Tagalog Testimony Video | "Manatiling Tapat sa Katotohanan, Hindi sa Damdamin"
Hulyo 18, 2022
Bagamat ang kanyang nakababatang kapatid ay naging mananampalataya na sa loob ng ilang taon, hindi ito nagbabasa ng mga salita ng Diyos o dumadalo sa mga pagtitipon, at nagsasalita ito at kumikilos na para bang isang hindi nananalig—hindi rin talaga nito tinatanggap ang katotohanan. Batay sa mga prinsipyo, nakikita niyang ang kapatid niya ay isang walang pananalig at dapat maalis mula sa iglesia, pero nang lapitan siya ng iglesia para malaman ang iba pa tungkol dito, gusto niyang protektahan at pagtakpan ito dahil sa nadarama niya. Hindi siya handang ilantad ito nang tumpak. Pagkatapos, sa pamamagitan ng pagbabasa ng mga salita ng Diyos, natanto niya ang diwa at mga kahihinatnan ng pagkilos ayon sa damdamin—inilantad niya ang pag-uugali ng kanyang kapatid at isinagawa ang katotohanan. Makaraan ang ilang taon, ang kanyang ina ay ilalagay naman sa Group B dahil malamang na gambalain nito ang buhay-iglesia at tumatanggi itong tanggapin ang katotohanan, at muli siyang nahirapan sa kanyang mga damdamin, hindi niya nais na ibunyag ang pag-uugali ng kanyang ina. Paano niya isinagawa ang katotohanan sa huli at itinaguyod ang gawain ng iglesia, sa halip na kumilos ayon sa emosyon? Mangyaring panoorin ang video na ito.
Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.
Iba pang mga Uri ng Video