Tagalog Testimony Video | "Pagtatanggal ng Maskara"

Oktubre 27, 2021

Isang lider ng iglesia ang bida na marunong ding magsalita ng French. Lahat ng mga katrabaho niyang kapatid ay gustong-gustong pumupunta sa kanya para magpatulong sa pagsasalin, habang 'yong mga nakakaharap ng mga problema ay pumupunta rin sa kanya para magpapayo—ang mga bagay na ito ay lubos na nagpapalugod sa kanyang kayabangan. Para mapanatili ang magandang impresyon na iyon sa isipan ng mga kapatid at matiyak na iniisip ng lahat na isa siyang magaling na lider na nauunawaan ang katotohanan at may realidad, nagsimula siyang palaging magpanggap. Minsan, kapag nagtatanong ang isang brother o sister na malinaw na hindi niya alam kung paano sasagutin, nagpapanggap siyang alam niya ito at bumubulalas ng ilang hungkag na salita at doktrina para tantanan siya ng mga ito. Kapag nagbabahagi sa mga pagtitipon, sinasadya niyang iwasang banggitin ang kanyang mga kahinaan at katiwalian, humahantong sa mga bagong kapatid na tingalain at sambahin pa siya. Dinadala niya ang mga tao sa kanyang harapan at gumagawa ng landas ng paglaban sa Diyos. Paano siya nagsisi matapos makita ang paghatol at pagbubunyag ng Diyos sa Kanyang mga salita? Ano ang kanyang natutunan at nakamit? Alamin dito kung paano niya tinanggal ang kanyang maskara.

Tingnan ang iba pa

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

I-share

Kanselahin