Christian Dance | "Para Makamit ang Katotohanan, Sumusunod Tayo kay Cristo" | Praise Song

Mayo 19, 2025

I

Ang Anak ng tao ay ang Diyos na nagkatawang-tao,

nagpapahayag Siya ng mga katotohanan at gumagawa para iligtas ang sangkatauhan.

Ang mga nauuhaw para sa katotohanan ay naririnig ang tinig ng Diyos

at dinadala sa harap ng Kanyang trono.

Tinatamasa nila ang salita ng Diyos at humaharap sa Kanya;

tunay ngang matamis na maunawaan ang katotohanan.

Ang hinirang na mga tao ng Diyos ay dumadalo sa piging ng kaharian ng langit,

at sa pamumuhay nila sa harapan ng Diyos, ang kagalakan nila ay walang kapantay.

Ngayon ay mapalad tayong sumunod kay Cristo ng mga huling araw;

tunay na pinagpala tayo!

Iniaalay natin ang tapat nating puso at iginugugol ang lahat ng mayroon tayo,

isinasakripisyo ang lahat para mapalugod ang Diyos.

Para hangarin na mahalin ang Diyos, kailangan nating isagawa ang katotohanan,

gampanan ang ating mga tungkulin nang maayos,

at maging mapagsaalang-alang sa puso ng Diyos.

Kailangan nating pasukin ang mga katotohanang realidad

at isabuhay ang wangis ng tao,

sa gayon ay nakakamit ang pagmamahal at mga pagpapala ng Diyos.

II

Ang Makapangyarihang Diyos ay nagpapahayag ng napakaraming katotohanan

at nagkakaloob Siya sa tao ng daan sa walang hanggang buhay.

Ang bawat salita Niya ay ang katotohanan at buhay,

isang mahalagang kasabihan sa buhay.

Sa pagbabasa ng salita ng Diyos, nauunawaan natin ang mga hiwaga ng buhay

at nakikilatis ang pinagmulan ng kadiliman ng mundong ito.

Sa pagdanas ng mga pagsubok at kapighatian, tumitibay ang ating pananalig;

determinado tayong sumunod kay Cristo at makamit ang katotohanan.

Tanging ang salita ng Diyos ang makapagpapadalisay at makapagliligtas sa tao,

at sa pamamagitan ng paghatol, tayo ay nadadalisay.

Nauunawaan natin ang katotohanan at nakikita ang pagiging kaibig-ibig ng Diyos,

at hinahangad nating mahalin ang Diyos at tahakin ang landas ng liwanag.

Igugugol natin ang buong buhay natin para sa Diyos

at mananatiling tapat sa Kanya hanggang kamatayan,

magiging kaisa Niya sa puso, at magiging Kanyang katapatang-loob.

Gusto nating makamit ang katotohanan at buhay, at maperpekto ng Diyos;

habambuhay nating mamahalin ang Diyos at habambuhay tayong magpapatotoo sa Kanya.

mula sa Sundan ang Kordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin

Tingnan ang iba pa

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

I-share

Kanselahin