Tagalog Christian Song | "Ang Sangkatauhan na Gustong Iligtas ng Diyos ang Pinakapangunahin sa Kanyang Puso"

Setyembre 1, 2026

I

Itinuturing ng Diyos ang pagkakataong ito ng Kanyang pamamahala sa sangkatauhan, ng Kanyang pagliligtas sa sangkatauhan, bilang higit na mahalaga kaysa sa anupaman. Ginagawa Niya ang mga bagay na ito hindi lang gamit ang Kanyang mga kaisipan, at hindi lang gamit ang Kanyang mga salita, at lalo pang hindi Niya ginagawa ang mga ito sa kaswal na paraan—ginagawa Niya ang lahat ng bagay na ito nang may mga layunin Niya, habang may plano, may layon, at mga pamantayan. Makikita na nagtataglay ng malaking kabuluhan kapwa sa Diyos at sa tao ang pagkakataong ito ng gawain ng Diyos na iligtas ang sangkatauhan. Kahit na gaano kahirap ang gawain, gaano man kalaki ang mga hadlang dito, gaano man kahina ang mga tao, o gaano man kalalim ang paghihimagsik ng sangkatauhan, wala sa mga ito ang mahirap para sa Diyos.

II

Pinananatiling abala ng Diyos ang sarili Niya, ginugugol Niya ang dugo ng Kanyang puso, at pinamamahalaan ang gawain na gusto Niyang isakatuparan. Isinasaayos din Niya ang lahat, at Siya ang may kataas-taasang kapangyarihan sa lahat ng tao na gusto Niyang gawaan at sa lahat ng gawaing nais Niyang gawin—lahat ng ito ay hindi pa nangyari kailanman. Ito ang unang pagkakataon na ginamit ng Diyos ang mga pamamaraang ito at nagbayad Siya ng gayon kalaking halaga para isakatuparan ang malawakang gawain ng pamamahala at pagliligtas sa sangkatauhan.

III

Habang isinasakatuparan ng Diyos ang lahat ng gawaing ito, unti-unti Niyang ipinahahayag at inilalabas sa sangkatauhan, nang walang anumang pasubali, ang dugo ng Kanyang puso, kung ano ang mga tinataglay Niya at kung ano Siya, ang Kanyang karunungan at pagkamakapangyarihan-sa-lahat, at ang bawat aspekto ng Kanyang disposisyon, at hindi pa nangyari kailanman ang pagpapahayag at paglalabas Niya ng mga bagay na ito sa mga pamamaraang ito. Kaya, sa buong sansinukob, maliban sa mga taong nilalayon ng Diyos na pamahalaan at iligtas, kahit kailan ay hindi pa nagkaroon ng ibang mga nilalang na napakalapit sa Diyos o nagkaroon ng gayon katalik na ugnayan sa Kanya. Sa Kanyang puso, ang sangkatauhang gusto Niyang pamahalaan at iligtas ang pinakapangunahin, at pinahahalagahan Niya ang sangkatauhang ito nang higit sa lahat.

IV

Kahit na nagbayad na Siya ng napakalaking halaga para sa kanila, at kahit na patuloy Siyang sinasaktan at pinaghihimagsikan nila, wala Siyang mga reklamo o pagsisisi, hindi pa rin Niya sila iniiwan o inaabandona, at patuloy Niyang ginagawa ang gawain Niya nang walang tigil. Ito ay dahil nalalaman Niya na sa malao’t madali, darating ang araw na ang mga tao ay magigising sa pagtawag ng Kanyang mga salita, maaantig ng Kanyang mga salita, makikilala na Siya ang Lumikha, at pagkatapos ay magbabalik sa Kanyang piling …

mula sa Ang Salita, Vol. II. Ukol sa Pagkakilala sa Diyos. Ang Gawain ng Diyos, ang Disposisyon ng Diyos, at ang Diyos Mismo III

Tingnan ang iba pa

Leave a Reply

I-share

Kanselahin