Christian Dance | "Handa Akong Mahalin ang Diyos Nang Mas Malalim" | Praise Song

Nobyembre 4, 2024

I

Mahal ko ang Diyos mula sa kaibuturan ng aking puso,

at hindi na ako muling lalayo sa Kanya kailanman.

Pinalambot ng pagmamahal ng Diyos ang aking puso,

nauunawaan ko ang mabubuti Niyang layunin.

Nauunawaan ko ang puso ng Diyos at ang Kanyang pagmamahal,

alam kong malalim at matatag ang pagmamahal ng Diyos.

Simula ngayon hindi na ako kailanman magkakamali ng pagkaunawa sa Diyos,

at iaalay ko ang tunay kong pagmamahal sa Kanya.

II

Mahal ko ang Diyos mula sa kaibuturan ng aking puso,

at hindi na ako muling lalayo sa Kanya kailanman.

Pinagsisisihan kong limitado ang aking tunay na pagmamahal,

samantalang napakatunay ng pagmamahal ng Diyos.

Para iligtas ang mga tao, pumarito Siya sa maruming lupaing ito

at binibigay Niya sa tao ang daan ng buhay na walang hanggan.

Inilalaan Niya ang sarili Niya para sa sangkatauhan;

ngayon alam ko nang ang pagmamahal ng Diyos ang pinakamahalaga at pinakadakila.

III

Mahal ko ang Diyos mula sa kaibuturan ng aking puso,

at hindi na ako muling lalayo sa Kanya kailanman.

Walang halaga ang mga paghihirap at pagpipino, nakahanda akong magtiis ng higit pa.

Ang pagmamahal sa Diyos ay hindi nakabatay sa mga pagpapala.

Kung walang pagdurusa, paanong magkakaroon ng tunay na pagmamahal?

Ang pagmamahal ng Diyos ay napakatunay at napakatotoo;

kahit na magdusa ako at isakripisyo ko ang lahat, hindi ako karapat-dapat dito.

IV

Mahal ko ang Diyos mula sa kaibuturan ng aking puso,

at hindi na ako muling lalayo sa Kanya kailanman.

Ngayong nakamit ko na Siya, hindi ko Siya dapat mawala,

dahil natatakot akong hindi ko na Siya muling mahahanap.

Hindi ko kailanman malilimutan ang kabaitan ng Diyos, ang Kanyang pagmamahal,

o ang Kanyang mga atas at pagsasaayos.

Labis akong itinataas ng Diyos;

kahit pa dapat akong mamatay, susuklian ko ang pagmamahal Niya.

mula sa Sundan ang Kordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin

Tingnan ang iba pa

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Leave a Reply

I-share

Kanselahin