! Ano ang dapat katakutan sa pangingitim o sa pagkasunog ng balat? Gusto ng Diyos ang mga bagay na iyon, kaya wala akong pakialam kung ano ang iniisip ng iba!” Ano ang tingin mo sa mga taong nagsasabi nito? Sa tingin mo ba ay medyo mapanlinlang sila, medyo huwad? Sa katunayan, may motibo sa likod ng kanilang pagtangging magsuot ng sumbrero, na ito ay para ipakita sa mga taong kaya nilang magdusa at na sila ay talagang espirituwal. Kasuklam-suklam ang ganitong uri ng mapagkunwaring pag-uugali! Magagawa ba ng mga taong ganito kagaling magpanggap ang kanilang mga tungkulin nang maayos? Kaya ba nilang magdusa at magbayad ng halaga para sa kanilang mga tungkulin? Kapag nangitim sila o nasunog ang kanilang balat sa araw, hindi ba sila magrereklamo at sisisihin nila ang Diyos? Hindi kailanman nagsasagawa ng katotohanan ang mga mapagpaimbabaw na Pariseo, kundi nagpapanggap ng espirituwalidad. Kaya ba talaga nilang magdusa at magbayad ng halaga? Batay sa diwa ng mga mapagpaimbabaw, makikita mong wala silang anumang pagmamahal sa katotohanan, at na mas maliit pa nga ang kanilang kakayahang magdusa o magbayad ng halaga para rito. Higit pa rito, kahit gaano pa karaming salita ng katotohanan ang naririnig nila, hindi nila kailanman pinakikinggan o inuunawa ang mga ito bilang ang katotohanan, sa halip ay tinatrato at ipinangangaral nila ang mga ito bilang isang uri ng teoryang espirituwal. Hindi nauunawaan ng mga ganitong uri ng mga mapagpaimbabaw kung bakit nananampalataya ang mga tao sa Diyos, kung bakit gusto Niyang ibigay ang katotohanan sa mga tao, kung ano ang proseso ng pagtanggap ng mga tao sa pagliligtas ng Diyos, kung nasaan ang kahalagahan nito, at kung ano talaga ang ibig sabihin ng Diyos sa kaligtasan. Hindi nila nauunawaan ang alinman sa mga katotohanang ito. Kung may isang mapagpaimbabaw sa isang iglesia na hindi nagmamahal sa katotohanan subalit gusto ang pagiging huwad, talagang tunay na Pariseo siya. Binibigyang-pansin niya ang pag-uugali, mga pagpapakita, at mga pagtatasa ng mga tao sa kanyang puso, at gaano man karaming katotohanan ang naririnig niya, hindi niya ito kailanman isinasagawa. Tama ang lahat ng sinasabi niya, at nakakapagsalita siya ng bawat uri ng doktrina, subalit hindi niya isinasagawa ang ipinangangaral niya. Kung may sinumang tunay na nakasasabay sa kanya, pareho ba silang uri ng tao? (Oo, pareho sila.) Paano titingnan ng isang taong may normal na pag-iisip ang mga pagpapamalas na ito ng mapagpaimbabaw? Iisipin niyang, “Mali ang pamamaraan nila sa pagsasagawa, hindi ba? Bakit napakakakatwa nito? Kapag oras nang kumain, dapat lang silang kumain, kaya bakit nagpapaligoy-ligoy pa sila tungkol dito?” Sasabihin niyang kakatwa ang taong ito, na iba ang pagkakaunawa niya sa mga bagay-bagay kaysa sa iba, sa isang baluktot na paraan—at hindi siya maaapektuhan ng mga ito. Subalit kung ang isang tao ay parehong uri ng tao gaya ng mapagpaimbabaw na ito, at partikular na nagbibigay ng pansin sa panlabas na pag-uugali at mga opinyon ng mga tao, makikipagkumpara at makikipagkompetensiya siya sa kanila. Katulad lang ito ng kung paanong nagpadala ng mensahe si Xiaojia nang alas-tres nang umaga, at tumugon ang nakatanggap ng mensahe nang alas-kuwatro, iniisip na: “Nagpadala ka sa akin ng mensahe nang alas-tres ng umaga, kaya sasagot ako ng alas-kuwatro ng umaga,” at pagkatapos ay naisip ni Xiaojia na, “Sumagot ka sa akin ng alas-kuwatro ng umaga, kaya ipapadala ko ang sa akin nang alas-singko ng umaga.” Sa paglipas ng panahon, sa pakikipagkumpitensya nang ganito, unti-unting nagiging mapagpaimbabaw ang lahat. Kung ganitong uri ng tao ang isang lider ng iglesia, at walang pagkilatis ang mga kapatid, nasa panganib sila, maaari silang mailigaw anumang oras. Bakit Ko sinasabi ito? Madali para sa isang taong hindi nakakaunawa sa katotohanan na mailigaw at maimpluwensiyahan ng panlabas na mabuting pag-uugali ng iba. Dahil hindi niya alam kung ano ang tama, naniniwala siya sa kanilang mga kuru-kuro na mabuti ang gayong pag-uugali. Kung magagawa ng ibang tao ang gayong mga pag-uugali, magiging sentro ang taong iyon ng kanyang paghanga, at iisipin niyang dapat na ang taong iyon ay maging lider, magawang perpekto, at mahalin ng Diyos. Sasang-ayunan niya ang ganitong uri ng pag-uugali, at pagtitibayin ito sa kaibuturan ng kanyang puso. Ano ang mangyayari kung pagtitibayin niya ito? Susundan niya ang taong iyon. Kung pareho silang lider, makikipagkumpara at makikipagkompetensiya sila sa isa’t isa. Minsan, nagtipon online ang mga lider at manggagawa mula sa mga iglesia sa iba’t ibang bansa. Pagkatapos Kong mag-online at makinig saglit, naramdaman Kong may hindi tama. Naisip Ko, “Ano ang ginagawa ng mga taong ito rito? Nangangaral ba sila?” Matapos maunawaan ang sitwasyon, napagtanto Kong nagdarasal sila. Nagtaka Ako sa Aking sarili kung bakit ganoon sila magdasal. Nakakatakot itong pakinggan, ito ay parang inilalabas nila ang kanilang mga pangil at iwinawasiwas ang kanilang mga kuko. Hindi iyon mismo isang malaking bagay, kaya ano ang pangunahing problema? Parang nagdarasal sila nang nakabukas ang kanilang mga mata, hindi sa harap ng Diyos, at hindi sinasabi kung ano ang nasa kanilang puso. Sa halip, nakikipagkompetensiya sila para makita kung sino ang pinakamagaling magsalita, kung sino ang makapagsasalita ng mas maraming doktrina, at kung sino ang nagsalita nang pinakamalawak at pinakamalalim. Nagtunog ito na parang isang labanan sa isang arena, at tiyak na hindi parang isang panalangin sa Diyos. Hindi pa ba tapos ang mga taong ito? Hindi pa ba sila tinatanggal? Nang may mga taong tulad nito na nagsisilbing mga lider, gaano kalaking pagdurusa ang kinakailangang tiisin ng mga nasa ibaba nila? Hindi ba’t napipinsala ang mga taong nasa ibaba nila? Ang bawat tao ay masigasig na nagdarasal nang hindi bababa sa 20 minuto, at sa kabila ng mga itinakda ng Itaas na ang mga pagtitipon ay hindi dapat dominahin ng sinumang tao, at na ang mga tao ay maaari lang magbahagi sa loob ng 5 hanggang 10 minuto, walang pakundangan pa rin silang gumamit ng napakaraming oras sa pagdarasal. Kinalaunan, naunawaan Ko na sa wakas kung bakit napakaraming pagtitipon ang tumatagal mula umaga hanggang gabi: Ang mga lider kunong ito ay gumugugol ng mahabang oras para lang sa pagdarasal, isa pagkatapos ng iba, habang nagdurusa ang mga nasa ibaba nila. Ang mga huwad na lider na ito ay naroroon para makipagtagisan sa salita, para sumatsat nang sumatsat, na may ilang sobrang gulo na nalimutan na nila kung may nasabi na ba silang isang bagay. Para sa kanila, ayos lang ang lahat, hangga’t mas matagal silang nagsalita kaysa sa iba. Naguluhan Ako: Kapag nagdarasal ang isang tao, dapat ay nagdarasal siya sa Diyos nang nakapikit, kaya bakit nakadilat ang kanyang mga mata? Hindi ba talaga nagulo ang kanyang isipan na imulat ang kanyang mga mata at tingnan kung paano nagdarasal ang ibang tao? Lalo na at kinakailangang isipin ang tungkol sa kung paano nagdarasal ang iba at kung aling mga salita ang ginagamit nila, at ginugustong maging mas superyor sa kanila—na may pusong puno ng mga bagay na tulad nito, posible bang magdasal sa Diyos at magsalita nang mula sa puso? Hindi ba’t ito ay abnormal na katwiran? Hindi ba’t pagpapamalas ang lahat ng mga ito ng huwad na espirituwalidad ng mga huwad na lider at mga huwad na manggagawa? Isang mabuting bagay para sa lahat na sama-samang magtipon, at magbasa ng mga salita ng Diyos, at magbahaginan tungkol sa katotohanan, subalit may ilang tao na nag-ulat na: “O, wala kang ideya. Kapag nagtitipon at nagdarasal ang mga lider na iyon, para nilang inaawit ang mga kasulatan; paulit-ulit silang nagsasalita tungkol sa isang bagay, at pare-pareho ito sa tuwing nagtitipon kami. Pagod na akong marinig ito.” Paano pinaghuhusay ng mga pagtitipong tulad nito ang mga tao? Palagi itong ginagawa ng mga huwad na lider at manggagawa; kaya ba nilang umayon sa mga layunin ng Diyos? Hindi nila binibigyang-pansin ang pagbabahaginan tungkol sa katotohanan para tulungan ang mga taong maunawaan ito, o para lutasin ang mga problema sa pamamagitan ng pagbabahaginan tungkol sa katotohanan; sa halip, nakikibahagi sila sa huwad na espirituwalidad ng relihiyon. Hindi ba’t pagliligaw ito sa mga tao? Ano ang problema rito? Hindi talaga nila nauunawaan ang mga layunin ng Diyos, ni ang Kanyang mga hinihingi sa mga tao. Nakikisali lang sila sa mga relihiyosong ritwal at nagpapakitang-gilas! Ang mas masahol pa, ginagamit nila ang panalangin para ilantad, atakihin, at kondenahin ang iba, habang ang ilan ay ginagamit ang panalangin para bigyang-katwiran ang kanilang sarili. Tila para sa pandinig ng Diyos ang mga panalangin nila, subalit sa katunayan para sa tao ang mga ito. Samakatwid, ang mga taong ito ay walang kahit katiting na may-takot-sa-Diyos na puso, silang lahat ay mga hindi mananampalataya na nanggugulo sa gawain ng sambahayan ng Diyos. Ang mga huwad na lider na ito ay nagbubunyag ng napakaraming kapangitan sa kanilang mga panalangin. Ang ilan ay nagdarasal, nagsasabi ng mga bagay tulad ng: “O diyos, hindi ako naunawaan ng ilang tao. Hindi iyon ang ibig kong sabihin. Nagdarasal ako sa iyo, hindi ako nakararamdam ng negatibo, at puwedeng isipin ng ibang tao ang gusto nilang isipin.” May ilang nagsasalita ng mga doktrina, at ang iba ay nakikipagkompetensiya sa kung sino ang nakikinig sa mas maraming sermon, sino ang nakaaalala ng pinakamaraming titik ng himno o mga salita ng Diyos, kaninong dasal ang pinakamahaba, sino ang pinakamagaling magsalita, o sino ang may pinakamaraming iba’t ibang paraan ng pagdarasal, at gumagamit ng maraming iba’t ibang uri ng panalangin. Panalangin ba ito? (Hindi, hindi ito panalangin.) Ano ito? Ito ay walang prinsipyong paggawa ng kasamaan! Ito ay ang paglalaro at pagyurak sa katotohanan, paninirang-puri at paglapastangan sa Diyos! Nangangahas ang mga diyablo at hindi mananampalatayang ito na sabihin ang anuman sa pamamagitan ng panalangin—sabihin mo sa Akin, tunay ba silang mga mananampalataya? May kahit katiting ba silang kabanalan? (Wala, wala silang kabanalan.) Ang mga taong tulad nito ay nagiging negatibo kapag tinanggal ang kanilang katayuan bilang isang lider, hindi talaga sila nagninilay sa kanilang sarili, sa halip ay nagrereklamo kahit saan: “Labis akong nagdusa sa gawain ko para sa diyos, pero sinasabi pa rin nilang wala akong ginawang aktuwal na gawain at na isang akong huwad na lider, at pinalitan ako. Higit pa rito, gaano karaming tao ang makapagsasalita ng mga doktrina nang kasing-komprehensibo ko? Gaano karami ang kasing mapagmahal ko? Isinuko ko ang aking pamilya at propesyon, at ginugol ang araw-araw sa pagtitipon sa iglesia kasama ang aking mga kapatid, nagsasalita nang tatlo o limang araw sa isang pagkakataon. Paano nila ako pinalitan nang ganoon lang?” Hindi sila sumusunod at nagkikimkim sila ng mga reklamo. Mayroon ding mga nagpapalaganap ng panggigiit na: “Huwag kang maging lider sa sambahayan ng diyos. Kung napili ka bilang isang lider, nasa alanganin ka, at kapag napalitan ka na, hindi ka na man lang magkakaroon ng pagkakataong maging isang ordinaryong mananampalataya.” Ano ang mga salitang ito? Ang mga ito ang pinakawalang kwenta at pinakakakatwang mga salita, at masasabi rin na ang mga ito ay mga salita ng hindi pagsunod, kawalang-kasiyahan, at kalapastanganan laban sa Diyos. Hindi ba’t iyon ang kahulugan ng mga salitang iyon? (Oo, iyon nga.) Ano ang nakapaloob sa mga salitang iyon? Isang pag-atake—ang mga salitang iyon ay hindi isang ordinaryong panghuhusga! Hindi sinasabi ng mga taong ito na pinalitan sila dahil sa pag-aamok nila sa paggawa ng di-mabubuting bagay at pagkabigong gumawa ng anumang aktuwal na gawain, subalit nagrereklamo na hindi matuwid sa kanila ang Diyos, na hindi Niya isinasaalang-alang ang pagpapahalaga nila sa kanilang sarili sa Kanyang mga pagkilos, at na hindi Niya nauunawaan kung ano ang nararamdaman nila at ang kanilang emosyonal na pamumuhunan. Ang mentalidad nila ay tulad sa isang walang pananampalataya, sila ay ganap na walang mga katotohanang realidad!
Gaano katagal kayo karaniwang nagdarasal sa mga pagtitipon? Kumakain ba ito nang masyadong maraming oras ng lahat? Kailanman ba ay kinaiinisan ng mga tao ang inyong mga panalangin? May ilang tao na gumugugol nang maraming oras sa pagdarasal, at nagsasawa ang lahat sa pakikinig sa kanila, subalit iniisip pa rin ng mga taong ito na sila ang pinaka-espirituwal, at naniniwalang ito ang nakamit at natupad nila sa kanilang maraming taon ng pananampalataya sa Diyos. Hindi sila napapagod kahit pagkatapos magdasal nang ilang oras, kung kailan inuulit lang nila ang pare-parehong luma at walang katuturang bagay, sinasabi ang lahat ng mga salita at doktrinang iyon, at mga islogan na alam nila, o mga bagay na narinig nila sa iba, o mga bagay na gawa-gawa nila. Ginagawa nila ito sawa man o hindi ang lahat at gusto man ito ng lahat o hindi. Ganito ba kayo magdasal? Sabihin mo sa Akin, tama bang magdasal nang maikli, o mahaba? (Walang tama o mali.) Tama iyan. Hindi ka makakapagbigay ng hatol kung alin sa mga ito ang tama o mali, dapat ka lang magdasal sa Diyos nang naaayon sa mga pangangailangan ng iyong puso. Kung minsan ay hindi nangangailangan ng anumang seremonya ang panalangin, habang minsan ay nangangailangan ito; depende ito sa kapaligiran at kung ano ang nangyari. Kung sa tingin mo ay maaaring magtagal ang isang panalangin, magdasal ka sa Diyos nang pribado tungkol sa iyong mga personal na usapin. Huwag dasalin ang lahat ng iyon sa mga pagtitipon at kainin ang oras ng lahat. Tinatawag itong katwiran. Para sa kapakanan ng kanilang pagpapahalaga sa sarili at reputasyon, hindi ito pinapansin ng ilang tao. Iyon ay ang pagiging ignorante at kawalan ng katwiran. May kahihiyan ba ang mga taong walang katwiran? Ni hindi nila alam na tutol ang lahat na panoorin silang magdasal. Kaya ba ng mga taong wala ngang kahit katiting na pang-unawa o kamalayan na maarok ang katotohanan? Hindi nila kaya. Ang mga katotohanang prinsipyo na hinihingi ng Diyos na isagawa ng tao ay nasa Kanyang mga salita lahat, at lahat ng salitang ibinabahagi ng Diyos tungkol sa pagsasagawa ng katotohanan ay naglalaman ng at mga prinsipyo, kailangan lang na pag-isipang mabuti ng mga tao ang mga ito. Napakaraming prinsipyo sa mga salita ng Diyos tungkol sa pagsasagawa ng katotohanan; may mga prinsipyo at landas para sa kung paano magsasagawa ng lahat ng uri ng usapin, sitwasyon, at konteksto, ang pangunahing bagay ay kung mayroon o wala kang espirituwal na pang-unawa, at nagtataglay ng kakayahang makaarok. Kung ang isang tao ay may ganitong kakayahang makaarok, mauunawaan niya ang katotohanan. Subalit kung wala, ang maaarok lang niya ay ang mga regulasyon, gaano man kadetalye ang mga salita ng Diyos, at hindi ito pagkaunawa sa katotohanan. Ang Diyos, samakatwid, ay nagbibigay sa iyo ng isang prinsipyo para maiangkop mo ito sa iba’t ibang pangyayari. Sa pamamagitan ng pakikinig sa Kanyang mga salita at pagkakakilala sa Kanya, sa pamamagitan ng iba’t ibang karanasan at sa pamamagitan ng pagbabahaginan, gayundin ng kaliwanagan ng Banal na Espiritu, mauunawaan mo ang isang aspekto ng mga prinsipyo kung saan Siya nagsasalita, at ang Kanyang mga hinihinging pamantayan para sa isang uri ng usapin. Pagkatapos ay mauunawaan mo na ang aspektong iyon ng katotohanan. Kung kinailangan pang ipaliwanag ng Diyos ang lahat nang detalyado, at sabihin sa mga tao kung paano kumilos sa usaping ito o sa usaping iyon, mawawalan ng silbi ang mga prinsipyong binabanggit Niya. Kung ginamit ng Diyos ang pamamaraang ito, at sinabi sa sangkatauhan ang mga regulasyon para sa bawat isang bagay, ano sa huli ang mapapala ng mga tao? Ilang pagsasagawa at pag-uugali lang. Hindi nila kailanman mauunawaan ang mga layunin ng Diyos o ang Kanyang mga salita. Kung hindi mauunawaan ng mga tao ang mga salita ng Diyos, hindi nila kailanman magagawang maunawaan ang katotohanan. Hindi ba’t ganito ito? (Oo, ganito nga.) Kaya ba ninyong maunawaan ang katotohanan? Hindi ito kaya ng karamihan, at ang iilan lang na may espirituwal na pang-unawa at pagmamahal sa katotohanan ang talagang makakapagsakatuparan nito. Kaya, ano ang mga paunang kondisyon para sa mga may kakayahang magsakatuparan nito? Maisasakatuparan nila ito kung mayroon silang espirituwal na pang-unawa, may kakayahang makaarok, taos-pusong hinahangad, at minamahal ang katotohanan at mga positibong bagay. Pagdating sa mga natitirang hindi kayang magsakatuparan nito, sa isang banda, ito ay dahil sa mga problema sa kanilang kakayahan o pag-arok, at sa isa pa, isa itong isyu sa oras. Para itong mga taong nasa edad 20—kung hihingin mo sa kanilang isakatuparan kung ano ang kaya at dapat isakatuparan ng isang taong nasa edad 50, hindi ba’t pamimilit ito sa kanilang gumawa ng isang bagay na lampas sa kanilang mga kakayahan? (Oo, ganoon nga.) Ngayon isipin mo, saan nauugnay ang kakayahan ng isang taong maarok ang katotohanan? (Sa kanilang kakayahan.) Nauugnay ito sa kanilang kakayahan. Ano pa? (Kung hinahangad nila o hindi ang katotohanan.) May tiyak na kaugnayan ito sa kanilang hangarin. May ilang taong talagang sapat pagdating sa kanilang pagkaunawa, bilis ng pag-iisip, at IQ, at kayang unawain ang katotohanan, subalit hindi nila minamahal o hinahangad ang katotohanan. Wala silang anumang nararamdaman sa katotohanan sa kanilang puso, at wala silang ginagawang anumang pagsisikap sa bagay na ito. Para sa mga taong tulad nito, ang katotohanan ay palaging magiging isang bagay na malabo at hindi nakikilala, at gaano man karaming taon silang nananampalataya sa Diyos, magiging wala itong silbi.
Buweno, natapos Ko nang sabihin ang Aking mga kuwento. Makakatulong ba ang balangkas at nilalaman ng mga kuwentong ito para maunawaan ninyo ang ilang katotohanan? (Oo.) Bakit Ko sinasabi ang mga kuwentong ito? Kakailanganin bang ikuwento ang mga ito kung walang kinalaman ang mga ito sa mga kalagayan ng pamumuhay ng mga tao, sa mga disposisyong ibinubunyag nila, at sa kanilang mga iniisip sa totoong buhay? (Hindi.) Hindi ito kakailanganin. Ang mga bagay na pinag-usapan natin ay lahat mga karaniwang penomena at kalagayang madalas na ibinubunyag ng mga tao sa kanilang buhay, at nauugnay ang mga ito sa mga disposisyon, pananaw, at kaisipan ng tao. Kung, pagkatapos makinig sa mga kuwentong ito, iniisip ninyong mga kuwento lang ang mga ito, na medyo nakakatawa at medyo kawili-wili ang mga ito pero hanggang ganoon lang, at hindi ninyo nauunawaan ang mga katotohanan sa mga ito, magiging walang silbi ang mga ito sa inyo. Dapat ninyong maunawaan ang ilang katotohanan mula sa mga kuwentong ito—magkakaroon ito kahit papaano ng isang epektong nagtutuwid sa inyong pag-uugali, partikular sa inyong mga pananaw sa ilang mga bagay, at magbibigay sa inyo ng kakayahang talikuran ang inyong mga baluktot na kaparaanan ng pang-unawa, at magtataglay ng dalisay na pang-unawa ng mga ganitong uri ng mga bagay. Hindi lang ito para baguhin ang inyong pag-uugali, kundi para lutasin, mula sa ugat, ang mga kalagayang ito na nilikha ng mga tiwaling disposisyon. Nauunawaan ba ninyo? Ngayon, magbahaginan tayo tungkol sa pangunahing paksa.
Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.