Unang Ekskorsus: Kung Ano ang Katotohanan (Ikalimang Seksiyon)
Ano eksakto ang “kahihiyan”? Kailangan bang tiisin ng mga mananampalataya ang kahihiyan? Umiiral ba ang “kahihiyang” ito? (Hindi, hindi ito umiiral.) Hindi ito umiiral, kaya hindi ba nalutas ang isyung ito? Sa susunod na marinig mong sabihin ng isang tao na, “Ang unang bagay na dapat mong matutunan bilang isang mananampalataya ay ang magtiis. Anuman ang mangyari, dapat mong tiisin ito at pigilin ito sa loob.” Dapat bang may sabihin ka sa kanila kapag naririnig mo silang sinasabi ang mga salitang ito? (Oo.) Ano ang dapat mong sabihin? Sabihin mong: “Para saan ka nagtitiis? Kung tunay kang nagtitiis ng kawalang-dignidad, talagang kahabag-habag ka, at ipinakikita nitong hindi mo nauunawaan ang katotohanan. Kung naunawaan mo ang katotohanan, hindi iiral ang kawalang-dignidad na ito, at kusang-loob at masaya mong tatanggapin ang lahat ng sitwasyong pinamamatnugutan ng Diyos para sa iyo. Ito ang paghihirap na dapat pagdusahan ng mga tao, hindi ilang kawalang-dignidad. Ito ang pagtataas sa iyo ng Diyos. Ang katunayang maaari nating pagdusahan ang paghihirap na ito ay nagpapatunay na pinagkakalooban pa rin tayo ng Diyos ng pagkakataon at ginagawa tayong kayang mailigtas. Kung hindi man lang tayo nagkaroon ng pagkakataon na magdusa ng paghihirap o hindi karapat-dapat para dito, wala tayong pagkakataong maligtas. Hindi ito kawalang-dignidad; dapat maging malinaw ito sa iyo, at tingnan kung talagang tama ang sinasabi mo. Hindi umiiral ang kawalang-dignidad na ito—tayo ay mga tiwaling tao at karapat-dapat na magdusa ng paghihirap na ito. Kapag may sakit ka, ang pag-inom ng gamot at pagpapa-opera ay kinapapalooban ng pagdurusa ng kaunting paghihirap. Maituturing ba na kawalang-dignidad ang paghihirap na pinagdurusahan mo para gamutin ang iyong karamdaman? Hindi iyon kawalang-dignidad; ginagawa ito para pagalingin ka. Ang pananampalataya natin sa Diyos at ang karanasan natin sa paghatol at pagkastigo ay para maiwaksi natin ang ating mga tiwaling disposisyon, at isabuhay ang wangis ng tao, mamuhay nang naaayon sa mga hinihingi ng Diyos, magpasakop sa Diyos, sambahin ang Diyos, at para mabuhay nang mas maayos at mabuhay nang may higit na dignidad. Karapat-dapat tayong magdusa ng paghihirap na ito dahil sa ating mga tiwaling disposisyon. Ang pagdurusa ng paghihirap na ito ay para sa kapakanan ng pagkamit ng katotohanan at buhay. Hindi natin ito maaaring bigyang-kahulugan bilang kawalang-dignidad. Dapat nating tanggapin ito bilang ating responsabilidad at obligasyong tutuparin, at bilang ang landas na dapat nating tahakin. Ito ang pagtataas ng Diyos, at dapat nating purihin ang Diyos sa pagtataas sa atin, at purihin Siya para sa pagkakataong ipinagkakaloob Niya sa atin. Batay sa lahat ng ating nagawa at kung paano tayo kumilos, hindi tayo karapat-dapat na magdusa ng paghihirap na ito, at dapat tayong mawasak tulad ng mga tao sa mundo. Kung tinatrato natin ang paghihirap na dapat nating pagdusahan at ang lahat ng biyayang ito na ipinagkaloob sa atin ng Diyos bilang kawalang-dignidad, seryoso na wala tayong konsensiya at sinasaktan natin ang puso ng Diyos! Hindi tayo karapat-dapat sa pagliligtas ng Diyos.” Hindi ba’t ito ang kaso? (Oo.) Ang kaunting doktrinang ito ay napakasimple. Hindi ba’t dapat magawa itong maunawaan ng isang tao kahit hindi ito sabihin? Sa pagiging naliwanagan sa ganitong paraan at sa pag-unawa sa mga bagay na ito, magiging mas panatag ang puso ng mga tao, at hindi sila kikilos nang hindi makatwiran kapag nangyayari sa kanila ang mga bagay-bagay. Alam ng ilang tao nang malinaw sa puso nila na ito ang katotohanan at na dapat nilang tanggapin ito, subalit kapag nagsasalita sila, sinasabi pa rin nilang talagang hindi ito makatarungan, nagsasalita nang nagsasalita hanggang sa lumabas ang mga salita ng paghatol laban sa Diyos. Huwag kang gumawa ng ganitong mga bagay. Sa tuwing may nangyayari sa iyo, hanapin mo ang katotohanan. Ito ang unang mahalagang bagay; huwag mo ito kailanman kaliligtaan. Kung kinikilala mo na ang Diyos ang katotohanan, ang daan, at ang buhay, hindi mo dapat tratuhin ang anumang sitwasyon na idinudulot ng Diyos bilang gawain ng tao. Sa halip, dapat mong tratuhin ang bawat sitwasyong idinudulot ng Diyos bilang isang pagkakataon para baguhin ang iyong disposisyon at isang pagkakataon para tanggapin ang katotohanan.
Natapos Ko nang magbahagi tungkol sa kahulugan ng “kahihiyan.” Sunod, magbabahagi Ako tungkol sa susunod na bahagi, na kung ano ang ibig sabihin ng “magdala ng mabigat na pasanin.” Ngayon-ngayon lang ay pinag-usapan natin ang tungkol sa kung paanong ang mabigat na pasanin na dinadala ng mga tao ay isang pagnanais at isang ambisyon sa kaibuturan ng kanilang puso, isang layon na inaasahan nilang makamit. Pagdating sa mga mananampalataya ng Diyos na iniligtas ng Diyos at tumatanggap sa pamumuno ng Diyos, kailangan ba nilang tiisin ang kahihiyan at pasanin ang mabigat na pasanin? Ngayon-ngayon lang, sinabi Ko na ang pariralang “pagtitiis ng kahihiyan” ay hindi makatwiran sa sambahayan ng Diyos. Hindi mo kailangang magtiis ng kahihiyan; hindi mo kailangang maramdaman na nagdadala ka ng labis-labis na paghihirap; hindi kailangang maramdaman ng puso mo na hindi ka patas na tinatrato; at hindi mo kailangang tiisin ang lahat ng kawalang-dignidad na ito para mapalugod ang Diyos, na para bang napakarangal mo. Hindi mo kailangang gawin ang mga bagay na ito. Kaya ano ang ibig sabihin ng pagdadala ng isang mabigat na pasanin? Kung sasabihin ng isang tao na pinagdurusa ng Diyos ang mga tao ng lahat ng paghihirap na ito para magawa nilang maisakatuparan ang mas malalaking responsabilidad at mga misyon, at makatanggap ng mas malalaking pagpapala at ng isang mas magandang destinasyon, magiging tama at makatwiran ba ang pahayag na iyon? (Hindi, hindi ito tama.) Hindi ito tama. Kung gayon, paano natin ito dapat tukuyin? Pinahihintulutan ng Diyos ang mga tao na maligtas at magkamit ng pagkatakot sa Diyos at pag-iwas sa kasamaan, at idinudulot na mabuhay sila nang mas mabuti. Ginagawa ba ito ng Diyos para sa kapakanan ng mga tao o para sa sarili Niyang kapakanan, sa eksakto? (Para sa kapakanan ng mga tao.) Siyempre para ito sa kapakanan ng mga tao. Ang mga tao ang pinakamalaking benepisyaryo. Kaya nga sinasabi Ko na wala itong kinalaman sa kung ano ang nakukuha ng Diyos dito, lalong hindi kung gaano kalaki ang mga pagpapala na maaaring matanggap ng mga tao sa pagdurusa ng paghihirap na ito. Hindi mo kailangang magtiis, at hindi mo kailangang magkaroon ng ganitong mga uri ng “mga dakilang adhikain,” ni hindi mo kailangang talikuran ang mga bagay sa ganitong paraan. Ang totoo, wala kang tinalikurang anuman, ni wala kang itinapong anuman. Sa kabaligtaran, ang mga tao ang nakakuha sa huli ng pinakamarami. Sa isang banda, naunawaan ng mga tao ang lahat ng iba’t ibang pamantayan sa kanilang pag-asal. Dagdag pa rito, nakasusunod ang mga tao sa buong kaayusang ito at sa lahat ng kautusang ito na itinakda ng Diyos, at nakapamumuhay sa maayos na paraan. Paano maikukumpara ang paraan ng pamumuhay na ito sa paraan ng pamumuhay ng mga tao sa kasalukuyan? (Mas mabuti ito.) Mas mabuti ito kaysa sa kung paano namumuhay ang mga tao sa kasalukuyan. Kung gayon, sa dalawang paraan ng pamumuhay na ito, alin ang higit na pinagpala, ang mas katulad nang sa isang tunay na nilikha, at higit pa, ang buhay na dapat taglayin ng sangkatauhan? (Ang nauna.) Siyempre ito ay ang nauna. Pagkatapos pagdusahan ang paghihirap na ito, nauunawaan mo ang mga layunin ng Diyos, at kasabay nito ay nauunawaan mo ang maraming katotohanan, at taglay ang pagkaunawa sa katotohanan bilang pundasyon, natututunan mo kung paano mismo umasal, at may katotohanan na kumikilos bilang buhay sa loob ng iyong pagkatao. Binibigyan ka ba nito ng kahalagahan? Walang anumang katotohanan sa simula ang mga tao. Sila ay mga walang kuwentang sawing-palad lang na mas mababa pa kaysa sa mga langgam at hindi karapat-dapat mabuhay, subalit ngayon ay nauunawaan mo na ang katotohanan, at nagsasalita at kumikilos ayon sa katotohanan. Anuman ang ipinagagawa sa iyo ng Diyos, nagagawa mong makinig, at isakatuparan ito nang tumpak, at anuman ang mga pagsasaayos na ginagawa ng Diyos para sa iyo, nagagawa mong magpasakop sa mga ito. Kaya, huhusgahan mo pa rin ba ang Diyos? Sasadyain mo pa rin bang maghimagsik laban sa Kanya? Kung susulsulan ka ng isang tao na maghimagsik laban sa Diyos, gagawin mo ba ito? (Hindi.) Kung may isang tao na gagawa ng mga kasinungalingan tungkol sa Diyos para ilihis ka, paniniwalaan mo ba ito? (Hindi.) Hindi, hindi ka maniniwala. Kaya hindi ka maghihimagsik laban sa Diyos, sa subhetibo o obhetibong paraan man. Ang ganitong mga tao ay ganap na namumuhay sa ilalim ng kapamahalaan ng Diyos. Kung gayon, kailangan pa ba ng mga taong tulad nito na tiisin ang pasakit ng mga tao sa kasalukuyan? May pagkamuhi pa rin ba at pasakit sa puso nila? May malulungkot at masasakit na bagay ba sa puso nila? (Wala.) Wala roon ang pasakit na ito. Sa lahat ng ginagawa nila, ang mga taong tulad nito ay maprinsipyo at makilatis. Gayundin, kapag nangyayari ang mga bagay-bagay, ang Diyos ang may kataas-taasang awtoridad, at hindi ka maaaring saktan ni Satanas; nabubuhay ka bilang isang tunay na tao. Lilipulin ba ng Diyos ang mga taong tulad nito? Lilipulin ba ng mga taong tulad nito ang sarili nila? (Hindi.) Hindi, hindi nila gagawin. Ganap na ibang uri sila ng mga tao kumpara sa mga tiwaling tao sa kasalukuyan. Ang puso ng mga tao sa kasalukuyan ay puno ng pagkamuhi at pasakit. May kakayahan silang magpakamatay sa anumang oras o lugar, makipag-away at pumatay ng mga tao sa anumang oras o lugar, at gumawa ng masasamang bagay sa anumang oras o lugar, na nagdadala ng sakuna sa mundo ng mga tao. Samantala, ang mga tao na iniligtas ng Diyos at na nagkamit ng katotohanan bilang buhay ay kayang magkakasamang mabuhay nang mapayapa nang walang labanan o pagkamuhi. Nagagawa nilang magpasakop sa mga pagsasaayos ng Diyos, at nagpapasakop nang may nagkakaisang puso at pagsisikap sa bawat salitang sinasabi ng Diyos. Ang mga taong ito ay nabubuhay lahat sa salita ng Diyos, at nagsisikap sa parehong direksiyon. Para sa kapakanang maisakatuparan ang kalooban ng Diyos—na nauunawaan mo ang katotohanan, nauunawaan niya ang katotohanan, at nauunawaan nila ang katotohanan—maaari pa rin ba silang magkaroon ng magkakaibang pananaw kapag magkakasama sila? (Hindi.) Sa ganitong paraan, makararating sila sa punto kung saan ang lahat ay nabubuhay sa presensiya ng Diyos, namumuhay sa Kanyang salita, namumuhay ayon sa katotohanan, at kung saan ang puso ng mga tao ay magkakaayon. Sa ganitong paraan, maaari pa rin bang magkaroon ng patayan at labanan sa pagitan ng mga tao? (Hindi na.) Hindi na. Kailangan pa ba ng mga taong magtiis ng pasakit? Walang pasakit. Ang mga taong tulad nito ay namumuhay ng pinagpalang buhay na walang labanan o patayan. Kung gayon, paano dapat pangasiwaan ng mga tao ang lahat ng bagay na ipinagkatiwala sa kanila ng Diyos? (Dapat magkakasama silang mabuhay nang mapayapa.) Bahagi nito ay na dapat magkakasama silang mabuhay nang mapayapa. Ang isa pang bahagi ay na dapat nilang pangasiwaan ang bawat bagay alinsunod sa kaayusan at mga kautusang itinakda ng Diyos. Na ibig sabihin ay na ang buong kaayusang ito at lahat ng kautusang ito at mga nabubuhay na bagay ay pag-aari ng sangkatauhan, ay ginagamit ng sangkatauhan, at lumilikha ng mga benepisyo para sa sangkatauhan. Napakaganda ng ganitong uri ng sangkatauhan! Sa panahong iyon, ang kapaligirang pinamumuhayan ng sangkatauhan ay ibinigay sa mga tao para pangasiwaan. Nagtatakda ang Diyos ng kaayusan at mga kautusan para sa mundong ito para sa kapakanan ng mga tao, at pagkatapos ay hindi makikialam ang Diyos dito. Kung isang araw ay makakita ka ng isang lobo na kumakain ng kuneho, ano ang gagawin mo? Dapat hayaan mong kainin ito ng lobo. Hindi mo mapipigilan ang isang lobo na kumain ng mga kuneho at pakainin ito ng damo. Anong pagkakamali ang magagawa mo? (Paglabag sa natural na kaayusan ng mga bagay-bagay.) Lalabag ka sa natural na kaayusan ng mga bagay-bagay. Kumakain ng damo ang mga kuneho at kumakain ng karne ang mga lobo, kaya’t dapat mong igalang ang likas na katangian ng mga ito at hayaan ang mga itong malayang umunlad. Hindi kinakailangang panghimasukan ang mga gawain at pamumuhay ng mga ito sa isang artipisyal at karagdagang paraan. Hindi mo kailangang pangasiwaan ang mga bagay na ito; itinakda na ng Diyos ang mga bagay na ito sa paraang nararapat. Kung may ilang lugar na nakatatanggap ng maraming ulan at hindi angkop ang klima, dapat mag-migrate ang mga hayop. Sinasabi mong, “Kailangan nating ayusin ang lugar na ito. Paanong palaging umuulan nang marami rito? Malamang na sobrang nakapapagod para sa mga hayop ang palaging mag-migrate!” Hindi ba’t kahangalan muli ito? (Oo.) Paano ito naging kahangalan? Hindi ba’t itinakda ng Diyos ang klimang ito? (Oo.) Ang Diyos ang nagtakda ng klimang ito at hinayaan Niya ang mga hayop na ito na manirahan sa lugar na ito. Hindi ba’t itinakda ng Diyos ang pag-migrate ng mga ito? (Oo.) Kung gayon, bakit mo gustong humadlang? Bakit bulag mong isinasakatuparan ang mabubuting layunin? Ano ang mabuti sa pag-migrate? Kapag ang isang malaking grupo ng mga hayop ay nanatili sa isang lugar sa loob ng kalahating taon, nakakain ang lahat ng damo. Kung hindi umulan at ayaw umalis ng mga ito, ano ang mangyayari? Kakailanganing umulan sa lahat ng oras. Kapag basa ang lupa, hindi sila makapananatili roon at mabababad ang damo sa tubig-ulan, kaya dapat umalis ang mga ito. Ang pag-migrate na ito ay nagpapalakas sa katawan ng mga ito at nagbibigay ng pagkakataon sa mga damo para tumubo. Kapag nakain na ng mga ito ang karamihan ng damo sa ibang lugar, magiging oras na ito para mag-niyebe roon at muling mapapalayas ang mga ito, wika nga, at dapat mabilis na mag-migrate. Muling bumabalik ang mga ito sa orihinal na lugar ng mga ito. Hindi umuulan, tumubo na ang damo, at maaari na itong muling kainin ng mga ito. Sa ganitong paraan, patuloy na napananatili ng ecosystem na ito ang balanse sa natural na paraan. Sinasabi ng ilang tao na, “Ang mga wildebeest ay palaging kinakain ng mga leon—mga kaawa-awang nilalang ang mga iyon! Hindi ba natin kayang gawing mas matalino ang mga wildebeest?” Bakit bulag mong isinasakatuparan ang mabubuting layunin? Sinusubukan mo bang ipakita na mabait ka? Sumusobra ang iyong kabutihan. Kung tuso ang mga wildebeest, magugutom ang mga leon. Maaatim mo bang makitang nagugutom ang mga leon? May ibang tao na nagsasabing, “Masama ang mga leon. Kinakagat ng mga ito ang mga usa at zebra. Napakamadugo at malupit nito!” Kung nilipol mo ang mga leon, magkakaroon ng masyadong maraming zebra at usa. Ano ang magiging huling resulta? Makakain ang lahat ng damo, at magiging disyerto ang mga damuhan. Matatanggap mo ba iyon? Isasakatuparan mo pa rin ba ang mabubuting layuning ito? Kaya, ano ang dapat mong gawin? Hayaan mong umunlad ang mga ito nang malaya. Ganito ito sa mga hayop. Itinakda ng Diyos ang buong kaayusang ito noong unang panahon, at dapat mong tanggapin ito sa gusto mo man o hindi; dapat magpatuloy ang lahat ayon sa itinakda. Kung sasalungat ka sa natural na kaayusan, hindi mapananatili ang buhay. Kapag naunawaan mo na ang lahat ng kautusang ito, igagalang mo ang mga kautusan, at titingnan mo ang mga bagay na ito ayon sa mga kautusan. Pagkatapos ay makikita mo ang karunungan ng kataas-taasang kapangyarihan ng Diyos sa lahat ng bagay. Bukod pa rito, ang lahat ng mga kautusang ito ay likas sa buhay. Paano ito nangyari? (Itinadhana ito ng Diyos.) Itinadhana ito ng Diyos. Ganito ito isinaayos ng Diyos. Ang mga tao ay nagsasaliksik ng siyensiya, nagsasaliksik ng biyolohiya, nagsasaliksik ng lahat ng uri ng mga larangan ng pag-aaral. Nagsagawa sila ng napakaraming taon ng pananaliksik, subalit nauunawaan lang ang simpleng doktrina at kaayusan; walang nakakikita sa kataas-taasang kapangyarihan o karunungan ng Diyos sa doktrina at penomenang ito. Bakit naging sobrang masalimuot at kamangha-mangha ang buong ecosystem at food chain na ito? Nililinaw lang ng mga tao ang isang penomena o nagpapahayag ng isang katunayan sa mga tao sa mundong ito, subalit walang sinuman ang makapagbubuod o makakikita nang malinaw na ang lahat ng ito ay nagmula sa Diyos—hindi ito nangyari sa sarili nito. Kung sasang-ayunan natin ang kasabihan na nangyayari ito sa sarili nito, bakit wala kailanmang nakakita sa isang unggoy na naging tao sa lahat ng taong ito? Ang lahat ng kautusang ito ay itinakda ng Diyos. May kinalaman ba ang mga ito sa mga unggoy na nagiging tao? (Wala.) Walang gayong bagay. Itinakda ng Diyos ang lahat ng kautusang ito at ang buong kaayusang ito. Kung sapat na mapalad ang mga tao para manatili, sa panahong iyon ay hindi lang nila igagalang, pananatilihin at pangangasiwaan ang buong kaayusan na ito at ang lahat ng mga kautusang ito, higit sa lahat, sila rin ang magiging pinakamalaking benepisyaryo ng buong kaayusang ito at ng lahat ng kautusang ito. Inihanda ng Diyos ang lahat ng ito para sa sangkatauhan, at itinakda ito para sa mga tao—handa na ang lahat ng bagay para tamasahin ng mga tao. Sa lahat ng bagay, ang mga nilikha na mga tao ang pinaka-pinagpala. Ang mga tao ay may lengguwahe, pag-iisip, kayang marinig ang tinig ng Diyos, kayang maunawaan ang mga salita ng Diyos, may lengguwaheng ginagamit para makausap ang Diyos, at ang pinakadalubhasa sa pag-unawa sa mga salita ng Diyos. Ang pinakamalaking pagpapala sa kanila ay na pinagkalooban sila ng Diyos ng pinakamalaking kapital na magagamit nila para magtamo ng kaligtasan at makaharap sa Kanya. Sa huli, ang lahat ng ginawa ng Diyos, at ang buong kaayusang ito at ang lahat ng kautusang itinakda ng Diyos ay mangangailangan ng mga tao para mangasiwa, at mangangailangan ng mga tao para mapanatili. Iyong mga taong nagsasaliksik at naninira lang, nakapipinsala, at binabaliko ang buong kaayusang ito at lahat ng kautusang ito ay dapat na lipulin. Nagdusa ang mga tao ng labis na paghihirap. Umiiral ba talaga ang magandang destinasyon na pinaniniwalaan ng mga tao sa puso nila, at na hinahangad at inaasam nila? Hindi talaga ito umiiral. Isa lang itong pagnanais at ambisyon ng mga tao, at naiiba ito sa gustong ipagkaloob ng Diyos sa mga tao. Dalawang magkahiwalay na bagay ang mga ito at walang kinalaman ang mga ito sa isa’t isa. Kaya’t ang bahaging “pagdadala ng mabigat na pasanin” sa pagtitiis ng kahihiyan at pagdadala ng mabigat na pasanin ay hindi umiiral sa mga tao. Ano ang ibig Kong sabihin na hindi ito umiiral? Na ang magandang destinasyon na pinaniniwalaan mo at ang mga bagay na gusto mong matupad sa mga ambisyon at pagnanais sa kaibuturan ng iyong puso, ay hindi talaga umiiral. Gaano man katinding paghihirap ang pinagdurusahan mo o gaano katinding kawalang-dignidad ang tinitiis mo, sa huli ang destinasyong inaasam-asam mo, ang mga bagay na ninanais mong makamit, ang taong ninanais mong maging, at ang antas kung saan mo gustong mabiyayaan ay hindi makatwiran. Hindi iyon ang mga bagay na gustong ipagkaloob sa iyo ng Diyos. Anong iba pang problema ang mayroon dito? Ang pagtitiis ng kahihiyan at pagdadala ng mabigat na pasanin ay kapag itinatago ng mga tao ang tunay na kakayahan nila sa pamamagitan ng pagtitiis ng kawalang-dignidad, pagkatapos ay magdurusa ng kawalang-dignidad para makamit ang mga layon nila. Ano ang mga layong ito? Ito ang mga mithiin at maging mga pagnanais sa kaibuturan ng puso ng mga tao. Kaya kapag nagdurusa ang mga mananampalataya ng paghihirap ito ba ay para matugunan ang isang pagnanais? (Hindi.) Kung gayon, para saan ito? Kapag nagdurusa ng paghihirap ang mga mananampalataya, ang layunin ba na gusto nilang hangarin at kamtin ay positibo o negatibo? (Positibo.) Konektado ba ito sa pagnanais? (Hindi.) Kung gayon, ano ang positibong layong ito? (Para iwaksi ang tiwaling disposisyon nila, maging isang tunay na tao, at magawang mabuhay nang mas mabuti.) Para iwaksi ang tiwaling disposisyon nila, maging isang tunay na tao, at mabuhay nang mas mabuti. Ano pa? Para maging isang taong ligtas, at para hindi na muling maghimagsik laban sa Diyos. Gusto ninyo bang maging katulad nina Job at Pedro? (Oo.) Kung gayon, hindi ba’t ito ay isang layon? (Oo.) Konektado ba ang layong ito sa pagnanais? (Hindi.) Ang layong ito ay isang nararapat na paghahangad, at ang layon at landas na ipinagkaloob ng Diyos sa mga tao. Ito ay nararapat. Kaya sinasabi Ko na ang paghihirap na pinagdurusahan mo dahil sa nararapat na layong ito ng paghahangad ay hindi pagtitiis ng kahihiyan. Sa halip, ito ang dapat na hangarin ng mga tao, at ito ang landas na dapat tahakin ng mga tao. Kaya bang tahakin ng mga taong iyon na nag-iisip nang malalim sa puso nila na sila ay taong nagtitiis ng kahihiyan ang landas na ito? Hindi nila kaya, at hindi rin nila kayang makamit ang layong ito.
Kung titingnan ito ngayon, katotohanan ba ang pariralang “pagtitiis ng kahihiyan at pagdadala ng mabigat na pasanin”? (Hindi.) Hindi ito ang katotohanan, at hindi ito ang pamantayan para sa kung paano dapat kumilos ang mga tao, umasal, o sumamba sa Diyos. Kailangan ba ng mga tao na tiisin ang kahihiyan at dalhin ang mabigat na pasanin para maligtas ng Diyos? (Hindi.) Tama ba o maling sabihin na nakamit ng isang tao ang kaligtasan sa pamamagitan ng pagtitiis ng kahihiyan at pagdadala ng mabigat na pasanin? (Mali.) Paano ito naging mali? Ang pagtitiis ng kahihiyan at pagdadala ng mabigat na pasanin ay hindi pagsasagawa ng katotohanan, kaya paano niya makakamit ang kaligtasan? Katulad ito ng pagsasabi na pumatay ng mga tao ang isang tao, nanunog ng mga bagay at gumawa ng maraming masamang bagay, at sa kalaunan ay naging isang “lider na minahal ng mga tao.” Hindi ba’t katulad ito ng pagsasabi nito? (Oo.) Ito ang ibig sabihin nito. Malinaw na nasa landas siya ng kabuktutan, subalit naging isang positibong tao siya. Isa itong kontradiksiyon. Kung sasabihin ng isang tao na ang isang tao ay nagtiis ng kahihiyan at nagdala ng mabigat na pasanin, at sa kalaunan ay nagkamit ng pagiging kaayon ng Diyos, o ang isang tao ay nagtiis ng kahihiyan at nagdala ng mabigat na pasanin, at sa kalaunan ay nanatiling matatag sa panahon ng mga pagsubok, o na ang isang tao ay nagtiis ng kahihiyan at nagdala ng mabigat na pasanin, at sa kalaunan ay nakompleto ang atas ng Diyos—alin sa mga pahayag na ito ang tama? (Wala sa mga ito ang tama.) Wala sa mga ito ang tama. Tama bang sabihin na may isang tao na nagtiis ng kahihiyan at nagdala ng mabigat na pasanin habang nagpapalaganap ng ebanghelyo sa buong kanayunan? (Hindi.) Nakikita Kong hindi sigurado ang ilang tao, iniisip na, “Tama ba ito? Sa tingin ko, tama ang pahayag na iyon, hindi ba? Maraming pagkakataon na kailangang magtiis ng kahihiyan at magdala ng mabigat na pasanin ang mga tao habang nagpapalaganap ng ebanghelyo at nagpapatotoo sa Diyos.” Ang paggamit sa pariralang ito sa kontekstong ito ay tama, hindi ba? (Hindi, hindi ito tama.) Bakit hindi? Sabihin mo sa Akin. (Dahil ang epekto na nakamit sa pamamagitan ng pagtitiis ng kahihiyan at pagdadala ng mabigat na pasanin ay hindi positibo.) Ito ba ang tamang paglalapat? Suriin mo kung paanong mali ang pariralang ito. Himayin mo ito. “Sa pagtitiis ng kahihiyan at pagdadala ng mabigat na pasanin habang nagbabahagi ng ebanghelyo, napagbalik-loob nila ang maraming tao, labis na nagbunga, at naipalaganap ang pangalan ng Diyos.” Hindi mo ba alam kung tama ang pahayag na ito? Kung ilalapat natin ito alinsunod sa bawat pahayag na pinagbahaginan natin ngayon, hindi tamang gamitin ang pariralang ito sa sitwasyong ito, subalit kung iisipin natin nang mas malalim ang tungkol sa kung paanong kapag nagpapalaganap ng ebanghelyo ang ilang tao ay sinasaktan o sinisigawan sila ng mga potensiyal na tatanggap ng ebanghelyo at itinataboy sa mga pintuan ng mga ito, maituturing ba ito bilang pagtitiis ng kahihiyan? (Hindi.) Kung gayon, ano ito? (Paghihirap na dapat pagdusahan ng mga mananampalataya habang nagpapalaganap ng ebanghelyo.) Tama iyon. Ito ay paghihirap na dapat pagdusahan ng mga tao. Ito ang kanilang responsabilidad, kanilang obligasyon, at ang atas na ipinagkaloob ng Diyos sa mga tao. Katulad ito ng kung gaano kasakit ang panganganak—hindi ba’t paghihirap ito na dapat pagdusahan? (Oo.) Kung sasabihin ng isang babae sa kanyang anak na, “Nagtiis ako ng kahihiyan at nagdala ng mabigat na pasanin para isilang ka sa mundo,” tamang bagay ba na sabihin iyon? (Hindi.) Nagdusa siya ng paghihirap, kaya bakit maling sabihin ito? Dahil paghihirap ito na dapat niyang pagdusahan. Halimbawa, kung naghanap ang isang lobo nang maraming oras bago nakahuli ng isang kuneho, at sinabing, “Nagtiis ako ng kahihiyan at nagdala ng mabigat na pasanin para makakain ng isang kuneho,” tama ba iyon? (Hindi.) Para makakain ng kuneho, dapat magsakripisyo ang lobo ng isang bagay bilang kapalit. Hindi lang uupo roon ang kuneho at hihintayin itong kainin ng lobo. Anong gampanin ang ganoon kadali? Anuman ang gampanin, kailangan ng isang tao na palaging magsakripisyo ng isang partikular na bagay. Hindi ito pagtitiis ng kahihiyan at pagdadala ng mabigat na pasanin. Sa ngayon, ano ang lubos nating ikinategorya sa pariralang “pagtitiis ng kahihiyan at pagdadala ng mabigat na pasanin”? (Negatibo.) Ikinategorya natin ito bilang isang negatibo at nakasisirang parirala, at ikinategorya ito bilang lohika ni Satanas at pilosopiya ni Satanas para sa mga makamundong pakikitungo. Wala itong kinalaman sa pananalig sa Diyos o sa mga positibong bagay. Kung sasabihin ng isang tao na, “Ipinalaganap ko na ang ebanghelyo sa loob ng maraming taon. Talagang tiniis ko ang kahihiyan at dinala ang mabigat na pasanin!” hindi ito angkop. Ang pagpapalaganap ng ebanghelyo ay iyong responsabilidad, at paghihirap na dapat mong pagdusahan. Kahit na hindi mo ipalaganap ang ebanghelyo, hindi ka ba magdurusa ng paghihirap sa pamamagitan lang ng pamumuhay? Ito ay paghihirap na dapat pagdusahan ng mga tao; ito ay nararapat. Ang pariralang “pagtitiis ng kahihiyan at pagdadala ng mabigat na pasanin” ay halos inalis na sa sambahayan ng Diyos. Kung may magbanggit muli ng pariralang ito, paano mo ito bibigyang-kahulugan? Kung may magsasabing, “Nagtiis ako ng kahihiyan at nagdala ako ng mabigat na pasanin sa bilangguan para hindi ako maging isang Hudas!” tama ba ang pahayag na ito? (Hindi.) Bakit hindi? Ang “para hindi maging Hudas” ay isang napakamakatarungang layon at makatarungang bagay na sabihin, kaya’t paanong hindi ito pagtitiis ng kahihiyan at pagdadala ng mabigat na pasanin? (Ang isang mananampalataya ay hindi dapat maging isang Hudas.) Tama iyon. Paano naging makatwiran para sa isang mananampalataya na maging isang Hudas? Hindi ba’t katawa-tawang sabihin na ang hindi pagiging Hudas ay pagtitiis ng kahihiyan at pagdadala ng mabigat na pasanin? Ang pagpapatotoo sa Diyos ay ang iyong misyon. Ito ang patotoo kung saan dapat manindigan ang mga nilikha, at ang paninindigan kung saan dapat silang maging matatag. Hindi karapat-dapat sa papuri ng tao si Satanas. Ang Diyos ang Siyang dapat sambahin ng mga tao, at ganap na natural at makatwiran na sambahin ang Diyos. Kapag sinusubukan kang pasunurin ni Satanas sa kalooban nito, dapat kang manindigan sa iyong patotoo para sa Diyos, talikuran ang iyong buhay, at hindi maging isang Hudas. Hindi ito katumbas ng pagtitiis ng kahihiyan at pagdadala ng mabigat na pasanin. Naipaliwanag Ko na nang malinaw ang pariralang ito ngayon. Kung may magsasabing muli kung paano nila tiniis ang kahihiyan at dinala ang isang mabigat na pasanin, paano ninyo haharapin ang usaping ito? Mauunawaan nila kapag hinayaan mo silang makinig sa sermong ipinangaral Ko ngayon. Iyon ang pinakamadaling paraan.
C. Kagustuhang Huwag Sumuko sa Paglaban
Ang ikatlong pagpapamalas ng pagtulog sa mga sanga at pagdila sa apdo ay isang kagustuhang huwag sumuko sa paglaban. Anong uri ng disposisyon ang hindi pagsuko? Isang mapagmataas na disposisyon. Paanong hindi kailanman mabibigo ang mga tao? Paanong hindi kailanman makakagawa ng anumang mali, hindi kailanman makakapagsabi ng anumang mali, o hindi kailanman makakagawa ng anumang pagkakamali ang mga tao? Dapat mong aminin, “Isa akong karaniwang tao, at isa akong normal na tao. May mga kapintasan at pagkukulang ako. May mga pagkakataong mali ang nagagawa ko at mga pagkakataong mali ang nasasabi ko. Kaya kong gumawa ng maling bagay at sumunod sa maling landas. Isa akong karaniwang tao.” Kaya ano ang ibig sabihin ng hindi pagsuko? Ito ay kapag ang isang tao ay nabigo, nakatagpo ng mga hadlang, o naligaw sa maling landas, pero hindi nito inaamin. Pilit lang siyang nagpapatuloy. Nabibigo siya pero hindi pinanghihinaan ng loob, nabibigo pero hindi tinatanggap ang kanyang mga pagkakamali. Gaano man karaming tao ang nangangaral o kumukondena sa kanya, hindi siya umuurong. Iginigiit niya ang paglaban, pagtatrabaho at pagpapatuloy sa kanyang direksyon at patungo sa kanyang sariling mga layon, at hindi niya iniisip ang kapalit. Ito ang uri ng mentalidad na tinutukoy nito. Hindi ba’t lubos na mabuti ang mentalidad na ito sa paghimok sa mga tao? Sa mga anong sitwasyon karaniwang ginagamit ang “Huwag sumuko”? Sa bawat uri ng sitwasyon. Saanman umiiral ang mga tiwaling tao, umiiral ang pariralang ito; umiiral ang kaisipang ito. Kaya para saan naisip ng mga taong kauri ni Satanas ang kasabihang ito? Upang hindi kailanman maunawaan ng mga tao ang kanilang sarili, hindi makilala ang kanilang sariling mga pagkakamali, at hindi matanggap ang kanilang sariling mga pagkakamali. Upang hindi lamang makita ng mga tao ang marupok, mahina at walang kakayahang bahagi ng kanilang sarili, kundi sa halip ay makita ang bahagi ng kanilang sarili na may kakayahan, at ang bahagi ng kanilang sarili na makapangyarihan at buo ang loob, hindi maliitin ang kanilang sarili, kundi isipin na sila ay may kakayahan. Hangga’t iniisip mong kaya mo, kaya mo; hangga’t iniisip mong kaya mong maging matagumpay, hindi mabibigo, at kayang maging pinakamahusay, mangyayari ito sa iyo. Hangga’t mayroon ka ng determinasyon at kapasiyahang iyon, ng ambisyon at pagnanais na iyon, magagawa mo ang lahat ng ito. Ang mga tao ay hindi hamak; sila ay makapangyarihan. May kasabihan ang mga walang pananampalataya: “Ang iyong entablado ay kasinlaki ng iyong puso.” Gustung-gusto ng ilang tao ang kasabihang ito sa oras na marinig nila ito: “Wow, gusto ko ng sampung karat na brilyante, ibig sabihin ba nito ay makukuha ko ito? Gusto ko ng isang Mercedes Benz, ibig sabihin ba nito ay makukuha ko ito?” Tutugma ba ang makukuha mo sa lawak ng pagnanais ng puso mo? (Hindi.) Ang kasabihang ito ay isang panlilinlang. Sa madaling salita, ang pagmamataas ng mga taong naniniwala at kumikilala sa pariralang “Huwag sumuko” ay walang hangganan. Alin sa mga salita ng Diyos ang tuwirang sinasalungat ng paraan ng pag-iisip ng mga taong ito? Hinihingi ng Diyos na maunawaan ng mga tao ang kanilang sarili, at umasal sa praktikal na paraan. Ang mga tao ay may mga tiwaling disposisyon; sila ay may mga pagkukulang at isang disposisyong lumalaban sa Diyos. Walang mga perpektong tao sa lahat; walang taong perpekto; mga karaniwang tao lang sila. Paano hinimok ng Diyos ang mga tao na umasal? (Sa paraang mabuti ang pag-uugali.) Ang umasal nang may mabuting pag-uugali, at kumapit nang mahigpit sa kanilang lugar bilang mga nilikha sa isang praktikal na paraan. Hiningi ba kailanman ng Diyos sa mga tao na huwag sumuko? (Hindi.) Hindi. Kung gayon, ano ang sinasabi ng Diyos tungkol sa mga tao na sumusunod sa maling landas, o nagbubunyag ng tiwaling disposisyon? (Sinasabi Niya na kilalanin at tanggapin ito.) Kilalanin at tanggapin ito, pagkatapos ay unawain ito, magawang baguhin ang sarili nila, at kamtin ang pagsasagawa ng katotohanan. Sa kabaligtaran, ang hindi pagsuko ay kapag hindi nauunawaan ng mga tao ang kanilang sariling mga problema, hindi nauunawaan ang kanilang mga pagkakamali, hindi tinatanggap ang kanilang mga pagkakamali, hindi binabago ang kanilang sarili sa anu’t ano man, at hindi nagsisisi sa anu’t ano man, lalong hindi tinatanggap ang kataas-taasang kapangyarihan o mga pagsasaayos ng Diyos. Hindi lang sa hindi nila hinahanap kung ano ang eksaktong kapalaran ng mga tao, o kung ano ang mga pamamatnugot at pagsasaayos ng Diyos—hindi lang sa hindi nila hinahanap ang mga bagay na ito, kundi sa halip, inilalagay nila ang kapalaran nila sa sarili nilang mga kamay; gusto nilang sila ang may huling salita. Gayundin, hinihingi ng Diyos sa mga tao na unawain nila ang kanilang sarili, tumpak na suriin at bigyang-halaga ang kanilang sarili, at gawin ang anumang magagawa nila nang maayos sa paraang praktikal at nang may mabuting pag-uugali, at nang kanilang buong puso, isipan, at kaluluwa, samantalang ginagawa ni Satanas na lubusang gamitin ng mga tao ang kanilang mapagmataas na disposisyon, at bigyan ng lubos na kalayaan ang kanilang mapagmataas na disposisyon. Idinudulot nito sa mga taong maging higit sa karaniwang tao, maging dakila, at magkaroon pa nga ng mga higit sa karaniwang kapangyarihan—idinudulot nito sa mga tao na maging mga bagay na hindi maaaring maging sila. Samakatwid, ano ang pilosopiya ni Satanas? Ito ay na kahit na mali ka, hindi ka mali, at na hangga’t mayroon kang mentalidad ng hindi pagtanggap ng pagkatalo, at hangga’t mayroon kang isang mentalidad na huwag sumuko, hindi magtatagal ay darating ang araw na magiging pinakamahusay ka, at hindi magtatagal darating ang araw na matutupad ang iyong mga kagustuhan at layon. Kaya, mayroon bang diwa kung saan ang ibig sabihin ng hindi pagsuko ay gagamit ka ng anumang pamamaraan para maisakatuparan ang isang bagay? Para makamit ang mga layunin mo, hindi mo dapat kilalanin na may kakayahan kang mabigo, hindi mo dapat paniwalaan na isa kang karaniwang tao, at hindi mo dapat paniwalaan na may kakayahan kang sumunod sa maling landas. Dagdag pa rito, dapat walang prinsipyo mong gamitin ang bawat uri ng pamamaraan o lihim na pakana para maisakatuparan ang mga ambisyon at pagnanais mo. Mayroon bang anumang bagay tungkol sa hindi pagsuko kung saan hinaharap ng mga tao ang kapalaran nila nang may saloobin ng paghihintay at pagpapasakop? (Wala.) Wala. Iginigiit ng mga tao na ganap na ilagay ang kapalaran nila sa sarili nilang mga kamay; gusto nilang kontrolin ang sarili nilang kapalaran. Hindi mahalaga kung saang daan man sila pupunta, pagpapalain man sila o anong uri man ng pamumuhay ang tataglayin nila, dapat sila ang may huling salita sa lahat ng bagay. May kasabihan ang mga walang pananampalataya: “Ang pagkakataon ay dumarating sa mga taong handa.” Anong uri ng kasabihan ito? Maraming tao ang gumugugol ng maraming taon sa paghahanda, na ginugugol ang kanilang buong buhay sa paghahanda, pero namamatay nang hindi kailanman nakakakuha ng pagkakataon. Paano ba dumarating ang pagkakataon? (Mula sa Diyos.) Kung hindi maghahanda ng pagkakataon ang Diyos para sa iyo, may silbi ba ang anumang paghahanda sa panig mo? (Wala.) Kung hindi plano ng Diyos na bigyan ka ng pagkakataon at hindi ito nakatadhana, kahit gaano karaming taon pa man ang gugulin mo sa paghahanda, ano ang silbi nito? Kaaawaan ka ba ng Diyos at bibigyan ng pagkakataon dahil gumugol ka ng napakaraming taon sa paghahanda? Gagawin ba ito ng Diyos? (Hindi.) Darating ang isang pagkakataon kung inihanda ito ng Diyos para sa iyo, at kung hindi ito inihanda ng Diyos para sa iyo, hindi ka makakakuha ng pagkakataon. Mayroon bang anumang silbi ang hindi pagsuko? (Wala.) Sinasabi ng ilang tao, “Hindi ako sumusuko kailanman. Inilalagay ko ang kapalaran ko sa sarili kong mga kamay!” Mabagsik ang kanilang mga salita, pero hindi nakasalalay sa kanila kung makakamit nila ito o hindi. Halimbawa, mayroong isang babae na gustong magkaroon ng lalaking anak. Nagsilang siya ng maraming anak, pero lumabas na babae silang lahat. Sinasabi ng ibang mga tao sa kanya na huwag nang mag-anak pa at sinasabing hindi siya nakatadhana na magkaroon ng lalaking anak, pero hindi siya sumusuko, at sinasabi, “Hindi ako naniniwala. Hindi ako susuko!” Nang ang kanyang ikasampung anak ay babae rin, sumuko na siya sa wakas: “Mukhang hindi ako nakatadhana na magkaroon ng lalaking anak.” Hindi pa rin ba siya sumusuko? Mayroon pa rin ba siyang kumpiyansa? Naglalakas-loob pa rin ba siyang magkaroon ng marami pang anak? Hindi, hindi na siya naglalakas-loob. Kapag may ilang ibang taong nagnenegosyo, pinaplano niyang kumita ng limandaang libong dolyar sa loob ng dalawang taon. Sa simula, nang wala siyang kinikita sa unang kalahating taon, sinasabi niya, “Hindi bale. Hindi mahalaga ang hindi kumita ng pera sa unang kalahating taon. Sigurado akong kikita ako sa huling kalahati.” Pagkalipas ng mahigit isang taon at hindi siya kumita, hindi pa rin siya sumusuko: “Hindi ako susuko kailanman. Naniniwala ako na ang lahat ay nasa mga kamay ng tao—marami akong pagkakataon!” Nang dalawang taon na ang lumipas, hindi siya kumita ng limampung libo, lalong hindi ng limandaang libo. Sa palagay niya ay wala siyang sapat na oras at wala siyang sapat na karanasan, kaya nagpatuloy siya at nag-aral nang dalawa pang taon. Pagkalipas ng apat na taon, hindi lang sa hindi siya kumita ng limandaang libong dolyar, kundi nawala halos lahat ng kanyang puhunan, pero hindi pa rin siya sumusuko: “Nakatadhana ako na magkaroon ng pera. Paanong hindi ko kayang kumita ng limandaang libong dolyar?” Kapag halos sampung taon na ang lumipas, magkakaroon pa rin kaya siya nitong layon na kumita ng limandaang libong dolyar? Kung tatanungin mo siya ulit kung magkano ang balak niyang kitain ngayong taon, sasabihin niya, “Ah, sapat na kung kaya kong mabuhay sa pamamagitan nito.” Hindi pa ba siya sumusuko? Nabigo siya, tama? Paano siya nabigo? Nabigo ba siya dahil masyadong mataas ang kanyang target na kita? Ito ba ay tungkol doon? Hindi. Ito man ay mga ari-arian ng mga tao, mga anak, ang paghihirap na kanilang dinaranas sa kanilang buhay, o kailan at saan sila pupunta, hindi nila mapagpapasiyahan ang alinman dito. Gustong pasukin ng ilang tao ang pampublikong pangangasiwa, pero hindi sila kailanman nakakakuha ng pagkakataon—ang kawalan ba ng kakayahan ang dapat sisihin dito? May kakayahan sila, tuso, at alam kung paano bolahin ang mga tao, kaya bakit napakahirap para sa kanila na maging mga pampublikong opisyal? Maraming tao na hindi kasing-husay nila na mga naging opisyal, at maraming tao na minamaliit nila na naging mga opisyal. Ang mga taong ito ay magaling sa pagsasalita, mayroon silang tunay na talento, at matatag na edukasyon na kanilang nakamit, kaya kung gusto nilang maging mga pampublikong opisyal, bakit napakahirap nito? Noong bata pa sila, hindi sila kailanman sumuko, pero noong tumanda na sila at mga karaniwang kawani pa rin lang, sumuko na sila sa wakas, at sinabi, “Ang kapalaran ng tao ay itinakda ng Langit. Kung ito ay itinadhana, ito ay darating. Kung hindi, hindi ito makakamit sa pagsisikap.” Isinuko na nila ang kanilang sarili sa kanilang tadhana, hindi ba? Anong nangyari sa kanilang huwag-sumuko na mentalidad? Napapahiya ang mga tao sa harap ng mga katunayan.
Ano ang naidudulot sa mga tao ng isang huwag-sumuko na mentalidad? Pinapataba nito ang kanilang mga pagnanais at ambisyon. Ang idinudulot nito sa mga tao ay hindi positibong impluwensiya o patnubay; sa halip, nagdudulot ito ng isang uri ng negatibong, salungat na impluwensiya sa kanila. Ang mga tao mismo ay walang alam sa kanilang posisyon sa sansinukob, walang alam sa tadhanang pinlano ng Langit para sa kanila, at walang alam sa kataas-taasang kapangyarihan o mga pagsasaayos ng Diyos. Higit pa riyan, nakuha nila itong tinatawag na mental na saklay. Ano sa huli ang nangyayari kapag ang mga tao ay nasa isang sitwasyon kung saan nagagawa lang nilang mailihis? Gumagawa sila ng maraming gawain para sa wala, at gumagawa ng maraming walang silbing gawain. Para makamit ang kanilang mga layon, ang isang bagay ay na ang katawan at isipan ng mga tao ay nagtamo ng hindi maliit na kawalan at trauma, at tiyak na marami rin silang ginawang labis na kasamaan para maisakatuparan ang kanilang mga pagnanais, ambisyon at layon. Ano ang kahihinatnan ng kasamaang ito sa mga tao sa kanilang susunod na buhay? Magdadala lang ito ng kaparusahan. Ang idinudulot ng isang tiwaling disposisyon sa mga tao ay ambisyon at pagnanais. Sa mga bagay na idinudulot ng mga ambisyon at pagnanais ng mga tao na gawin nila, lehitimo ba ang alinman sa mga ito? Naaayon ba sa katotohanan ang alinman sa mga bagay na ito? (Hindi.) Ano ang mga bagay na ito? Mga gawa lang ito ng kasamaan. Ano ang sinasaklaw ng kasamaang ito? Ang pagiging tuso sa iba, pandaraya sa iba, pamiminsala sa iba, at panlilinlang sa iba. Nauuwi ang mga tao sa pagkakaroon ng malaking pagkakautang sa iba, at maaaring muling isilang bilang isang hayop sa susunod nilang buhay. Kung sino man ang pinakalabis nilang pinagkakautangan, kung sino man ang pinakalabis nilang nilinlang, at kung sino man ang pinakalabis nilang dinaya, sa pamamahay nito sila maninirahan bilang isang hayop, hindi makapagsalita at inuutus-utusan ng mga tao. Kahit na muli silang isilang bilang isang tao, dadanas sila ng isang buhay ng walang katapusang paghihirap; dapat nilang pagbayaran ang kanilang ginawa. Ito ang magiging negatibong kahihinatnan. Kung hindi sila ginabayan ng kasabihang “Huwag sumuko,” hindi mapapataba ang kanilang mga ambisyon at pagnanais, at kung hindi natupad ang kanilang mga ambisyon at pagnanais sa loob ng dalawa o tatlong taon, malamang na talikuran sila ng mga tao, pero sa oras na mang-udyok si Satanas, lolobo nang lolobo ang kanilang mga pagnanais. Hindi problema ang mismong paglobong ito, pero idinudulot nito sa kanila na tumapak sa buktot na landas. Kapag nasa buktot na landas ang isang tao, kaya ba niyang gumawa ng mga mabuting bagay? Kaya ba niyang gumawa ng mga makataong bagay? Hindi, hindi niya kaya. Gagamit siya ng anumang pamamaraan para maisakatuparan ang kanyang mga hangarin at layon, manunumpang hindi siya magpapahinga hangga’t hindi naisasakatuparan ang kanyang mga layon, at kaya niyang gumawa ng anumang uri ng masamang bagay. Tingnan mo lang, may mga kaso ba kung saan pinapatay ng mga anak ang kanilang mga magulang para makuha ang kanilang mga ari-arian? (Oo.) Masyadong maraming pagkakataon kung saan pumapatay ang mga tao ng kanilang mga kaibigan at minamahal sa buhay gamit ang kanilang sariling mga kamay alang-alang sa kanilang pansariling interes. Kapag nakatagpo ang dalawang tao ng parehas na kapaki-pakinabang na pagkakataon at dapat silang maglaban para dito, gumagamit sila ng anumang pamamaraan na kaya nila para makuha ito. Ano ang kanilang mga paniniwala sa pinakamahalagang sandali? “Hindi ako susuko. Talagang hindi ako puwedeng mabigo sa pagkakataong ito. Kung palalampasin ko ang pagkakataong ito, baka hindi na ako makatagpong muli ng ganitong magandang pagkakataon sa buong buhay ko. Kaya, dapat manalo ako sa pagkakataong ito. Talagang dapat makuha ko ang pagkakataong ito. Hindi importante kung sino man ang humadlang sa aking landas, papatayin ko sila nang walang itinatangi!” Ano ang mangyayari sa huli? Papatayin nila ang ibang tao. Maaaring nakamit at natugunan nila ang kanilang layon at pagnanais, pero nakagawa rin sila ng kasamaan, at nagdulot ito ng kapahamakan. Maaaring hindi mapanatag ang kanilang puso sa buong buhay nila, maaaring makaramdam ito ng pag-akusa, o maaaring ganap itong walang kamalayan. Gayumpaman, ang katunayang hindi nila ito lubos na naiintindihan ay hindi nangangahulugang hindi tinukoy ng Diyos ang bagay na ito. May paraan ang Diyos sa pangangasiwa nito. Maaaring naisakatuparan ng taong ito ang kanyang layon sa buhay na ito, maaaring napagtagumpayan niya ito, pero sa susunod na buhay ay dapat siyang magbayad ng matinding halaga para sa kanyang ginawa sa buhay na ito, na malamang na isang masamang gawa. Maaaring pagbayaran niya ito sa isang buhay, o dalawang buhay, tatlong buhay, o sa walang hanggan pa nga. Masyadong matindi ang halagang ito! Kaya paano nangyari ang kinahinatnang ito? Bunga ito ng iisang parirala, iisang pananampalataya. Gustong kunin ng taong ito ang pagkakataong iyon. Hindi siya tumatanggap ng pagkatalo, hindi siya sumusuko, at hindi niya hinahayaan ang kanyang sarili na mabigo. Gusto niyang samantalahin ang pagkakataon nang mahigpit. Kaya naman, nagbubunga ito ng kapahamakan. Matapos maganap ang kapahamakan, hindi magiging sapat ang isa o dalawang taon para magbayad at makabawi sa mga kinahinatnan. Hindi ba’t masyado itong malaking halaga? Ang buhay ng mga tao ay walumpu hanggang siyamnapung taong haba, at ang mga mas maigsi ay limampu hanggang animnapung taon. Nagkamit ka man ng mga personal na benepisyo, katayuan, pera, o mga iba pang materyal na bagay, matatamasa mo nang may kamalayan ang mga bagay na ito nang dalawampu o tatlumpung taon. Gayunman, sa dalawampu o tatlumpung taon na ito, maaaring magbayad ka ng halaga sa bawat isa sa iyong mga buhay, sa kabuuan ng walang hanggan. Hindi ba’t masyadong malaki ang halagang ito? (Oo.) Hindi nauunawaan ng mga taong hindi nananampalataya sa Diyos ang katotohanan, ni hindi nila alam na ang Diyos ang may kataas-taasang kapangyarihan sa lahat ng bagay na ito. Kaya may kakayahan silang gumawa ng mga bagay na kahangalan alang-alang sa kanilang makasariling pagnanais, isang panandaliang nakakabulag na pagnanais para sa pansariling interes, sa ilalim ng dominasyon ng ilang kuru-kuro o satanikong lohika, na nag-iiwan sa kanila ng walang hanggang pagsisisi. Ang “walang hanggan” ay hindi nangangahulugang dalawampu o tatlumpung taon sa buhay na ito, kundi sa halip ay na dapat silang magdusa sa bawat buhay kabilang na ito. Hindi mauunawaan ng mga taong hindi nananampalataya sa Diyos ang mga bagay na ito, at kung ang mga taong nananampalataya sa Diyos ay hindi nauunawaan ang katotohanan o hindi nila kilala ang Diyos, hindi rin nila mauunawaan ang mga bagay na ito. Hindi gumagawa ang ilang tao ng mga bagay na malinaw na masama. Kung titingnan mo sila mula sa panlabas, hindi sila pumapatay ng tao o nagniningas ng mga apoy, at hindi hayagang naglalagay ng mga bitag para sa ibang mga tao, pero marami silang lihim na taktika. Sa mga mata ng Diyos, pareho ang katangian ng kasamaang ito at ng malinaw na kasamaan. Ano ang ibig Kong sabihin sa pareho sila ng katangian? Ibig Kong sabihin na mula sa kinatatayuan ng Diyos, ang mga prinsipyong Kanyang ginagamit para kondenahin ang mga bagay gaya ng mga ito ay pareho. Gumagamit Siya ng parehong pamamaraan at parehong aytem ng katotohanan para kondenahin sila. Kinokondena ng Diyos ang lahat ng bagay na ito na ginawa ng mga taong iyon, anuman ang kanilang motibasyon para gawin ang mga iyon, at kung ginawa man nila ang mga iyon sa sambahayan ng Diyos o sa mundo. Kung nananampalataya ka sa Diyos pero ginagawa mo pa rin ang mga bagay na ito, magiging iba ba ang kalalabasan na ibibigay sa iyo ng Diyos sa huli kaysa roon sa mga walang pananampalataya? Sabihin mo sa Akin, magiging maluwag ba ang Diyos sa iyo at babaguhin ang Kanyang matuwid na disposisyon dahil sa katunayan na nanampalataya ka sa Kanya sa loob ng maraming taon at nagserbisyo para sa iglesia sa loob ng ilang taon? Posible ba ito sa tingin ninyo? Talagang hindi ito posible. Ano ang ibig Kong sabihin nito? Kung hindi mo nauunawaan ang katotohanan, ang ginagawa mong kasamaan ay kasamaan, at kapag nauunawaan mo ang katotohanan, ang ginagawa mong kasamaan ay kasamaan pa rin. Mula sa kinatatayuan ng Diyos, kasamaan ang lahat ng ito. Katumbas ng bawat isa ang dalawang uri ng kasamaan na ito. Walang pinagkaiba ang dalawa. Hangga’t hindi naaayon sa katotohanan ang isang bagay, ito ay kasamaan. Mula sa kinatatayuan ng Diyos, walang pinagkaiba sa katangian sa pagitan ng dalawa. Dahil pareho silang kasamaan, dapat pagbayaran ng mga tao ang kasamaang kanilang ginawa sa parehong kaso—dapat silang magbayad ng halaga. Ito ang matuwid na disposisyon ng Diyos. Pagdudahan mo man ito o paniwalaan ito, ito ang ginagawa ng Diyos, at ganito Niya tinutukoy ang mga bagay-bagay. Ano ang ibig Kong sabihin nito? Isang katunayan ang ibig Kong sabihin sa inyong lahat: Hindi mo dapat ipagpalagay, “Pinili ako ng Diyos, kaya kinalugdan Niya ako. Nauunawaan ko ang maraming katotohanan. Kung gagawa ako ng kaunting kasamaan hindi ito tutukuyin o kokondenahin ng Diyos. Maaari kong gawin kung ano ang gusto ko. Magagawa ko ang kasamaan sa aking kamay gamit ang pagdadahilan ng pagdanas ng paghihirap para sa pagsasagawa ng katotohanan. Kung gayon, hindi ito kokondenahin ng Diyos, hindi ba?” Mali ka. Pareho ang mga prinsipyo ng Diyos sa pagkondena ng kasamaan. Hindi mahalaga kung saang lugar ito nangyayari, o sa aling grupo ng mga tao ito umiiral. Hindi pinag-iba ng Diyos ang iba’t ibang lahi, ni hindi sa pagitan ng mga taong Kanyang pinili at ng mga hindi Niya pinili. Sila man ay walang pananampalataya o mananampalataya, iisa ang pagtingin sa kanila ng Diyos. Nauunawaan ninyo? (Oo, nauunawaan namin.)
Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.