Kasaysayan ng Pagpapahirap sa Relihiyon sa Tsina | "Kaligtasan Mula sa Panganib"
Mayo 8, 2018
Simula nang magkaroon ng kapangyarihan sa Mainland China noong 1949, hindi na tumigil ang Chinese Communist Party (CCP) sa pang-uusig sa relihiyosong pananampalataya. Galit na galit nitong pinag-aaresto at pinagpapatay ang mga Kristiyano, pinaalis at inabuso ang mga misyonerong nangangaral sa China, kinumpiska at sinunog ang napakaraming kopya ng Biblia, ikinandado at giniba ang mga gusali ng iglesia, at walang saysay na tinangkang wasakin ang lahat ng bahay-sambahan.
Ang dokumentaryong ito ay muling pagsasalaysay ng tunay na karanasan sa pagpapahirap ng Chinese Communist Party kay Chen Wenzhong, isang Kristiyanong Chinese. Si Chen Wenzhong ay matagumpay sa kanyang propesyon at may maganda at masayang pamilya, pero dahil nanalig siya sa Diyos at ginampanan niya ang kanyang tungkulin, naging wanted siya sa CCP. Napilitan siyang lisanin ang kanyang pamilya at mahigit sampung taon nang umiiwas na mahuli. Para malaman ang kanyang kinaroroonan, patuloy na sinubaybayan, binantaan, at tinakot ng mga pulis ng CCP ang kanyang pamilya, at ni hindi pinatawad ang kanyang batang anak na si Xiaoyu. Sa huli, pinilit nilang magtapat si Xiaoyu hanggang sa magpakamatay ito …
Ang ilang materyal sa video na ito ay galing sa:
水墨素材来源:Wow!視覺特效 Show 一手!影片素材上傳區!
Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.
Iba pang mga Uri ng Video