Tagalog Christian Song With Lyrics | "Nadala Kami sa Harap ng Luklukan"

Abril 29, 2022

I

Nadala kami sa harap ng trono ng Diyos,

dahil sa biyaya at awa ng Diyos.

Nagkaroon ng pag-ibig sa Diyos ang mga banal at

'di kailanman nag-alangan sa espirituwal na landas nila.

Matatag silang naniniwalang ang iisang tunay na Diyos ay nagkatawang-tao,

Siya ang Pinuno ng sansinukob.

Pinagtibay ng Espiritu, katibayang tiyak.

'Di ito magbabago kailanman!

Makapangyarihang Diyos! Ngayon, binuksan Mo'ng aming mga mata.

Nakakakita'ng bulag, nakalalakad ang pilay,

mapapagaling ang may ketong.

Binuksan Mo'ng bintana ng langit para sa'min

para makita'ng sikreto ng mundong espirituwal.

Salita Mo'y tumatagos sa amin;

niligtas Mo kami mula sa'ming pagkatiwali mula kay Satanas.

Ito'y dakilang gawain Mo't awa. Kami'y Iyong saksi!

II

Ika'y matagal nang nananatiling mapagpakumbaba't tago sa katahimikan.

Ika'y nabuhay na mag-uli at nagdusa sa krus.

Dinanas Mo'ng kagalaka't pighati ng buhay ng tao,

matinding paghihirap at pag-uusig.

Dinanas Mo'ng pasakit ng mundo ng tao,

tinalikdan ng kapanahunan; nagkatawang-taong Diyos ay Diyos Mismo!

Niligtas Mo kami mula sa dumi,

para sa kalooban ng Diyos,

inalalayan kami sa Iyong kanang kamay, biyaya'y malayang binibigay.

Sinikap Mong hubugin ang buhay Mo sa amin,

at ang dugo, luha't pawis Mo'y nasa mga banal.

Produkto kami ng Iyong walang-hanggang pagsisikap.

Kami ang halagang binabayaran Mo.

Makapangyarihang Diyos! Dahil sa Iyong awa't pag-ibig,

pagkamatuwid, pagkamaharlika, kabanala't pagpapakumbaba,

lahat yuyuko sa harap Mo't

sasamba sa Iyo magpakailanman!

III

Nagawa Mong ganap lahat ng iglesia, iglesia ng Philadelphia.

Anim na libong taong plano Mo'y naisakatuparan.

Mga banal ay mapagpakumbabang sumusunod sa harap Mo,

nakaugnay sa espiritu't sa bawat isa sa pag-ibig,

nakaugnay sa pinagmulan, ang bukal ng buhay.

Tubig ng buhay ay walang-hanggan sa pagdaloy,

nililinis at hinuhugasan ang duming dumurungis sa iglesia,

muling nililinis ang Iyong templo.

Hinahayaan ang Diyos maghari sa'ting espiritu,

lumalakad kasama Siya, may kalayaan,

mundo'y dinaraig, espiritu'y malayang lumilipad.

Ito'ng resulta ng pagka-Hari ng Makapangyarihang Diyos.

Kaya, makipagtulungan kayo sa Diyos, maglingkod nang magkakatugma,

at maging isang tutupad sa kalooban Niya.

Magmadaling maging banal na katawang espirituwal,

tapakan si Satanas, ang kapalaran nito'y wakasan! Wakasan!

mula sa Sundan ang Cordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin

Tingnan ang iba pa

Ngayon nagsimula na ang malalaking sakuna. Paano natin masasalubong ang pagbabalik ng Panginoon at magkaroon ng pagkakataong matamo ang proteksyon ng Diyos? Makipag-ugnayan sa amin ngayon upang mahanap ang paraan.

I-share

Kanselahin

Kontakin Kami Gamit ang Messenger