Christian Dance | "Labis Tayong Pinagpala sa Pagsunod kay Cristo ng mga Huling Araw" | Praise Song
Nobyembre 4, 2024
I
Sumusunod tayo kay Cristo ng mga huling araw, ang Makapangyarihang Diyos.
Kumakain at umiinom at nagtatamasa tayo ng Kanyang salita araw-araw.
Nakakamit natin ang pagdidilig ng buhay na tubig
at dumadalo tayo sa piging ng kaharian ng langit.
Namumuhay tayo ng bagong buhay sa kaharian.
Ang mga salita ng Diyos ay katotohanan lahat,
at habang mas lalo tayong nagbabasa, mas lalong nagliliwanag ang ating mga puso.
Malinaw nating nakikita ang kadiliman at kasamaan ng mundong ito,
at nauunawaan natin ang halaga at kahulugan ng buhay.
Tinatalikuran natin ang lahat upang tuparin ang ating tungkulin
at tinatahak natin ang maliwanag na landas ng buhay.
Iwinawaksi natin ang ating hungkag at masakit na buhay,
at namumuhay tayo sa harap ng Diyos nang malaya.
Kumakanta tayo ng bagong awit at sumasayaw ng bagong sayaw,
nagpapasalamat at nagpupuri tayo sa Diyos.
Dinidiligan at pinapakain tayo ng mga salita ng Diyos,
at unti-unting lumalago ang ating buhay.
Kumakanta tayo ng bagong awit sumasayaw ng bagong sayaw,
nagpapasalamat tayo sa Diyos sa pagkakaloob sa atin ng katotohanan at buhay.
Maayos nating gagampanan ang ating mga tungkulin
at mananatili tayong tapat hanggang sa huli;
isasabuhay natin ang katotohanang realidad at tutugunan ang mga layunin ng Diyos.
II
Labis tayong pinagpala sa pagsunod kay Cristo ng mga huling araw.
Hinahatulan, nililinis at binabago tayo ng Kanyang salita,
inililigtas tayo mula sa madilim na impluwensiya ni Satanas.
Namumuhay tayo sa liwanag, harap-harapan sa Diyos.
Ginagabayan tayo ng mga salita ng Diyos sa mga pagsubok,
at naninindigan tayo sa ating patotoo habang nauunawaan natin ang puso ng Diyos.
Pineperpekto ang ating pananampalataya at pagmamahal
sa pamamagitan ng mga pang-uusig, pagsubok, at kapighatian.
Sa ating mga karanasan, nakikita natin ang pagiging kaibig-ibig ng Diyos
at napupuno tayo ng takot at paghanga sa Kanya.
Hinahayaan nating ang Diyos ang mamatnugot sa atin
at hindi tayo gumagawa ng personal na pagpili;
mananatili tayong tapat hanggang kamatayan at susunod tayo sa Kanya hanggang sa wakas.
Kumakanta tayo ng bagong awit at sumasayaw ng bagong sayaw,
nagpapasalamat at nagpupuri tayo sa Diyos.
Ganap na biyaya at pagpapala ng Diyos na tayo ay nalinis at nailigtas ng Diyos.
Kumakanta tayo ng bagong awit at sumasayaw ng bagong sayaw;
marami tayong natatamo sa pagsunod sa Makapangyarihang Diyos.
Inihahandog natin ang ating buong pagkatao at ginugugol natin ang ating sarili para sa Diyos.
Mamahalin natin ang Diyos at magpapasakop tayo sa Kanya magpasawalang hanggan.
mula sa Sundan ang Kordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin
Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.
Iba pang mga Uri ng Video