Tagalog Testimony Video | "Ang Ibinubunga ng Pag-idolo sa Tao"
Hunyo 6, 2022
Pagkatapos na pagkatapos tanggapin ang posisyon bilang isang lider ng iglesia, napansin ng pangunahing tauhan na ang kanyang partner na si Wang ay may kakayahan at magagandang kasanayan sa trabaho, at bago pa niya nalaman, nagsimula na siyang idolohin ito at gayahin ang estilo nito sa pagtatrabaho. Pero lumabas na hindi lang siya nabigong makakuha ng mga resulta, kundi sa huli’y naipadama pa niya sa ibang mga kapatid na napipigilan sila. Sa puntong ito, nagsimula siyang magnilay-nilay tungkol sa kanyang sarili at nagtamo ng kaunting pagkakilala kay Wang. Ano ang napagtanto niya tungkol kay Wang sa tulong ng mga salita ng Diyos? Ano ang natutuhan niya tungkol sa pagiging isang taong may pananampalataya subalit sumasamba sa ibang tao?
Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.
Iba pang mga Uri ng Video